webnovel

Kabanata 3

"Kanina ka pa tulala sa salamin, ano na Eulane?" nagitla ako at mabilis na napatayo sa sinabi ni Aster at saka lang ako natauhan sa sinabi n'ya, ng maalala ko ang ginagawa ko sa harap ng salamin ngayon.

Hindi kasi mawala sa isip ko ang nangyare noong sumayaw ako sa stage kahapon, para akong lutang. Hindi makapag-isip ng maayos at ang hirap mag-focus, lalo na kung sa tuwing sumasayaw ako ay ang lalaki na iyon ang nakikita ko sa paningin ko.

Para bang minumulto ako nito, ang bawat haplos n'ya sa balat ko, hinahanap hanap ko. Hindi ko malaman kung tama pa ba na ganito ang nararamdaman ko.

Unang beses ko maranasan iyon, dahil kapag may mga customer kami na sobra na kung humawak sa dancer, may karapatan kaming umayaw at lumayo sa kanila, pero iba noong nangyare kagabi.

The way he holds me, it feels like I have no rights to decline on every words and gestures that he said. Hindi ko alam kung ano ang mayroon s'ya at bakit ko iyon naramdaman nung gabi na iyon.

"Alam mo, masisira ang kutis mo kapag hindi ka nag-skin care, magagalit si madam Gaile." Inabot ni Aster sa akin ang cold mask at nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

Ang hirap kasi iisang tabi ang nangyare sa akin nung gabi na iyon, ayoko na sanang maulit. Pero ang katawan ko, hinahanap hanap ang mainit na palad n'ya.

"Nag-aalala ako kay Mariel, nasaan na kaya yung babae na iyon. At saka sana okay lang s'ya." Naupo ako muli sa harap ng salamin at inipit ang buhok ko. Nag-aalala rin ako para sa kaligtasan ni Mariel. Mabait naman ito, at oo. Deserve n'ya na maging masaya after ng ilang taon sa cabaret, pero kung panandalian lang na kasiyahan iyon, sana hindi s'ya nagmadali.

"Talaga ba na si Mariel, o yung guwapo na customer na sinayawan mo kagabi?" Aster asked me at napaatras ako sa kinauupuan ko, umiling at sinasantabi iyon. Kung alam lang ni Aster na ang hirap iwasksi ang lalaki na iyon sa isipan ko. I am trying to avoid that topic since that man is bothering me, hindi ko maitatanggi na ang lakas ng epekto n'ya sa sistema ko.

"Ang hirap, pareho talaga silang gumugulo sa isipan ko." Napatunghay ako sa harapan ng salamin at nagmamadaling lumapit sa akin si Aster, ang laki ng ngisi sa kanyang labi, na para ba inaasar ako ngayon.

"Malaki ba yung kargada nung guwapo na binigyan mo ng lap dance?" she asked me, the curiosity on her face was visible, I can tell that Aster is curious on that man. Pero kinunutan ko s'ya ng noo, anong kargada?

"What do you mean on kargada, wallet ba 'yon?" I asked her at tinawanan lang ako ni Aster, pulang pula naman na ang mukha n'ya, wala pang balak na tumigil sa pagtawa kung hindi kumalabog ang pinto, dahil sa ingay ng tawa ni Aster.

"Gaga, kung malaki ba ang ano." Sumenyas ito at hinaplos ang braso, mas lalo ako naguluhan sa sinasabi ni Aster, kung ano-ano ang sinasabi ng gaga na ito.

"Oo malamang, malaki ang braso. Hindi mo ba nakita?" I asked her sarcastically at hiniklat na lang ang buhok ko sa inis.

"Alam mo, tarantada ka. Pinagsasabi mo, tinatanong ko kung malaki ba ang tite, kung nadama mo ba?" Napaatras ako sinabi ni Aster at lumingon sa paligid, baka may makadinig sa kanya, napakahalay naman ng tanong ni Aster. Kung saan-saan pa kami napunta, kargada na wallet, braso tapos sa ari lang pala mapupunta ang usapan.

"Manahimik ka nga, nakakahiya pinagsasabi mo. May makadinig pa sa atin!" asik ko at tumayo pa si Aster, huminga ng malalim.

"Malaki ba ang burat nung guwapo na daddy?" nanliliit ako sa kinauupuan ko, Aster is making me feel uncomfortable, I don't like this kind of topic, dahil ang laswa masyado.

"Manahimik ka na nga, oo malaki saka matigas nung nadama ko, kaya manahimik ka na!" asik ko at pinalakihan ng mata si Aster, muli syang lumapit sa akin at nag-umpisa na naman akong usisain.

"Ano feeling neng, sa tagal mo nasayaw galit na galit ka sa ibang nahawak sayo, bakit ngayon parang okay sa'yo?" she asked me at lumapit ako sa tenga ni Aster.

"Guwapo kasi tapos yung mata, nakakaakit." Nagtutumalon si Aster at kinikilig sa sinabi ko. Pero bakas sa mata n'ya na malungkot ito. Dahil siguro sa walang paalam ni Mariel. Mas masaya sana kung andito si Mariel at kasama naming dalawa.

"Pero alam mo, nakakatakot yung sinayawan mo, parang bawal na humindi kapag nagdemand ng extra service, lagot lalo na at mainit ulo ni madam, gusto na ata tayong ibenta lahat sa customer na nadating." Naupo si Aster at binulong ito sa akin.

Pansin ko rin na parang lahat na lang ay sunod-sunod na kinukuha ng mga customer na mayayaman, nakaktakot na hindi sumunod kay Miss Gaile, dahil kapag napag-initan ay baka isama ako sa ipatake home n'ya, na ayoko mangyare kahit na gaano pa kaguwapo ang tao na mag-ttake home.

"I will do my best para magkaayos kami ni Miss Gaile, hindi ako sanay na galit s'ya sa akin, at malaki utang na loob ko sa amo natin." Napailing si Aster sa sinabi ko at sumadal sa sofa.

"Ilang beses na kitang sinabihan, ang mahalaga kay Miss Gaile ay pera, wala nang iba. Kapag ikaw ang nakataunang matipuan ng customer, huwag kang umasa na hindi ka ibibigay ni Miss Gaile, dahil wala 'yon pakialam sa ating lahat. Dahil kung meron, sana hindi nya binibigay ang mga dancer n'ya o pinipilit." Umismid si Aster at kita ko ang galit sa kanyang mga mata ngayon.

Kung kanina ay naawa s'ya para kay Mariel, ngayon ay naiinis naman na ito.

"Alam mo, kung hindi selfish yang si madam, hindi kailangan mawala ng mga matatagal na dancer dito. Kaso pera lang talaga ang kaibigan n'ya. Ganyan naman ang mayayaman, sarili lang nila ang mahalaga." Natigilan kami ng pumasok ang mga bagong hired na dancer. Nagbubulungan ang mga ito at nakatingin kay Aster.

Tinapos ko naman na ang routine ko bago lumabas, pumunta sa kwarto ko para makapagpahinga. Ayoko sanang sumayaw sa araw na ito, pero hindi ako makatanggi sa kagustuhan ni Miss Gaile. Nitong nakaraang araw, pansin ko na lagi itong galit at nakatutok sa opisina. At kapag kakausapin ko ay iniiwasan ako.

Pagkadiretsyo ko sa kwarto ko ay tinignan ko ang mga gamit ko na andoon, sa tagal ko rito ay nakapag pundar ako kahit na papaano, gusto ko rin puntahan ang tunay ko na pamilya at makita sila. Wala akong balita pero pilit ko silang hahanapin, kahit na hindi maganda ang nakaraan at paraan noong nalayo ako sa kanila.

Dahil kailangan ko pa rin ang pamilya ko kahit na anong mangyare, at parte pa rin naman siguro ako ng kanilang pamilya.

Hindi ako makatagal sa kwarto at lumabas na lang ako sa kwarto, umkayat sa fourth floor at may balcony sa likod ng building. Malapit na lumubog ang araw, ito na naman ang oras na pinaka kinakatakutan ko. Dahil anong malay ko kung ako na ba ang susunod na ibebenta o may hindi magandang mangyare sa akin.

Mula ng matapos ang sayaw ko sa customer na iyon, nag-umpisa akong matakot. Hindi ko rin maipaliwanag kung ano nga ba ito, takot o excitement. Pero hanggang kaya ko sundin ang lahat ng kagustuhan ng amo ko, gagawin ko.

"Ang lalim ng buntong hininga mo, mga apat na beses na," saad ng tinig na galing sa likod ko. Kaya mabilis akong napalingon at ang kapatid ni Miss Gaile pala iyon, si Sir Erwan.

"Ano, isa ka ba sa inaway ni Julieta?" he asked me while laughing softly. Ang mga kapatid ni Miss Gaile na lalaki ay parang mga babae at mahinhin, mababait at soft spoken. Unlike kay Miss Gaile na talagang nakakatakot lalo na kapag tignan ng hindi maganda.

"Hindi naman po sir, gabi na kasi ulit tapos sasayaw ulit." Inalok ako nito na maupo sa ratan at may dala s'yang beer in can. Inabot sa akin ang beer at tumanaw din ito sa sunset.

"You're Julieta's favorite employee, I am also curious why she is fucking mad, hindi lang sa empleyado at business on these past few days." Lumagok ito sa beer at binuksan ko ang beer na binigay sa akin. Kung paborito akong empleyado, bakit pakiramdam ko lagi nang galit si Miss Gaile sa akin.

"What does my little sister do recently?" he asked me at nakatingin si Sir Erwan sa akin, napalagok ako sa beer na hawak ko at nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba ang nakikita ko o hindi. Ayokong manghimasok sa pribadong buhay ng amo ko, na kung may pinag-dadaanan s'ya na hindi sinasabi sa akin, hindi ko na iyon dapat pang pakialamanan, kaso kung hindi ko sasabihin, mapapasama ba lalo ang kalagayan ni Miss Gaile.

"Napansin ko po na tulala si Madam sa table, tapos palaging may letter galing sa ospital," saad ko matapos na magpakawala ng malalim na buntong hininga. Ayoko na mapasama ang pag-aaway namin, pero kung seryoso na ang problema ni Miss Gaile, possible na matulungan s'ya ni Sir.

"My sister is very secretive, ever since na bata kami. Even her achievements, she don't want to brag it, she want to keep it lowkey, pati problema n'ya ayaw na ishare." Sir Erwan laughed at napapailing na lamang, habang masugid akong nakikinig sa kanyang sinasabi.

"She don't have a friend, I guess. But don't worry, I consider you as Julieta's friend." Nakangiting saad ni Sir Erwan sa akin. Habang ako naman ay natatawa sa kabaitan ng kapatid ni Ma'am. Para bang magkaiba sila ng nanay.

Nawala ang ngiti sa labi ko at napaiwas ng tingin. Ano kaya ang pakiramdam ng may kapatid ka na malapait sa'yo, yung alam mo na kasangga mo sa buhay.

Hindi ko naranasan na magkaroon ng kapatid, mag-isa ako na lumaki at nagkaroon ng muwang. Wala akong masasabi na malapit sa akin, bukod kay Miss Gaile at kila Aster at Mariel.

"Oh, what happened, did I say something that hurts you?" he asked at mabilis akong umiling. Napapasarap ang kuwento ko, hindi ko napapansin na madilim na ang paligid.

"Hindi po, naisip ko lang na nakakainggit ng may kapatid ka, at may pamilya ka. Siguro ang saya-saya n'yo sa bahay, kahit na minsan hindi maiiwasan na magkaroon ng problema, ang sarap siguro na lumaki sa bahay na buo kayo, magkakasama." Binaba ko ang can at tumanaw sa malayo.

Wala akong kinalakihan kung hindi ang sarili ko, wala akong naging sandigan kung hindi ang sarili ko.

Mabilis akong tumayo at ngumiti, ayoko na maging emosyonal sa harapan ng amo ko, oras na para mag-trabaho, tapos na ang umaga, oras na para magbanat ng buto.

"Sir Erwan, maraming salamat po sa alak." Inangat ko ang can at ngumiti, tumayo naman si Sir Erwan at hinaplos ang ulo ko. "You're a good kid, I am sorry if sometimes, my sister just threw an attitude to all people that she laid her eyes off." Tumango ako at lumakad na papasok sa loob, ng makasalubong ko si Miss Gaile, nakasimangot at galit na paakyat.

"You, organize the freaking cabaret, for now. My immature brother is asking for some fucking attention and fuck, why I am complaining with you, galit ako sa'yo!" Nilampasan ako ni Miss Gaile, lumakad ako papasok sa cabaret, nag-aayos na nga sila para sa theme ngayon.

Inalalayan ko at inasikaso ang mga tauhan, lalo sa kahera. Ang drinks na for menu sa gabi na ito ay naihanda na ni Miss Gaile, talagang aayusin na lang iccheck ang bawat babae para sa opening ng cabaret.

Hawak ko ang checker at suot ang salamin ko, nadanggi ako at napaatras ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood ko papaano pumasok ang costumers.

Nanindig ang balahibo ko sa pares ng dalawang mata na nakatuon sa akin, na naging dahilan ng pagbagal ng hininga ko. Panginginig ng kalamnan ko, dahil sa takot at kaba.

"Get out of my way." He said at binagsak ang bag sa paanan ko, at ang babae sa balikat n'ya na buhat, parang bigas ang babae na nasa balikat ni Sir.

"What is the name, Sir?"

"Levis."

I gulped when he said his name, why it sounds much sexier when he said his own name.

"Alright, I will tell to Miss Gaile that Sir Levis purchase a woman tonight, but I want to clarify if she agree on buying her–"

"No one dared to say no to me," he said at para akong naging bato sa kinatatayuan ko.

"No one, Miss Eulane." He repeats at nilampasan ako.

Wait, how did he know my name?