webnovel

Danger

It is a bright Thursday morning. At dahil sa umulan na naman kaninang madaling araw ay hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang lamig ng paligid.

Ngayong umaga ang napag-usapan namin ni Professor Santiago na pagpunta ko sa bahay nila para mapag-usapan ang tungkol sa mga bampira. Urrgghh...kailangan ko na talagang matapos ang article na 'to kundi yari ako kay Professor Mendoza.

Nasa daanan na ako ngayon naglalakad habang nakasuot ako ng makapal na jacket.

Hay grabe, kahit na makapal na ang jacket ko ay nanginginig parin ako sa lamig. Ba't ba sobrang lamig ng panahon ngayon ha?

And then my cellphone rang. Kinuha ko naman yun mula sa loob ng jacket ko at sinagot yun.

"Hello?" ang sagot ko.

"Babe? Where are you?"

Si Dylan.

"Ah...pupunta ako ngayon sa bahay nina Professor Santiago" ang sagot ko naman.

"Why?"

At sa tono palang ng boses nya ay halatang nakakunot na ang noo nya.

"Para sa article ko babe" ang sabi ko pa habang nanginginig parin ako sa lamig. "Tutulungan nya ako sa article ko"

There was a long silence kaya nagtaka ako.

"Babe? Nandyan ka pa?"

"Uh...nothing" ang sambit nya. "Wear your jacket, alright? Sobrang lamig ngayon. Just call me if you need something"

Napangiti naman ako.

"Okay, I love you" ang sabi ko.

"As I love you" ang sagot naman nya at alam kong sa tono palang nya ay alam kong nakangiti rin sya ngayon.

"O sige na, ibababa ko na" ang nakangiting sagot ko.

"Wait" ang pahabol nya.

"Eh?"

"Please be safe" yun ang huling sinabi nya saka nya ibinaba ang phone.

At hindi ko alam kung bakit natigilan na naman ako sa sinabi nyang iyon.

Please be safe.

Bakit ilang ulit ko na atang naririnig ang bagay na yun ha? Wow...nakaka-touch naman. Ang daming nagwo-worry sa akin. Ahehehe.

Ipinasok ko nalang ang phone ko sa loob ng jacket ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pero natigil ako sa paglalakad nang madaanan ko ang kainan na yun na may TV. At ang naka-caught ng atensyon ko ay ang shocking news na ibinibalita ngayon doon.

"For the first time in history, PAGASA reported a temperature of negative 2 degrees celcius this morning in different localities..."

Negative...2?

Ganun kalamig ang temperature kaninang umaga?

Hay grabe. Iba na talaga ang nagagawa ng climate change.

Napahinga nalang ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglalakad.

********************************

*ding-dong!*

Yun ang pindot ko sa doorbell ng bahay nila.

At napakurap pa ako nang mabilis na bumukas ang pinto at bahagyang sumungaw lang doon ang mabalbas na mukha ni Professor Santiago. Saka sya tumingin sa akin suspiciously.

"Sino ka?" ang tanong nya sa akin sa ilalim ng bilog na eyeglasses nya.

I blink.

"Ah eh...a-ako po yung...e-estudyanteng---"

"I know" ang sabi naman nya saka ngumiti. "I was only joking. Ahehehe"

Napakurap ako uli. So joke yun sa kanya? Ang corny ha. Hanggang saan ba aabot ang pagka-weirdo nya?

Pero sumiryoso uli ang mukha nya saka tumingin-tingin sa paligid na nasa likuran ko.

"Sigurado ka bang walang nakasunod sayo?" ang mahinang bulong nya habang nakaawang parin ang mukha nya sa pinto.

Eh?

Bakit nya itinatanong kung may nakasunod ba sa akin?

Pero lumingon nalang ako sa likuran ko at ang tanging nakikita ko lang naman doon ay ang malawak na lote na yun. Malaki kasi ang bahay ni Professor Santiago at malawak din ang bakuran nya na ang tanging laman lang ay ang lumang fountain na yun na tinutubuan na ng mga damo.

Saka ako lumingon uli sa kanya.

"Ah wala naman po" ang sagot ko lang.

"Good" ang sagot naman nya saka nya tuluyang binuksan ang pinto nya. "Come inside. Marami akong iku-kwento sayo"

Tahimik naman akong pumasok samantalang nauna na syang pumasok sa loob.

Saka ko napalibot ang paningin ko at ang buong malaking bahay nya na yun ay napuno lang naman ng mga nagkalat na mga lumang aklat, artifacts,at kung anu-anong mukhang lumang bagay. Nakikita ko din ang mga cobwebs na nasa paligid.

At kung titignan mo ang kabuuan ng loob ng bahay nya ay para kang nasa isang luma at magulong library lang.

"Lock the door" ang sabi nya habang mukhang may hinahanap sya.

"Eh?"

"Lock the door dahil hindi mo alam kung sino ang makakarinig sa atin" ang hindi parin nya lumilingong sabi sa akin.

Kahit na nagtataka ako ay bumalik nalang ako sa pintuan at ini-lock yun saka ako lumingon uli sa kanya.

"Gusto mo ng tea? Coffee?" ang alok nya sa akin habang hawak nya ang may cobweb pa na mug na yun at isang maalikabok na Coffee broiler.

Napangiti nalang ako ng alanganin.

"Ah hindi na po" ang sabi ko. "Tapos na po akong magkape sa boarding house"

Pero ang totoo nyan ay nandidiri ako. Ikaw ba naman ang alukin ng inaalikabok ng kape na yun at mug na may cobwebs pa?

"Cake?" ang alok naman nya sa cake na yun na...uh...may molds na.

Napangiti nalang ako uli ng alanganin.

"Ah hindi na po" ang nakangiti kong sagot. "Atsaka ang isa pa po ay yung tungkol lang po talaga sa mga bampira ang ipinunta ko dito"

Naibaba naman nya ang mga hawak nya at parang natauhang nagsalita.

"Oh. Then sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong malaman tungkol sa kanila" ang parang nai-excite narin nyang sabi.

Napakurap naman ako.

Tama. Ano ba ang gusto kong malaman tungkol sa kanila?

"Ah...eh...ah...ano..." ang sabi ko pa habang nag-iisip ng itatanong ko. "Ah! Totoo po bang natutulog sila sa coffin?"

Okay. Alam kong ang lame ng tanong ko na yun pero yun lang talaga ang naisip kong itanong.

Hindi naman ako ganun ka-interesado sa kanila dahil hindi naman ako naniniwala na totoo nga sila.

I'am only doing this for the sake of my article.

Tinignan naman ako ni Professor Santiago sa ilalim ng makapal na eyeglasses nya.

"No" ang sabi nya. "But...natutulog din sila. And sometimes...umaabot ang pagtulog nila ng ilang daang taon"

"Ah..." ang nasabi ko lang saka napakamot sa ulo ko.

Ano pa ba ang itatanong ko ha na pwede kong ilagay sa article ko?

"Gusto mo bang malaman ang history nila?" ang tanong nya.

Nagtaas naman ako ng mukha at nakita kong nanlalaki ang mga mata nya sa sobrang excitement.

"Ah eh---"

Pero bago pa man ako makasagot ay nagsalita na sya kaagad.

"Nagsimula ang lahat ng ipinanganak ang pinaka-unang bampira sa mundong ito..." ang simula nya saka sya biglang tumalikod sa akin at nangalkal sa pinagpatong-patong na mga aklat nya habang nagsasalita. "At pinangalanan syang Darius Edmond Montez..."

Napakurap ako.

"Huh? Ipinanganak?" ang takang tanong ko. "So...bampira din po ba ang parents nya?"

Alam kong nagiging weird narin ang tanong ko pero para masakyan nalang ang ka-weirduhan nya ay kailangan kong gawin to. Afterall, this is all just for my article.

"No!" ang sigaw nya.

At napalundag pa ako nang bigla syang lumingon at nanlalaki pa ang mga matang nagsalita.

"His parents are both human" ang sabi nya habang nanlalaki pa ang mga mata nya. "But he was injected by a vampire's venom that's why he became the very first vampire that existed in this world...and after him..."

Napaatras pa ako nang maglakad sya papunta sa akin habang nagsasalita parin.

"...after him came the four new generation of vampires that was created even more powerful by their power of the wind, earth, fire, and water..."

This time ay mas lalo na akong naloloka sa mga naririnig ko sa kanya.

Ah...ano 'to? Anime?

"And Darius Edmond Montez...their original ancestor created a new world..."

My brows met.

"New world?" ang takang tanong ko.

Hmm...parang nagiging interesting na sya ah. Ang kailangan ko nalang gawin ay ang pagmukhain syang kapani-paniwal sa article ko kapag naipasa ko na sya kay Professor Mendoza.

"Yes..." ang nanlalaki pa ang mga mata nyang sabi saka nya inilapit ang mukha nya sa tenga ko. "Darius, their original ancestor and the ruler of all the vampires made a new world that only vampires could exist..."

Saka nya inilayo ang mukha nya at humagikhik.

Samantalang napatitig naman ako sa kanya at sa totoo lang...parang unti-unti ko ng pinagsisisihan na pumunta pa ako dito para lang makinig sa napaka-absurd na kwento na 'to.

"Yes. They existed in this world a long time ago. But because of the unending conflicts between the human and the vampires, he made a barrier that separates the human world and the vampire's world...so no more human could be slaughtered by his kind anymore..." ang dugtong nya pa.

"Ah...so...dati po...ay nag-i-exist sila dito?" ang hindi ko parin makapaniwalang tanong.

"Yes my dear student, they existed. But now..." ang sabi nya saka nya inilapit uli ang mukha nya sa tenga ko. "That barrier that separates us from those blood drinking vampires...is slowly dissapearing..."

Saka sya lumayo uli sa akin.

Napakurap ako.

Barrier?

Yung barrier na ginawa ni Darius between the human world and the vampire's world ay nagdi-dissapear?

Nagtataka akong napatingin sa kanya.

At this time ay talagang nagiging interesado na ako.

"Bakit naman po nangyayari yun?" ang takang tanong ko.

"Oh! Good question!" ang excited nyang sabi saka sya mabilis na tumalikod at nanghalungkat sa mga nagkalat na mga aklat nya.

Samantalang naiwan naman akong nakatayo lang at nakatingin sa kanya.

And then, bigla syang humarap at mabilis syang lumapit sa akin at ipinakita ang malaki at makapal na notebook nya na yun.

"Look at this" ang sabi nya saka nya ipinakita sa akin yun. "For the past years ay binabantayan ko lang ang mga nangyayari sa paligid natin na pwedeng maging sign ng unti-unting pagbukas ng barrier na yun. Unti-unting bumababa ang temperature ng nasa paligid natin. At! At laging umuulan na may kasamang kulog at kidlat kahit na tirik ang araw. Naisulat ko rin ang iba't-ibang phenomenon na katulad ng biglang paglindol even though walang activity na nangyayari sa ilalim ng lupa. And this morning, naging negative 2 degrees celcius ang temperature even though we're not experiencing winter na katulad ng sa ibang bansa. And my assumptions are right..."

Saka sya nagtaas ng mukha at nanlalaki uli ang mga mata nyang nagsalita.

"...nagiging malamig ang paligid natin dahil nalilipat na sa atin ang temperature ng mundo nila dahil sa unti-unting pagkakabukas ng barrier na yun. Lumilindol kahit na walang activity sa ilalim ng lupa ng dahil sa mga Earth Argons na pilit na binubuksan ang barrier na yun. Umuulan at humahangin din ng malakas even though mainit ang sikat ng araw at yun ay dahil sa mga Water and Wind Argons na tumutulong ding buksan ang barrier na yun..."

My brows met.

"Argons?" ang takang tanong ko. "Sino po sila?"

Nanlalaki uli ang mga mata nyang nagsalita at bumulong uli sa akin.

"They are the vampires that was born from the four new generation of vampires. And just like the four original new generation, they inherited powers like earth, wind, fire, and water...they are the strongest type of vampires"

"Type?" ang takang tanong ko. "Ibig sabihin po...may iba't-ibang klase ng bampira?"

Lumingon naman sya sa akin at nagsalita.

"Yes, there are four types of vampires and they are Argons, Aletheans, Corrigans, and the type of the vampire who ruled that new world are called Titanians..."

Napakurap ako.

This is not making sense at all. Ang lahat ng narinig ko ay mukhang hindi kapani-paniwala. Pero nang marinig ko ang explanation nya sa mga nangyayari ngayon sa paligid ay parang unti-unti akong napapaniwala sa mga pinagsasabi nya.

"Pero bakit po gustong buksan ng mga Argons ang barrier?" ang takang tanong ko pa.

Oo. Kung totoo man ang lahat ng ito ay bakit gustong buksan ng Argons ang barrier?

Bumulong sya uli at this time as mas mahina na.

"Because they wanted to dominate the human world..."he said. "They know...that once the barrier has been opened, humanity don't stand a single chance against them..."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlamig sa mga narinig ko.

Gustong buksan...ng mga Argons...I mean, ng mga vampires na may kakaibang powers ang barrier at i-dominate ang mundo? I don't have any idea kung gaano sila kalalakas. Pero alam kong sa paraan palang ng pag-iiba nila ng klima sa human world ay isang sign na kung gaano sila kalalakas. At ang sabi pa ni Professor ay sila ang pinakamalakas na type ng mga bampira.

Mas lalo akong naguluhan.

"Pero teka, teka lang po" ang sabi ko. "Eh diba si Darius ang nagru-rule sa kanila?"

Tumalikod naman sya sa akin at inilagay ang dalawang kamay nya sa likuran nya at nagsalita.

"After Darius created the barrier between the human world and the vampire's world, he disappeared without a trace with his mate" ang sinabi nya na tuluyang nagpatigil sa akin. "And so his rulings was passed on through his only son and direct descendant, Calixus and to his only family...and his family are called Titanians...or the type of vampires that became the rulers of this new world."

"So bakit hindi po nila pinipigilan ang pag-open ng barrier? Kung si Calixus ang only son ni Darius eh diba dapat sya ang pomrotekta sa barrier na yun?"

"It is because---"

Pero naputol ang sasabihin nya nang bigla nalang may nagliwanag sa tabi naming dalawa.

Sabay pa kaming napalingon sa pinagmumulan ng liwanag at nakita naming galing yun sa isang maliit na box na gawa sa kahoy na nakalagay sa bookshelf na nanduon.

Huh?

Ano yung nagliliwanag?

Naglakad naman sya papunta sa bookshelf na nanduon at pinulot ang maliit na box na yun.

At nakita ko kung paano unti-unting nanlaki ang mga mata nya habang nakatingin parin sa maliit na box.

"T-this can't be..." ang parang nanghihintatakutang sambit nya.

Saka nya mabilis na binuksan ang maliit na box na yun at nanlaki pa ang mga mata ko nang biglang lumutang mula sa loob ang nagliliwanag na maliit na bolang krystal na yun.

Anong...

A-anong nangyayari?

Totoo ba 'tong nakikita ko?

Lumulutang yung maliit na krystal na yun sa hangin?

Pero ang mas lalong nagpabigla sa akin ay nang biglang lumutang yun papalapit sa akin.

Napaatras pa ako ng dahil sa pinaghalong takot at kaba.

Patuloy parin itong lumalapit sa akin hanggang sa mapasandig na ako sa naruong bookshelf. At dahil wala na akong maatrasan ay napatitig lang ako sa liwanag nito habang nakatapat ito sa mukha ko at para bang nagsasabing hawakan ko ito.

Pero dahil narin sa pinaghalong takot at pagkabigla ay hindi ako makagalaw mula sa kinasasandigan ko.

Nabigla pa ako nang biglang hablutin ito ni Professor Santiago at mabilis na ipinasok pabalik sa maliit na kahon na yun.

At nabigla pa ako nang bigla syang lumingon sa akin saka nya marahas na hinawakan ang magkabilang braso ko at sa nanlalaking mga mata ay nagsalita sya.

"You are not safe here!" ang sigaw nya. "LEAVE!!!"

Natigilan ako.

Ano bang...pinagsasabi nya?

Pero mabilis na nya akong hinawakan sa braso at marahas na hinatak paalis.

"Professor! Ano pong nangyayari?!" ang tanong ko habang hinihila parin nya ako. "Atsaka ano po ang nagliliwanag na bolang krystal na yun?"

Natatakot narin ako dahil sa mga nakita ko at sa paraan ng pagtrato nya sa akin ngayon. At sa nakikita ko sa mukha nya ay halatang takot na takot sya at pinagpapawisan sya ng malamig.

Hanggang sa nahila na nya ako sa labas ng bahay nya pero mabilis ko parin syang hinarap kaya ngayon ay magkaharap kami sa bungad ng bahay nya.

"Umuwi ka na, magtago ka, makisalamuha ka sa mga tao para hindi ka nila mahanap, at wag mo ng uungkatin ang tungkol sa mga bampira" ang nagmamadali at takot na takot parin nyang sabi.

"Professor---"

"Hija..." ang sabi nya sa takot na takot na boses na yun.

But what he said next made me tremble and froze me from where I stood.

"...nasa panganib ang buhay mo"

And then he shut the door at my face.

To be continued...