webnovel

CHAPTER 5: HIS SICK

Kakauwi ko lang galing sa school at naabutan ko sa bahay si Kohen at mukhang kakarating lang din ito galing sa trabaho at napansin kong namumutla ito

" Are you okay?" tanong ko sa kaniya ngunit hindi pa rin ito sumagot.

Hindi ko na nahintay ang naging sagot nito dahil agad itong umakyat sa kaniyang silid, i know his not okay . So I follow him to his room at wala akong pakialaman kung magalit man ito sakin ang importante lang ang gusto kong tignan kong nasa maayos ba ang pakiramdam nito.

Nag-aalala lang ako sa kaniya.

Nang makarating ako sa tapat ng kaniyang kwarto ay agad kong pinihit ang doorknob, salamat sa diyos hindi ito naka-lock kaya pumasok na lang ako at nadatnan ko si Kohen na nakahiga na ito sa kaniyang kama at hindi pa rin ito nakakapag palit ng damit. Lumapit ako sa kaniya ng mapansin ko itong nangangatog ito sa lamig. Idinampi ko ang aking palad sa kanyang noo at dun lang lang napagtanto na inaapoy ito ng lagnat.

Agad akong pumasok sa banyo upang kumuha ng maligamgam na tubig sa shower faucet at palagana tsaka kumuha na rin ako ng bimpo sa kaniyang closet infairness napakaayos niyang kumuha ng mga damit ngayon lang kasi ako nakapasok dito sa kaniyang silid. Bumalik na ako sa kinaroroonan ni Kohen ngayon at agad kong pinatay yung aircon para hindi na rin ito masyadong ginawin.

Tsaka ko sinimulang punasan si Kohen, napaka-amo ng kaniyang mukha dumako naman ang tingin ko sa kaniyang mapupulang labi na para bang nang-aakit itong halikan mo. Marco stop! Anong pumapasok sa kokote ko! May sakit yung tao nakuha ko pang pagpantasyahan.

Natapos ko na siyang punasan sa mukha at kailangan ko na rin punasan ang katawan para bumaba yung lagnat nito. Nagtungo muli ako sa kaniyang walking coset para kumuha ng masusuot ni Kohen na damit. Agad kong dinampot ang isang round neck tshirt at isang checkered na pajama at bumalik kay Kohen. Inuuna kong pinunasan ang mga kamay nito at sinunod kung hubarin ang damit nito. Napapalunok ako habang dahan-dahan kong tinatanggal ang suot nito.

Oh guy's wag kayong ano diyan hinubaran ko lang siya ng damit and shit bumarandra ang mga walong inaalagaan nitong pandesal. Sa totoo lang pinagpapawisan at nanginginig ako habang pinupunasan ko ang matipuno nitong pangangatawan..

Sinunod kong pinuntirya sa bandang gitna nito, dahan-dahan kong tinatanggal ang sintron nito. Shutang ina bakla ang mama niya pinagpapawisan na nang malamig!

Ano ba yan?

Nagtagumpay naman akong matanggal ang sintron niya ay agad ko naman isinunod ang pantalon nito. At tsaka napalaki ang mga mata ko sa nakita ko. Bumungad ang isang itim na boxer at mapapansin mo rito ang isang mahaba at matabang sawa dahil sa sobrang sikip ng boxer na suot niya ngayon mas lalong naging doble ang kaba ko ngayon, parang sinasabi ng sarili ko na hawakan mo ito at paglaruan. Che ano ba tong pinag-iisip mo Marco.

Napahilamos na lang ako dahil di ko na talaga kaya, grabe lagaktak na ang pawis ko sa ginawa ko at mabuti natapos ko na itong bisihan kung hindi jusko baka ibang pagpupunas na ang mangyayari kung matagal ko itong bihisan. Dinampi ko muli ang aking pala para i-check kung bumaba na ang lagnat nito at napabuntong hininga naman ako ng maramdaman kong hindi na ito masyadong mainit.

Grabe ang gwapo-gwapo talaga ng asawa kong pagmasdan sa suot nito ngayon. Agad kung ikinumot sa kaniya ang comforter hanggang sa leeg nito para hindi siya lamugin ulit. Napasalampak na lang ako sa sahig habang patuloy pa rin ako s pagpupunas sa kaniyang mukha. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha dahil sa mga nangyayari sa amin ngayon.

" Kailan mo rin kaya ako susuklian ng pagmamahal ko sayo Kohen? Sana maramdaman mo rin ako kahit sa isang pagkakataon man lang para malaman ko kung mahal mo rin ba ako." sabi ko sa kaniya habang mahimbing itong natutulog.

" Mahal na mahal kita Kohen, kahit ganiyan ang pag-uugali mo at kahit minsan hindi mo ako kayang itratong bilang isang asawa mo. Kaya ko pa rin na mahalin kita." dagdag ko pa rito. Napatingin ako bigla sa pulsuhan ko magaala-una na pala ng madaling araw kaya na rin siguro dinadalaw na rin ako ng antok. Hindi ko pwedeng iwanan na lang dito si Kohen na mag-isa lalo't may dinaramdam na sakit ito.

Pero saan ako matutulog nito ngayon hindi naman ako pwedeng tumabi kay Kohen at siguradong bugbog ang aabutin ko ito kapag nakita niya ako. Tama sa sarili nitong sofa na lang ako matutulog ngayon pero bago ko tinungo ang sofa ay hinalikan ko muna ito sa noo.

" Get well Babe, I love you." sabi ko sa kaniya tsaka bilihan ito sa noo.

KOHEN'S POV:

" Sir, you have a meeting in 15 minutes." sabi sa akin ng aking sekretarya.

" Cancel my meeting." sagot ko sa kaniya bago ko nilisan ang aking opisina.

I'm not feeling well right now, kaya napagpasyahan ko na lang na umuwi na lang ng maaga dahil kailangan ko rin magpahinga minsan. Nang makarating ako sa loob ng aking mansiyon saktong kakarating lang din ni Marco tsaka agad ako nitong tinanong.

" Are you Okay?" tanong nito.

I didn't bother to answer his questions instead I go to my room, at feel ko sinundan ako nito ng makarating ako sa loob ng aking silid agad kong inihiga ang aking katawan sa aking kama tsaka ipinikit ang aking mga mata.

Narinig kong bumukas ang aking pintuan at narinig ang mga pagyapak nito papalapit sa pwesto ko, hindi ko akong nag-abalang ibukas ang mga talukap ng aking mga mata para tignan kong sino itong taong pumasok sa aking silid. Kasi alam ko na itong tao na to dahil sa gamit nitong pabango alam ko na ito kung sino to.

Naramdaman kong idinampi niya ang palad nito sa aking noo ngunit agad din niya itong tinggal. At naramdaman ko din itong naglakad papalayo sakin so ganun na lang yun? Hahayaan na niya lang akong aapoyinng lagnat dito at hindi niya gagampanan ang pagiging asawa niya.

Pero Kohen ginagampanan mo rin ba ang tungkulin mo bilang asawa niya? Diba hindi.!

Nagkamali ako ng inakala na hahayaan niya lang ako nito dahil naramdaman kong may maligamgam na tubig ang dumampi sa balat ko, dumikit muli ang palad nito sa mukha ko at ilang bultahe ng kuryente ang nararamdaman ko sa ngayon dahil sa sunod niyang ginawa sa akin.

P*t*ng i*a I feel this weird feeling.

At sunod nitong hinubad ang suot kong damit tsaka nito pinunasan ang katawan ko ng maligamgam na tubig, nararamdaman kong nanginginig ang mga kamay nito at agad din niya akong sinuotan ng damit. Sunod niyang pinuntirya ang aking sintron para tanggalin ito.

F*ck sh*t nag-iinit ako bigla sa ginagawa niya but I need to control my self. Minura ko na lang ang sarili ko sa mga inaasal ko ngayon. Tangina Kohen umayos! Ginagawa lang niya yan para sa ikakabuti mo.

I don't know why? I'm still awake instead of sleeping because I'm not feeling well. At talagang buhay na buhay ang diwa ko dahil sa ginawa ni Marco.

Dahan-dahan niyang hinubad ang suot kong pantalon agad niya rin itong sinuotan ng pajama ng matapos niya itong mapunasan, at mali ang iniisip kong pagsasamantalahan ako nito. Tsaka agad ako nitong kinumutan. Salamat at natapos na rin kung hindi baka hindi na ako makapagpigil sa kaniya.

I'm a man and I have needed. Dinampihan niya ako ulit ng bimpo sa mukha.

" Kailan mo rin kaya ako susuklian ng pagmamahal ko sayo Kohen? Sana maramdaman mo rin ako kahit sa isang pagkakataon man lang para malaman ko kung mahal mo rin ba ako." sabi nito sa akin.

" Mahal na mahal kita Kohen, kahit ganiyan ang pag-uugali mo at kahit minsan hindi mo ako kayang itratong bilang isang asawa mo. Kaya ko pa rin na mahalin kita." dagdag ko pa rito. Napatingin ako bigla sa pulsuhan ko magaala-una na pala ng madaling araw kaya na rin siguro dinadalaw na rin ako ng antok. Hindi ko pwedeng iwanan na lang dito si Kohen na mag-isa lalo't may dinaramdam na sakit ito. Patuloy pa rin ito sa pagpupunas.

Napansin kong tumayo ito bigla sa pagkaupo sa sahig at naramdaman kong lumapat ang labi nito sa noo ko na siyang nagpabilis ng tibok ng aking puso.

Fuck ang bakla ng pakiramdam ko….

" Get well soon Babe, I love you." hulu nitong sabi at narinig ko na lang ang mga pagyapak ng mga paa nito papalayo sa kinaroroonan ko. Hinihintay kong bumukas ang pintuan ng aking silid na hudyat na nakalabaa na talaga ito sa kwarto ko.

Pero nakailang minuto na ang lumilipas ng wala akong marinig kaya iminulat ko ang mata ko. Naging maayos na rin ang pakiramdam nito kumpara kanina, tumayo ako mula sa pagkahiga at bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Marco at sa sofa pa ng kwarto ko ito nakatulog.

Agad kong napansin na nasuot pa rin ito ng pang school uniform at sa tingin ko hindi pa rin ito kumakain ng dinner dahil binuhos niya ang oras niya sa pag aalaga sa akin at pagbabantay. Napalapit ako sa kaniya at pinagmasdan ito ng mabuti.

Dug..dug..dug..dug

P*tang i*a kailangan ko na yata mag patingin sa doctor, bakit parang abnormal na ang pagpintig ng puso ko. Dahan-dahan kong binuhat si Marco at hindi man lang ako nabigatan sa kaniya dahil sa payat nito. Pinahiga ko siya sa kama ko at agad itong kinumutan tsaka tumabi na rin ako sa kaniya. Tuluyan na rin akong nilamon ng antok dahil na rin sa pagod.

MARCO'S Pov:

Nagising ako ng tumatama ang sinag ng araw sa aking mukha dahilan para mapakislot ako sa aking mata at napansin ko rin na nakahiga ako sa malambot na kama. Ang pagkakatanda ko sa sofa ako natulog kagabi at hindi ko ito sariling kwarto dahil kwarto ito ni Kohen.

Napatingin ako sa pulsuhan ko at pasado alas otso na ng umaga. Nasaan na kaya si Kohen? Huwag mong sabihin na pumasok na siya sa trabaho nito kahit may sakit pa siya.

Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan.

" Tuloy po kayo?" sabi ko sa kaniya at agad naman itong pumasok

" Ah.. good morning sir kabilin-bilinan po ni Sir na dalhan ko kayo ng makakain kapag nagising na po kayo, ito po yung almusal niyo po Sir marco." sagot nito at agad naman niya inilapag ito sa lamesa. Tama ba ang narinig ko binilin ito ni Kohen na dalhan ako ng pagkain mga baklaaaaa…. It is real? O nananaginip lang ako wag niyo akong gisingin kung panaginip man ito.

" Salamat po manang, nasaan po pala si Kohen? Magaling na po ba siya at kailan po kayo Dumating?" sunod sunod kong tanong s kanya.

" Sir, maaga po siyang pumasok sa kaniyang trabaho at sa tingin ko naman sa kaniya maayos na ang kalagayan niya tsaka kaninang alas sais lang din ang dating ko rito sa mansion." paliwanag nito.

" Ahhh.. sige po kumain na po ba kayo sandali lang po sabay tayong kakain." sagot ko sa at ngumiti sa kaniya.

" Ah sige po Sir mauna na po ako sa baba sunod na lang kayo?" sagot nito tsaka agad na lumabas ng kwarto.

" Baklaaaaaaaaa….." impit kong pagsisigaw sa at niyakap ko ng mahigpit ang unan ni Kohen.

This is the best day ever… una sa lahat alam kong si Kohen ang umako sa akin kagabi para makahinga sa kama at pangalawa magkatabi kaming matulog kyaaaaahhhh….. I'm gonna die, pangatlo inutusan niya si manang na dalhan ako ng almusal and last but definitely not the least gosh breakfast in bed at talagang sa bed pa niya.

Kyaaaaaaahh…. I can't wait…..

____________________________________

A/N: Hello silent readers hope you like this chapter and please don't forget to leave a comment and vote…. Thank you.

Omg… di na rin ako makakapaghintay sa susunod na mangyayari?

Ano na ba ang mangyayari sa loob ng mansion. Naging maaruga din pa sila kohen

Saan kayo boto Team MaKo ba o Team MaGwe?