webnovel

The Titanian's Role

Walang bituin sa kalangitan.

Yun ang napansin ko habang nakatingin ako sa madilim na kalangitan habang nakaupo ako sa isang lumang sanga ng puno na nanduon.

At naiitanong ko kung may bituin din ba sa mundo ng mga bampira.

Oo. Nandito ako sa mundong ito pero wala akong kaalam-alam tungkol sa kakaibang mundong napasukan ko. At mas lalong wala akong ideya kung ano ba talaga ako at kung ano ang ginagawa ko dito.

Ramdam ko parin ang sobrang lamig ng paligid kahit na nakasuot na ako ng makapal na coat na ibinigay sa akin ni Zeke kanina.

Madilim na ang paligid nang mapagpasyahan ni Raven na mamahinga muna kami sa loob ng isang gubat. Ang sabi nya ay mas magiging ligtas kami kapag dito kami namahinga kesa sa field ng puting snow dahil dito ay mas mahihirapan sina Lucian na hanapin kami.

Napalibot ko ang paningin ko at maihahambing ko ang gubat na ito sa mga rainforest na napapanuod ko sa National Geographic Channel. Normal din naman ang lahat ng nandito.

Normal ang itsura ng mga puno. Which is ini-expect ko na mukhang pang-horror movie ang itsura ng mga puno dito.

Normal din ang itsura ng mga hayop na nakikita ko dito. May mga ibon, mga insekto, at may nakita pa nga akong isang usa kanina at ang sabi ni Raven ay dito sa mundo nila ay dugo ng mga hayop ang naging diet nila.

Ang totoo nyan ay ini-expect ko na mga nakakatakot na monsters ang makikita ko dito. Kasi nga, mundo ito ng mga bampira diba? Kaya normal lang naman na mag-isip ako ng mga nakakatakot na bagay tungkol dito.

Ang hindi lang normal sa mundo nila ay ang endless winter na mayroon sila dito. Dati naman daw ay nagkakaroon din sila ng tag-init pero many years ago ay hindi na naging tag-init uli at wala pang nakakaalam sa kanila kung ano ba ang rason doon.

At oo, kahit na hindi pa man ako nakaka-recover sa mga nalaman ko at sa napanuod kong labanan ng mga bampira ay napilitan parin kaming sumakay ng kabayo ni Bea at sumama sa kanila.

Tama sila.

Kung may mapagkakatiwalaan man kami sa mundong ito ay sila lang yun. At sa tingin ko ay mas magiging safe kami ni Bea kapag sumama kami sa kanila hangga't sa hindi pa kami nakakauwi.

Pero hanggang ngayon ay ang dami ko paring gustong itanong sa kanila.

Maraming bagay pa rin ang hindi nabibigyan ng linaw.

Sino ba si Lucian?

At bakit gusto nya akong kunin?

Ngayon ay nakaupo ako sa tabi ng bonfire na ginawa ni Alex kanina. Pero nanginginig parin ako sa lamig kahit na nakaupo na ako sa tabi nito. Nakatulog narin sa sobrang pagod si Bea at katabi nyang natutulog si Rika na noon ay nakayakap pa sa kanya. Oo, mukhang nagiging close na silang dalawa lalo na't likas ng mahilig sa bata ang pinsan ko na yun.

Samantalang kasama kong nakaupo sa bonfire na yun sina Cornelius, Raven, Alex, at Jared. Napagpasyahan nilang mag-rounds ng pagbabantay at sina Zeke, Andromeda, at Bogs ngayon ang nagbabantay sa paligid.

"Look at how she shivers" ang nakangising sabi ni Cornelius habang nakatingin sa akin. "She still has a human body afterall"

Nabigla pa ako nang may biglang sumulpot na mug sa harapan ko.

Napataas naman ako ng tingin at nakita ko ang nakangiting mukha ni Jared.

"Jasmine tea..." ang nakangiting sabi nya. "Kailangan 'to ng human body mo para mainitan ka"

I smiled at him.

"Salamat Ja---" pero naputol ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang paghagis ng isang malambot na bagay sa mukha ko. "Aray!"

Saka ako napalingon sa nambato sa akin at nakita kong si Alex yun.

"Wear that" ang hindi tumitinging sabi nya habang nakatitig sa apoy.

Napatingin naman ako sa ibinato nya sa akin at nakita kong isang makapal na coat yun. Pero talagang masama ang loob ko sa kanya kaya inihagis ko yun pabalik sa kanya.

"I'd rather die in cold than to wear a murderer's coat" I hissed saka ko kinuha ang tsaa na inaalok ni Jared at hinawakan ko nalang yun para mainitan ang kamay ko.

"Hay...lover's quarrel na naman..." ang nakangising sabi ni Cornelius.

But Alex just glared at him dahilan para matahimik sya.

"I'll shut up" he said saka bumalik sa pagmumuni-muni.

"By the way..." ang sambit ko. "Hindi ba kayo nilalamig ha?"

Oo nga. Napansin kong kami lang namang dalawa ni Bea ang kanina pa nangangatog sa sobrang lamig. Samantalang kahit na maghubad siguro ang mga bampirang ito ay hindi parin sila lalamigin.

Cornelius smirked.

"We are vampires" he said. "We don't feel cold"

My brows met.

"So hindi marunong lamigin ang mga bampira?" ang takang tanong ko.

Jared smiled at me.

"Yes. Because we ourselves are cold blooded" ang nakangiting sabi nya. "This world is created by our ancestor only for us kaya wag ka ng magtaka kung taglamig dito dahil wala naman kaming marararamdaman na lamig"

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Then if I'am a Titanian na katulad ng sinabi ninyo..." ang sabi ko. "...eh bakit nilalamig parin ako?"

Bigla silang natahimik nang dahil sa itinanong ko.

And for a long moment ay walang nagsalita sa kanila but then...

"Because right now, you're still a human..." ang sambit ng kanina pang tahimik na si Raven. "Hindi ka pa bumabalik sa pagiging bampira kaya nakakaramdam ka parin ng lamig at ng kahit na anong nararamdaman ng isang normal na tao"

Nabigla ako sa sinabi nyang iyon.

"K-kung ganun...tao parin ako?" ang sambit ko.

Nilingon naman ako ni Raven saka sya nagsalita.

"You don't have to know everything right now" ang sambit nya. "I think you're not ready for that"

My brows met.

"Just tell me" ang sabi ko sa determinadong boses. "Sabihin nyo na sa akin ang lahat-lahat ng dapat kong malaman"

"Curiousity" ang biglang sambit ni Alex saka sya lumingon sa akin. "That's the reason why you've been found by those Aarvaks"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Aarvaks?" ang sambit ko.

Pero si Jared ang sumagot.

"They are Lucian's men" si Jared habang nakatingin sa bonfire. "They are the one who attacked us back there and from the human world"

Mas lalo akong naguluhan.

"So ang lahat ba ng Aarvaks ay puro Aletheans?" ang takang tanong ko.

Nilingon naman ako ni Jared.

"No" he said. "Aarvaks ang tawag sa lahat ng taga-sunod ni Lucian. Mapa-Alethean man, Argon, or even Corrigans"

Mas lalo akong naguluhan kaya agad kong nilingon si Raven.

"Raven please..." I almost beg. "Just tell me everything..."

Tinitigan naman ako ni Raven samantalang nakatitig parin ako sa kanya.

"Raven, don't" Alex said. "She's not ready"

Agad ko namang nilingon si Alex and gritted my teeth.

"What is your problem?!" ang naisigaw ko na. "You killed my boyfriend and now you're stopping me from knowing the truth?! Ano ba talaga ang problema mo sa akin ha?!"

Nilingon naman nya ako and I was taken aback by the expression on his face.

I saw his brows met and he clenches his teeth.

Yun kasi ang uling beses na nakita kong magalit sya ng ganun.

"Dylan is not the only person who was killed because of you so stop whining like a stupid little brat and just listen to everything we says!" ang galit na galit na sigaw nya. "For the name of God, everything that I did is only because I promised Calixus that I'll protect you no matter what happens!"

"Alex, stop" ang awat na sa kanya ni Raven.

Pero nanatili lang kaming nakatitig sa isa't isa.

Pareho kaming galit at parehong walang may balak na magbaba ng tingin sa amin.

Pero...hindi ko maintindihan ang mga sinabi nya.

Sino...

Sino si Calixus?

"Alex..." ang sambit ni Raven. "I think ito na ang tamang oras para malaman na nya ang lahat"

At after ring sabihin ni Raven yun ay bigla syang tumayo at galit na nagsalita.

"Papalitan ko na si Andromeda sa pwesto nya" ang sabi nya saka sya tumalikod at naglakad paalis.

Samantalang naiwan naman kaming lahat doon na natahimik.

"Hay...as expected from a fire argon..." si Cornelius. "Masyadong mainitin ang ulo nya...Hahahahahaha---"

Pero natigil ang tawa nya nang lingunin sya ni Raven and then he glared at him.

"I'll shut up" ang mabilis na sabi nya at bumalik sa pagmumuni-muni.

Nilingon naman ako ni Raven at napahinga sya ng malalim.

"Are you sure that you really wanna know everything?" ang tanong nya sa akin.

Tumango naman ako.

"Oo, kailangan ko ng malaman ang lahat" ang determinadong sagot ko.

Napahinga sya uli ng malalim saka sya tumingin sa bonfire. Habang nanatili lang akong nakatitig sa kanya at naghihintay ng sasabihin nya.

"After this world was created..." ang simula nya. "...the Titanians are left to rule this world. This world was left to be ruled by the Original Ancestor's only son, Calixus and his family..."

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi nya.

Kung ganun...si Calixus...ay ang anak ng original vampire's ancestor? Yung sinasabi ni Alex na pinangakuan nya na poprotektahan nya ako? Pero bakit...

Pero bago pa man ako makapag-isip ay nilingon na ako ni Raven and the next thing he said froze me from where I'm sitted.

"And yes, you are Calixus only child, Annah..." he said.

Annah?

T-teka...

P-parang narinig ko narin ang pangalan na yun...

Agad akong napatingin sa kanya nang maalala ko ang panaginip ko, o I mean, ang memory ko.

"Annah..." ang sambit ko. "...sa memory ko...may isang babaing tumawag sa akin ng Annah..."

Mabilis na napatingin sa akin ang tatlong bampirang kasama ko doon.

"And who is that?" ang mabilis na tanong sa akin ni Raven na para bang sobrang interesado sya. "Namukhaan mo ba sya?"

Napayuko naman ako at inalala ang mukha ng magandang babaing yun.

"She has black hair...at nakasuot sya ng puting dress...at---"

"At may nakaburdang pulang rosas sa harapan ng dress nya?" ang mabilis na tanong sa akin ni Jared.

Inisip ko naman lalo. At kung iisipin ko ay tama sya. May nakaburda ngang pulang rosas sa dress ng babaing yun.

"Oo..." ang sambit ko. "Meron nga. Pero sino naman sya?"

Nakita ko kung paano unti-unting nalungkot ang mga mukha nila saka sila napayuko. Pati si Cornelius na kanina ay sumisipol-sipol pa ay natahimik narin at napatingin sa ibang direksyon.

"She's your mother..." ang sambit ni Raven. "...her name is Eries..."

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

K-kung ganun...ang babaing yun na nasa memory ko...ay ang tunay na ina ko? Pero...ang gulo talaga eh. Hindi ko alam kung kaya ko bang paniwalaan ang lahat ng ito. Oo, alam kong malupit at parang walang pakialam sa akin sina Mama at Papa pero never kong naisip na ampon lang ako.

Pero mabilis akong napataas ng mukha at nagsalita.

"K-kung ganun..." ang sambit ko. "Nasaan na sila? Nasaan na ang mga totoong magulang ko?"

After kong itanong yun ay hindi ko alam pero doon na unti-unting nalungkot ang mga mata nila.

At si Cornelius na ang sumagot.

"They were murdered..." ang sambit nya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa narinig ko and for a moment ay hindi ako makapagsalita.

They were...murdered?

Pinatay ang...mga totoong magulang ko?

"The Titanians ruled this world pero hindi sang-ayon doon si Lucian" ang sabi ni Raven habang nakatingin sa bonfire. "We are Argons, the strongest type of vampires and yet we are ruled by the Titanians. I was the leader of the Argons at that time and also the leader of the Arcadian Knights, the Knights who protected Calixus family for many years. At si Lucian naman ang kanang kamay ko. Pero...pero hindi ko alam na may binabalak pala syang masama nung mga oras na yun. Hinikayat nyang sumama sa kanya ang karamihan sa mga Argons at Aletheans na nasa pamumuno ko na umalis sa grupo at gumawa ng sarili nilang grupo na naglalayong patayin ang pamilya ni Calixus. And Lucian is the one who leads them. Gusto nyang palitan ang Titanians sa pamumuno ng mundong ito"

Kung ganun...

Si Lucian ang...

"Sa isang hukbo ng Arcadian Knights noon, only thirty of us are left loyal to protect the Titanians from Lucians Army. He called his army Aarvaks. At isang araw..." napayuko nalang si Raven saka napasabunot sa buhok nya na para bang nahihirapan sya sa naalala nya nung mga oras na yun. "...they attacked the Cytherea. There are only thirty of us and they are more than two hundred...hindi ko nagawang protektahan ang mga magulang mo...pero...pero ibinigay ka sa akin ni Eries at sabi nya ay dalhin kita sa mundo ng mga tao kung saan mas malayong mahanap ka nila"

Nakita ko ang paghihirap sa mukha nya habang ikinukwento ang mga nangyari nung araw na yun.

"She told me to take you in the human world at iwan ka sa isang pamilya. Dapat ay mapalibutan ka ng mga tao para mahirapan sina Lucian na ma-trace ang vampire's scent mo. And so I did. While I left her with your father and most of my men fighting for their lives. She opened the barrier to let us through with only eight of us dahil alam nyang wala ng iba pang makakayang buksan ang barrier na yun but only Titanians..."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

At kahit na wala akong maalala sa lahat ng ito ay hindi ko alam kung bakit sumasakit ang dibdib ko.

"You were only six years old back then..." ang patuloy nya. "...and to protect you, Eries draw out all your memories and also all your vampire's venom out of your body and scattered it in the vampire's world"

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi nya.

K-kung ganun...

"All your memories and venom was scattered into seven fragments" ang sabi pa nya. "And they were called esylium..."

K-kung ganun...ang esylium na nakita ko sa bahay ni Professor noon...

"Pero pagdating natin sa human world ay hindi sinasadyang may matirang fragment sayo" ang sabi pa nya. "At para masiguradong hindi ka na mahanap pa ni Lucian ay tinanggal ko ang huling fragment na yun at iniwan sa pangangalaga ng isang Exodus Knight"

Exodus?

"They are the anti-vampire organization" si Jared ang nagsalita. "Pero bago gawin ang mundong ito ay nagkaroon sila ng truce ng ancestors natin kaya simula noon ay naging magkaibigan na ang mga Exodus at ang mga bampira"

Agad na nanlaki ang mga mata ko.

Kung ganun...kaya pala maraming alam si Professor tungkol sa mga bampira at yun ay dahil...dahil isa syang...

"Yes" Raven said. "Santiago is a six hundred year old Exodus knight at sa kanya ko iniwan ang huling fragment ng memory at venom mo that forms into esylium"

Now it all makes sense.

Ang lahat ng taong pinag-uusapan ang tungkol sa mga bampira ay nawawala without a trace. Pero hindi si Professor Santiago.

Agad akong napataas ng mukha at napatitig kay Raven.

"Kung ganun..." ang sambit ko. "...may kinalaman ba kayo sa mga taong nawawala nang dahil lang sa pinag-uusapan nila o inuungkat nila ang tungkol sa mga bampira?"

Napayuko naman si Raven at nag-iwas din ng tingin sina Jared at Cornelius.

"I tried to stop him..." si Raven. "But he is the only Arcadian knight who doesn't listen to my orders..."

My brows met.

"Who?"

Pero si Cornelius ang sumagot.

"Sino pa ba ang pinaka-rebellious at ang pinaka-hotheaded sa grupong ito?" he said then smirk. "That brat Alexander..."

Nabigla ako.

Kung ganun si Alexander ang....

"Oo" si Jared. "Pinapatay nya ang lahat ng umuungkat o maski ang nag-uusap lang ng tungkol sa mga bampira..."

My eyes widened.

Pinapatay?

Kung ganun...ang lahat ng taong napapabalitang missing ng dahil lang sa pag-ungkat nila sa mga bampira...ay pinatay lahat ni Alexander?

"Pero bakit naman nya gagawin yun?" ang hindi ko makapaniwalang sambit.

Oo. Ang hirap paniwalaan na ang lalaking dati ay akala ko lang na isang sikat na captain ng soccer team ng university ay isa palang bampira at ang pumapatay pa sa lahat ng taong yun.

"Because that brat wanted to protect you" ang sagot ni Cornelius. "Yes. He has his own ways of dealing with things. Pero tama sya. Ang lahat ng ginawa nya ay ginawa nya lang para protektahan ka. Alam naming lahat na kapag may umungkat ng tungkol sa mga bampira at maaaring may mag-imbestiga ng tungkol sa atin ay pwede ka nilang mahanap. At kapag nahanap ka nila ay malaki rin ang chance na mahanap ka ni Lucian. Ng dahil sa iisipin na yun kaya wala syang pinagkakatiwalaan. Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayo na kahit na ilang taon na kaming magkakasama ay wala parin syang pinagkakatiwalaan sa amin? Kaya hindi na kami nabigla nang patayin nya ang boyfriend mo at balak pa sana nyang isunod ang ex-cousin mo ng dahil lang sa pagiging over-protective nya sayo. He doesn't trust anybody but only himself when it comes to you"

Ang dami na nyang sinabi pero nanatili lang akong nakayuko at hindi makapagsalita sa kinauupuan ko.

Kung ganun...pinatay nya si Dylan...dahil hindi nya pinagkakatiwalaan ito?

At ngayon ko lang na-realize ang mga sinabi nya sa akin dati bago pa man ako makapasok sa mundong ito.

"If you want to stay alive, you have to stuck your human nose out of vampires"

Kaya nya ba nasabi yun...ay yun ay dahil sa alam nyang...kapag nakialam ako ay mahahanap ako nina Lucian?

"But in the end, hindi ka parin nya napigilan sa pag-uungkat ng tungkol sa mga bampira kaya..." si Jared saka nya ako nilingon. "...nahanap ka nina Lucian..."

Doon naman ako mabilis na napalingon kay Raven.

"Pero bakit nya ako gustong hanapin?" ang tanong ko kay Raven.

Nagtaas naman ng mukha si Raven at nagsalita.

"Because he wants to rule the human world..." he said. "Hindi kuntento sa mundong ito si Lucian kaya gusto nyang pamunuan din ang mundo ng mga tao..."

"Kaya ba..." ang sambit ko. "Kaya ba sinisira ng mga Argons ang barrier? At yun ay dahil sa gusto nilang pamunuan ang mundo ng mga tao?"

His blue eyes looked at me.

"Yes. Argon Aarvaks to be exactly. Sila ang sumisira sa barrier." he said. "Alam nyang kapag nabuksan ang barrier na yun, humanity doesn't stand a single chance against the powerful vampires. At alam nyang ikaw lang ang makakapigil sa plano nyang iyon"

Naguluhan ako sa sinabi nya.

"But how?" I asked.

"Because he knows..." he said then looked at me. "...that only a Titanian can seal that barrier and could stop him from doing his plans. And you, Annah, is the last of that kind. And so, he wants you dead"

I froze and trembled with fear.

He wants me...dead?

"That's why you're here" ang sabi pa ni Raven. "You are here because of only one mission..."

I looked at him. "What mission?"

His blue eyes looked intently to me.

"To find the seven esylium and to be a Titanian again..." he said. "The seven esylium contains all your memories and your power as a Titanian"

Hindi ako makapagsalita nang dahil sa sinabi nyang iyon.

Pero may naalala akong itanong kaya nilingon ko sya at nagsalita.

"K-kung ganun...k-kaya ba...hindi pa ako nagiging Titanian uli at wala pa akong masyadong maalala at yun ay dahil sa...dahil sa iisang esylium palang ang nasa akin?"

He nod.

"You have to find all the seven esylium to be a Titanian again and to stop Lucian from all of his plans..." he said that widened my eyes with shock. "And yes Annah, you are the last Titanian and you are the only hope of both humanity and vampires"

to be continued...