webnovel

CHAPTER 13

Chapter 13: Bloody Night

Ella's Point Of View

3 Years ago nagsimula ang isang karumal-dumal na pangyayari,isang laro na papatay ng maraming inosente. Ang BLACK ROOM

Isang magaling at kahanga-hangang propesor na si Mc Harford ang gumawa ng silid na ito. Maraming syang nakalap na katotohanan sa loob ng paaralan na hindi alam ng nakararami kaya bumuo sya ng isang laro para paaminin ang mga sinugaling.

Naging matagumpay ang larong ito at nalaman ang katotohanan hanggang sa naging isang misteryo ang lugar ng Black Room. Hindi na muling nakita si Mc Harford ng matapos ang kayang plano kaya may bumili ng paaralan at muli itong binuksan.

Naging mapayapa at normal ang lahat dahil sa bagong pamumuno ng isang propesor hanggang sa may isang estudyante ang muling nag-tuklas ng Black Room,yun ay si Astre Smith—ang lalaking muling bumuhay sa impyernong paaralang ito.

Nasiyahan si Astre ng mabuksan nya ang Black Room dahil 'yun ang plano nya kaya sya pumasok sa paaralang ito. Bumuo sya ng sarili nyang gang na may pitong miyembro at yun ang mga lider na binubuo nila Ivan,Raphael,Trevor,Ryu,Jeriel,Marion at Mixie.

Maganda ang pamumuno ni Astre dahil nag-bigay sya ng malaking impluwensya sa gang nya at sa maraming estudyante na naligtas sa larong ginawa nya. Hanggang sa isang araw bigla nalang nag-bago ang pamumuno ni Astre dahil sa isang pagkakamal—ang pagkakakamaling mahulog kay Mixie.

Plano ni Mixie na akitin si Astre para mahulog ito sa kanya at kapag nangyari yun malalaman nya mula kay Astre kung ano ang katotohanan sa Black Room at kapag nakuha na nya ang katotohanan papatayin na nya si Astre at sila na ni Bryan ang mamumuno.

'Nung nalaman ko 'yun agad kong pinatay si Bryan sa harap mismo ni Mixie,walang reaksyon ang mukha nya ng makita nyang patay na si Bryan,hindi man lang ito umiyak o kung ano, dahil alam kong ginagamit nya lang si Bryan,pero nung nakita ko sila ni Astre,umarte syang umiiyak sa harap ni Astre at pinag-mukha nya 'kong masama para magalit sa'kin si Astre but sorry to say dahil kahit si Astre ay gustong mamatay ang lalaking yun para wala na syang karibal kay Mixie.

Hindi pa alam ni Mixie na alam ko na ang plano nila dahil ang alam nya ay kakampi nya 'ko. Gano'n sya ka-tanga.

"What's the third game?" Tanong ni Trevor. Andito ngayon ang members ng Top 10 para sa plano ko. Sinabi ko na kila Ivan ang gagawin ko kaya nakahanda na ang lahat.

"Mamaya ko pa sasabihin." Nakangiti kong sabi. "Basta mag-pahinga na lang muna ka'yo para mamayang gabi." Inayos ko ang papel sa'king lamesa. "And lastly,nasa dorm nyo na ang mga susuotin ninyo. Pwede na ka'yong umalis."

Nag-paalam na sila sa'kin at tuluyang umalis.

Mamayang gabi ay may gaganaping Prom Night dahil ngayong araw binuksan ang Black Room sa pamumuno ni Astre kaya kailangan naming mag-celebrate. Ngayon ko na rin sisimulan ang plano ko at gusto kong ipamukha ngayon kay Mixie kung sino ang tunay na Astre Smith.

--------

Pumunta muna 'ko sa filled para tignan ang set up nila. Ang ganda ng pagkaka-ayos ng paligid,ang daming decoration.

"Hindi ka pa mag-bibihis?" Napatalon ako sa gulat ng bumulong sa likod ko si Kevin.

"Ano ba?!" Irita kong sabi. Papatayin nya ba 'ko sa gulat?!

"Nagulat ba kita?" Hindi ba obvious?

"Ba't ka ba nandito?"

"Masama bang nandito ako? Tsaka nag-aayos rin kaya 'ko para sa plano mo." Sarkastikong sabi nito.

"Ba't hindi kapa nakabihis?"

"Eh....ikaw rin naman 'e."

"Magbibihis na'ko." Nilibot ko ng tingin yung paligid bago umalis. "Nasa'n pala si Astre?" Tanong ko kay Kevin.

"Miss mo agad?" Sinamaan ko ito ng tingin. "Biro lang,andun sa dorm ko,nagpapa-pogi para kay Mixie." Kumunot ang noo ko na ikinatawa nito.

"Loko yun ah!" Sigaw ko. Napatingin yung ibang estudyante sa'kin pero wala 'kong pakeelam. Dali-dali akong pumunta sa dorm ni Kevin para hanapin si Astre.

---------

Astre's Point Of View

Hindi ko maiwasang mapangiti sa harap ng salamin.

"Ang pogi ko talaga." Inayos ko ang aking blazer na ibinigay ni Ella. "Alam nya ang taste ko ah. Magaling sya." Hinubad ko muna ang blazer ko dahil naiinitan ako. Ang tagal kasing mag-simula nung party.

"Yah!" Napatalon ako sa gulat ng bumukas ng malakas ang pinto at iniluwa nito si Ella.

"Ano bang---!" Agad itong tumalikod sa'kin. Ngayon ko lang na-realize na wala pala 'kong pantaas.

"M-mag-bihis ka nga!" Napangisi ako. Bahagya 'kong lumapit dito at hinila ito papasok bago isara ang pinto. "Hoy! Astre!"

Hinarap ko ito sa'kin. "Anong sadya mo?" Tanong ko. Nakatingin lang ito sa'kin gamit ang nandidiri nyang tingin.

"Mag-bihis ka nga!"

"Paano kung ayoko?"

"Hindi kaba nahihiya? Tignan mo yang katawan mo?!"

"Bakit?! Maganda naman katawan ko ah!"

"Psh. Wala kong pakeelam! Basta mag-bihis ka!" Binitawan ko ito at sinuot ang sando ko.

"Ba't ba kasi andito ka?"

"'Wag mo ng suotin yung blazer na ibinigay." Kumunot ang noo ko.

"Ba't naman?!"

"Ba't ka nagpapa-pogi kay Mixie?! 'Kala ko ba kinakalimutan mo na sya?!" Nalaglag ang panga ko pero agad itong napalitan ng ngisi.

"Masama bang magpa-pogi?"

"Oo,lalo na sa bitchesang yun!" Bahagya 'kong tumawa.

"Ikaw talaga,masyado mo namang pinapahalata na nag-seselos ka." Pangangasar ko.

"Ako?! Nag-seselos?! At saang lumapalok ng Mars mo naman nalaman yan?!" Pakipot pa sya. Ba't hindi nya nalang kasi aminin.

"Wala namang problema sa'kin kung aaminin mo 'e." Inirapan ako nito.

"Psh. Basta 'wag kang lalapit sa'kin kapag niloko ka pa ulit ng Mixie na 'yan!" Sinara nito ng malakas ang pintuan. Natawa nalang ako sa inasta ni Ella.

Hindi naman ako nagpapa-pogi kay Mixie 'edahil wala na'kong pakeelam sa kanya. Simula ng nalaman ko ang totoo kay Ella,alam ko na kung sino ang mas kakampihan ko sa dalawa at si Ella 'yun.