webnovel

CHAPTER 4

Tangerine's POV

Conditions:

*No kiss, hug,holding hands, and any other things that the normal couple do.

*No personal questions allowed.

*Effective only during February 14. No more no less.

Yun ang ilan lamang sa mga condition na sinulat at binigay ko sa kanya. Oh by the way, nasa isang fast food na kami ngayon. Since gutom na din ako kaya kumain na kami. Galing diba? Dinner date choss.

"Hmm...you want me to pretend as your boyfriend yet kahit holding hands man lang ay bawal? Do you think mapapaniwala mo sila?" He said habang nakapako ang mga mata niya sa papel na hawak niya kung saan nakasulat ang contract namin. Yeah, gumawa kami ng kasulatan at baka hindi ako siputin ng mokong na'to.

"Okay fine. Isang holding hands. I think it's enough already." Sabi ko naman at kumagat ng burger.

"Whatever you want. But since wala naman sa package ang hinihingi mo... I think 20,000 pesos is enough." Nabulunan ako ng di oras sa sinabi niya.

Agad naman niyang inabot sa akin ang isang baso ng tubig.

"TWENTY THOUSAND PESOS?" Pag ulit ko dun sa sinabi niya. Napalakas ata ang boses ko at napatingin sa amin ang mga tao sa paligid.

"Twenty thousand pesos?" Pabulong kong sabi ulit sa kanya which makes him chuckles.

"Tumigil ka nga...tinatanong kita." Bahagya ko siyang hinampas sa braso.

"Mahal kasi pag take home." Sabi pa nito sabay ngiti ng nakakaloko.

"Tsk! Take home ka jan! Ano ka? Pagkain?" Pilosopo ko namang sabi.

"Why won't you try me? Mas masarap ako sa pagkain." He said then gave me a wink.

"Tsk! Landi mo!" Pinanliitan ko siya ng mata. "Okay fine, forget about this. Nagbago na isip ko." Hays, it's my fault. Nagdagdag lang ata ako ng problema sa buhay ko.

"Oh really? Pano ba yan, nag-sign kapa naman na sa contract." Sabi nito tsaka pinakita sa akin yung papel na pinirmahan ko at may pag taas baba pa siya ng kilay niya. Hmp! Nakakainis talaga ang pagmumukha niya -.-

"So?" I muttered.

"So,  that's another thing. If you want to cancel this, then you have to pay my time, my effort to came here, my--"

"Hep!" Papigil ko sa kanya. "Hindi ka naman mabiro hehehe..." napangiting pilit nalang ako kesa ma-stress pa lalo.

"Good." He smiled widely. Well, ang ganda ng ngipin niya. Napansin ko lang, parang ang masahin niya at kanina pa siya ngiti ng ngiti.

"Uhm...wala nabang bawas yung price?" Mahinang sabi ko naman sa kanya but he chuckles again. Ano bang problema nito? Takas ata 'to sa mental hospital eh.

Nang tumigil na siya sa katatawa ay kinuha niyang ballpen sa table tsaka nagsimulang magsulat.

Pa-simple naman akong sumilip sa sinusulat niya. But since malabo nga ang aking mga mata kaya wala parin akong makita.

"Here." Pag-abot niya ng papel sa akin. Kinuha ko naman ito at binasa.

SPECIAL PACKAGE

* hugs

* kiss on the lips

* holding hands

* Selfies

*meet the parents

*date (anything and anywhere)

TOTAL PRICE: 10,000

Napataas ang isang kilay ko after kong basahin yung sinulat niya.

"I told you already na bawal mo nga akong yakapin at halikan." Mariin kong sabi.

"Optional naman yan. Kasama lang sa package. Baka mamaya kasi... manghingi ka ng halik sa akin eh." He said then smirked.

"Whoa!" I blurted tsaka ako napakapit sa kinauupuan ko.

"What are you doing?" Aba'y nagtaka pa siya ha?!

"Kumakapit. Baka mamaya kasi tangayin ako sa sobrang lakas ng hangin." Mariin kong sabi dahilan para matawa nanaman siya. Tsk! Basagin ko nalang kaya  ipin nito para hindi na siya makangiti?  -.-

"So deal?" He then again extended his arm.

Bahala na nga. Isipin ko nalang na after ng February 14 ay malaya na ako. Hindi na ako kukulitin ni mama at sa wakas matatahimik na din ang buhay ko sa loob ng bahay namin.

"Deal." I said tsaka muling nakipagkamay sa kanya pero agad ko ding binawi ang kamay ko at tila ba pakiramdam ko ay minamanyak ako ng lalaking 'to charot.

Cib's POV

"So ano Kuya? Kamusta naman ang pagkikita niyo? Maganda ba?" Bungad sa akin ni Victoria pagpasok ko palang ng pintuan.

"Hmm...not really. Maybe she's cute but not my type." Sagot ko naman.

"Talaga?" She asked again.

"Yup. But wait, ano bang pake mo?" Napaupo ako sa sofa dahil napagod sa sobrang init sa labas kahit gabi na.

"Wala lang. Gusto ko na kasi magkaroon ng ate. Yung mabait, hindi tulad ng ex mo!" She said then pouted.

"Hays. Umalis kana sa harapan ko bago pa man ako mainis sayo." Sabi ko dito at sumunod naman siya sa sinabi ko at may kasama pang irap.

Habang nagpapahinga ako sa sofa. Random thoughts pop up into my mind. It just that... namimiss ko na siya. Tanga na kung tanga pero mahal ko parin talaga siya.

At ang liit naman talaga ng mundo dahil sa dinamidami ng lalaking pwede niyang ipalit sa akin ay yung lalaking yun pa talaga.

Move on Cib! Come on! Stop this nonsense and stupid thing!

Tangerine's POV

Cib. Hmm...yun kaya ang tunay niyang pangalan? Argh! Bakit kaba nagcu-curious Tangerine?

"ATE!" bungad sa akin ni Blue pagbukas ko ng pinto. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Jusme aatakehin naman ako sa puso nito.

"Baliw ka! Bakit mo ako ginugulat?" Batok ko sa kanya.

"Aw! Mama andito na si ate." He shouted out. Nakita ko namang nakaupo si mama sa sala at tila inaabangan ang pagdating ko. Anong meron?

"Bakit ngayon ka lang nakauwi? Anong oras na? Gabing gabi na ah!" Bulyaw naman nito dahilan para mapatakip ako sa tenga ko. Hayst si mama talaga. May duda akong nakalunok ata si mama ng microphone sa lakas  ng boses nito.

"Mama...wag kang OA 9 o'clock palang oh!" Sabay turo ko sa wall clock.

"Siguro nagdate pa kayo noh?" This time tumayo na si mama at nakapamewang pa sa harapan ko. Ano ba problema nito? As if naman ngayon lang ako umuwi ng 9 o'clock? Pero in fairness. Iba ang bungad ngayon ni mama ha? Kung dati puro anak ng kumare at amigas niya ngayon iba na.

"Mama hindi ako nakipagdate." Sabi ko naman dito.

"Hay naku anak. Alam ko na yang mga ganyan. Wag kana mahiya pa. Sa susunod tagalan mo naman sa pag uwi anak, ang aga pa oh! Paano  naman kayo makakapag labing labing nun kung ang aga  mo umuwi." She said tsaka ko kiniliti sa tagiliran.

My mouth hanging open...

Seriously? Tama ba yung narinig ko kay mama? 0.0 aba'y kailangan  ko na ata patingnan si mama sa psychiatrist.

"Oh siya. Kumain kana Hija my dear. Basta sa February 14 dalhin mo siya dito kung ayaw mong sunugin ko ang buong angkan nila." Biglang sabi naman ni mama na siyang lalong nagpalaki ng mata ko.

"Biro lang anak, halikana at para makakain kana." Hindi na ako nakapagsalita pa at naglakad nalang papuntang kusina.

Ang WEIRD -.-