webnovel

CHAPTER 9

Chapter 9: Easy

Kevin's Point Of View

Nangangalay na ang paa ko dahil kanina ko pa inaantay si Angel.

"Nasa'n na ba 'yun?" Kanina ko pa sya hinahanap pero hindi ko sya makita.

Simula ng malaman namin kung sino ang miyembro ng Top 10 marami ng estudyante ang nagka-interes sa'min dahil kami ang mag-liligtas sa kanila kaya nag-aalala ako kay Angel na baka mapahamak sya sa dami ng estudyanteng humahabol sa kanya.

"May iniintay kaba?"

"Ay palaka!" Napahawak ako sa'king dibdib. Nakakagulat sya ah.

"Sorry,nagulat kita." Inayos ko ang sarili ko bago sya harapin. Biglang nag-init ang ulo ko ng makita ko sya pero agad kong inisip ang plano namin ni Astre.

"Ayos lang." Nagulat ito sa sinabi ko. "May kailangan kaba?" Hindi nya 'ko sinagot at nakatingin lang ito sa mga mata ko.

Ano bang ginagawa nya?

"May problema ba,Ella?" Lumabas ang isang ngisi sa labi nito na nag-pakaba sa'kin.

"Anong akala mo sa'kin tanga?" Napakunot ang noo ko. "Alam kong may pinaplano ka or i should say 'kayo'." Ngumiti ito sa'kin. Isang ngiting nakakaasar.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Galit ka sa'kin hindi ba? Kahit tignan mo palang ako kitang-kita na sa mga mata mo kung ga'no ka kagalit sa'kin." 'Ika nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Tapos ngayon parang nawala ang lahat ng galit mo sa'kin? At tinawag mo pa talaga ko sa pangalan ko? Nagbibiro kaba?" Bahagya itong tumawa.

Kevin,'wag kang papabuking dahil kung hindi lagot ka kay Astre.

"Ella,alam kong malaki ang galit ko sa'yo pero kung ano man yun,sorry." Nag-aalinlangan pa'kong sabihin ang 'sorry' dahil labag yun sa loob ko.

Kung hindi ko lang kaibigan si Astre baka pinatay ko na 'tong kaharap ko.

Nagulat ako ng bigla itong tumawa. "Pakiulit nga? Hindi ko kasi narinig 'e." Alam kong inaasar nya ako kaya bahagya akong napayukom ng kamao.

"Sorry,Ella." Tinapik nito ang aking braso.

"Di uso sa'kin ang salitang 'tanga' kaya hinding-hindi ako maniniwala sa mga pinagsasabi mo. Kung sincere ka man sa pag-hingi mo mg sorry sa'kin baka pumuti ang uwak kapag nang-yari yun." Agad kong inalis ang kamay nito sa balikat ko.

Damn it.

Muli itong napangisi. Bwiset talaga! Bakit napakagaling nyang bumasa ng isip?!

"Bibigay karin naman pala."

"Ano ba kasing kailangan mo ha?!" Hindi ko na naiwasang pag-taasan sya ng boses. Kapag nakikita ko palang sya kumukulo na ang dugo ko.

Sorry Astre,mukhang hindi ko ata magagawa ang plano natin.

"Wala naman. Gusto lang sana kitang i-congrats." Napataas ang kilay ko.

"Bakit ako pa?"

"Ha?" Painosenteng tanong nito.

"Bakit ako ang naging Top 1? Sa dinami-dami ng estudyante bakit ako pa?" Gusto kong malaman kung bakit dahil may mali sa mga kutob ko.

"Naalala mo ba yung araw na binunggo mo'ko at hinala mo'ko papasok sa isang silid?" Biglang nag-flashback sa'kin yung araw na sinaktan ko sya.

"So?"

"Alam mo bang ikaw lang ang kauna-unahang tao ang nakapagtutok ng kutsilyo sa leeg ko?" Hindi ako nag-salita. Ano naman kung ako ang nauna? "Dahil sa ginawa mo nakakita ako ng potensyal mula sa'yo,at yun rin ang dahilan kung bakit hindi kita pinatay."

"Kung ano pa man 'yun,alisin mo'ko sa Top 10 dahil ayokong maging miyembro mo."

"Ano bang problema mo at bakit galit na galit ka sa'kin?" Bahagya kong natawa. Tinatanong pa ba yan?

"Maraming dahilan Miss Ella." Nilagay ko sa'king bulsa ang mga kamay ko at bahagyang lumapit rito. "Gusto kong malaman,anong dahilan mo at bakit binuksan mo ang Black Room?" Sya naman ang natawa ngayon.

"Gusto mong malaman?" Nakangising sabi nito. "Pumayag kang maging kanang kamay ko at lahat ay malalaman mo." Tinapik nito ang aking mukha bago tumalikod sa'kin. "Aantayin ko ang sagot mo Mr. Chua."