webnovel

The Land of Thrym

Maganda ang sikat ng araw ngayon kaya naisipan naming ipagpatuloy na ang paglalakbay namin.

Mabuti nalang at naging maayos na ang pakiramdam ni Alex kaya nabawasan na ang pag-aalala namin sa kanya.

At ang rason nya lang kaya sya nawalan ng malay ay dahil narin daw sa sobrang pagod ay hindi kinaya ng katawan nya.

But I felt that there is something more about it.

There is something more pero ayaw nya lang sabihin.

At habang nakatingin ako sa kanya ngayon na inaayos ang pagkakalagay ng paa ko sa saddle ng kabayo ay nakikita ko parin ang sobrang pag-aalala sa mukha nya.

Gusto ko sanang itanong kung ano ang iniisip nya pero hindi ko lang kayang magtanong.

At ang isa pang ipinagtataka ko...

Napalingon ako sa direksyon nina Maalouf at Raven na ngayon ay nakasakay narin sa mga kabayo nila.

...ay kung ano ang pinag-aawayan nina Maalouf at Raven kahapon? At mukhang galit na galit silang dalawa?

Pero habang nakatingin ako sa kanilang dalawa ngayon ay mukhang maayos na sila...

"Dude, anong problema?" ang narinig kong tanong ni Jared.

Napalingon naman ako sa kanya at nakita kong si Cornelius ang tinatanong nya na nakahalumbaba sa kabayo nya at mukhang malungkot.

Nagtaas naman ng mukha si Cornelius at nilingon si Bea na nakasakay narin sa kabayo nya. At napansin kong, nang makita nyang nakatingin sa kanya si Cornelius ay agad syang nag-iwas ng tingin.

My brows met.

What's happening between them? Napapansin kong hindi narin sila nagkukulitan kagaya ng nakasanayan ko.

Cornelius pout.

"Iniiwasan nya ako..." he said then sigh. "She told me to leave her alone. Hay...I never understand woman..."

Napatingin nalang ako kay Bea at napansin kong malungkot din ang mukha nya at mukhang ang lalim ng iniisip nya.

Teka, bakit nya iniiwasan si Cornelius?

"Are you okay?" ang biglang tanong sa akin ni Alex.

Napalingon naman ako sa kanya at dahil hindi ko inaasahan na kakausapin nya ako ay natigalgal ako.

Lalo pa na't nakakaramdam parin ako ng kakaibang pakiramdam mula sa matagal na pagyayakapan namin kahapon. Oo, sa sobrang tagal ng pagyayakapan namin ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa bisig nya. At sa tuwing naaalala ko yun, pakiramdam ko ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

"I-I'm...o-okay..." I managed to answer.

Hindi sya sumagot.

Nanatili lang syang nakatitig sa akin dahilan para mas manlamig ako.

But then he sigh saka sya umakyat narin sa kabayo at sumakay sa likuran ko.

Hindi narin ako nagsalita at pakiramdam ko ay mas lalo akong nanlamig nang maramdaman ko ang mga braso nya na pumalibot sa akin dahil sa paghawak nya ng rehas.

"I've always loved your scent..." he whispered into my head.

Pakiramdam ko ay namula ako nang dahil sa sinabi nya. Simple lang ang pagkakasabi nya nun pero bakit sobrang bilis ng pagkalabog ng dibdib ko?

Doon naman kami nilingon ni Raven mula sa kabayo nya then he spoke.

"Are we all set?" he asked then looked at us. "Then let's go"

*********************

Nagpatuloy kami sa paglalakbay hanggang sa matanaw ko na ang lugar na nasa mapa.

Like Sorrow, it stands alone in the middle of the snow dessert pero ang pinagkaiba lang sa Sorrow ay katabi ito ng mga bundok.

Unti-unti kaming lumapit dito at sa unahan nito ay may isang malaking gate at nakasulat sa itaas nito ang pangalan na...

Thrym

Pero papasok palang kami ng gate ay napansin kong walang katao-tao sa paligid.

Sementado ang kalsada nito at nakikita ko ang mga simple at maliliit na bahay na nakatayo sa tabi nito.

We advance forward habang lumilinga-linga sa paligid. Hoping to see any vampire who resides here. Pero walang katao-tao ang kalsada.

The place is so silent that it gives out a creepy vibes.

All I could here is the stomping of the feet of our horses and the sound of the wind that's been passing through us.

"Oh geez...where are the people here?" Cornelius asked.

At sa tingin ko ay pare-pareho lang kami ng iniisip.

Tama. Nasaan ba ang mga bampira na nakatira sa lugar na ito?

Napalingon ako sa mga bahay na nadadaanan namin.

At nabigla ako nang may nahuli ang mga mata ko na pares ng pulang mga mata na nakatingin mula sa isang bintana ng isang bahay. He looks like a child and he's looking at us with his red innocent eyes.

Pero mas nabigla ako nang makitang mula sa loob ay mabilis at mukhang takot na takot syang hinila ng isang babae papalayo sa bintana na mukhang nanay nya.

My brows met.

Okay. What was that?

Bakit parang takot sila sa amin?

"Looks like they're afraid of us" I heard Zeke said.

Mukhang napansin din nila ang mga bampira na nagtatago sa loob ng mga bahay nila.

"No" Raven said. "I think they are afraid of something"

Napalingon naman ako sa paligid. At doon ko lang nakita na may mga bampira din na nagtatago sa loob ng mga bahay nila.

Ano ba ang kinatatakutan nila?

But before I could get some answers ay nabigla ako nang maramdaman ang isang mabilis na hangin na dumaan sa amin.

Mukhang naramdaman din ng mga kabayo ang mabilis na hangin na iyon kaya nagkagulo sila.

"Okay, what was that?" si Bea na mukhang natakot narin ang nagtanong.

Pero hindi pa man ako nakakasagot ay isang mabilis na hangin naman ang dumaan sa amin.

At mas lalo pang nagkagulo ang mga kabayo na sinasakyan namin nang maramdaman ang isa-isang paglabas ng mabibilis na hangin na dumadaan sa amin.

But I know that this is not only a fast wind.

I can smell different kind of vampire scent that's coming from it at parami sila ng parami.

"There!"I heard Andromeda scream.

Mabilis naman kaming napataas ng mukha at napatingin sa itaas dahil yun ang itinuturo nya.

But what I saw next made me tremble.

Because at the roof of the houses, stood there the two different groups of vampires who's now growling at each other.

to be continued...