webnovel

Crush ng bayan

Kinabukasan nalaman ni Amanda na hindi nga nakapag enroll ang dalawa. Pagkatapos dumalaw ng dalawa niyang kaibigan sa tirahan niya kahapon ay umuwi lang sila agad.

Mga sira talaga.

" psst! Dalawang ugok!" sigaw ni Amanda saka kinawayan ang dalawang kaibigan na magkalayong nakaupo sa mahabang upuan sa labas ng admin building.

" buti naman andito ka na. Ang haba ng pila oh!" napapadyak sa inis ang kaibigan niyang si Charlotte.

Ng makita niya ang mahabang pila ay para siyang natuod sa kinatatayuan niya. Sa sobrang haba ng pila tingin niya ay mag aaudition siya sa Pinoy Big Brother.

" oh eh bakit hindi pa kayo nauna?" nakakunot noong tanong niya sa dalawa.

" hintayin ka raw namin" sambit ni Charlotte saka itinuro si Miguel na nauna ng naglakad.

" oy hintay naman!" anito ng dalawa habang patakbong naglakad para mahabol ang binata.

Dalawang oras ang lumipas ay saka lamang natapos ang tatlo na mag enroll.

Pakiramdam nila ay parang mapuputol na ang kanilang mga paa ko dahil sa sobrang daming lakaran. Pabalik balik sila mula sa admin hanggang sa college of Teacher Education tapos babalik na naman muli sila sa admin.

Malapit ng mag alas dose at nakatambay sila ngayon sa park, hinihintay nilang dalawa si Miguel na umihi ng magsilapit sa kanila ang mga kaklase nilang babae. Katulad nila ay kakatapos lang ng mga grupo ng mga babae mag enroll.

" hi Amanda! Si Migs?" nakangiting tanong ni Anna kay Amanda.

Hindi niya kaklase si Anna pero nakakasalubong niya ito sa daan.

" uh umihi lang bakit?" sagot ni Amanda saka nagpatuloy sa pag iiscroll sa fb.

hindi niya close si Anna o kahit na sino sa mga barkada nito kaya naman ganito kabilis ang usapan nila.

" pakisabi may practice mamaya sa room 204. may competition kasi sa next month alam mo na ? hehe" nilapag ni Amanda ang cellphone niya sa lamesa saka ngitinian si Anna. Nasa likod nito ang mga barkada niya.

" oo ako bahala, sabihin ko sakanya mamaya"

" pakisabi narin sakanya yung libre ko wag niyang kalimutan."

" hoy anong libre ang pinagsasabi mo?" napalingon silang lahat kay Miguel na naglalakad papalapit sakanila. Naglalagay itong ng alcohol sa kamay niya.

" haha diba sinabi mo lilibre mo ako sa next?" aniya Anna.

" yiiiieeeh!! ano to may date kayo?" pang aasar naman ng mga kabarkada ni Anna. Tinulak pa na Nina si Anna kay Miguel kaya muntik na itong matumba buti na lamang at naalalayan siya ng binata.

" alam mo bagay kayo ni Anna? Bakit kasi hindi mo pa ligawan?" pang aasar din ni Jenny ng humalakhak si Miguel.

Dahil sa nangyayari parang nawala sa paligid ang dalawang magkaibigan na sila Charlotte at Amanda. Parang gusto nalang nilang dalawa umalis.

Nasiko pa ng isang kaibigan ni Anna ang pisngi ni Amanda pero hindi nalang niya ito pinansin at umisod nalang ito sa gilid.

" dibale anak boto ako sayo para kay Anna" aniya ni Nina, nanay nanayan ni Miguel sabay tapik sa balikat nito na ngingiti ngiti lang.

Tahimik lang sa gilid si Amanda pero nasasaktan siya sa nangyayari. Alam niya sa sarili na may gusto si Anna kay Miguel.

Gusto ko yung tao oi! Tapos dito pa kayo nag aasaran! Maghanap naman kayo ng tamang lugar!

" sige Mommy haha, pupunta ako mamaya Anna" kinawayan ng binata ang grupo ng kaibigan ni Anna.

Kinindatan naman nito si Anna ng mamula ang pisngi nito. Umiwas ng tingin ang dalaga pero hindi ito naiwasang makita ni Amanda. Isang malakas na kirot sa dibdib nito ang naramdaman niya.

Ng makaalis ang grupo nila Anna ay saka lang siya nakaupo. Halatang good mood si Miguel dahil sa hindi maipintang ngiti nito.

" wow! Tagal niyo bang hindi nagkita?" sarkastikong sabat ni Charlotte ni Miguel ng taasan siya nito ng kilay

" bakit anong ginawa ko?" walang kaalam alam na tanong ni Miguel ng irapan siya ni Charlotte.

Si Amanda naman tahimik lang sa isang tabi.

Maya maya ay may nakiupo na naman sakanilang grupo ng mga babae.

Ay mali, sa tabi pala ni Miguel nakiupo.

Napailing nalang sa kawalan si Amanda ng titigan siya ng kakaiba ni Charlotte.

May tinatago sa akin ang babaeng to. Laman ng utak ni Charlotte habang pinagmamasdan si Amanda na nakayuko. Napayukom ang kanyang kamao.

Hindi naman talaga maitatanggi na may itsura si Miguel at halos lahat ng kababaihan at kabaklaan ay nagkakagusto sakanya. At walang ka alam alam ang binata na may gusto rin sakanya ang kanyang matalik na kaibigan.

Simpleng babae lamang si Amanda.

Simple manamit at walang halong kolorete ang mukha.

Boyish manamit at dalawang beses sa isang araw lang siya magsuklay pero kahit pa ganoon ay maganda parin siya. Suki siya sa mga Beauty Pageant at marami rin siyang manliligaw. Pero ni isa sa mga manliligaw niya ay hindi niya pinansin para lamang sa lalaking mimamahal niya.

Tanga na kung tanga pero ganoon nga talaga kapag nagmamahal ka.

Paulit ulit niyang sinasabi na ang kagandahan maaakit ang mata pero kagandahan parin ng loob ang mananaig sa puso ng lalaking magugustuhan ka. Mabait at maganda naman siya. Two in one na nga pero bakit ganoon?

Pero kakaiba kasi ang ating panahon.

Malaking dibdib ang basehan.

Makinis na kutis at mukhang walang bahid ng tagiyawat.

Rebonded na buhok at mapormang nilalang.

Kapag flat ka bihira ka makakita ng lalaking papatulan ka.

Kapaf flat ka makakakuha ka pa ng salita sa ibang tao.

Kapag pangit ka wala kang jowa

Kapag maputi ka sasabihin nila maputi lang yan

Kapag maitim naman hindi maiiwasan na may sasabihin ang iba

Kapag payat o mataba ka wala kang karapatang mag ka lovelife

Kahit marami kang barkadang lalaki sasabihin malandi ka

Kahit anong itsura o gawin mo meron at merong masasabi ang ibang tao.

Swerte mo kapag nakatagpo ka ng lalaking tatanggapin ka sa kung sino o ano ka.

Para kay Amanda walang babaeng pangit.

Siguro babaeng hindi marunong mag ayos meron pero babaeng pangit? Wala.

Pangit ang ugali meron.

Ito siguro ang dahilan kaya hindi niya magawang magtapat sakanya.

Dulot ng mga insecurities niya sa sarili.

" psssst! Amanda! Huy!" nabalik sa katotohan si Amanda ng maramdaman niya ang malakas na pitik ni Charlotte sa noo nito.

" aray ko! Problema mo?" nasasaktan na sagot ni Amanda habang hinahaplos ang noo nito. Pakiramdam niya pulang pula na ang noo niya ngayon.

" tulala ka naman kasi!" sambit naman ni Miguel sabay halakhak.

" natamaan mo ang pimple ko oi! Ang sakit nun! Pumutok ata!" mangiyak ngiyak nitong sambit saka tinignan ang repeksyon nito sa screen ng cellhpone niya.

May isang malaking pimple siya sa gitna ng noo niya at sa kasamaang palad dumudugo na ito.

" kita mo!? pumutok nga!" mangiyak ngiyak niyang tugon pero tinawanan lang siya ng dalawa.

" ahahahahhahahahahahhaha"

" ay ganun? Nagawa niyo akong pagtripan dalawa?" sinamaan niya ng tingin ang dalawa pero nagawa pa siyang asarin lalo.

Bakit ko ba naging kaibigan ang dalawang to.

" ay close na kayo?"

" hindi masyado. Tara mcdo" aniya Miguel saka umubo ubo.

" libre mo?" tanong ni Charlotte ng mapangiwi si Miguel

" hindi ah! KKB to! Ang dami mong pera. Amanda! Nagpasama yan kanina sa Cebuana kakakuha ng padala ng mama niya kaya manlilibre na yan mamaya!"

" hala hindi ah! Ibabayad ko pa to kay Amanda"

Walang emosyon niyang tinignan ang dalawa. Kahit papaano nawala ng kaunti ang pagdadrama niya sa loob dahil sa ginawa ng dalawang to.

" ok na kayo? Tara ng mcdo. Ikaw na ang magbayad Migs ikaw tong lalaki"

Ibinuka ni Miguel ang bibig na parang may sasabihin pero sa huli napabuntong hininga nalang siya.

" ayun oh! Hahahaha natalo natin si Miguel! Apir tayo bespren!" nag apir ang dalawa. Sila Charlotte at Amanda. Hindi nila maiwasang matawa habang pinagmamasdan si Miguel na nakayuko habang naglalakad.

Uubusin namin pera mo ngayon! hahahahahahaha