webnovel

CHAPTER 2 : THIS OBEY HIM

"Marco ba't naka busangot ka diyan? Hindi ka pa ba masaya na hinatid ka ng asawa mo." tanong ni Fredo.

" Hindi naman si Kohen ang naghatid sa akin?" sagot ko rito ngunit hindi pa rin mawala ang lungkot ko.

" Kung hindi si Kohen, eh sinong lalake ang naghatid sayo?" taka nitong tanong sa akin tsaka umupo sa may tabi ko.

" Si Gwen."

" Ano si papa Gwen frenny ang kati mo? Pagbibiro nito sa akin.

" Oo si Gwen atsaka Fredo bakit ganyan ka makatingin sa akin."

" Hayop ka girl pinagtataksilan mo si Kohen bakit si Gwen pa ang naging kabit mo? Jusko! ka Marco, magkakaworld war 3 kapag nalaman ng asawa mo." dahil sa narinig ko sa kaniya ay hindi niya nailagan ang pagkadapo ng palad ko sa kaniyang batok.

" Hoy FREDO! Anong kabit ka diyan hindi ko siya kabit, siya lang naghatid sa akin parang kang abnormal kung anu ano ang pumapasok sa utak mo."

" Eh kung hindi mo siya kabit bakit siya ang naghatid sayo at hindi ang asawa mo? " sunod na tanong nito sa akin kahit kailan talaga hindi mawala ang kadaldalan niyong bakla na'to.

Jusko Lord bakit po ba ako nagkaroon ng ganitong kaibigan di maka-get-over.

" T*ng*na ka bakla! Kaya hindi si Kohen ang naghatid sa akin may importanteng meeting at hindi siya pwedeng mawala doon kaya si Gwen ang inutusan niyang maghatid sa akin."

Ang sabihin mo Marco wala siyang oras na pag-aksayahan ka ng panahon kaya iba ang naghatid sayo.

Aray! Pero may point ka....

Hala jusko Lord nababaliw na ako pati sarili ko kinakausap ko na.

" Mabuti naman kung ganun, so May pag-asa pa ako kay papa Gwen ko." sagot niya at nakangiti siya ng malapad dahil sa kinikilig ito.

Hay.... Sobra na tong kaibigan ko na'to pinagpapantasyahan niya ang walang kamalay-malay na si Gwen. Hindi naman kasi malabong magustuhan si Gwen dahil sa mabait itong lalake at marunong gumalang sa mga tulad namin, gentleman kumbaga at siyang dagdag pogi points ang nga pantay pantay nitong mga ngipin.

Natapos na ang morning class ko at lunch time na kaya kailangan kong kumain ng maayos ngayon dala na rin siguro ng hindi ko kinain yung almusal ko kanina. Agad kong tinungo ang cafeteria kasama si Fredo may mga estudyanteng lumapit sa akin na may kaniya kaniya silang hawak at isa-isa nilang binigay ang mga dala nilang bulaklak tinanggap ko naman ito at nagpasalamat.

Di ko na mabilang kung ilang beses na akong nakatanggap ng ganito araw-araw halos sa isang Linggo may natatangap akong mga regalo galing sa mga ibat ibang estudyante. Para sa akin parang araw-araw na Valentines day kasi walang araw na hindi ako nakakatanggap ng bulaklak at tsokolate, regalo na galing pa sa ibang bansa, sulat at kung ano-ano pa.

" Iba talaga ang alindog mong bakla ka? Nakakainggit may asawa ka na ngang gwapo at madaming nakapilang manliligaw, marami ding stalker madaming followers sa IG, Tiktok, Facebook, Twitter, at may mga fans Club ka pang bakla ka edi ikaw na ang nagmumukhang babae." mahabang saad niya.

" Wag ka ngang mainggit diyan ang GWAPO-GWAPO mo kaya, atsaka may gwapo nga akong asawa pero hindi naman niya ako kayang mahalin." sagot ko sa kaniyang ngunit pabulong sa dulo.

Mabilis matapos ang oras ng matapos kaming kumain at pumunta na kami sa next class namin. Ilang minuto ang tinagal ng makapasok ang isang babae na nasa middle 30 ito. Nagsimula na ang klase at dahil mabilis lumipas ang oras ay uwian na ito yung pinakapaborito ko nung nasa elementarya pa ako ang maagang umuwi sa bahay.

Sabay kaming lumabas ni Fredo ng unibersidad at humiwalay na lang ito ng landas ng nasa labas na kami ng main gate ng paaralan at heto ako ngayon kasalukuyan nilalakad ang pathway papunta sa waiting shed malayo pa lang ako ngunit may pinagkakaguluhan... Anong kaganapan na naman yan at dahil sa isa akong chismosa na namana ko pa ito sa kanunuan ko agad akong kumaripas ng takbo para makipagsiksikan sa mga kumpulan ng mga estudyante upang makita kung sinong taong yun. At napatigil ako bigla ng makita ko si Kohen na nakasandal ito sa hood ng kaniyang Lamborghini.

Take note guy's isang dakilang snobber si Gwen only close to him ang kinakausap niya at kung tinatanong niyo kung isa siya sa mga napabilang sa mga sampung mafia and yes kung si Gwen ay nasa Rank 2 at rank 1 naman si Kohen.

Nang makita ako ni Gwen ay agad itong lumapit sa akin at hinila ako papunta sa kotse niya tsaka pinagbuksan ako ng pintuan wala atubiling pumasok sa loob ng sasakyan niya at agad naman itong sumunod. Ikinadismaya ng mga estudyante na makita nilang kasama ako ni Gwen

" why are you smiling?!" tanong nito sa akin at agad niyang pinatakbo ang Lamborghini nito.

" Ah kasi yung mga estudyanteng mga babae mukhang nalugi sa negosyo kasi akala siguro nila taken ka pa at ako ang Boyfriend mo."

" Sana nga ikaw na lang yung boyfriend ko." he murmured.

" May sinasabi ka ba Gwen?

" Nothing, I said there so annoying." mukhang hindi naman yung narinig ko mula sa kaniya kaya napatango na lang ako bilang pagtugon sa kasagutan niya.

" Kanino galing yang isang bouquet ng bulaklak " kuryusidad nitong tanong.

" Ahhh... Ito ba? Hmmmm.... From my admirer." nakangiting sagot ko sa kaniya.

" I see... Mabenta pala ang mukha mo

" saad nito ngunit nakatuon parin ang atensyon nito sa pagmamaneho. Mabuti pa itong Gwen close ko samantalang si Kohen hindi siguro magiging close ko lang si Kohen kapag magiging berde na ang buwan na napaka-imposibleng mangyari . Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa harap ng bahay masyado kasing naging occupied ang isip ko sa sandaling iyon.

Pagkababa ko palang ng Lamborghini ni Gwen sumalubong sa aking ang mga lalakeng nakasuot ng itim na toxido na mau suot pa ito shade. Napalibutan ang buong bahay maski sa harap pa ng aking silid ay may dalawang lalaking nakabantay rito.

" Gwen anong oras uuwi si Kohen hindi niya kasi sinabi sa akin kanina." agad kong tanong habang papunta sa kusina at nakasunod lang din ito sa akin remember sinabi ko sa kaniya na ipagluluto ko ito.

" Ahhh... Hmmm... I guest 10 pm." sagot naman niya tsaka umupo ito sa harap ng marmol na lamesa.

Ibinaba ko lahat ng mga dala kong gamit sa lamesa at isinuot ang apron tsaka sinimulan ng magluto, good for three person yung iluluto ko ngayon para sa akin kay Gwen at Kohen.

" Mukhang mabubusog ako sa niluluto mo ngayon?"

" Masarap talaga kasi May halong pagmamahal ang niluto ko... Hmmm... Gwen nakakahiya man pero pwede mo ba akong dalhin kay Kohen kahit ngayon lang? Pagkatapos natin kumain dadalhan ko lang sana si Kohen ng makakain ngayon."

" Yeah sure basta ikaw, Alam mo Marco ang swerte ni Kohen sayo." ngumiti lang ako sa kaniya at pinaghain siya ng makakain nakisabay na rin ako sa kaniya para hindi naman nagmumukhang malungkot tong lalakeng to.

" Hmmm.... Di mo nga ako binigo and the taste is good... Your good in cooking." napatawa na lang ako sa sinabi nito. Tama nga din siya magaling ako sa pagluluto dahil namana ko pa ito sa aking mga magulang.

" Hahahaha... Thank you... Sige kain lang diyan wag kang mahiya. Alam ko naman sa dati pa lang na wala ka ng hiya.. ahhaha Chariz...." Sabi ko sa kaniya at nakakunot itong nakatingin sa akin.

" Aber?! Kailan mo akong nakitang walang hiya?" sagot nito tsaka ngumiti.

Pagkatapos naming dalawang kumain ay agad kong binalutan ng pagkain si Kohen atsaka naligo muna ako para maging maayos ang itchura sa kaniya. Agad kong tinungo ang aking closet at simple lang ang isusuot ko ngayon V neck t- shirt ba kulay mustard at isang short na lagpas sa tuhod at puting sapatos tsaka kunting pulbos pak! Ganern Bonga.

" Witwey....Di talaga kukupas ang iyong ganda binibining Marco. Panigurado ko'y lalong maiinlove sayo si Kohen...!" pagbibiro nito sa akin.

Anong maiinlove lalo? Hindi nga in love yung mukong na yun. Maiinlove pa kaya lalo?

" Ano Tara." ani ni Gwen at agad itong lumabas ng mansiyon at tinungo ang kaniyang sasakyan. Nagtungo kami sa kompanya ni Kohen at wow ngayon lang ako nakapunta rito hindi ko maitatanggi na super yaman niya talaga . May tumawag kay Gwen at nagpaalam muna itong akin.

" Marco, I'm sorry to say kailangan ko ng umalis nagka-emergency kasi? Wag kang mag-alal tinawagan ko na si Kohen and I tell him na your here at siguro sa kanya ka na sasabay sa paguwi. Sige aalis na ako hintayin mo na lang siya." sabi nito. Nagmamadaling lumabas ng kompanya si Gwen ng masabi niya yun sa akin.

Hindi na ako nakapaghintay ng matagal kay Kohen dahil sa pag alis ni Gwen siya naman ang pagdating ni Kohen. Magkasalubong ang kilay nitong nakatingin sa akin at hindi na ako nito hinintay na makapagsalita dahil agad nitong hinatak ang aking kamay palabas ng kompanya at sa tingin ko namumula na ito dahil sa higpit ng pagkakahawak nito.

" What are you doing here?!" may diin na tanong nito.

" Dinalhan kita ng pagkain kasi alam kong di ka pa kumakain." nanginginig kong sagot at pinakita sa kaniya ang hawak kong tupperware na agad naman niya itong hinablot at tsaka ibinagsak ito sa sahig kaya ang kinalabasan natapon ang pinagpaguran kong niluto. Naramdaman ko na lang na May likidong tumutulo sa pisngi ko kaya napayuko na lang ako upang pulutin ang mga itinapon nito.

I don't want him to saw me crying again in front of him.

" Sinabi ko na sayo na hindi ka lalapit sa akin bakit ba ang tigas ng ulo mo akala ko ba magaling lang bakla ka?! Go home and don't show your face to me." galit na pagkasabi nito sakin naramdaman kong naglakad na ito palayo sa akin at iniwan ako.

Nagulat na lang ako ng biglang May nag-alok sa akin ng panyo kaya napa-tunghay ako and I saw a handsome guy in front of me.

" It's not good a beautiful lady like you cry at the public place."

Agad ko naman tinanggap ang inaalok nitong panyo. At ngingitian ko lang siya.

" Pagod lang si boss kaya niya nagawa yun." paliwanag nito at umiling lang ako sa sinabi niya.

" I'm Zhyane Salazar." pagpapakilala nito sa akin.

" I'm---Pinutol niya ang sasabihin ko at itinuloy niya ito.

" You are Marco Dyne Montesidro Sandford, husband of Kohen Sandford." sagot nito at nakangiti itong nakatingin sa akin dahilan para lumabas yung dimples nito.

Shet!!!! Ang gwapo niya...

" How come you know my whole name? And my background." kuryusidad kong sagot rito nakakapagtaka bakit lahat na lang ng nakakausap ko alam nila kung sino ako.

" Sabihin na lang natin na kaibigan ako ng asawa mo?"

" Ah I see... Kaya naman pala by the way thank you sa panyo." nakangiting sagot ko.

" You look prettier when you smile Mister Sandford." saad niya na ikinapula ko naman ito ng husto.

Oh my god! Nakakahiya..... Sa kaniya

Nag presenta itong siya na lang daw maghahatid sa akin kaysa maghihintay pa ng taxi. Nung una nagdadalawang isip pa ako kong tanggapin ko ang alok nito, una sa lahat ngayon ko lang to nakita at nakasama baka pagsamantalahan pa tayo nito. Pero nagin-hawaan ako ng sabihin niyang hindi daw siyang masamang tao kaya pumayag na lang ako sa kagustuhan nito kaysa naman mabilad pa ako sa araw.

Hmmmm maganda na yung nakakasiguro tayo baka kinabukasan headline tayo ng mga balita. Alam kong nasa peligro ang buhay ko ngayon dahil na rin sa asawa kong leader ng isang Grupo, mabuti na nga lang kahit ni isa wala pang nangyaring masama sa akin at sana kahit kailan hindi sana ito mangyayari.

Umalis ito saglit para kunin lang daw yung sasakyan nito sa loob ng basement parking lot dahil dun niya daw nai-park kaninang umaga. Ngunit bumabagabag pa rin sa isipan ko kung paano ako pinagtabuyan ni Kohen kanina, ganun na ba talaga siya habang buhay. Ginagawa ko naman ang lahat para lang mahalin niya rin ako, kahit alam kong sa dulo hindi mangyayari yun. Hindi ko na lang namamalayan na tumulo na naman ang luha ko dahilan para maputol ang pagkatulala ko at tamang tama din ang dating ni Zhyane. Isang pulang Ferrari ang huminto sa harapan ko at lumabas ang isang matangkad na lalakeng may magka-moreno ang kutis nito tsaka nakangiti itong lumapit sakin.

" Iniisip mo ba yung nangyari?" tanong nito ng makalapit siya sa akin. Hindi ko na lang ito sinagot bagkus ngingitian ko na lang ito bilang sagot sa katanungan nito.

" Ah... Eh Zhyane magga-gabi na rin kailangan ko na rin umuwi." pag-iiba ko ng usapan kasi alam kong kukulitin niya ako.

Ngumiti ito bago niya ako pinagbuksan ng pintuan ng kaniyang kotse na agad naman akong pumasok, nakakatanggal problema ang amoy ng air freshener ng kaniyang kotse masasabi kong okay na din. Kasi yung nga ibang kotse amoy na parang ewan.

Napansin ko sa harapan ng kotse nito ang isang figure ng isang sikat na anime at hinawakan ko ito para tignan ng mabuti. Mahilig din kasi ako mangolekta ng mga ganitong figure halos sa isang kwarto ko sa bahay puno ng mga ibat ibang cast ng mga anime series. Napapangiti na lang ako habang tinitingnan ito ng mabuti.

Kailan kaya muli ako makakauwi sa amin, miss ko na rin kasi sila mama at papa at yung kaiisa kong kapatid na bunsong lalake.

________________________________________

A/N: Hanggang dito muna tayo? It's me again your author jamesRiagon. Paki pindot naman po yung star kung may talagang sumusuporta sa kwento ko.

Q: Ano na kaya ang susunod na kaganapan sa buhay ni Marco, magiging mabait na ba ang isang Kohen Sandford o tuluyan na ito nilamon ng sistema.