webnovel

Because it's You

BlacXtar · 若者
レビュー数が足りません
3 Chs

“The President”

Cayni

Mabilis ko lamang naubos ang kape ko at mukhang hindi naman ako kailangan dito sa Cafe dahil nan dito naman ang isa pang part time waitress nila. Hindi ko lang alam kung paano ako mag papaalam sa lalaking ito na aalis na ako dahil maaga pa ang pasok ko bukas. 

"You're leaving?" pero hindi pa man ako nakakagalaw ay mukhang na tunugan na niya ang balak kong gawin.

"Ah, Oo sana eh kasi maaga pa ang pasok ko bukas." Naiilang kong sabi sa kanya. Kahit naman papano ay gumaan ang loob ko sa kanya sa maikling oras na pag ku-kwentuhan namin at tawanan. He's nice, gentleman and funny at the same time. Matagal na din pala siyang kaibigan ng kambal dahil mga bata palang sila ay magkaibigan na ang mga magulang nila. 

"Can I walk you ho..." hindi niya tinuloy ang sasabihin at mukhang may bumagabag sa isip niya kaya nahinto siya at napatingin nalang sa kanyang kape na halos wala ng laman. 

"Right, kakakilala palang natin and you shouldn't trust me that easily." he said in a low tone of voice. "At baka may boyfriend ka pala at baka may magalit. Hahahaha!" napapakamot pa siya sa batok dahil sa reyalisasyun. He's tall and have a good build of body. Hindi naman malalaki ang katawan niya pero hindi din naman siya payat, sakto lang for a man and I think kahit papano makakaya ko naman syang patumbahin using my knowledge in terms o martial arts kapag may ginawa siyang hindi maganda. 

"My apartment is actually near this shop at may bike ako. Kung gusto mo ay pwede naman tayong maglakad pauwi. Madali ko lang namang maaakay ang bike ko..." 

"NE?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Tumango lang ako at tumayo na at kinuha ang bag ko. Sa harapan ng counter ako dumaan para makapag paalam sa mga kaibigan ko. 

"Sohee, Heeso I'll go now. Bye!" Paalam ko sa dalawa kasabay ang pagkaway sa kanila habang diridiritsyo sa pag labas ng cafe. Kumaway nalang din silang dalawa sakin. 

Hindi ko alam kung sumunod ba sakin si Jaehyun pero patuloy ako sa paglalakad patungo sa bike ko. Inilagay ko sa basket nito sa harapan ang maliit kong bag at hinanda ang sarili sa pag-akay nito nang biglang may kumuha nito sa kamay ko. Akala ko pa ay magnanakaw ito at ready na sana akong makipag basag ulo para sa bike ko pero si Jaehyun naman pala ito. 

"Ako nalang ang aakay nito." aniya habang nakangiti. Hinayaan ko na siya dahil halata namang kaya niya ito. Kinuha ko nalang muli yung bag ko para kung sakaling itatakbo niya ang bike ko ay nasakin naman ang bag ko. Hindi naman sa pinag-iisipan ko siya ng masama pero mabuti na yung sure at syaka nasa loob ng bag ko ang mga gamit ko for self defense. 

Nag patiuna na ako sa pag lalakad. Siguro ay 30 minutes lamang naman ang layo ng apartment ko itong  cafe kapag nilakad, depende kung gaano kabilis ang lakad. 

"May kotse kaba?" tanung ko dito dahil ang tahimik naming dalawa. 

"Merun, gusto mo ba mag kotse nalang tayo?" Hindi ko agad naisip na baka may kotse siya. I mean inaalala ko kasi ang pag-uwi niya. Baka kasi bumalik pa siya sa Cafe mamaya para sa kotse niya. 

"Mas okay sakin mag lakad, pero diko agad naisip kung paano ka uuwi?" nilingon ko siya para tignan kong nahihirapan na ba siya sa bike ko pero naka ngiti lang ito sakin. His smile is so bright just like his  face. Hindi ako maniniwala kung malaman kong wala itong kasintahan o nilalanding mga babae. 

"It's okay, babalik nalang ako sa cafe to get my car." Just like what I thought. Dapat pala ay tinanong ko na muna siya bago ako pumayag na ihatid niya ako by walk. 

"Sorry." Sabi ko sa kanya habang nakatingin na sa daan. Hindi pa naman masyadong late kaya napaka daming tao pa naming nakakasalubong. At halos lahat ng mga babae ay nakatitig sa kanya. Pwede naman kasi talaga siyang mapag kamalang artista. 

"Sorry for what?" napatingin ako sa kanya habang patuloy sa pag lalakad. 

"Kasi babalik kapa sa cafe para kunin ang kotse mo. Diko agad naisip na baka maabala kita." 

"Hindi naman to abala kasi ako naman ang unang nag offer. It's okay, don't worry about me." Napangiti nalang ako at muling binalik sa daan ang aking paningin. Sobrang relax na nakakausap ko siya using my native language. I mean I know how to speak their language pero mas relax parin na sarili mong language ang gagamitin mo. And I was so amaze na pinili niyang kausapin ako in my native language. 

"So, do you have a boyfriend?" He ask me out of nowhere. Hindi ko siya nilingon.

"Wala." I answer. 

"Can I see you again tomorrow night?" Natatanaw ko na ang apartment ko ng tanungin niya ako noon. Huminto ako at dahil doon ay huminto din siya. He look so worried dahil sa pag hinto ko. 

"Bakit? Wala kabang Girlfriends?" I ask him, pero natawa siya sa tanung ko at hindi ko alam kong anong nakakatawa doon. 

"What's funny?" I ask. Hindi ko alam kong masyadong nag tunog naiinis yung boses ko kasi bigla siyang huminto sa mahina niyang tawa. 

"Sorry, natawa ako kasi may S sa tanung mo. Really? Girlfriends? Do I look like a player?" nakangisi niyang tanung. Somehow yes, mukha siyang player and chick boy. Madami na akong na encounter na gaya niya. Mukhang mabait, asal mabait at pala kaibigan pero yun pala na ngungulekta lang ng babae. And I know I look so naive kaya dapat mag-ingat ako kahit kaibigan siya ng kaibigan ko. 

"Yes, 100 percent." I said in a serious tone. Kumalma naman siya ng makitang seryuso ako. 

"Sorry. Ehem!" he cleared his throat bago sumagot. 

"But believe it or not pero hindi pa ako nag kaka girlfriend in my 27 years of existence in this world." That was exaggeration.  And Just like what he said, hindi talaga ako maniniwala. 

"Yup, you doesn't believe in me, right?" Tumango naman ako sa kanya at nag patuloy sa paglalakad. 

"Kahit itanong mo pa kay Sohee, she will never gonna lie to you." He said confidently. 

Huminto ako sa tapat ng apartment ko. Tatlong palapag lang naman ito at nasa pinaka taas ang aking unit which is the rooftop. 

"So, you leave here?" Tumango lang ako. 

"Sa rooftop, actually."

"So can I meet you again tomorrow night at the  cafe?" I look at him. Kinuha ko na sa kamay niya ang bike ko. "Let's see!" I said bago ipasok sa bakuran ng apartment ko ang bike. Nilingon ko pa siya muli bago ko ni lock ang gate.

Pinapark ko lamang ang bike ko dito sa ibaba at nilolock nalang ito upang hindi mawala. Matapos yun ay umakyat na ako sa taas.

Pag-akyat ko sa rooftop ay tinanaw ko pa si Jaehyun na nag lalakad na ngayun pabalik sa Cafè. Muli itong lumingon sakin at dahil sa taranta ay napakaway nalang ako sa kanya at ang agaran kong pag lapit sa pinto ng bahay.

Matapos kong mag wash up at ligpitin ang kinainan ko ay tinawagan ko si Sohee na malamang ay nasa bahay na nila.

"Yes, Cay?" Sagot nito mula sa kabilang linya.

"You're already at your home now, right?" Nasa sala ako pero imbes na sa sofa ako umupo ay sa sahig ako umupo upang mas komportable kong magagamit ang center table. Nilagay ko sa ibabaw ng lamesa ang mga lesson plan ko at ilang mga libro para sa ituturo ko bukas.

"Yeah, are you home? I saw you walk out on the Cafè with Jaehyun." Her voice is obviously sound like teasing.

"So what do you think about him?" She continue. Nilagay ko sa likod ng tenga ko ang mga buhok na nakatakas sa pagkaka-pony tale ko nito.

"I should as you that..." I hesitate to ask but I still want to.

"What kind of person is Jaehyun?" I continue. Binuklat ko na ang mga lesson plan at mga libro ko gayun din ang isang malinis na notebook upang ma-take down note ko ang mga importanting information para sa klase ko bukas.

"Well, he's a nice person to be honest. He never had a girlfriend before and because of that we thought he's gay. But yeah he's not a gay." Natawa naman ako sa sinabi niya. So totoo naman pala ang sinabi ni Jaehyun kanina. But I wonder why?

"Bakit hindi daw sya nag kaka girlfriend?" Do I sound like I was interested to him? Well... I am actually.

"He said he's still looking for his soulmate." Soulmate? Ang isang lalaking kagaya niya ay naniniwala sa soulmate?

"I know it sound so cringe but that was real, he believes in soulmate and he said, once he saw the right girl he will know it." How come he will know about it? May kakayahan pa siyang makita ang mga red string ng mga tao? That's absurd.

"That's why when he ask me to introduce you to him? I already make a move because I believe he saw something on you."

"What do you mean?" I ask her. Naguguluhan ako sa nakinig ko sa kanya.

"Remember last Sunday? He came to Cafè then he saw you and you meet him for the first time?" Paninimula niya.

"Aha!" Tumango-tango pa ako na ani mo'y nakikita ako ng kausap ko.

"He chatted me actually, he said if I could introduce him to you. Then I told you to accompany him because I'm busy?" Oh that day? Kaya naman pala ganoon ang reaksyun niya ng sabihin ko sa kanya ang sinabing dahilan ni Sohee.

"Ipinag kakanulo mo ba ako?" Pagbibiro ko. Natatawa man ako ngayun ay hindi pa din ako makapaniwala sa mga nalalaman ko.

"What's kakanulo?" She sound so confused so baka hindi nga nito alam ang sinabi ko.

"Nevermind that!" Sabi ko sa kanya.

"Don't worry Cay, I know him so much and I know if you both got develop and fall with each other I know he won't hurt my super best friend." Mukhang ngayun palang ay shini-ship na kami ni Sohee kahit wala pa namang nagsisimula.

"What if I hurt him?" I tease her. Sasakyan ko na lamang muna ang trip niya.

"I don't care, he's just my best friend and your my super best friend. I'm always on your side." Mukhang mas kinilig pa ako sa sinabi niya ngayun kesa sa pag shi-ship niya sakin sa kababata niya.

"Oh I need to hung up now. Goodnight Cayni." She said before ending the call.

Maganda ang panahon ngayun at ikinasaya ko ito dahil makakapag bike ako papasok sa trabaho. Ayuko din ng umuulan dahil may kung anong lungkot akong nararamdaman kapag naulan.

Maaga akong nakarating sa university and as usual matapos kong ma park ang bike ko at malock ito ay pumunta muna ako sa teacher's office upang kunin ang ilan kong gamit bago tumuloy sa klase ko.

"Hi, miss Cayni. We will have a meeting on lunch time so make sure your not hangry later." It was ma'am Mi Young which is a year senior to me but still she's so nice to me.

"Thank you, and where will be the meeting?" I ask her. Napaka ganda ng ngiti nito na lalong nakapag paganda sa kanya. Sobrang kinis ng balat nito at halatang natural ang ganda niya dahil sa manipis na make up lamang nito.

"On the conference room, which you can find on the right wing of the main building, 1st floor." Napuntahan ko na mana yoon kaya naman pamilyar na ako kung saan ito.

"Are you heading to your class now?" She ask me.

"Ne, Sunbae." I answer her politely.

"Can I walk with you? My classroom is just the next room to yours." Siguro ay napaka raming nagkakagusto sa kanya dahil napaka ganda nito. Ngayun lang ako nakakita ng tao sa totoong buhay na sobrang ganda and I couldn't believe that she was talking to me.

"Ne, Sunbae. It's okay." Matapos kong makuha ang mga gamit ko ay lumabas na kami ng faculty at nag tungo sa mga klase namin. Habang nag lalakad sa hallway ay may natanaw akong lalaki na sobrang pamilyar sakin.

He's wearing a suit with tie at talagang kagalang galang ang itsura nito. Nakita din ako nito at habang papalapit ay inaasahan ko na babatiin niya ako pero nagulat ako nang lampasan lamang niya ako na para bang hindi niya ako kilala. Nahinto ako sa pag lalakad para lingunin siya pero diri-diritsyo lamang ito.

"Oh that's President Song Jaehyun. The Owner of this university. He's also the reason why we will have a meeting later." Nilingon ko si Mi Young. I was shock by the information that I discover right now.

"Why didn't you greet him if he's that important?"  I ask without thinking.

"Well,he doesn't like talking casually even for a greetings. You will used to it soon and by the way he's not always visit here so it's okay." She said and continue walking. I follow her. Hindi ba niya ako nakilala o dahil gaya ng sinabi ni Mi Young ay ayaw nito sa basta bastang casual talking?

Hindi ko naman hinayaan na tumakbo sa utak ko ang bagay na yun at nag focus nalang ako sa pag tuturo. Maaga ko muling dinissmiss ang klase ko dahil sa meeting. Pumunta muna ako sa cafeteria upang makakain bago ang meeting. Hindi ako pwedeng malipasan ng gutom dahil nahihilo at nanginginig ako kapag nakakalimutan kong kumain sa tamang oras.

Matapos yun ay tumungo na ako sa conference room na tinuro ni Mi Young. Akala ko ay masyado akong maaga doon pero nakita ko si Mi Young sa labas ng conference at mukhang may inaantay. But when she saw me ay parang nakita na niya ang inaabangan niya.

"I'm waiting for you Miss Cayni." She said with full of delight in her voice. Ngumiti nalang ako sa kanya at umangkla na ang braso niya sa braso ko at sabay kaming pumasok sa kwarto.

Umupo kami sa di kalayuan sa unahan kong saan may podium sa gitna na kagaya din sa mga class room dito.

"Have you eaten?" Mi young ask me.

"Ne Sunbae." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Oh stop calling me Sunbae, we have the same age anyway." She playfully said. Tumango na lamang ako dahil na aamaze ako sa kagandahan niya. Straight naman ako pero madalas nagagandahan talaga ako sa mga babae. Ang bait pa niya at ramdam kong totoo ang pinapakita niya sakin.

"You speak Hangul so well! I was amaze by that!" Aniya na para bang kinikilig.

"Thank you."  I said politely.

"Good day my co professors. Let's start the meeting. And here's our President to have his first talk for this school year." Panimula ng Dean.

"Mr. Song Jaehyun!" Matapos tawagin ng Dean ay nag lakad na paakyat nang maliit na stage at pumunta sa podium ang lalaki. He look so different from the guy that I always meet at the Cafè. Napaka formal niya at kagalang-galang. Mas gwapo din siya kapag seryuso siya pero mas komportable ako sa kanya kapag nag papatawa siya at kapag ngumingiti siya. Ngayun parang napaka taas niya at sobrang kita ang agwat namin sa buhay. Napaka imposibleng maging bagay ako sa kagaya niya.

That was nonsense to think na nararapat ako sa mundo niya. And of course mali din si Sohee na may nakitang kakaiba sakin si Jaehyun. Maybe nabaitan lang sakin ang lalaki at ginusto akong maging kaibigan.