webnovel

BETWEEN WORLDS

A girl from the future suddenly appeared on Sebastian's life just to change everything. And that is her mission, to stop the chaos from happening in the future. But what if, that girl from the future suddenly fell inlove with the guy in the present time? Would she stay in the present world and forget everything about the mission OR she would sacrifice her love and go back to her world for everyone in the future? Kindly support this story of mine. Thanks!

MissKc_21 · SF
レビュー数が足りません
27 Chs

PRESENT WORLD: Twin's Presence 1

Being so shocked with what she saw, hindi niya narinig ang sinabi ni Drake.

She whispered and ask him again about his twin's name.

"ah...Drake. His name is Drake" he whispered.

Since nasimulan na ng binata ang pagpapanggap bilang si Drayce Sebastian, tinuluy-tuloy na niya ito. He was just curious on how things will turn out if he continue with his plan.

"Drake?" mahinang banggit naman ng dalaga sa name na iyon.

"yes, but he doesn't want to be called by his name" he lied.

"seriously?"

"yes, you can just call him sir and me.. Master" he whispered.

"are you two, talking about me?" Drayce said while looking at the two.

"ah..hindi noh, by the way...siya nga pala ang bago nating yaya" Drake then introduced Avyanna to him.

Pero he seemed to be not interested kaya nilagpasan lang niya ang dalaga ,matapos itong tingnan from head to toe, at dumiretso nang umakyat sa kwarto niya.

"ang suplado naman ng kakambal mo" Avyanna told Drake.

"tss. masanay ka na doon saka kung ayaw mong magalit siya sa iyo, remember what I've told you earlier okay? never ever mention his name"

Since kapani-paniwala naman ang sinabi ni Drake sa kanya, sumang-ayon naman ang dalaga dito.

"okay, but you never told me that you have a twin brother!" she said while following him na naglalakad na papuntang kitchen.

"why should I?"

"well...because his way hotter than you" then she laughed.

"goodness! please stop it." medyo inis namang sabi ng binata.

"totoo naman eh. Kahit suplado siya, ang lakas naman ng dating nya compared to you and he's so handsome!" hindi mapigilang sabihin ng dalaga sa kanya.

At dahil medyo lasing na siya, lumalabas na ang other side nito which is ang pagkamaingay at mapang-asar.

"magkamukha kaya kami, so kung gwapo siya, ganon din ako"

"no! you're wrong. He's more handsome than you" then she giggled.

"Aish! dyan ka na nga." napikon ang binata dahil dito.

Kung sa dalaga ay biro lamang ang kanyang mga sinabi. Well, for him hindi. He's thinking kasi na naagaw na naman ng kakambal niya ang spotlight na para sana sa kanya.

--------

Time check: 7:00 na nang gabi...

Bumangon na si Drayce after ng kanyang mahaba-habang pagpapahinga. Nakaboxer shorts pa siya this time and shirtless. Bumaba na rin siya to know if dinner is already prepared.

"yaya!" taas boses niyang tawag kay Avyanna ng mapansing wala pang nakalapag na pagkain sa table.

"bakit po sir?" she replied naman kahit nasa living room siya this time habang inaayos ang mga kurtina ng mansion.

"come here!!" mas lalo pang lumakas ang boses nito.

"coming na po!!" agad namang iniwan ng dalaga ang kanyang ginagawa at pinuntahan ang binata sa dining area.

"bakit po sir??"

O_____________________O

Natigilan saglit ang dalaga.

Tiningnan niya ang gwapo ngunit maangas na mukha nito hanggang sa shirtless body nito with boxer shorts pa.

Napakurap-kurap ang dalaga dahil sa vitamins na nakikita ng kanyang mga mata.

"oh my...papa" mahinang banggit niya dahil sa nakikita, kahit hindi masyadong maliwanang ang ambience ng dining nila, sobrang naappreciate naman niya ang katikasan ng binata.

"hey!!" nakakunot-noong sambit ng binata.

"ah...p_pasensya na po sir, a_ano po ba ang kailangan niyo sir?" utal-utal na sabi nito ng mahimasmasan.

"do you know what time is it?" he asked.

"ah... almost 7 na po ba?" she said since masyado siyang naging busy sa paglilinis at pagaayos-ayos sa loob ng mansion.

"why are you asking me? di ba ikaw ang tinatanong ko?"

"what is happening here saka bakit wala kang damit?" Drake being shocked nang makita ang kapatid na nakaboxer shorts lang kahit na may babae sa harapan niya.

"pagsabihan mo nga iyang yaya mo na huwag siyang maging tamad. Bwiset!" tapos agad na itong umakyat at bumalik sa kanyang kwarto.

Napayuko na lang ang dalaga dahil dito. Inisip na lang rin nya na she's at fault since hindi niya tiningnan ang orasan.

"aish, that punk talaga kahit kailan" medyo stressed naman na sabi niya since di pa rin siya makaget over sa nakita.

Tahimik lang ang dalaga. Kaya nang mapansin ito ni Drake, ipinakita niya ang kanyang mga dala kay Avyanna.

"huwag mo na lang pansinin ang isang iyon. Samahan mo na lang akong kainin ito" he said

"ano naman iyan?"

"pizzas, tara!" tapos hinila niya ang dalaga sa may dining table at dahan-dahang inilapag ang mga pizza boxes sa ibabaw nito.

"ang dami naman, mauubos ba natin iyan?" she asked.

"alam ko namang kayang-kaya mo iyang ubusin eh" he said while smiling.

Then he prepared the plates para paglagyan sana ng pizzas. Pero pagbalik niya sa table, nagsimula nang kumain ang dalaga.

While watching her, napansin niyang may sugat ang mga kamay nito. Dahil kasi ito sa dami ng nilabhan niya kahit may washing machine. Hindi rin kasi sanay ang mga kamay niya sa matatapang na detergent. To be exact, hindi rin kasi siya nasanay sa mga gawaing bahay since sa mundo nila, hindi na tao ang gumagawa ng mga bagay na iyon kundi mga robots na.

"what happened to your hands?" him being worried.

"its nothing" she said at patuloy pa rin siya sa pagkain.

"by the way, baka bukas pumasok na ulit ako sa company kaya if may kailangan kang bilhin sa labas o puntahan, hindi kita pipigilan basta huwag ka lang magpapagabi" he said.

Nagulat naman ang dalaga sa mga sinabi ng binata sa kanya.

"wait lang, dahil ba ito sa pizza kaya good mood ka ngayon?"

Napaisip naman ang binata sa sinabi ni Avyanna kasi even him, hindi niya alam kung bakit ang gaan lang ng pakiramdam niya ngayon.

------------

Morning... 8:00 a.m

Medyo nagulat ang iba nang makita nila si Drayce na binabaybay ang corridor.

Hindi kasi nila iniexpect na mapapaaga ang pagbabalik nito sa company.

Medyo natatakot pa ang iba na bumati sa kanya kaya most of their employees ay umiiwas talagang makasalubong siya.

Pumasok na siya sa Chairman's office para ipaalam sa daddy niyang pumasok na siya.

Minsan lang din kasi umuwi ang Chairman sa mansion nila since may ibang bahay naman siyang pwedeng uwian.

"oh, you're here" masayang sabi ng matanda ng makita ang binata sa loob ng opisina niya.

Umupo naman ang binata sa napakalambot na sofa habang nakanumero kwatro pa ng upo.

"so how's your business meeting with the investors?" tanong ng matanda sa kanya.

Kahit kailan talaga, laging business ang nasa utak ng Chairman kaya iyon talaga ang inuuna niyang itanong sa bawat pag-uusap nilang dalawa.

"everything's fine. Mr. Ahmed accepted our business offer to him as long as wala daw'ng lapses ang mangyayari when it comes to profit sharing" Drayce explained.

Napatawa naman ang matanda dahil dito na ipinagtaka naman ng binata.

"that guy, mukhang nakahanap na ako ng katapat sa pagiging gahaman sa pera haha!"

Kahit tuwang-tuwa ang matanda sa harapan ni Drayce, nanaitili pa rin ang cold expression ng mukha niya.

"well, hindi talaga ako nagkamali sa iyo son! I'm so proud dahil naging anak kita" he said tapos inalok niya ang binata to drink wine with him.

As a respect, Drayce put some wine on his glass and uminom rin ng konti.

"ah, I forgot....about naman sa kapatid mong wala na lang ibang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo ko, I am planning to give him some time para patunayan niya ang kanyang sarili."

Nanatiling walang imik ang binata at nakikinig lang sa mga sinasabi ng matanda.

"kapag gumawa pa ang baliw na iyon ng kalokohan, I'll remove him from his position" Chairman said tapos ninamnam niya ang wine sa baso nito.

"so, what do you want me to do? why are you telling me this stuff?" he asked.

"gusto kong sabihin mo sa kanya ang mga sinabi ko sa'yo"

"what do you think will happen if you will remove him from that position?"

"well, saka ko na pag-iisipan kung I'll retain him here or will let him go" then he smirked.

Not even once, hindi siya nagpakita ng care sa kakambal niya.

Kaya nagtataka ang binata why he hated him so much despite the fact na they are twins.

"I'll leave. Marami pa akong gagawin." he just said at tumayo na.

"are you meeting her right now?" tapos inilapag ng matanda sa lamesita ang wine glass niya.

"who?"

"Ms. Yu"

Natigilan siya nang marinig niya ang apilyedo ni Mikaela.

"hindi mo pa ba alam na andito na siya?"

He didn't say a word.

Dumiretso na siyang lumabas at naglakad na sa corridor. Hindi niya rin kasi alam kung ano ang magiging reaction niya sa muling pagbabalik ng babaeng bumihag sa puso niya. Its been years and until now, hindi pa rin siya nagsasawang maghintay sa dalaga.

Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ito.

"meet me in our old meeting place" he said.

Nakaramdam ng tuwa ang binata ng pumayag ang dalaga na makipagkita sa kanya. Agad na siyang pumunta sa parking area ng company at minaneho na ang sasakyan papuntang Choosie's Restaurant.

Ito ang dating tagpuan nila noong highschool years pa lang nila.

Ito lang kasi ang place na pwede nilang puntahan na sila lang dalawa ang magkasama since malapit lang ito sa academy na pinapasukan nila noon.

Huminga siya ng malalim at pinagpag pa ang suot bago pumasok sa loob ng restaurant.

"Drayce!"

Agad siyang napalingon ng marinig ang boses ni Mikaela.

He smiled at daling lumapit sa inuupuan ng dalaga.

"hey" he said na medyo nahihiya pa since ito ang muli nilang pagkikita after how many years.

"how are you? kumusta ang middle east?" Mikaela confidently asked naman na parang wala lang nangyari in the past. 'Yung tulad lang ng dati nilang pag-uusap unlike kay Drayce na mapaghahalataan ang pagiging awkward niya sa harap ng dalaga.

"its fine" then umupo na siya.

Tiningnan niya ulit ang dalaga dahil sobrang laki na ng pinagbago nito, the last time he saw her.

"I'll take orders na ba?" Mikaela asked while smiling. Alam niya rin kasing nakatitig ang binata sa kanya.

"ah...ako na" agad naman niyang ibinaling ang attention niya sa waiter ng restaurant. Medyo marami rin kasing tao sa loob kaya nag-iikot ikot ito to take some orders rin from other customers.

"good morning sir, what's your order sir?" magalang naman na tanong nung waiter.

"Pomegranate Citrus glaze and duck breast"

"order for two?"

He nodded. Matapos nun, agad nang pumunta sa counter yung guy.

"by the way, I have read some magazines about you. Are you planning to play golf again?" Mikaela asked while waiting for the food.

"ah...actually, I just said it to add more content about myself but..no, I'm not playing it"

A moment of silence.

Pag dating talaga sa dalaga, he's really not into himself unlike kung nakikipag-usap siya sa mga business partners and investors na sobrang dali lang for him. But kapag si Mikaela na ang kanyang kaharap, natatamimi na lang siya.

"I'm glad na you're being busy with your life right now...I mean, you don't have idle times not like me" she said but this time, she's being serious.

Mukhang may pinagdadaanan ito kaya naisipan niyang bumalik sa Pilipinas.

"are you okay?" Drayce asked her dahil napapansin nitong she's not.

"yeah, I'm fine. Don't worry about me"

Then, doon lang naisipang itanong ng binata sa kanya ang tungkol sa pagpunta niya sa US.

"how's your life there?" he asked.

Sakto namang dumating na food na inorder nila.

"well...wow, I missed this." she said nang malanghap ang amoy ng food.

Its also her way para makaiwas sa tanong ng binata.

Nang mapansin ito ni Drayce, hindi na siya nagtanong pa. Naisip rin kasi niya na baka ayaw lang talaga niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

-----------

Sa company..

"Dude!" sabi ni Drake nang makita si Mr. Villacosta.

"oh, ikaw pala Drake" he just said. Halatang wala ito sa mood na makipag-usap sa kanya ngayon.

"saan ka ba papunta ngayon?" tanong niya nang mapansin ang mga papers na dala nito.

"actually, we are meeting some of the engineers na galing pa ng Hong Kong. They will be cooperating with our architects para sa itatayong branch sa China"

"does it really need to be that luxurious whereas, branch lang naman ito sa another country?" Drake asked.

"maybe you should not use that word "lang", well, I understand you dude...pagdating talaga sa mga ganito eh, wala kang masyadong alam. Its fine. You still have a lot of time pa naman to learn" then he patted his shoulders bago na nagmadaling lumakad.

Dahil sa sinabi ng kaibigan, napailing na lang siya. Inisip na lang niyang may point rin naman ito.

Na pagdating sa business matters, mahina siya.

Pumunta na muna siya sa lobby to take some coffee sa tabi lang ng company building nila. While walking, may biglang lumapit sa kanya na babae, nakatakip ito ng bandana sa bibig, nakasunglasses tapos nakapangjogging pa na outfit.

"Aish, bakit ba kasi ako lapitin ng mga baliw?" sabi niya.

"sinong baliw?" tapos hinampas siya nung babae.

Gaganti sana siya nang magpakilala ito sa kanya.

"hey, anong ginagawa mo dito?" bigla niyang tanong ng makita si Avyanna.

"wala lang...ah, ito pala ang company niyo. Mayaman nga kayo" manghang tanong niya habang nakatingala sa napakataas na building.

Napakamot ng ulo ang binata dahil dito. He started na hilain siya dahan-dahan para pauwiin na sa mansion nila nang maabutan sila doon ni Drayce na kararating lang rin after meeting Mikaela.

"lagot" nasabi ng dalaga ng mapansin ang masasamang titig ng binata sa kanya.