webnovel

Axisa's Playlist

This is a collection of one shot stories in Filipino. Chapter titles are based inspired by Ben&Ben songs.

Lesanlaine · 若者
レビュー数が足りません
4 Chs

Joaquin - Ride Home

"That's all for today. Let's meet tomorrow morning for the final event date," pagsasara ni Ms. Aireen ng meeting. "I want all the meeting materials and agreements for this meeting to be presented tomorrow."

"Yes, ma'am," sagot ng kaniyang secretary.

"Okay. You may all go now. Thank you for today."

Isa-isa nang lumabas ng meeting room ang aking mga kasama sa trabaho. Inayos ko lang lahat ng papel na kakailanganin ko para bukas at handa na rin akong umuwi. Ako ang huling naiwan sa meeting room bago ako lumabas. Ako na rin ang nagsara ng nasabing silid at nagpatay ng mga ilaw.

"Adrianne, sabay ka?" tanong ni Liezel sa akin. Siya ang palagi kong kasabay sa pag-uwi, sa paglalakad, sa pagtawid at sa paghihintay sa mahabang pila ng MRT.

"Mauna ka na, may kailangan lang akong i-copy na files sa desktop."

"Ganon ba? Ingat ka ah. Umuulan daw sa labas, handa mo na ang mahiwagang payong," sambit niya.

Natawa na lang ako sa paalala niya. Nagtungo ako sa aking lamesa para ihanda na ang mga dapat kong dalhin pauwi para na rin matapos ko ang mga kakailanganin ni Ms. Aireen bukas sa meeting. Isang malaking event ang hawak naming ngayon, hindi dapat pumalpak.

Nabaling ang tingin ko sa bumukas ng pinto ng opisina. May nakalimutan kaya si Liezel? Tanong ko sa sarili.

Isang lalaki ang pumasok, may mga dalang brown envelope at makakapal na papel.

"Overtime?" tanong niya sa akin.

"Hindi, may kinukuha lang ako na files. Ikaw? Katatapos lang ng meeting niyo?"

"Yeah, hectic sched ng client namin," sagot niya.

Siya si Joaquin. Isa sa mga kasama ko sa trabaho. Hindi siya nakaabot sa meeting kanina dahil mayroon silang tinatapos na meeting sa ibang client naman. Malaking ciient lagi ang hinahawakan ng team nila. Tipong kapag nagkaroon ng event, piniguradong maraming tao ang pupunta.

"Anong band pala ang nakuha niyo ngayon?" tanong niya sa akin.

Doon ko napansin na nakatayo pa rin pala siya sa pwesto niya kanina.

"Ha? Ah, hindi ko pa rin sigurado. May dalawang option pa kami. Bukas siguro malalaman na namin," paliwanag ko.

Tumango siya at umalis na rin. Nakita ko na pumunta siya roon sa pwesto niya. Nagsimula na rin siyang mag-ayos ng mga gamit. Nauna akong lumabas ng opisina sa kanya. Hindi na ako nagpaalam, hindi naman kami ganoon kalapit ni Joaquin sa isa't isa. Kung sa trabaho, mas senior siya sa akin. Dumating ako sa trabaho na 'to na nandito na rin siya. Marami ang nagsasabi na maraming client ang bumabalik para mag pa-handle ng event sa amin dahil sa kanya. Magaling daw kasi na empleyado si Joaqui, ayon sa naririnig ko.

Nasa elevator ako nang tumawag ang kapatid ko na si Andrei. "Bakit?" sagot ko sa tawag niya.

"Nasaan ka na?"

"Palabas ng office. Bakit nga?"

"Kain tayo ng pizza, bili ka ah."

"Derecho uwi na ako. Ikaw na ang bumili, babayaran ko na lang sayo."

Pumayag siya sa hiling ko. Nakatatandang kapatid ko si Andrei, hindi ko siya tinatawag na Kuya, mas pabor din naman siya na tawagin kong Andrei. Wala kasi siyang girlfriend, at sa tuwing magkasama kami hindi naman siya nagmumukhang single.

"Bakit pala pizza ang kakainin natin ngayon? Nasaan sina Mama? Walang nagluto?"

"Wala. Naabutan sila nang malakas na ulan kina Tita. Maya-maya pa raw siguro sila makakauwi."

"Hala," sambit ko. "Malakas ang ulan sa labas?"

"Siguro. Naririnig ko rin mula rito sa kwarto. Ingat ka, Adrianne. Mag -aasawa ka pa."

Tinayaran ko na lang ang pagbibiro na ginawa niya. Wala pa sa plano ko ang pag-aasawa. Batang bata pa ako. Hindi pa naman ganoon ka-late kung magpapakasal ako sa edad na bente otso di ba? Hindi pa naman.

Si Andrei ang dapat nag-iisip na magpakasal. Trenta na siya ngunit single pa rin. Isang malaking joke talaga ang buhay niya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan niya pa makipaghiwalay doon sa longtime girlfriend niya. Ayos naman silang dalawa, ewan ko ba sa kapatid ko.

Napasimangot ako nang makarating sa lobby. Binati ako ni Kuya guard ng isang magandang gabi, ngunit hindi ito nakatulong upang gumanda ang maulan kong gabi. Ang lakas ng ulan sa labas. Tipong kahit may dala akong payong sa paglalakad ay matatangay ito nang malakas na ihip ng hangin.

Dali-dali kong hinanap sa bag ang nag-iisang payong na tatlong taon ko nang kasama.

"Patay," nasabi ko.

Wala sa bag ko ang nasabing payong. Walang ibang laman ang bag ko kundi wallet, notebook, isang pencil case at mga pampaganda na wala rin namang epekto sa mukha ko, Hindi naman ako gumaganda kahit anong gawin ko.

"Ma'am, may hinihintay po ba kayong sasakyan?" tanong ng guard.

"Nako, Kuya, sana nga po ay may sasakyan ako. Hinihintay ko po na tumila ang ulan," sagot ko habang nakatingin sa labas.

Napatawa ko si manong guard sa sagot ko. "Mukhang matatagalan po na matupad na matupad ang hiling niyo. May paparating po kasi na bagyo kaya ganyan."

"Kanina pa ba umuulan, Kuya?"

"Isang oras na siguro, ma'am."

Tumango ako at naglakad papalapit sa information desk. Maghihintay na lang ako ng kaunting oras pa at pwede na siguro akong umuwi, kung wala rin naman pagbabago sa panahon baka mag Grab na lang ako pauwi sa amin. Magkano kaya ang magagastos ko? Malayo-layo pa naman ang bahay mula sa opisina na 'to.

Badtrip.

Nagsisimula na akong mainip.

"May hinihintay ka?"

"Ulan."

"Ha?"

Napa-iling ako sa naging tugon ko sa kanya. "Sorry, hinihintay ko kasi na tumigil ang ulan. Hindi ako makauwi," sabi ko.

Hindi ko napansin na lumapit si Joaquin. Halos titigan ko na kasi ang mga patak ng ulan.

Tinabihan niya ako sa paghihintay dito sa lobby. May chini-check siya sa phone. Mukhang hindi rin nagmamadaling umuwi si Joaquin.

"Nakaiwan ka rin ba ng payong?" naitanong ko na lang sa kanya.

Wala kasi siyang dalang bag. Tanging cellphone lang ang hawak niya. Ganito ba talaga ang mga kalalakihan sa opisina na 'to? Hindi naman lahat. Iyong iba nakikita ko na may mga backpack pa, pero bakit si Joaquin walang kadala-dala?

Natawa siya sa tanong ko. "Naiwan mo pala payong mo?"

Tumango ako bilang tugon.

"Tara," sabi niya.

"Saan?"

"Hatid kita. Pauwi na rin kasi ako. Sabay ka na."

Isang magandang balita ang narinig ko mula sa kanya. Hindi na ako tatanggi kung ganito ang offer.

"May dala kang payong?" tanong ko pa nang magsimula na kaming maglakad paalis sa lobby.

"May dala akong sasakyan. Hindi na siguro tayo mababasa ng ulan, 'no?"

Napatahimik ako. "Sabi ko nga sasakyan ang dala mo."

"Nandoon na rin lahat ng gamit ko. Baka isipin mo napakatamad kong empleyado."

"Wala akong sinabi," depensa ko.

Pinaghintay niya ako sa harap ng lobby habang kinukuha niya ang sasakyan. Nakita ko naman na may paparating na asul na sasakyan sa direksyon ko, nakita ko na si Joaquin ang sakay nito. Bumaba siya para sunduin ako, may dala siyang payong.

"Payong, kita mo? May payong ako," pagmamalaki niya.

"Sira ka. Pero salamat ah, makakauwi na rin ako."

"Wala 'yon, Ma'am Adrianne. Kinagagalak ko po na paglingkuran kayo," pagbibiro niya.

Nag byahe kami sa gitna nang malakas na ulan. Isa ang una kong napansin sa kotse ni Joaquin, may mga gamit nga siya sa sasakyan. May mga kahon at brown envelope sa likod na upuan, nag-uuwi rin pala siya ng trabaho sa bahay.

"May nakita ka na bang dumi?" tanong niya.

"Ha?"

"Chini-check mo yata kung gaano kadumi sasakyan ko, e."

"Hindi ah. Nakikita ko lang kaya tinitingnan ko."

"Si Liezel pala? Bakit hindi kayo sabay umuwi ngayon?"

Tiningnan ko siya nang may paghihinala. "Uy, ikaw ah. Next time isasabay ko siya, Sabihin kita kapag magkasabay kami uuwi bukas."

"Grabe, 'wag mo naman bigyan ng malisya. Magkaibigan kami ni Liezel."

"Sus. Doon na rin nagsisimula ang lahat. Sa pagkakaibigan."

"Talaga ba?"

"Oo, naniniwala ako sa ganon."

May sinabi siya na hindi ko narinig. Sa labas, maraming pasahero ang nag-aabang ng masasakyan. Ang ilan ay naka payong, ang ilan ay nakasilong para hindi mabasa. Sa sobrang lakas ng ulan ngayon gabi nagsisimula na rin na magbaha sa ilang daanan.

"Kailangan ko na rin sigurong bumili ng sasakyan," bigla kong nasabi.

"Para saan?"

"Para sa ganito. Hindi ako makakauwi kung wala akong payong."

"Hindi na 'yon kailangan. Tawag ka lang sa akin, pwede kitang isabay. Anytime," nakangiting offer niya.

"Sus. Sige, next time I will make sure na kasama ko si Liezel."

"Ewan ko sa'yo. Hindi nga ganon, Ma'am Adrianne."

"May problema po ba tayo, Sir Joaquin?"

Umiling siya. "Wala. Naalala ko lang 'yung intern na gustong gusto kang tinatawag na Ma'am Adrianne tapos naiinis ka kapag ginagaya ng lahat."

"Hindi kasi ako sanay."

Hindi ko rin akalain na ganito ang magiging pag-uusap naming ni Joaquin. Hindi kami madalas magkausap sa trabaho. Magkaiba kami nang ginagalawan na department. Nagkikita at nagkakausap kami kung may iisang meeting na dapat na mag attend kami. Mas madalas siyang kasama ni Liezel sa mga ganoong meeting at mga event proposal, silang dalawa kasi ang halos sabay nag trabaho.

"May nakita akong payong kanina sa office. Malapit sa area niyo," sabi niya.

"Kulay black ba?"

"May ribbon na pink?"

"Payong ko 'yon! Bakit hindi mo dinala?"

"Hindi ko alam na payong mo 'yon, sorry," natatawang paghingi niya na depensa.

"May nakakatawa ba, Joaquin?"

"Ka-boses mo nanay ko kapag galit. Ganyan na ganyan niya akong tawagin. 'May nakakatawa ba, Joaquin?' kuhang kuha mo 'yung boses niya."

Hindi ako natatawa sa ginagawa niyang pagkukumpara. Naiwan ko pala ang payong ko sa may lamesa. Hindi ko rin maalala na iniwan ko 'yon doon kanina.

"Pakibaba na lang ako sa may MRT station."

"Ayaw ko nga."

"Malayo bahay namin. Siguro mga one hour ride mula rito," sabi ko.

"Alam ko," sagot niya. "Malapit bahay niyo kina Liezel, di ba?"

Muli ko siyang inasar kay Liezel. Ngayon hindi siya nagsabi ng kung ano man para itanggi. Hindi ko rin batid kung natutuwa pa ba siya sa ginagawa ko o naiinis na sa akin. Biglang naging tahimik ang naging byahe naming dalawa. Walang nagsalita. Hindi na rin ako nang-asar. Nakikisabay na nga lang ako tapos binubwiset ko pa 'yung maghahatid sa akin sa bahay.

"Pwede kong buksan?" tanong niya sa akin, pagtutukoy niya sa FM radio.

"Sure, kahit anong channel ikaw na bahala."

"Mahilig ka ba sa music? May favorite band ka ba?" tanong niya habang naghahanap ng channel para sa pakikinggan namin na radio station.

"Hindi masyado, pero nakikinig ako sa kahit anong kanta. Mahilig kasi 'yung kapatid ko sa mga ganyan. Gusto niyang magkaroon ng banda."

"Tumutugtog siya?"

Tumango ako. "Gusto mong makanood ng live performance?"

"Anong banda?"

"Banda namin," sagot niya. Derechong nakatingin sa daan habang nagmamaneho, tinitingnan ko siya sandali para maghanap ng senyales na nagbibiro lamang siya.

"May banda kayo?"

"Oo. No'ng college pa 'yon. Buhay pa naman hanggang ngayon."

"Saan kayo tumutugtog?"

"Sa resto ng kaibigan ko. Isama kita minsan kung wala kang gagawin after work."

"Anong instrument mo?"

Sumagot niya ng drums. Bata pa lang daw ay mahilig na siyang tumugtog ng drums. Namangha na lang ako sa mga sumunod niya pang kinuwento. Gaya nang pagtugtog nila sa university nila noon. Sa pagsali sa mga contest sa iba't ibang university at nakapag-uwi sila ng ilang parangal.

Hindi lang naging full time band sila dahil sa kaniya kaniyang trabaho.

"Wow," sabi ko. "Ako lang ata ang tao na walang talent."

"Pwede ba 'yon?" takang tanong niya.

"Oo. Nabubuhay nga ako, di ba? Wala akong talent. Sa tanda ko nang 'to mahilig lang ako kumain. Kaya ko kumain ng three cups of rice, talent ba 'yon?"

"Matanda ka na ba?" tanong niya.

"Twenty-eight na ako kahit ayaw kong sabihin sa'yo," pagtatapat ko ng edad.

Hindi siya sumagot. Napansin kong tiningnan niya ako saglit. "Twenty-eight," pag-uulit niya ng sagot ko.

Tumango lang ako.

"Huwag kang mag-alala. Mas matanda pa sa'yo bandmates ko, wala rin silang talent. Kunwari lang na marunong silang kumanta at mag gitara."

"Nako, 'wag ako ang lokohin mo. Ilan kayo sa band?"

"Apat," sagot niya. "Lahat sila taken na."

"Nagtanong ba ako kung lahat sila single?"

"Sinabi ko lang sa'yo. For your advance information."

"Sira ka. Hindi ako intresado sa gano'ng bagay," paglilinaw ko sa kanya.

Hindi sa hindi ako naniniwalang may forever, pero isa kasi ako sa member ng samahan ng mga single. Hindi ko rin maipaliwanag kung anong sumpa ba ang nakuha ko noon sa college at ganito ako. Naka graduate ako na halos lahat ng awards ay hakutin ko na at halos lahat ng medal ay isabit ko na sa leeg ko, pero 'yong mga lalaki na inaya akong kumain sa labas at manood ng sine ay tumagal lang ng isang lingo ang usapan namin.

Nagkaroon na rin ako ng boyfriend, pero halos limang buwan lang naging kami. No'ng nalaman naming na magkaibang school ang papasukan naming sa kolehiyo, nakipaghiwalay siya sa akin. Ako ang niligawan. Ako ang iniwan.

"Saan ka intresado?"

"Sa trabaho. Sa pagtanda ng kapatid ko. Sa mga magiging pamangkin ko."

"Sa'kin," sabi niya.

"Ha?"

"Sa'kin 'yong nag ri-ring na phone."

Naka-hang 'yong phone niya sa stand na kitang kita ko kung sino ang caller. Lorenzo ang pangalan nang tumatawag. Hindi niya pinapansin ang caller.

"Ayaw mong sagutin?" tanong ko.

"Mangungulit lang 'yan."

Napansin ko na may kantang nag pa-play sa radio pero sa sobrang hina nito hindi ko rin alam kung ano ito. Muling tumawag si Lorenzo sa kanya.

"Sagutin mo na. Hindi ako magsasalita," sabi ko. "Baka urgent 'yan."

Kita ko na hindi bukal sa loob niya ang pagsagot sa tawag. Hindi rin siya nagsabi ng hello o hi sa kausap.

"Yo, Wax, 'san ka?" tanong nitong kausap niya. Wax? Isang magandang nickname.

"May ihahatid lang ako. Derecho na 'ko dyan pagkatapos."

"Thirty minutes late ka na. At dahil late ka, anong pa-dinner mo ngayon sa'min?"

"Wala."

Thirty minutes late? Nakatingin ako sa kanya habang sumasagot siya roon sa kausap. May dapat ba siyang puntahan ngayon na hindi niya agad napuntahan? Kaya ba ayaw niyang sagutin 'yong tawag?

"May kasama ka ba?" tanong ni Lorenzo.

"Meron, kaya 'wag kang makulit dyan. Hintayin niyo 'ko. Before 7:30 nandyan na ako."

"Sino 'yan? Chix mo?"

"Boss ko," sagot ni Joaquin.

"Mukha mo! Ikaw maghahatid ng boss? Joke ka, Wax?"

Naririnig ko na nagtatawanan na rin 'yong mga kasama ni Lorenzo sa kabilang linya. Mukhang naririnig nila ang usapan nitong dalawa.

"I-end mo na 'yung walang kwenta mong tawag, Enzo."

"Bakit hindi siya nagsasalita? Ano pinakin mo? Naging masama na ba kami sa kanya?"

"Ano pangalan niyan?" tanong no'ng isa. "Hi, I'm Renzo. Bass guitarist. Kaso may girlfriend na ako," sabi niya pa.

"Baliw ka, Renzo." Narining kong nagsalita 'yong tumawag. "Sama mo na lang sa next gig natin, Wax. Pakilala mo sa amin, ha? Siya na ba 'yong The One?"

Hindi umiimik si Joaquin, wala rin siyang sinasabi kung dapat ko bang palutan o huwag ko na lang pakinggan 'tong mga kaibigan niya.

"Ano nga pangalan non, Karl? Yung babae?" may narinig pa akong nagsalita.

"Si ano-" hindi natuloy 'yung sasabihin ng nasa kabilang linya dahil biglang binaba ni Joaquin ang tawag.

"Sorry, ang gugulo nila," sabi niya. Nakita ko na in-off niya ang cellphone. "Bandmates ko 'yong mga 'yon. Ganon silang kagulo, parang highschool."

"May dapat ka pa lang puntahan. Bakit nag offer ka maghatid? Nakakistorbo ako sa mga gagawin niyo," sabi ko sakanya para hindi lumayo ang usapan.

"Ayos lang. Kaya nilang maghintay."

"Ibaba mo na lang siguro ako sa kanto. Medyo tumigil na rin naman 'yong ulan. Kaya ko na maglakad mula rito," sabi ko.

"Friday, seven thirty PM. Okay lang sa'yo?" tanong niya na malayo sa sinabi ko.

"Ha?"

"Kung gusto mo lang naman silang makilala. Free ka ba this Friday?"

"Tititngnan ko. Tatanungin ko rin si Liezel."

"Hindi si Liezel ang kailangan kong makita ro'n. Ikaw 'yong tinatanong ko, Adrianne."

"Siguro? Hindi ko pa talaga alam. Sorry," napatingin ako sa daan. "Teka, sabi ko sa kanto mo na lang ako ibaba. Bakit ka-lumi-li-ko.."

Hindi ko na rin natapos ang sasabihin ko. Nakarating na kami sa village namin. Ilang kanto na lang at makakarating na kami sa tapat ng bahay. May nakita akong lalaki na nakatayo sa labas. Ilaw ng cellphone ang nagdagdag ng linawag sa mukha niya.

"Sino 'yon?" tanong ni Joaquin.

"Kapatid ko," sagot ko. Kahit hindi ko tiyak kung si Andrei ba 'tong nasa labas at ano ang ginagawa niya sa labas ng ganitong oras.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Napansin rin ito ni Andrei, siya nga ang naghihintay sa labas.

"Paano mo nalaman na nakatira ako rito?" 'yon ang naitanong ko bago magpasalamat.

Dinahilan niya si Liezel. Hindi ko nakita ang koneksyon pero tinanggap ko pa rin ang paliwanag niya.

"Salamat sa paghahatid kahit ako 'tong nakaabala sa inyong lahat. Babawi ako sa'yo," sabi ko sa kanya.

"Okay na ako sa Friday. Sagot na no'n yung oras at gas ko," sabi niya.

"Wow. Mabuti pa lang na wala akong binayaran na toll fee, 'no?"

Tumawa siya sa naging sagot ko. "Hindi naman magagalit sina Renzo kung ikaw ang ipapakilala ko," sabi niya pa.

"Teka, bakit ako?"

"Seven AM bukas," sabi niya bago ako bumaba ng sasakyan.

"Meeting mo?" tanong ko.

"Sunduin kita ng seven AM bukas. Nandito na ako sa tapat ng bahay niyo mga 6:59 AM. Sure 'yon."

Nagtataka ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko na rin nagawang makasagot agad. Napansin ko kasi 'yung driver ng food delivery na naghatid ng pizza sa bahay namin. Hindi pa rin umaalis si Andrei sa tapat ng bahay. Nagtataka siguro siya kung bakit may naka park na sasakyan pero walang bumababa.

"Mag a-apply ka bang driver ko?" pabirong tugon ko.

Nagkibit balikat siya. "Kung doon mo gustong magsimula, pwede rin naman, Ma'am Adrianne."

"Uy, teka. Joaquin, hindi magandang biro 'yong ganyan ah."

"Paki-hi mo na lang ako kay Andrei. Sa weekend na lang siguro kami mag-uusap."

Hindi niya ako pinakinggan. Nasunod ang gusto niya. Naiwan ako sa labas ng bahay kasama si Andrei na nagsisimula nang kumain ng pizza.

"Sino 'yon?"

"Boss ko," palusot ko.

"Ano ba 'yan," reklamo niya sabay talikod. "Akala ko pa naman may manliligaw ka na."

Kinabukasan, wala pang seven AM nakasilip na ako sa bintana ng kwarto ko. Nang makita ko na paparating na 'yong sasakyan ni Joaquin doon ko napagtanto na 'di panaginip ang mga nangyari kagabi.

Malakas na ulan.

Naiwan na payong.

Pagsisimula ng panibagong kwento.

~