webnovel

Ang mga tula

Nandito ako ngayon upang ibahagi sainyo ang aking buhay sa pamamagitan ng tula. Kung hindi niyo magugustuhan ang aking pagkakagawa ng tula ay itigil mo na ang pagbabasa. Binase ko ang iilang parte ng tula sa totoong buhay. Salamat.

LonelyMonster · 現実
レビュー数が足りません
20 Chs

Noong ako'y bumalik

Noong ako'y bumalik diyan

sa kadahilanang kailangang baguhin ang nakaraan.

Noong una ay hindi alam ang gagawin

sapagkat bago ito sa aking paningin.

Lahat ay nagtataka

bakit ko daw iyon ginagawa.

Bakit daw parang tila nagbago ang kanilang carmelita.

Hindi nila alam na ako si Carmela.

Ako'y nalilito

iisa lang ang nasa isip ko

ang mabago ang tadhana mo

upang makabalik na ako sa panahon ko.

Sa paglipas ng araw ay nahulog na ako sayo.

Bakit pakiramdam ko'y mali ito?

Mali ba ang magmahal ng totoo?

Mali ba ang maging madamot ako sayo sa mga tao?

Madami tayong mga ala-alang ibinuo

saksi ang mga bituin at buwan

sa mga pangakong sinabi mo

na kailan man ay hindi mo ako iiwan.

Ang dami nating masasayang ala-ala

na halos araw-araw nating ginawa.

Sa lagi nating tagpuan sa puno ng mangga

kahit saan basta't kasama kitang tumawa.

Panahon na para makaalis dito

natapos na ang misyon ko.

Masakit ito para sa puso ko

ngunit tandaan mong minahal kita sa panahon na iyan Juanito.

Suprise Updateee! Ang tula na ito ay para sa storyang ILYS1892 na isinulat ni Bb Mia.Salamat sa suporta baby monsters!

LonelyMonstercreators' thoughts