webnovel

Black Masquerade (taglish)

A 21-year old Leila was torn between her father's death and the father of her child. She was skeptic about her father's death and wanted to claim justice for her father, yet the Police turned a blind eye on it. Until Inspector Albez came into her life and initiate to find the culprit of her Father's death. However, the Man behind the Black Masquerade confused her feelings... those gray eyes aren't familiar... yet it reminds her of someone. Now, she's dying to know whose behind those Black Masquerade... at the same time looking for the reason why her father was shot dead.

Persephone_bb · 若者
レビュー数が足りません
9 Chs

Chapter 02

~02~ Leila

Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko nung mga oras na iyon. Buong akala ko ay kung sino na ito. Kaya nagpumiglas ako at hinarap ang taong nagpakaba sa akin ng todo.

It was... Vin. Again.

"What the heck, Vin?!" I yelled into his face nang tanggalin nito ang kamay sa bibig ko.

Ngunit tahimik ito at mariin na nakatitig sa akin.

"What are you doing with that, Albez? Leila?" Magkasalubong ang kilay na tanong nito. Galit siya.

Ngunit bakit siya nagagalit? At ano nanaman ang ginagawa niya? Bakit niya ba ako sinusundan?

"Wala ka na don, at... bakit kaba sunod ng sunod sa akin? Are you my stalker?!" Halos pagalit ko'ng tanong.

He crossed his arms aroung his chest. While his brow furrowed. Then suddenly he cornered me with both of his hands in each side of my head. Sobrang lapit ng mukha nito at madilim ang tingin sa akin.

"So what if I am? I never saw you for almost three years, Leila! I said we just need some space... but... you were nowhere to be found!" I saw a glimpse of emotion in his eyes. Ayokong mag-assume na meron pa. Kung meron nga ba? Tsk.

I was so dumb. So dumb that I didn't see him. I was so blind. I thought he loves me cuz he's always around me when I needed him the most... but no... pabago-bago ito! And he just wants me around... to play with him. Tsk.

And, I got a hunch na siya ang tinutukoy ni Inspector Albez. Nababahala ako.

"Ang kapal ng mukha mo! Space? G*g* ka ba?! That night, Vin! I asked you to take me home but you insisted! Instead? Naghanap ka pa nga ng iba'ng babae mo hindi ba? At siya ang sinayaw mo, and probably! Dinala mo sa condo mo! I needed you then!" I screamed into his face. Tumutulo na ang luha ko at hindi na ako nag-abala para punasan iyon. Dinuduro-duro kopa siya. At nang magsalita ako ay biglang bumigat lalo ang pakiramdam ko. "Mommy... mommy keeps calling me... I needed you then, Vin... kaso nasaan ka?! Alam mo ang nangyari diba? You know d*mn well, Vin!" Tinulak ko siya. 

Nakayuko na lamang ito at hinahayaan ako.

"Space? Space ka pa'ng g*g* ka eh isang buwan kang hindi nagpakita sa akin bago kami lumipat! So, stop messing around, Vin! Hinintay kita noon pero talagang nagbago ka nanaman. Iba ka nanaman! Dahil yan palagi ang sinasabi mo sakin tuwing hindi kita maintindihan!" Hinampas ko ang dibdib niya sa sobrang galit ko. Tumutulo ang luha at nangangarag na din ang boses ko.

Bakit... ang sakit Vin?

Ilang taon ang lumipas, at ngayon ko lamang nailabas ang hinanakit ko sakaniya. Sobra'ng sakit pala. Ngayon lamang nanuot ang sakit ng nakaraan. Dahil masyado ako'ng naghinagpis sa pagkawala ni Daddy.

I loved him. I know, I loved him. That's why I waited, alright? Umaasa ako na babalik siya at sasabihin ko sakaniya ang balita.

But, dang it... it was hopeless. I hoped for nothing. Tapos magpapakita siya ngayon? For what? Because I came back?

Not anymore Vin... You can't hurt me and my son. 

Hindi ko kasi ito dinamdam noon... inisip ko na kakayanin kong alagaan si Logan, kahit di siya tanggap ni mommy. Titigil ako at magta-trabaho para sakaniya. At nung mga oras din na iyon... umaasa ako'ng magpapakita sa akin si Vin bago kami lumipat.

Pero nasaan siya?

Space ba?

Isang buwan na space kulang pa sakaniya?

Nang tignan ko ang reaksyon niya ay gulat ito at tila natulala lamang sa akin. Siguro ay hindi niya inaasahan na susumbatan ko siya. 

Sa tagal na naging kami, kailanman ay hindi ko siya sinigawan. At ngayon, ngayon ko lamang nagawa ito sakaniya dahil ngayon lamang siya nagkamali sa akin.

Iniwan ko siyang tulala at nagpapasalamat ako'ng hindi na niya ako sinundan. Pagdating ay niyakap ko ang aking anak bago sumalampak sa kama ko.

Sana huwag mo na akong guluhin, Vin. Baka sa susunod... ito'ng anak naman natin ang mai-sumbat ko sayo.

Nagising na lamang ako sa sigaw ni mommy... 

"Leila! May naghahanap sa iyo!!" Napabalikwas ako ng bangon sa sigaw na iyon ng aking ina. Tuloy ay banas akong nagising.

Ano'ng oras na ba ako natulog?

Two am?

Three?

Agh...

I groan.

Busangot at wala sa sarili ako'ng umalis sa kama. I yawned. "Ahhh..."

"Sino ba yan?" Inis ko'ng sambit habang pababa ng hagdan.

Ang aga-aga naman nung kung sino na iyon! Ano'ng oras palang ah? And I got no classes today since it's saturday.

"Sweetheart, my goodness!!" My mother gasped when she saw me.

Tumaas lamang ang kilay ko sakaniya at wala sa sarili'ng nagpunta sa sala.

Sino ba kasi iyon? Balak ko pa naman bumalik sa higaan ko. I yawned again.

*sniff* *sniff*

Bakit... amoy lalaki dito?

Si Logan lang naman ang kasama naming lalaki at... hindi pa naman ito nagpapabango ng ganoon katapang ah?

Pero ganon na lamang ang pagka-gulantang ko nang umangat ang tingin ko.

Literal na nanlaki ang mata ko at wala pa'g dalang segundo ay naka-akyat na ako!

"Hah...hah...hah..." sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ako makapaniwala sa nadatnan ko sa sala.

Ano ang ginagawa niya dito?

Bakit... nandito siya?

We just talked last night ah?

"Leila! Sweetheeaaaaarrrrtttt! Get down here. Pero maghilamos ka muna at kuhanin mo ito'ng si Logan" dinig kong sigaw ni mommy.

"O-Okay mom!" Tugon ko.

Wala pang limang minuto ay tapos na akong mag-shower. Lahat ng kailangang gawin sa umaga ay nagawa ko na. Phew.

Bakit ba ako nagmamadali?

Tsaka... hindi ko pa nga alam kung ano ang ginagawa ni Inspector Albez dito.

Yes. Inspector Albez is here in my house. At hindi ko alam ang pag-uusapan namin

Sa pamimili ng susuotin ako nahirapan. What should I wear? Shoul I wear my dress? Or skirt? Or should I wear something revealing?

Teka... what?

Sa sandaling ito ay gusto ko'ng batukan ang sarili.

In my final decision. Ang napili ko'ng suotin ay yung sweatpants ko at yung kulay puti'ng t-shirt.

Now... I look like... napailing na lang ako sa hitsura ko.

Inspector Albez eyed me. I can't help but... blush. Nakakahiya. Sana pala hindi ito ang sinuot ko! Dapat yung bistida ko na lang

What???

Pero nawala iyon nang maramdaman ko'ng may humihila sa sweatpants na suot ko.

"Mo-mma... hat!...hat! Mo-mma" mukhang nagpapabuhat ito'ng maliit na bubwit. I sighed.

Lumuhod ako at kinuha ko siya bago humarap kay Inspector.

"What brings you here, Inspector?" Gulat ko'ng tanong. Medyo nag-alangan pa sapagkat wala naman kaming usapan.

Nakita ko'ng sinulyapan nito si Logan na karga-karga ko.

"I am here because of this case" then he handed me a folder.

Pero bahagya akong kinabahan nang lumapit ito sa akin. Hindi naman ito ang uri na kaba na may gagawin siyang hindi maganda...

Iba lang talaga pakiramdam ko sakaniya.

"This is your father's file. Basahin mo na lamang at mag-usap tayo kapag... handa kana" bulong nito.

I nodded and smiled at him.

"Thank you, Inspector. Ire-review ko na lang" ngumiti ako ng malawak. Ngunit sa kabila ng ngiti ko ay naka-kubli ang takot at... desperasyon.

Everything is still unknown to me. And I wanted to find the culprit who killed my father.

Papasok sa kwarto ay kaagad ko itong binuksan. Hinayaan ko muna maglaro si Logan sa carpet na ipinalagay ko sa silid ko.

I didn't find anything that would tell kung sino ang pumatay kay daddy. Ang tanging nakalagay lamang ay nabaril si daddy dahil sa isang raid.

In that... I can sense. Something is off.

Because during that night, it wasn't a raid.

Kaya alam ko'ng some of the Police Officers were paid that night. And I couldn't wait to see their face again. Yes. Again.

Daddy was friendly. Kaya kahit si Inspector Albez ay naging kaibigan niya at mukhang malalim ang pinagsamahan nilang dalawa.

At lahat ng mga naging kaibigan ni daddy ay pinapapunta niya dito sa bahay tuwing may okasyon sa amin. Lahat ay pinapapunta niya sapagakat hindi lamang kasamahan ang turing niya sa mga iyon.

Tungkol naman sa kagabi. Hindi ko alam kung dapat ko ba ito'ng ipaalam kay Inspector Albez. Wala akong maramadamang takot kapag kaharap ko si Vin. Ngunit dahil sa mga inaakto niya at titig niya, hindi ko talaga maiwasan hindi mabahala.

Lumipas ang mga araw at hinayaan ko na lamang yung file sa silid ko. Hihintayin ko na lamang ang go signal ni Inspector dahil alam ko'ng may plano na ito.

Tapos na ang morning class at palabas na ako nang may biglang nagsalita.

"Gusto mo ba'ng sumama mamaya? Meron daw party kila Vanessa. Why don't you join us?" Sulpot ng kaklase ko na si Iyarra.

Party?

If it was before, I would gladly join them. But I guess, I am not the same person I was years ago. Madami ng nagbago at dumating sa buhay ko si Logan.

Hindi na kagaya noon na may oras pa ako'ng gumala at magliwaliw. Sapagkat sa anak ko pa lamang at sa eskwela ay kulang na kulang na. 

Bukod kasi doon. May isa pa akong pinagtutuunan ng pansin. Yung kaso na ipinakita sa akin ni Inspector Albez.

"Pasensya na, Iyarra. May gagawin pa kasi ako eh" pagtanggi ko.

"Ano ka ba? Ang kj mo naman!" Inirapan ako nito at nag walk out. Napabunto'ng hininga ako.

Noon... hindi nila ako tinatawag na KJ. Sapagkat ako pa ang tumatawag sa mga hindi pinapayagan o nagdadahilan lamang.

Madalas kasi noon ay ako pa na mismo ang nagyayaya sa mga naging barkada ko. Nahawa ako sakanil na mahilig gumimik. Si Vin naman ay hindi naman tumatanggi, nakikisama na lang. Wala akong inaatrasan na party. Kaya nga... iyon din ang naging dahilan kung bakit hindi kona nakita pa'ng muli si daddy. Wala ako sa tabi niya nang hanapin niya ako... hay.

Lahat talaga ay nagbago na sa akin simula noon. 

"Gosh! Have you seen, Vin Drake Storm last night? Ang gwapo niya! He attended Trixsha's Party and guess what? Napapayag pala nang babae na iyon si Vin para maging escort niya! How lucky!" Naantig ang tenga ko sa narinig.

Bakit narinig ko yata ang pangalan nung lalaki na iyon?

And he attended Trixsha's Party? Napailing ako sa isip ko.

Trixsha Sabina Arama. The girl he used to like. But then, he dated me instead.

Ano pa ba ang nakakapag-taka sa pagpayag niya? Sigurado ako'ng pabor na pabor sakaniya kase gusto'ng gusto niya ang babae na iyon.

I was about to go to my next class when my phone vibrated on my pocket.

Mabilis ko itong inilabas at nakita'ng may mensahe doon si Inspector Albez.

Ins. Albez: would you mind going to a party with me tonight?

Bahagyang tumaas ang kilay ko. 

My phone vibrated again.

Ins. Albez: it's urgent. I want to show you something.

Urgent... hmmm.

Mabilis akong nagtipa habang naglalakad.

Me: sure, be there. Saan nga pala?

Ins. Albez: I'll pick you up. Dress something nice, but not too revealing.

Hindi ko na nireplayan ang huli nang mahagip ng mata ko ang papasok na prof sa room namin. Kaya mabilis akong tumakbo at sumunod sa likod niya.

Buti ay hindi naman ako pinagalitan. Phew.

Mabilis na dumaan ang buong hapon at sa wakas ay uwian na din.

I wore a black cocktail dress. Hindi ito masyadong pormal. Kaya sa tingin ko ay babagay naman ito sa party.

"You're so beautiful, sweetie" mommy said kissing my cheeks.

"Thanks mom..." at bumaling ako kay Logan na buhat nito.

Naka-awang pa ang labi nito habang titig na titig sa mukha ko.

"Mo-mma... ag... aag..." naintindihan ko naman ito.

He wanted to hug me so I did.

I kissed Logan's cheek when I heard a loud honk outside the house. It must be Inspector Albez.

Kumatok naman ito at mabilis kong pinagbuksan.

He was in awe when he saw me.

Buti nalang I wore a semi-formal dress. Sapagkat hindi naman masyadong malayo ang suot ko kung ipapareha sa kaniya. Naka-tuxedo kasi ito.

"Good evening, Mrs. Vasquez" yumukod ito kay mommy.

"Same to you, Inspector Albez. Take care of my daughter, huh?" Mommy gave him a friendly smile. Pero nang bumaling sa akin ay pinandilatan ako.

I know that kind of look na tila pinagsasabihan ako.

Alam ko naman na iyon. At ang balak ko alng naman ay ang ipapakita sa akin ni Inspector Albez.

"Wear this" ini-abot sa akin ni Inspector Albez ang kulay itim na maskara.

Nagtataka ako'ng bumaling sakaniya ngunit may suot na din ito'ng masquerade.

It's a red masquerade na may silver na tila glitters pa. Pareho kami ng design at pareho din na may feather sa gilid nito.

Nang makapasok kami ay hindi na ako nagtaka nang madatnan na halos lahat ay may suot na masquerade. Teka... kilala ko ito'ng bahay na ito ah?

Naalala ko nang magka-group project... dito kami nagpunta.

It was Vanessa's?

=======

To be continue...