Nakaupo ako sa bench dito sa rooftop habang magkasalikop ang mga palad ko habang iniisip pa rin ang nangyari kanina, parang nagdadalawang isip na ako na manatili sa lugar na ito unang linggo pa lang pero mukhang mahihirapan na ako.
Dito ako dinala ni Keita kanina pagkatapos niya akong mailigtas kina Vannesa.
Iniisip ko ang maaaring mangyari sa kanila oras na malaman ito ng mga kapatid ko at nagdadasal ako na sana ay hindi na makarating sa kanila ang bagay na ito nagtataka lang ako kung bakit walang mga bodyguard ang nakapalibot sa university, mula kase ng dumating kami dito ni Aika ay wala akong naramdaman na prisensya kahit isa lang sa mga bodyguard ko.
Wala sina Usui at Gavin kahit sinabi ni papa na susunod sila ay hindi ko pa rin sila nakikita mula ngayon.
Bigla akong napatayo ng bumukas ang pinto ng rooftop nakita ko si Keita na may dalang dalawang bottled water, lumambot ang buska ng mukha niya ng makita akong nakatayo na may bakas nang gulat sa mga mata ko.
"Umupo ka ulit sige na wag kang matakot sa akin sweetheart." Malambing niyang turan sa akin kaya naupo ulit ako dahil sa sinabi niya, umupo siya sa harap ko at hinawakn niya ang hibla ng buhok kong tumabing na pala sa mukha ko kaya napatingin tuloy ako sa kanya.
May bakas ng lungkot sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.
Parang nasasaktan siya at malungkot pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Salamat sayo Keita." Nakayuko kong sabi sa kanya parang biglang namula ang mukha ko dahil sa malalim niyang pagtitig.
"Ayos lang sweetheart, buti na lang hindi ako nahuli ng dating dahil kung hindi masasaktan sila sa ginawa nila. Ayos ka na ba?" Seryoso niyang tanong kaya tumango ako sa kanya.
"Heto uminom ka muna." Sabay bukas ng bote ng tubig, kinuha ko naman ito at uminom.
"Salamat ulit sayo Keita." Ulit ko ulit nang muli kong matagpuan ang boses ko.
"Walang anuman basta para sayo."
Nakangiti na niyang turan muli akong namula sa sinabi niya, ito ang unang beses na makakilala ako ng ibang lalake kaya naninibago pa ako, isa sa mga ipinagbawal sa akin ay ang makipaglapit sa ibang tao lalo na at nasa panganib pa rin ang buhay ko.
"Bakit wala si Aika?" Tanong niya mayamaya. Kaya itinabi ko ang tubig na halos maubos ko ang laman.
"May lagnat siya kaya ako lang pumasok." Sagot ko.
"Kaya ka binully nung mga babaeng yun kung hindi ako dumating sinaktan ka nila nang tuluyan at baka maging kriminal pa ako."
Medyo napataas nanaman ang boses niya na ikinapitlag ko.
Pero agad ding nagbago nang napansin niya na nangingnig ako dahil sa sinabi niya.
Bigla s'yang lumapit sakin kaya napaatras ako bigla pero kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito lalo lang akong namula sa ginawa niya.
"I thought i never seen you again, but i'm touching you right now in flesh."
Napamaang ako sa sinabi niya nakaramdam ako nang kakaibang kaba mula sa mismong puso ko.
Hindi siya takot pero kakaibang kaba.
Seryoso lang siyang nakatingin saakin na para bang may malalim na dahilan.
Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero humigpit lang ang hawak niya, pero binitiwan naman niya ito maya-maya.
"Ba...baba na ako may pasok pa ako." Lakas loob kong turan sa kanya.
Tatayo na sana ako pero bigla niya naman akong hinawakan sa bewang dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya sa gulat ko ay nagpapalag ako.
"Please! pakawalan mo ako may pasok pa ako..." Nabibigla kong pakiusap sa kanya.
"No...please stay still sweetheart gusto lang kitang yakapin kahit sandali lang." May lambing ang boses niya na nakikiusap kaya napatigil ako sa pagpalag kaya napahawak na lang ako sa mga braso niya.
Hinayaan ko na lang siya na nakayakap sa baywang ko, pero pareho kaming natigilan nang tumunog ang school bell, hudyat na kailangan naming pumasok sa klase.
Hinayaan na niya akong makawala sa yakap niya kaya napatayo ako bigla at tumuloy sa pag-alis, bago yun ay muli ko siyang tiningnan saka ako bahagya akong yumuko atsaka tuluyang linisan ang lugar.
Sa maghapon na iyon ay hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga nangyari kanina sa rooftop, nagulat ako sa inasal niya pero alam kong mayroong dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Hindi ko na rin siya nakita mula kanina.
Ang bilis parin nang tibok nang puso ko hangang ngayon buti na lang kahit lumilipad utak ko naintindihan ko parin ang mga tinuro nang guro namin.
Nakauwi akong lutang parin hangang ngayon dahil sa nangyari kanina.
Naabutan ko si Aika sa kusina kaya dali-dali akong pumunta sa kanya nang makita ko siyang nagluluto.
"Aika bakit ka na tumayo dyan?." Gulat kong turan sa kanya. "Hindi ka pa magaling dapat nagpapahinga ka pa." Pagpapatuloy ko pa.
"Ano ka ba magaling na ako tingnan mo nakakatayo na ako at nakakakilos na" nakangiti niyang turan.
"Kaya heto nagluto na ako nang hapunan natin."
Nakangiti niyang sabi halata naman talaga na magaling na siya kaya lang yung magluto siya ok medyo sablay siya, pero pagtatyagaan ko nalang para hindi siya masaktan kagagaling lang niya kaya kakainin ko na lang kung ano man ang linuluto niya base sa pagkakaamoy ko ay mabango naman kaya lihim na lang akong napailing.
"Bihis ka na muna bago tayo kumain, kumusta pala maghapon mo? hindi ka ba binully nang mga mukhang hipon"
Bigla niyang tanong sakin kaya kinabahan ako pero hindi ko pinahalata na may nangyari kaya umiling ako sabay ngiti.
"Walang naging problema Aika, sige akyat na ako."
Hindi ko na hinintay na sumagot siya dali-dali akong umakyat nang hagdan papunta sa kwarto ko.
Pagdating ko sa kwarto ko ay bigla akong napabuntong hininga. Gusto ko man sabihin kay Aika pero nag dalawang isip ako.
Baka may gawin siyang mag palaki pa nang gulo, kilala ko siya masyado siyang over-protected sakin kaya ayokong nang sabihin pa sa kanya ang nangyari, pero sana lang ay hindi maikwento sa kanya ni Kieta ang nangyari.
Nang gabing iyon naging maayos naman lahat pwera lang sa hapunan namin at-list hindi siya ganoon kaalat, matapos ang hapunan namin ay tinuro ko kay Aika yung mga tinuro nang prof namin kanina para maka-catch up pa rin siya.
*Keita pov*
Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi ko siya agad makalimutan lagi na lang siya ang naiisip ko.
Bigla akong napabangon sa kama nang may kumatok mula sa pinto.
"Bukas yan!" Nakita ko na pumasok si Shin.
"Bakit hindi ka pa nakahanda may race tayo ngayon medyo malaki ang pustahan."
Nakangising sabi nang kaibigan ko si Shin Dela Tore.
Magkasama na kami simula nung first year highschool kaya siya na nakasama ko simula ng bumuo kami ng Organization, ang 'Ceres' apat na taon na namin tong itinayo simula noong nasa highschool pa lang kami.
Sa ngayon meron na kaming mahigit isang libong meyembro kung tutuusin maliit lang ito pero mapili ako sa pagtanggap nang mga magiging meyembro ko ayaw ko ng mahina at walang lakas ng loob kaya bago sila makasali katakot-takot na training ang kailangan nilang pagdaanan.
"Magpapahinga na muna ako dito Shin, ikaw na lang at ang iba ang isama mo." Muli akong humiga sa sofa at tumingin sa kisame.
"Pero Kieta hinihintay ka nila doon."
Nakakunot noo siyang nakatingin sa'kin.
"Sabihin mo hindi ako interesado kung lahat naman nang makakalaban ko ay mahihina at tsaka inaantok ako" bagot kong turan sa kanya tsaka ako muling tumingin sa kisame.
"Ok sige ite-text na lang kita mamaya magpahinga kana lang ako na bahala kina Toro." Sumusuko niyang wika at sa malakas na bumuntong-hininga.
"Shin nakita ko na siya magkakilala sila ni Aika."
Napatingin siya bigla at nagtataka kung ano ang sinasabi ko alam n'yang nandito si Aika, pero si Seirin hindi niya alam.
"Seirin Giou." napasinghap siya hindi niya inaasahan yun kaya nabigla siya kahit ako din ay ganoon din ang naging reaksyon ko noong araw na makita ko sila ni Aika sa Ceres, hindi ko lang pinahalata dahil kilala ko si Aika magtataka iyon.
"Kailangan natin s'yang protektahan kung ganon Kieta, nasa protokol yan" napatango ako sa sinabi niya, nagpaalam na siya sakin at tuluyang lumabas.
Pinikit ko ang mata ko pero isang imahe ang lumabas sa isip ko. Ang mga matang iyon na hindi ko malimutan mula noon hanggang ngayon.
*Seirin pov*
Kinabukasan sabay kaming pumasok ni Aika, dahil magaling na siya
Gusto ko ring kausapin si Keita tungkol sa nangyari kahapon na sana ay huwag na niyang sabihin kay Aika ang nangyari kahapon, mag pinsan sila kaya hindi malabong sabihin niya iyon kay Aika.
"Aika magbabanyo lang ako hintayin mo na lang ako sa room." ayaw niya pa sanang pumayag pero sabi ko ok lang naman nang makita kong pumasok na si Aika sa room nagmadali akong pumunta sa lugar na iyon at nagbabasakaling naroon siya.
Dali-dali akong pumunta sa rooftop nang skwelahan, sana nandito siya dahan-dahan kong binuksan yung pinto at piping nagdasal.
Papasok na sana ako nang may naramdaman ako sa likod ko paglingon ko nakita ko siya.
Nakatingin siya sakin kaya napaatras.
"Anong ginagawa mo dito may kailangan kaba?" Nagtataka niyang tanong napahinga muna ako ng malalim bago ako sumagot.
"Gusto sana kita makausap tungkol sa nangyari kahapon sana hindi na makarating ito kay Aika, ayoko kasi siyang mag-alala atsaka ayokong mapaaway siya dahil sakin." Mahaba kong paliwanag napatango na lang siya at sumandal sa pader.
Pinagmasdan ko siya nang pailalim parang pamilyar siya sakin pero di ko maalala kung saan ko siya nakita, matangkad siya at may kahabaan ang kulay itim na itim n'yang buhok matangos na ilong at mapulang mga labi napalunok ako ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya napayuko ako.
"Hindi makakarating sa kanya."
Nakahinga ako ng maluwag sa maikli niyang turan.
"Salamat Kieta, sige babalik na ako sa klase"
aalis na sana ako pero pinigilan niya ako kaya bigla akong napatingin sa kanya.
"Be careful Rin, sige na balik ka na sa klase." mataman niya akong tiningnan kaya
dali-dali ko siyang iniwan doon.
Hanggang sa makababa ako ay ang lakas parin ng tibok nang puso ko, nang lingunin ko siya nakatingin lang siya sa akin.
At may ngiting sumilay sa mga labi niya.