webnovel

Ang mga tula

Nandito ako ngayon upang ibahagi sainyo ang aking buhay sa pamamagitan ng tula. Kung hindi niyo magugustuhan ang aking pagkakagawa ng tula ay itigil mo na ang pagbabasa. Binase ko ang iilang parte ng tula sa totoong buhay. Salamat.

LonelyMonster · 現実
レビュー数が足りません
20 Chs

Tagu-taguan

Tagutaguan maliwanag ang buwan

Ako'y nagtago sa kadiliman

Kung saan hindi mo ako matatagpuan

Napakatagal mo namang maghanap saakin , naligaw ka ba sa daan?

Akala ko'y hahanapin mo ako

Ako'y iniwan mo dito nagtatago

Nagaantay na mahanap at mabalikan mo

Ngunit ano ang nangyari sayo?

Wala na pala akong kalaro

Pinaglaruan mo lang ang puso ko.

Nandyan ka pala sa babae mo

Hindi mo man lang naalala na may nagaabang sa pagbalik mo.

Ikaw ang nagpasimuno ng laro

Bakit parang pinaasa mo ako dito

Na babalik ka sa piling ko

Kahit na nandiyan ka sa iba mo.

Kailan mo ba ako babalikan

kapag ang larong ito ay ating wawakasan?

Hindi ka pa ba saakin nakuntento?

kaya sa iba ka nakipaglaro?

Ayaw ko na sa larong ito

lagi akong natatalo

laging nasasaktan ang puso ko

ng dahil sayo.

HAPPY VALENTINE'S DAY BABY MONSTERRSSS! I'LL TRY TO UPDATE LATER KAPAG NASA BAHAY NA AKO.NASA SCHOOL AKO ATM SKLHAHAH.ENJOY READING!❤

LonelyMonstercreators' thoughts