webnovel

Ang Prinsesa at ang Basurero (COMPLETED)

TaongSorbetes · ファンタジー
レビュー数が足りません
24 Chs

Chapter 19

Chapter 19: Ang Pagdating sa Florania

NATIGILAN si Richard nang isang pamilyar na babaeng nakasuot ng magarang kasuotan ang biglang lumitaw sa hardin kung nasaan siya. Mas bumilis ang kabog sa kanyang dibdib. Awtomatikong napangiti ang kanyang mga labi.

"R-ru...by..."

Mabilis siyang pumitas ng isang rosas na dilaw ang talulot. Matagal na panahon niya itong hinintay. Ngayon nga'y nasa kanyang harapan na ang dalaga. Nakatalikod si Ruby kaya 'di siya nito nakikita.

Tinawag niya ang dalaga.

Kasunod niyon ay bigla na lang nagdilim ang paningin ni Richard. Nang maimulat niya ang kanyang mga mata ay nasa loob nang muli siya ng karwahe.

Narinig niya kaagad ang mahinang pagtawa ni Rina. Sinadya iyon ng dalaga upang makabawi sa kaibigan. Natahimik na lang si Richard. Napatingin siya sa labas. Nararamdaman niya na naroon na siya, ngunit walang naganap. Gusto niyang yakapin si Ruby. Yakapin nang mahigpit. Halikan sa noo. At sabihing kung gaano niya ito kamahal. Ngunit hindi niya iyon nagawa.

Nakaramdam siya ng lungkot. Pero wala na rin naman siyang magagawa. Hindi pa iyon ang tamang oras. Pupunta siya sa Florania kaya magkikita't magkikita sila ng prinsesa.

"Friend? Sorry, nalungkot ka yata sa ginawa ko." Tinapik ni Rina ang kaibigan.

"Gusto mo bang gamitin ko ang powers ko para makarating na tayo sa Florania?" Dagdag pa nito.

Napangiti bigla si Richard at pinitik ang ilong ng kaibigan.

"Aray!" Inis na sabi ng dalaga.

"Huwag na. Mas maganda kung maglalakbay tayo," sabi ni Richard. Mas gusto ng binata na huwag umasa sa kapangyarihan.

MARAMING mga araw ang lumipas. Palapit na sila nang palapit sa Florania. Muli nang makikita ni Richard si Ruby.

"Malapit na tayo, Friend," wika ni Rina habang nakangiti sa binata.

"Magkikita na kayo!"

"Oo nga," munting tugon ni Richard. Akala niya ay hindi na darating ang araw na ito, ngunit heto na siya, ilamg kilometro na lang ang layo mula sa prinsesa na kanyang iniibig.

Muling dumungaw sa bintana ng karwahe si Rchard pinagmamasdan ang dinaraanan nila. Ibang-iba sa Maynila. Puro kagubatan. Bigla niyang naalala ang buhay sa mundo ng mga tao. Wala nang social media. Walang internet. Walang online games. Walang DOTA. Hindi na rin siya updated sa One Piece. Ngunit ayos na rin iyon para sa kanya. Ano ba naman daw ang mga iyon, kumpara sa babaeng nagbigay sigla sa tahimik niyang buhay noon? Hindi matutumbasan ng mga iyon ang pagkasabik niyang makita si Ruby.

"Malapit na kami sa Florania." Tanaw na nila ang mataas na palasyo ng kaharian.

Akala ni Richard ay katapusan na ng kwento nila ni Ruby. Na sa fairytale lamang may happy ending. Imposible, pero heto't nangyari na! Sa dinamirami ng kanyang pinagdaanan. Naging magbabasura siya. Naranasan ang hirap ng buhay kapag walang pera. Hanggang sa dumating nga sa buhay niya ang isang prinsesa. Isang prinsesa na may masamang ugali. Nag-umpisa sila sa magulong pagsisimula na nauwi sa hindi maipaliwanag na pag-iibigan. Sinubok sila ng pagkakataon. Pinaglayo. Ngunit heto na sila, muli na ngang magkikita. Madurugtungan na ang naputol nilang kwento. Magkikita na silang muli at wala nang makakahadlang pa.

Ilang oras pa ang nagdaan hanggang sa marating nila ang isang napakataas na pader. May ilang kilometro ang haba nito at may mga kawal sa itaas nito.

"Mahal na Hari! Nandito na po tayo sa Florania," wika ng isa sa aking mga kawal pagkatapos nitong kumatok sa bintana ng karwaheng sinasakyan ng hari. Sa pagkakataong iyon ay mukhang kailangan nang bumaba ni Richard para pagbuksan at padaanin sila ng mga kawal ng Florania. Kailangan na naman niyang maging kagalang-galang sa mata ng mga ito.

Taas-noo niyang pinagmasdan ang mga naka-metal armour na mga kawal-Florania at dahan-dahan niyang nilapitan ang grupo ng kawal na nasa harapan ng malaking pintuan na kahoy.

Nag-alis muna siya ng bara sa lalamunan sa pamamagitan ng pagtikhim.

"Ako si Haring William! Ang Hari ng Armenia."

Pakiramdam ni Richard ay napakamakapangyarihan ng kanyang sinabi. Gamit ang pinalagom niyang boses ay sabay-sabay na yumuko ang mga kawal at sa kumpas ng kamay ng tumatayo nilang pinuno ay unti-unting nakalag ang kadenang nakalagay sa malaking pinto at dahan-dahan itong lumapag sa lupa na mistulang daan. Nalanghap kaagad ni Richard ang simoy ng napakasariwang hangin. Mabilis na napagaan nito ang pakiramdam niya. Talagang tama nga sila, ang Florania ang pinakamagandang kaharian.

"Maaari na po kayong tumuloy sa loob," magalang na wika ng pinunong kawal. Isang masiglang ngiti naman ang ipinakita ni Richard.

"Maraming salamat," tugon pa nito.

Muli siyang sumakay sa karwahe at isa-isa na nilang pinasok ang Florania.

"Astig ka, Friend! Haring-hari ka kanina," bungad agad ni Rina.

"Cool!"

Napangiti si Richard at tumingin sa labas. Sa kapaligiran. Napakayabong ng mga puno at mismong mga damo ay sumasayaw at sumasabay sa ihip ng hangin. Bawat madaanan nila ay hindi nawawalan ng malinaw na batis. Ang mga hayop ay malayang nakakagala at hindi kagaya ng mga tigre't leon na mababangis sa Armenia... Dito sa Florania, sadyang nakakabilib dahil napaka-amo nila at tila sinasalubong sila. Ipinapakitang malugod silang pinaparaan ng mga ito.

Napakaganda rin ng mga ibon na nagliliparan sa langit. May nadaanan din silang malalawak na taniman ng palay at mais. Mayroon ding taniman ng mga ubas at iba't ibang uri ng gulay. Napakarami na agad ng kanilang mga nakita sa Florania, hindi pa man nila nararating ang palasyo ay busog na busog na agad ang mga mata nila sa ganda ng paligid.

Halos mabali na ang leeg ni Richard sa pagmamasid sa paligid.

"Uy!" Bigla na lang naramdaman ni Richard na may kumulbit sa balikat niya. Si Rina.

"Tama na 'yan. Malapit na tayo... Natatanaw ko na ang palasyo," wika pa ng dalaga habang nakatingin sa bintana sa harapan ng karwahe.

Masyadong natuwa si Richard sa paligid at hindi na niya napansin na malapit na pala sila. Doon ay napalunok ang binata ng laway. Kumabog ang dibdib niya. May nadaanan pa nga silang hardin. Nakilala agad niya ito. Doon siya napadpad nang gamitan siya ni Rina ng kapangyarihan. Tunay na ito! Magkikita na talaga sila ni Ruby.

Sa pagpasok nila sa kabisera ay hindi mawawala ang pagtataka ng mga mamamayan dito. Sino ba naman ang hindi magtataka? Ang daming mga karwahe ang dumaraan. Pinagtinginan nga sila ng mga mamayan.

Maya-maya pa'y tumigil na ang karwahe nilang sinasakyan. Nasa entrada na sila ng palasyo.

"Wow!" sabay nasabi ng magkaibigan nang sila'y bumaba mula sa karwahe.

Isang palasyong yari sa pinakamakikislap na bato ang tumambad sa kanila. Triple ang laki nito kumpara sa palasyo ng Armenia. May nasa sampung tore mayroon ang buong palasyo. At ang pinakamataas na tore sa gitna... ito ang pinakamakinang sa lahat. Parang may humihila kay Richard na pumunta do'n, sa pinakamataas na bintana ng tore.

"Friend, ready?" tanong ni Rina habang nakangisi sa kaibigan. Nakahilera na rin ang mga kawal ng Florania. Patunay iyon na magiliw silang tinatanggap sa palasyo.

"Kinakabahan ako Rina..." sambit ng binata na huminga muna nang malalim.

Sa paghakbang ng binata sa harap ng pinto ng palasyo ay sinalubong sila ng dalawang kawal.

"Tuloy po kayo, Haring William!" Sabay ng mga itong binuksan ang pinto. Pero sa pagpasok ni Richard ay isang liwanag ang sumilaw sa kanyang mga mata.

"A-ano 'to!" bulalas ng binata. Pamilyar sa kanya ang pangyayaring ito at mukhang alam na niya kung sino ang may gawa.

"R...rina?"

Ngunit huli na ang lahat. Nang imulat ni Richard ang kanyang mata, nasa ibang lugar na siya. Sa isang pamilyar na hardin. Hindi ito ang harding unang pinagdalhan ni Rina sa kanya.

Ito ang hardin kung saan una niyang nakilala ang prinsesa ng Florania na si Ruby.