webnovel

Arranged_Marriage

Ang kasal ay patibayan at patagalan pero tatagal at magiging matibay ba ang kasal na sapilitan? Violet comes from a wealthy a family. A family that can provide what ever she wants except freedom. Simula noong bata pa siya, hindi siya nakaranas ng kalayaan. Kahit ang kalayaan niyang makapili ng mapapangasawa ay ipinagkait ng kanyang mga magulang. Hindi siya makahindi sa mga ito kaya kahit labag sa kalooban niya, nagpakasal parin siya kay Indigo na hindi niya kilala. Ano ang magiging sitwasyon ng dalawang taong pilit na ikinasal sa isa't isa? Tatagal ba sila hanggang dulo o sa simula lang sila at walang dulo? Ano ba ang kahulugan ng salitang pagpapakasal? Ano ba ang magiging sitwasyon kung hindi mo mahal ang iyong pinakasalan? Ano ang salitang pag-ibig at kasal?

Roselle_Durano · 若者
レビュー数が足りません
6 Chs

TWO

Violet's POV...

Maaga akong gumising dahil may aasikasuhin akong mga papeles para sa renewal ng contract ko sa showbiz. Sabi ng manager ko, siya ng bahala raw don at kung may pipirmahan, idadaan niya dito sa bahay namin.

Biglang nag ring ang phone ko dahil tumatawag ang manager ko. "Hello Moma. Napatawag ka?"

"Violet are you free this morning? May ipapapirmahan kasi ako," saad ng kabilang linya.

"May pupuntahan ako mamayang eleven. Bakit?"

"OK ngayon ko nalang idadaan sa bahay niyo. On the way na ako. Bye."

"Bye." Binaba ko ang tawag at pumunta sa baba para mag breakfast.

Pagkalipas ng ilang minuto dumating na ang manager ko at bumaba naman sina mama at papa. "Anak, bakit nandito ang manager mo?" tanong sakin ni mama.

"May papapirmahan lang po sakin para sa renewal ng contract ko," sagot ko.

"Huwag ka munang mag renew ng contract kasi ikakasal ka na." Ramdam ko ang galit ni mama.

"Ikakasal ka na?" pabulong na tanong ng manager ko.

"Sa sala tayo mag-usap, Moma." Giniya ko papuntang sala si Moma at halos himatayin siya sa nalaman niya.

"Huy Byoleta! Ikakasal kana? Bakit hindi ko alam?" sunod-sunod na tanong niya.

"Arranged marriage Moma," sabi ko.

"Kanino?"

"Kay Indigo De Luna." Bumuntong-hininga ako.

"Ayy jackpot!" Napatingin ako sa kanya. Bakit parang masaya siya? "Ang swerte mo Byoleta! Isang hunk, hot, gwapo, yummy at richy pa ang papakasalan mo!"

"Pero Moma hindi ko siya mahal at pwedeng ikakasira ng career ko ang pagpapakasal sa kanya."

"Ano kaba! Hindi mo na kailangan ng career pagmagpapakasal ka sa kanya. Ang yaman kaya nun," aniya.

Actually, ayoko pang magpakasal talaga kahit yummy at gwapo ang papakasalan ko kasi gusto ko ng happy wedding tapos lived happily ever after. Gusto ko maglalakad ako sa altar na umiiyak sa saya hindi sa lungkot. Gusto ko magsasalitan kami ng nakakaiyak na vow tapos pag kiss the bride na, magfrefrench kiss talaga kami para mainggit yung ibang walang lovelife. Sa sitwasyon ko ngayon, hanggang pangarap nalang ang gusto kong kasal.

"Violet let me remind you na pupuntahan mo pa si Indigo. Don't be late," saad ni mama sakin at tumango nalang ako.

"Byoleta, alis na ako kasi may iba pa akong aasikasuhin. Tungkol sa renewal, linawin mo muna yun," aniya.

"Sigi Moma. Bye. Ingat ka." sabi ko at tumango siya at ngumiti sakin pagkatapos ay umalis.

Bumalik na ako sa kwarto ko at nag-ayos. Nagpaganda talaga ako ng sobra gaya ng sabi ni mama. Minsan feeling ko para akong aso na sumusunod sa utos nina mama at papa. Oo binibigay nila lahat ng gusto ko pero pinagkakaitan nila ako ng kalayaan sa buhay.

Bumuntong-hininga ako ng makita ko ang repleksyon ko sa salamin. I don't have freedom. Parang tinatalian ako ng bakal sa leeg ko buong buhay. Hawak nina mama at papa ang buhay ko at parati akong sumusunod sa kanila pero ngayon, ibibigay na nila ako isang lalaki na magpapasunod na naman sakin. Naka wala nga ako kamay nina mama at papa pero papupunta naman ako sa lalaking hindi ko kilala. Parati nalang ba akong parang bagay na pagmamay-ari at pinapasunod ng iba?

Malapit ng mag alas onse ng pumunta ako sa building ng De Luna. Pumunta ako sa front desk. "Can I talk to Mr. Indigo De Luna?" tanong ko.

"Do you have a appointment with him ma'am?"

"I don't have but he said last night that I'll meet him today at his office," sagot ko.

"May I know your name ma'am?"

"Violet Delgaldo."

"Wait for a second ma'am," may tinawagan siya at sa tingin ko ay si Indigo.

"What did he said?"

"He's waiting for you ma'am at his office."

"OK thank you." Pumunta kaagad ako sa elevator at pinindot ang CEO'S office na floor.

Pagkadating ko, may isang desk na mukhang sa sekretaryo niya. Lalaki kasi ang nasa desk. "Hi Ms. Violet Delgaldo! Boss is waiting for you," aniya at nginitian ko ito. Mukhang ayaw ng sexetary ang soon to be groom ko.

Pumasok ako sa office ni Indigong tukmol at naabutan ko siyang prenteng naka upo sa swivel chair niya. Color gray ang loob ng opisina at pang bachelor ang awra.

"Don't you know how to knock?" malamig niyang tanong at nagkapanindig bahahibo.

"Anong gusto mo? Take two?" maldita kong tanong.

"Take a sit." Pinaupo niya ako sa isa sa mga visitor chair.

"Ano na yung kondisyon mo?"

"Here's my conditions." Inabutan niya ako ng isang papel.

"Anong CONDITIONS? ang sabi mo isang condition lang!"

"I change my mind." Ayy bwesit siya!

Binasa ko ang mga conditions nitong tukmol na to at grabe ang dami.

1. You are not allowed to date or interact to a any male species.

2. You will live in my house.

3. You will tell me what ever decisions you will do.

4. You have to treat me as your husband anytime.

5. Don't you ever deny that I'm your husband.

6. You must obey me.

7. You don't have the right to annul our wedding.

8. I don't want to here any complains from you.

9. I have the right to add more conditions anytime.

10. YOU HAVE TO GIVE ME A SON.

Napanganga ako sa number ten na condition at talagang malaki pa yung letters ah!

"Hoyy grabe naman tong number ten!" reklamo ko.

"Bakit? Wala ka bang balak na bigyan ako ng anak?" nakataas ang kilay niyang tanong.

"Ahmm...pano kong babae ang una?"

"It's simple. Bubuntisin na naman kita hanggang maging lalaki."

"THAT'S UNFAIR!" sigaw ko.

"Madali akong kausap so if ayaw mo sa mga kondisyon ko, walang kasal na magaganap at tignan lang natin kong sino ang mapapagalitan dahil sa kaartehan," aniya.

AKO. For sure ako ang mapapagalitan pag-aatras siya sa kasal. So no choice na tayo mga beks. "Fine. I will do all your conditions."

"Good. Madali ka palang kausap." Ngumisi siya ng nakakaasar kaya nagsitayuan ang mga sungay ko dahil sa galit. Joke! Wala akong sungay no! "Bukas, pumunta kayo sa mansyon dahil pipirmahan natin ang marriage contract dun."

"Fine I have to go." Tumayo ako at naghanda para umalis.

"Wait! Where's my good bye kiss from my soon to be my wife?" nakangisi niyang tanong sakin. Kahit nakakalaglag panty ang ngisi ni tukmol, hindi ako magpapadala at kahit mukhang masarap halikan tong kumag nato, ayoko parin dahil hindi ako marupok!

"Kiss-kissin mo yang mukha mo!" sigaw ko sabay alis. Kiss niya mukha niya! Bwesit siya! Kung hindi lang siya gwapo, matagal ko na siyang sinuntok!

Pagkadaan ko sa mesa ng sektaryo niya, hinarang ako nito. Anong problema ng kumag nato?

"Wala naman akong ninakaw sa opisina ng boss mo kaya pwede ba, huwag mo kong harangin," sabi ko.

"Pinapabalik ka po sa opisina ni boss," aniya.

"At bakit naman?"

"Ewan ko po." Tinalikuran ko siya at padabog na bumalik sa opisina ng tukmol.

"Ano bang problema mo ha? Bakit pinapabalik mo ko?" mataray kong tanong.

"We will have a lunch together. Let's go."

Tumayo siya sa pagkakaupo at nag-ayos ng tuxedo. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kamay at kinaladkad palabas. Wala na akong nagawa dahil mahigpit ang pagkakahawak niya. In fairness and lambot ng kamay niya!