webnovel

Beautiful Accident (Tagalog)

Memories are a way of holding on to the things you love, the things you are, and the things you never want to lose. But what if you lose the memory itself?

MissHeiress · 現実
レビュー数が足りません
6 Chs

Chapter 2

BLAKE

"How dare you break up with me? Sa tingin mo papayag ako ng ganun ganun na lang?"

Nakakabingi iyong boses ng kausap ko sa phone ngayon. She is one of my girlfriend for a week and expired na ang relasyon namin, so I am breaking up with her now at hindi niya matanggap. Initial reaction ng lahat ng hinihiwalayan kong babae.

"I'm sorry babe, we're really done," I replied in a nice tone.

"I'm not like your other girls Blake, huwag mo akong itulad sa kanila na panandalian lang."

What makes you different from them sweetie?

Bukod sa napaka-arte, napaka sama pa ng ugali na taliwas sa ganda ng mukha niya.

I cut the call, hindi ko na pinahaba pa ang usapan, doon rin naman papunta ang lahat.

For the record lang, hindi ko naman pinaglalaruan ang mga babaeng mabait talaga. I know that there are some girls that are worth to be taken seriously like Rose, Irene, Angel and my other girl friends.

Yung mga bitchesa lang din talaga ang gusto kong paglaruan. Iyong mga kasing brat ni Tanya.

"Kuys," tawag ni Kyle sa akin. Nasa isang hotel nga pala kami dito sa Japan kasama si Jayem, Harvey at Loey dahil may fan meeting kami the other day at ngayon ay free time na namin.

"Tinatawagan ako ni Megan kanina pa...kausapin mo nga, ako itong kinukulit eh!" Naiiritang sabi nito.

"Megan who?"

Kyle rolled his eyes. "Iyong model na nakasama ko sa isang magazine photoshoot, sabi niya may something daw kayo. Kinukulit nga ako panay tanong kung nasaan ka raw."

Sa dami ng babaeng naka-encounter ko, hindi ko na nga halos maalala isa-isa ang mga pangalan nila.

"I can't remember her. Tsaka paano naman nakuha n'on ang number mo?"

"Maraming means iyon 'no, tsaka langya ka naman kuys. Tigilan mo na nga pambababae mo 'di mo na matandaan mga pangalan eh."

Baka iyong sinasabi niya ay iyong nakasama ko sa condo noong nakaraang araw na nahuli ni Kuys Jayem.

Umiling-iling ako at iniba ko ang usapan. "Saan ba sila?"

"Nand'on sa labas, naghahanap ng pokemon sa kalsada," sagot ni Kyle.

"Pokemon?"

"Oo. Naglalaro sila ng Pokemon go. 'Di ba marami niyan dito sa Japan?"

Tumawa ako. "Akala ko naman kung ano."

Tumayo ako at napagpasyahang magbihis dahil gusto ko ring gumala.

"Sama ka?" Pagyayaya ko kay Kyle.

"Where?" Tanong nito habang nakahalukipkip at nakataas ang kilay na naka de kwatrong nakasandal sa couch.

"Maghahanap ng Japanese school girls," I replied with an evil grin.

Binato naman niya ako ng unan.

"Bakit ba?" Reklamo ko.

"Puro babae na lang nasa isip mo kuys."

I laughed. "Alangan namang lalaki ang hanapin ko?"

Umiling-iling siya. "Alam mo, isang araw darating din iyong karma mo kuys, kaya kung ako sa'yo maghinay-hinay ka para hindi ganoon ka grabe."

I laughed again. "Mauuna munang makarma 'yong ex ko bago ako."

"Bitter."

"Sumama ka na lang."

"Ayoko, masakit ulo ko. Tsaka huwag mo nga ako tinuturuan, goodboy ako eh."

"Ang sabihin mo, pumuporma ka na sa half sister ni Kuys--"

"Where home!" Malakas na boses na sabi ng mga bagong dating na sina Jayem, Loey at Harvey. Mukhang hindi matutuloy ang onna no ko hunting ko nito.

"Nakakapagod maghanap ng pokemon, nagutom kami. Kumain na ba kayo? Kain tayo!" Pagyayaya ni Jayem.

"Gusto ko ng Japanese rice cake!" Malakas na saad ni Loey.

"Ako gusto ko ng ramen," sabi naman ni Harvey.

"Sushi akin!" Nakisali na rin ni si Kyle.

"Ikaw ba Blake?" Baling ni Jayem sa akin.

"Bakit manglilibre ka ba?" Sagot ko naman.

"Nagtatanong lang," sagot naman nito sabay nguso at ikot ng mata. Sa mga trips kasi laging si Jayem ang bangka pagdating sa kainan.

"Wala akong cash," tugon nito na kinukumpas pa ang mga kamay nang mahalatang nakatingin kaming lahat sa kanya.

"Eh di iyong black card mo." Sagot ni Harvey.

"Loko wala tayo sa Korea bro nakalimutan mo? Hahaha. Japan 'to."

"Tina-try ko lang baka makalusot."

"Maghahanap na nga lang ako ng onna noko," tugon ko sa kanila.

"Anong onna noko?" Kunot-noong tanong ni Jayem.

"Babae Kuys," sagot ni Kyle.

Nanlalaki ang mga matang tumingin si Jayem sa akin. "Magtigil ka nga Blake. Wala ka sa Pinas."

"Exactly, mas magaganda mga babae rito," pilyo kong sagot.

Umiling-iling si Jayem. "Hay ewan ko sa iyo. Kailan kaya darating si karma at nang maturuan ka na ng leksiyon."

Ngumisi lang ako sa kanila, pero inaamin ko sa loob-loob ko ay hindi ko rin maiwasang mapatanong.

May darating pa kayang tamang babae para sa akin?