webnovel

The Frozen Life

Everything was already planned.

Nakatulong din ang mga Aletheans na katulad nina King Nolan sa pagsasagawa ng mga plano.

Aletheans are known to be the best in planning battle strategies and right now, they became a great help to all of us. Harun and his men provided the best swords that was made also by their Aletheans Blacksmiths in their place.

Sa buong araw ay nagplano lang sila sa magiging depensa laban sa pag-atake ng Aarvaks. Even the Exodus knights are very keen on this situation. They are known to be have an alliance with the original vampire ancestor na si Demon at isa pa ay iniisip nila that in order to gain peace in the human world, the problems in the vampire world must be solved first.

Lady Lydia is their leader and she's very enthusiastic in helping us out kahit na may iba sa mga Elders na mukhang hindi komportable sa presensya nila sa mundo namin. Of course, there's been thousands of years war between the vampires and Exodus before us at hindi siguro ganun kadali para sa kanila ang pagtanggap sa tulong ng mga taong minsan ng pumatay ng mga kasamahan nila noong unang panahon.

At naitatanong nyo siguro kung paano sila nakapasok sa mundo namin?

Well, the barrier hasn't been closed yet. They said that it will take months to close the barrier again at ginamit nila ang chance na yun para makapasok sa mundo namin.

Everyone already knows their rightful places.

Everyone already knows their tasks in the war.

Well, except for me.

Hanggang ngayon ay naiisip ko parin si Light.

What will I do once na magkita kami uli? And to make it worst, ano ang gagawin ko kapag nagkita nga kami uli pero ang katauhan ni Xander ang gagamit sa katawan nya?

Everything seems like on their proper places.

But it's not.

Everything is completely shuffled and I don't know where to place mine.

Naramdaman ko ang mahigpit na yakap sa akin ni Lucian habang nakaupo kami sa kama ko sa loob ng kwarto ko. Nakayakap sya sa akin habang nakasandig naman ako sa malawak na dibdib nya.

I can feel that he's inhaling the scent of my hair habang nanatili lang akong nakatulala sa labas ng bintana. We stayed on that position for minutes na walang nagsasalita sa amin. Habang nanatili lang akong nakatunghay sa malawak na field ng mga rosas sa labas ng kwartong iyon.

Pero katulad ng dati ay nakuha na naman ang atensyon ko ng mga pulang rosas na iyon sa labas na nagsisimula ng maging asul.

My brows met.

"Lucian..." I whispered his name. "What's happening to the red roses?"

Oo, ngayon lang ako nagkaroon ng chance na makausap sya uli ng kaming dalawa lang.

Naging busy sya sa pagpaplano ng lahat at ngayon ay binisita nya lang ako sa loob ng kwarto ko.

Napalingon naman sya sa labas and then I heard him sigh.

"They are turning back to their original color..." he whispered.

Nabigla ako sa sinabi nya.

Original color?

"This is the biggest secret of the house of Cytherea..." ang dugtong nya pa. "A long time ago, when the house of Cytherea was built, Master Demon and his mate, Lady Camellia decided to surround this house with blue roses"

My brows met.

Blue roses?

Pero bakit...

But before I get the chance to ask ay agad na nanlaki ang mga mata ko sa bagay na na-realize ko.

Kung ganun...

"Yes. They were originally blue roses..." he said. "...but after Master Demon and Lady Camellia disappeared, they slowly turned into red roses and until now, no one knows the reason behind it"

Nabigla ako sa nalaman ko.

I had enough shocking revelations in my life pero sa tingin ko ay isa 'to sa mga pinaka-matindi.

So these red roses were originally blue pero naging pula lang sila nang mawala na ang ang grandparents ko?

"Pero bakit..." ang takang sambit ko. "....pero bakit sila bumabalik sa dati nilang kulay?"

He just shrug.

"We don't know..." he whispered. "This is a big mystery that the original vampire ancestor left on us and until now, we can't still find the answers for it"

I'm confused.

Really confuse about this.

And dami ng katanungan sa isipan ko pero dumagdag na naman ang mystery na ito.

"That is also one of the reasons why the Arcadian Knights Armors are engraved with blue roses" he explained. "And it is because it is the original color of the house of Cytherea"

Tama.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit blue rose ang naka-engrave sa mga armors nila even though red roses ang makikita sa lugar na ito. At yun ay dahil sa blue rose naman talaga ang original na kulay ng mga red roses na ito.

Napansin ko din na sa paglipas ng mga araw ay mas lalong dumadami ang mga pulang rosas na unti-unting bumabalik sa dati nilang kulay. Some of them even completely changed back into its original color, blue.

I heard Lucian smirk on my head habang nakayakap parin sya sa akin.

"And now I understand why you love blue roses the most..." ang nakangiting sambit nya.

Nagtataka naman akong napalingon sa kanya.

"Why?"

Oo nga. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung bakit blue rose ang paborito kong bulaklak.

His beautiful eyes looked at me and he gave me that angelic smile.

"It's because before disappearing, I remembered that Lady Camellia would always walk you into the field of blue roses" he said. "But I think, you're too young to remember that"

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa bagay na nalaman ko.

Kung ganun...

Nakasama ko pa...

Nakasama ko pa ang grandparents ko noong bata palang ako?

He smiled at me and kissed my forehead.

"She loves you so much, Annah..." he whispered into my forehead. ...you love blue roses...because maybe somewhere back into your mind, you can remember her great love for you"

Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang naramdaman ito.

Naramdaman ko nalang ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko at ang pagsakit ng lalamunan ko nang dahil sa pinipigil kong mga luha.

I don't know why.

But there is a warm feeling that suddenly touched my heart after hearing about my grandma. Hindi ko sya nakilala. Ni hindi ko nakita kung ano ba ang itsura nya but Lucian is right. Kaya paborito ko ang blue roses and it is because somewhere in my heart ay may nararamdaman akong saya kapag nakikita ko sila pero hindi ko lang alam kung ano ang dahilan.

But now I finally fully understood.

I can remember Lady Camellia's love for me sa tuwing nakikita ko ang mga blue roses.

Mukhang napansin naman ni Lucian ang pananahimik ko kaya hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako ng mabuti.

"Don't worry babe..." he whispered. "Makikita mo rin silang dalawa uli ni Master Demon. Maybe not now but I'm sure that day will come"

Hindi ko mapigilang mapangiti nang dahil sa sinabi nya.

Just the thought that I could get the chance to meet them again brought a happy feeling into my heart. Its just sad...na hindi na kami maku-kumpleto pa uli dahil wala na ang mga magulang ko. Pero ano kaya ang magiging reaksyon nilang dalawa sa oras na malaman nila that their beloved only son, Calixus was murdered by our own kind?

It will be hell. I think.

Naputol lang ang mga iniisip ko nang makarinig kami ng isa-isang katok sa pinto.

"Master Lucian" we heard that voice. "The Elders has requested for your presence at the meeting room"

Napalingon naman sa akin si Lucian at nabigla pa ako when he gently kissed my lips.

I was stunned.

Marahil siguro sa pakiramdam ko ay naninibago na ako sa mga halik na ibinibigay nya sa akin.

But he just smiled at me and gently whispered into my face.

"I will be right back" he said.

Saka sya humiwalay sa akin at tumayo.

Then he walked outside the room with one of his Knights.

Samantalang naiwan naman akong mag-isang nakaupo doon habang nakatingin lang sa nakabukas na pinto ng kwarto ko.

Tumayo nalang ako mula sa kama ko at maglalakad na sana paalis nang biglang may nahagilap ang mga mata ko mula sa hallway na kaharap ng kwarto ko.

Naninigas at dahan-dahan akong napalingon dito at agad na nanlaki ang mga mata ko sa sumunod kong nakita.

Long silky silver hair.

Red eyes.

And that beautiful face.

Tuluyan na akong nanigas nang makilala ko ang magandang babaing yun na mag-isang nakatayo sa harapan ng pinto ko.

She's still wearing that hooded brown cloak and white dress na katulad ng nakita kong suot nya noon.

Sya yung...

Sya yung babaing...

But before I could get the chance to react ay bigla nalang syang tumalikod at naglakad paalis.

Oo, sya yung babaing nakikita ko noon sa mundo ng mga tao at ang babaing tumulong din sa akin sa Sorrow.

Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto ko para masundan sya at pagdating ko sa hallway ay nakita kong lumiko sya sa isang daanan.

Mabilis ko naman syang hinabol pero pagdating ko sa dulo ng daanan na iyon ay nakita kong lumiko na naman sya sa isang daanan.

I don't know.

Pero pakiramdam ko ay gusto nyang sundan ko sya kaya heto ako at sumusunod naman sa kanya.

Hindi ko pa sya kilala.

Pero pakiramdam ko ay may gusto syang ipahiwatig sa akin.

I'm dying of curiousity of who really she is.

At bakit pakiramdam ko ay lagi nya akong sinusundan? Una ko syang nakita noon sa mundo ng mga tao at nakikita ko sya noon habang nasa paglalakbay ako. And now, ay nakita ko na naman sya sa loob ng Cytherea. But wait, paano sya nakapasok dito?

Cytherea has an alert and high secured surroundings right now lalo pa na't nalalapit na ang pag-atake ng mga Aarvaks. Kaya paano sya nakalusot sa mga Arcadian Knights na nagbabantay sa buong paligid?

Sino ba talaga sya?

I'm so desperate right now to know her whereabouts kaya heto ako at natagpuan ko ang sarili kong sinusundan sya.

Nakita kong bumaba sya sa isang madilim na hagdan na paibaba sa isang sulok.

Ilang taon na akong nakatira sa Cytherea but this is the first time na nakita ko ang madilim na daanan na ito pati narin ang hagdan na ito.

I can feel the nervous feeling that's building up inside my chest.

But I'm desperate.

Kailangan ko na talaga syang makilala.

So I inhaled deep bago ko sya sinundan paibaba sa madilim na hagdan na iyon.

Madilim ang hagdan pero may naaaninag akong mga ilaw ng apoy sa ibaba for me to still see her walking down the stairs.

Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na nakapunta ako sa parte na ito ng Cytherea.

It looks like a secret underground place dahil walang nagbabantay na Arcadian Knights sa paligid.

Hanggang sa nakarating ako sa dulo ng hagdan na iyon at isang madilim na daanan naman ang sumalubong sa akin. Ang tanging nagbibigay lang ng ilaw sa paligid ay ang mga ilaw na nanggagaling sa mga torches sa bawat pasilyo.

Napatingin nalang ako uli sa magandang babaing yun na patuloy na naglalakad.

And I tried to keep my pace pero hindi ko alam kung bakit hindi ko sya maabutan.

Nayakap ko nalang ang sarili ko at napatingin uli sa paligid.

What is this place?

At bakit hindi ko alam na nag-i-exist ang lugar na ito?

Napatingin nalang ako uli sa harapan para tignan uli ang magandang babaing yun but into my shock, ay bigla nalang syang nawala.

Mabilis akong nagpalinga-linga sa paligid hoping to see any sign of her.

Pero pakiramdam ko ay tuluyan na syang nakaalis.

Okay, what was that?

Am I imagining things?

Pero hindi.

Totoong nakita ko sya na bumaba sa lugar na ito but she just suddenly disappeared.

"H-hello?" I called out. Hoping na sumagot sya kung nandito pa nga sya.

But I got no response.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad sa dulo ng madilim na daanan na iyon dahil baka nauna na syang nakarating sa dulo.

Mabilis ang bawat hakbang na ginawa ko hoping na maabutan ko pa sya kung sakali ngang nauna na sya.

Pero bigla akong natigil sa paglalakad nang makarating na ako sa dulo ng madilim na daanan na iyon.

And what I saw next froze into my feet and totally stunned me.

Nanlalamig akong dahan-dahan na nagtaas ng mukha at naramdaman ko nalang ang unti-unting panlalaki ng mga mata ko nang makita na nang tuluyan ang bagay na nasa harapan ko.

It's a wall.

It's a wall made of ice.

But what shocked me the most ay nang makita ko ang dalawang pamilyar na bampirang iyon na nasa loob ng ice na iyon.

Naramdaman ko nalang na unti-unti akong napaluhod mula sa kinatatayuan ko nang dahil sa hindi ko matanggap kung ano ang nakikita ko ngayon.

Yes.

I know those two vampires.

I know them because I can always see them into my dreams.

They are my parents.

to be continued...