webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · 一般的
レビュー数が足りません
32 Chs

Chapter 23

C H A P T E R T W E N T Y T H R E E

~ * * ~

"Hindi naman sa ganun," agad na depensa ko. "Humahanap lang ng tamang tiyempo. Naiintindihan mo naman siguro ang sitwasyon natin diba?"

He looked at me then smiled though it didn't reach his eyes. Tumango tango siya.

Pagkatapos nun, naging tahimik kaming pareho habang naglalakad sa buhangin. It's as if may aura-ng bumabalot sa aming dalawa, nag-iisip kung paano malulusutan ang problema.

Tumigil si Lian sa paglalakad kaya napatigil din ako at tiningnan siya. Humarap siya sa may dagat at tumitig sa bilog na bilog na buwan. Kinabahan ako nung nagsimula siyang maglakad. Para kasi siyang wala sa sarili na naglalakad papunta sa dagat. Sumunod ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay para madali ko siyang mapipigilan kung sakali ngang nahihibang na sa siya.

Hanggang sa naramdaman na ng paa ko ang malamig na tubig. Patuloy pa rin si Lian sa paglalakad. Humigpit ang hawak ko sa kanya. Ang lakas na talaga ng tibok ng puso ko sa kaba. Tinawag ko ang pangalan niya na halos pabulong ngunit hindi niya ako pinansin. Tulala pa rin siyang nakatitig sa buwan.

Jusko, ni-hypnotise ba siya ng buwan kaya siya nagkakaganyan?

"Lian, tama na." Pinigilan ko na siya. Tumigil naman siya sa paglalakad. Still, nakatulala pa rin.

Abot hanggang tuhod na namin ang tubig. Lalo tuloy akong nilalamig. Brr...

Ginalaw ni Lian ang braso niya kaya binitawan ko siya. Ayun pala ay para ilagay ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng bibig niya at sumigaw.

"MAHAL NA MAHAL KO SI XIANA! AT ANG SWERTE SWERTE KONG AKO ANG BOYFRIEND NIYA! MAHAL NA MAHAL KO SI XIANA! AKIN LANG SIYA!"

Para akong maiiyak habang pinagsisigawan niya iyon. Sobra akong na-touch. At nakonsensya. Kita ko sa mga mata niya na nahihirapan siyang tinatago namin ang relasyon namin. Ako rin naman nahihirapan. Ngunit mas mahihirapan akong makita kung sakaling hindi matuwa ang mga boss namin... na posibleng mangyari.

Matapos sumigaw ng paulit ulit ni Lian, tumingin siya sa akin na medyo hinihingal pa.

"I wanted to broadcast it all over the world, Xiana. That I'm inlove with you and you're inlove with me. I badly wanted to tell everyone that you are mine."

Tuluyan na akong naiyak kaya niyakap ko siya.

"Wag ka ngang umiyak. Ang pangit pangit mong umiyak eh."

Lumayo ako dahil sa sinabi niya. Sinuntok ko siya sa braso.

"Ikaw kasi eh!"

"Anong ako?"

"Akala ko nahihibang ka na at magpapakalunod dito sa dagat!" segway ko.

"Sama ka rin naman."

"Eh syempre!" ang tanging nasabi ko.

"Tsaka bakit mo naman naisip na magpapakalunod ako? Hindi pa nga kita napapakasalan."

"Lian, sorry ah."

"Don't be. Naiintindihan ko naman ang reason mo. Ako nga ang dapat mag-sorry kasi ang kulit kulit ko. Di ako mapakali sa relasyon nating patago."

Umiling ako para ipahiwatig sakanya na walang dahilan para mag-sorry siya. I cupped his face with my hands the kissed him.

"Thank you," he murmured with a smile. "Kaso ang lamig ng kamay mo."

"Ah, malamig?" Binitiwan ko ang mukha niya. Yumuko ako at sinawsaw ang mga kamay ko sa dagat tapos dinikit ko ang palad ko sa pisngi niya.

Naipaling niya ang mukha niya dahil sa ginawa ko.

"Malamig!" reklamo niya.

"Alam ko. Kahit nga ako nilamig eh." Tapos tumawa ako. Natigilan lang ako nang talsikan niya ako ng tubig. Syempre gumanti ako.

Naglaro na kami na parang mga bata at parang hindi malamig. But why mind the coldness of the water kung ang saya namin pareho?

Sa kakatawa napaupo ako. Lalo akong gininaw!

Umupo rin si Lian tapos niyakap ako. Kahit papaano nakalimutan kong nilalamig ako. Lalo na nung hinalikan niya ako. We kissed under the moonlight.