webnovel

CHAPTER 4: MARCO IS SAFE NOW

KOHEN'S POV:

" CALL HESTIA MORAN NOW!" pagsigaw ko sa mga naka-duty na nurse.

Agad silang nataranta at agad nilang tinawagan si Hestia Moran. Hestia is a doctor at kaiisang babaeng mafia na kasamahan ko.

" Oh your here? What's the problem?" agad naman na sagot ni Hestia ng makarating ito.

" P*tang i*a mo gawin mo ang tungkulin mong babae ka!" sigaw ko sa kaniya na ikinakunot naman niya ito.

" Easy, I will do it! Kaya wag mo akong pinagmumura diyan p*tang i*a mong walang responsibilidad sa asawa!" sagot naman nito na siyang ikina-bungtong hininga ko naman pati rin ba siya concern sa Marco na to. Agad kong inihiga si Marco sa stretcher at dinala sa ER ng hospital ilang minuto ang lumipas ng lumabas si Hestia.

" How is he?" nag-aalala tanong ko kay Hestia.

" He's fine now nothing to worry at pwede mo na siyang iuwi ngayon." saad nitong Hestia na to.

Binuhat ko muli si Marco habang wala pa itong malay siguro kung gising ito ngayon baka nagmumukhang bulateng binudburan ng asin dahil sa kilig.

Inuwi ko na si Marco sa mansion dahil nga sa sinabi rin ni Hestia na pwede ko itong iuwi ngayon dahil minor injury lang ang inabot ni Marco sa lalakeng iyon. Hinatid ko ito sa kaniyang sariling kwarto tsaka inihiga ito sa kama dahilan para napatitig ako sa maamo nitong mukha. Inilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng kaniyang silid maayos ito at hindi masyadong magulo dumako ang tingin ko sa isang picture frame na kaming dalawa ang nakalagay roon nung araw ng kasal namin nakasuot kaming pareho ng puting toxido. Hindi ko maitatanggi na kahit papaano masaya parin si Marco kahit ilang beses ko na rin itong nasasaktan.

Pinagmasdan ko muli si Marco na sa ngayon mahimbing na itong natutulog, agad akong lumabas mula sa silid nito at tinungo ang office ng mansion upang pag-usapan ang kaganapan na nangyari sa asawa ko.

MARCO'S POV:

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata tsaka inilibot ang paningin ko ngunit nakakapagtaka lang kung paano ako nakarating sa kwarto ko sa pagkakaalam ko nasa abandonadong gusali ako at bago ako nawalan ng malay ay nakita ko muna si Kohen…. Di kaya siya ang taong iyon para iligtas ako? I hope so…

Biglang bumakas ang pintuan ng aking kwarto at iniluwa nito si Gwen tsaka ko lang napansin ang kamay nitong may bandage ng lumapit ito sa akin ng mabuti.

Saan kaya galing yung sugat na'yon.

" Sa awa ng diyos gising kana…" sabi nito ng makita niya akong gising.

" How are you? Are you okay? " nag-aalala nitong tanong sa akin.

" Ano ka ba wag kang OA diyan, ayos lang ako.." sagot ko sa kaniya at ngingitian ko ito.

Sa totoo lang ang sakit ng panga ko dahil sa lakas ng pagkasampal nang lalakeng yun at sobrang sakit ng braso ko.

" I'm sorry Marco it's my fault.." nakayuko niyang sabi.

" No, hindi mo to kalasan Gwen kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Walang May kasalanan sa nangyari.." saad ko sa kaniya na ikinatango naman niya ito.

" Hmmm…. Matanong lang who save me? Si Kohen ba ang nagligtas sa akin? How did you find me?" sunod sunod kong tanong kay Gwen.

" Yes, si Kohen ang nagligtas sayo." sagot ni Gwen.

Really it's Kohen ang nagligtas sa akin akala ko ba namamalik mata lang ako. At akala ko kasi wala na itong pakialam kahit anong mangyari sa akin… kahit pala papaano nag-alala pa rin ito s akin.

Kyaaaaaaahh…. Kinikilig ako my gosh.

" And you know what… he really worried to you na halos patayin na niya ako nung sinabi ko sa kaniya na nawawala ka."

" Talaga!" mangingiyak kong sagot hindi kasi ako makapaniwala na ang isang Kohen nag aalala sa kanyang asawa.

" Kaya ba nagkaroon ka ng pasa sa mukha at bandage sa kamay dahil nagsuntukan kayo." nag-aalalang tanong ko kay Gwen.

" Hindi, mali ka ng iniisip nakuha ko to no'ng tinutugis namin yung dumakip sayo."

" Ahhh...Si Kohen nga pala nasaan siya ngayon? Gusto ko kasing makita para magpasalamat sa kaniya at sayo rin. Thank you Gwen."

" Your welcome..Hmmm… pagkatapos kang inihatid dito ni Kohen dumeretso agad siya sa kompanya para ituloy ang naudlot nitong meeting kahapon."

" Ahh...Ganun ba?" nakangiting sagot ko sa kaniya. Tumango lang ito bilang pagsang-ayon sa kasagutan ko.

" Sige Marco mauna na ako May kailangan din akong tapusin ngayon sa company namin, kaya magpahinga kana rin kapag may kailangan ka wag kang mahihiyang tawagan ako oh ito phone number ko." pagpapalam nito tsaka agad nitong iniabot s akin ang isang calling card.

" Hmmm sige salamat sa lahat." Agad na niyang nilisan ang aking silid.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa dala na rin ng gamot na iniinom ko tsaka naalimpungatan ako bigla ng maramdaman kong hindi lang ako nag-iisa ngayon sa kwarto ko pakiramdam ko tuloy may nagmamasid sa akin.

It's creepy my gosh kaya hindi ko muna iminulat ang aking mata.

" Pagsisihan niya ang ginawa niya sayo ang paghawak at pananakit sayo." sabi nito seryoso at narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan ng aking kwarto.

Nanaginip ba ako?

Si Kohen ba yung taong yun? Ako ba ang tinutukoy niya at tama ba ang naririnig ko mula sa sinabi na pagsisihan nung batong dumakip at humawak sa akin? If I'm not mistaken base on what he say a while ago…

He concern to me…

Oh my gosh….. bakla I'm gonna die right now….. kyaahhhh hindi ko na kaya.

Grabe ang boring dito sa bahay almost two weeks na akong di pumapasok eh paano ayaw akong payagan ni Papa Kohen na pumasok hindi pa daw masyadong humilom yung sugat ko baka magdudugo daw ito.

Infairness nag-aalala pala siya sa akin.. haytsss kailangan pa ba ako masaktan muna bago niya ako mapansin. Dahil sa sobrang bored ko today napagpasyahan kong magluto ng pagkain para kay Kohen bilang pasasalamat ko na rin sa kaniya.

Alas syete na rin kasi ng gabi at paniguradong magugutom ito kapag nakauwi na. Ilang minuto ang lumipas ng matapos na akong magluto kaya agad kong inihain ito sa mesa lahat ng mga nilutong pagkain tsaka ko tinakpan ito at umupo sa upuan dahil na rin sa pagod ko

Napatingin ako sa dingding na kung saan nakadikit ang digital clock alas otso pasado na ngunit wala parin si Kohen. At kumukulo na rin ang sikmura ko pero keri lang, hihintayin ko na lang siyang makauwi para sabay kaming kakain ang inihanda kong pagkain.

Lumipas ang ilang oras hanggang sa umabot ang alas dose na nang gabi napapikit na rin ako dahil sa inaantok na ako. Nakakainis hindi man lang siya nagsabi na hindi siya makakauwi ngayon. Bakit ba kasi ang tanga mo Marco! Nagmumukhang babae ka nga pero nagpapakatanga ka parin. Aasa lang itetext ka niya. Diba wala siyang pakialam sayo.

Nabuhay ako bigla ng mapansin kong dumating si Kohen at mukhang lasing ito dahil sa amoy alak ang hininga nito.

" Kohen, Thanks God your here?" masaya kong sabi sa kaniya.

" Bakit gising ka pa?" nakakunot niyang sagot habang kumukuha ito ng maiinom sa refrigerator.

" Ah… hinihintay kasi kitang makauwi Kohen tsaka pinagluto kita ng makakain kasi alam kong nagugutom ka at gusto ko din kasi na sabay tayong kumain." nakangiting sagot ko sa kaniya.

" Ilang beses na ba kitang pinagsabihan, na hindi mo na ako dapat hintayin at ayaw kung kasabay kitang kumain sino decide na lang kanina na kumain sa labas." sabi nito habang nakatingin ito sakin ng deretso.

" Pasensya na akala ko kasi magugustuhan mo ang mga niluto ko but you always end up mad at me?" naiiyak kong pagsagot sa kaniya. Bakit ba ganito na lang siya palagi sakin? Alam ko naman na wala akong ginagawang masama sa kaniya.

" So are you blaming me huh." galit niyang tanong sakin tsaka niya hinawakan ang buhok para itulak. Napasalampak ako sa sahig kadahilanan ng pagkatulak nito sa akin hindi parin maalis ang galit nito sa akin.

Umiling ako sakaniya bilang sagot dahil kahit pagbuka hindi ko na magawa dahil sa takot na baka ano pa ang gagawin nito sa akin susunod.

" F*ck get lost don't cry in front of me." inis at galit nitong sabi tsaka niya ako dinuro duro

Dahil yun ang kagustuhan niya ay agad akong tumayo upang umalis sa harapan nito at tumakbo palabas ng mansion. Napaupo na lang ako sa edge ng pool para itampisaw ang mga paa ko sa tubig.

Wala akong pakialaman kung malamig ang tubig.

Tinawagan ko si Mama, I want to talk someone para mabawasan tong bigat na nararamdaman ko at nakakailang ring palang nito ayal agad niyang sinagot at hindi ako pinaghinaan ng loob.

" Ma?" tawag ko kay Mama.

" Sweetie, napatawag ka sa ganitong? It's late in the evening." tanong nito mula sa kabilang linya.

" I miss you Ma." sabi ko sa kaniya tsaka hindi ko mapigilang hindi humagulgol ng iyak.

" Is there something wrong Son? Are you crying?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mama.

" Hindi po ma, wala pong problema. At hindi po ako umiiyak." pagsisinungaling ko kay mama.

" Iho. I know you son coz I'm your Mom and I know you well if your lying or not… Tahan na baby kung may hindi kayo napag-unawaan ng asawa mo maayos mo rin yan anak.. Matulog na at baka malate ka pa bukas sa school." sagot ni mama.

" Okay ma, thank sa oras, i love you po and goodnight." paalam ko kay mama tsaka pinatay ang tawag. Hindi pa rin nila alam ang nangyari sa akin at ayaw kung malalaman pa nila ito dahil ayaw kong magalala pa sila sa akin ng husto.

Tumayo na lang ako mula sa pagkaupo tsaka pinunasan ko ng mabuti ang aking mata dahil ayaw kong makita ako ni Kohen na umiiyak. Inaayos ko muna ang sarili ko bago napagpasyahan kong pumanhik nsaloib ng mansion at nadatnan ko si Kohen sa Living room at busy ito sa pinapanood niyang action movie.

Hindi ko na siya pinansin patuloy pa rin ako sa paglalakad patungo sa dinning table para kumain na lang mag-isa dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

Sayang naman kasi yung hinanda kong pagkain kung hindi ito magagalaw kahit nawalan na ako g ganang kumain ay kakailanganin ko parin itong kainin dahil wala rin ibang kakain kundi ako lang mag-isa. Ayaw ko din kasing magkasakit ako sa bituka. Pagkatapos kong kumain ay agad ko itong iniligpit at tinungo ang aking silid para makapagpahinga na rin dahil ilang oras na lang sisikat na rin si araw araw.

Napa-aga ako ng gising dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha na galing sa nakabukas na bintana. Nang matapos ko ang aking pagaayos sa aking sarili ay agad kung nilisan bang aking silid at tinungo ang kusina naabutan kong nakaupo si Gwen na nagkakape ito at busy sa pagis-scroll sa cellphone nito.

" Good morning? " masayang pagbati nito.

" Magandang umaga din sayo napa-aga ka ngayon ah ako ba ang dahilan?" pabati ko sa kaniya tsaka ngingitian ito. Namula naman ito sa sinabi ko sa kaniya at natuod sa kinaroroonan nito.

" Hmmm… ikaw ba ang naghahatid sa akin ngayon?" tanong ko sa kaniya habang gumagawa ng kape.

" Ah.. Hindi nandiyan na kasi yung driver niyo kakasabi sa akin ni Kohen?"

" Okay" tipid kong sagot sa kaniya at inabutan ng tinapay na may palaman.

" Gwen let's go!" pagsigaw ni Kohen ng makarating ito sa living room at inaayos ang kurbata nito.

" Bye Marco, see you later." pagpapalam nito sa akin at naunang lumabas ng dinning area.

" Your driver is there and you have two body guards and that will routine to you for your security." sabi ni Kohen.

" Okay, aalis Kana ba? Tanong ko sa kaniya pero sa halip na sagutin niya ang tanong ko bigla itong umalis at iniwan akong mag isa.

"Haytsss… Marco May bago pa ba?... Eh halos palagi naman siyang ganun diba na imbes na sagutin ka niya iniiwan ka sa ere."

Pagkatapos kung inumin yung ginawa kong gatas agad na rin akong lumabas ng mansion at sumakay sa kotse dahil ilang oras na lang mahuhuli na ako sa klase ko. May dalawang motorsiklo na nasa magkabilang gilid and it's my bodyguard. Nang makarating ako sa loob ng paaralan ay isa isa nila akong pinagtitinginan at hindi pa ba bago sa akin to since ganiyan naman sila at hinding hindi sila mauubusan ng usapan.

Nakasunod parin ang dalawang inatasan ni Kohen na bodyguard ko. Nang may lumapit sanang lalake sa akin ay bigla nila itong pinigilan at agad nila itong pinagsabihan ng maayos.

" Manong ligtas naman po ako dito sa loob kaya ayos lang po sa akin na sa gate niyo na lang kayo." sabi ko sa kanila.

" Pero Sir, isa sa pinag-uutos ni Boss na huwag kang hahayaang mag-isa." sagot naman ng isang bodyguard.

" I can handle my self here at huwag po kayong magalala ako bahala kay Kohen tsaka akin na po yung cellphone number niyo tatawag ako kapag may problema."

" Okay po Mr. Sandford kung nanganagilangan po kayo ng tulong tawagan niyo lang kami." sagot ng medyo di katandaan.

" I will" sabi ko sa kanila at ngumiti sa kanila. Iniwan na nila ako at agad akong sinalubong ni Fredo.

" Hoy! Bakla ka anong pakulo ni Kohen ngayon at may bodyguard ka pang kasama? Nagmimukha kang tuloy kindergarten sa itchurao ngayon?" palabirong sagot ni Fredo.

" Kahit kailan talaga Fredo!" inis na sagot ko sa kaniya. Agad ko din Ikuwento sa kaniya ang lahat ng nangyari maliban kay Kohen.

" What? Muntikan ka ng mategi?! My gosh kailangan mo nga talaga ngayon ng Bodyguard atsaka beshie my goodness talagang si Kohen ang nakaisip na bigyan ka ng bodyguard na pwedeng magprotekta sayo habang siya busy sa trabaho?" tanong sa kain ni Fredo.

Kahit ako kinikilig pag naiisip kong nag-abala pa talaga si Kohen na maghanap ng magiging bodyguard para sa kalagayan ko.

____________________________________

A/N: Hanggang kailan kaya ang paghihirap ni Marco? Hanggang kailan ba aabot ang panatag mo.

Well hanggang dito muna! Comment below kung nagustuhan mo ang mga kaganapan sa buhay ni Marco.

Ano na kaya ang susunod na mangyayari? Ang sweet din pala ni Kohen kay Marco.

Ano sa tingin niyo bagay na sila ni Gwen at Marco o hindi? Well malalaman natin sa susunod na kabanata ng kwentong ito.