webnovel

Ang mga tula

Nandito ako ngayon upang ibahagi sainyo ang aking buhay sa pamamagitan ng tula. Kung hindi niyo magugustuhan ang aking pagkakagawa ng tula ay itigil mo na ang pagbabasa. Binase ko ang iilang parte ng tula sa totoong buhay. Salamat.

LonelyMonster · 現実
レビュー数が足りません
20 Chs

Ikaw ang aking idolo

Nandito ako sayo nakatingin

para bang nakakita ako ng bituin

Bituin na walang kapareha at mahirap hanapin.

Ngunit nandito ako ngayon sa malayo , kung saan ako sayo'y nakatingin.

Wala na akong gustong iba pa

maliban sa makita kang masaya.

Na kahit na mahirap ang iyong ginagawa

Ika'y nagtatiyaga para sa inyong tagasuporta.

Salamat sa pagpapalaganap ng kasiyahan

ng dahil dito'y nakaalis ako sa kalungkutan

Na akala ko'y habang buhay ko na mararamdaman.

Salamat dahil kahit na hindi mo kami kilala , sinabi mo'y hindi mo kami kakalimutan.

Alam kong darating ang panahon na

Hindi na kayo sasayaw at kakanta.

Dahil nandiyan na kayo sa kaniya kaniya niyong pamilya

Namumuhay ng masaya at payapa

HAPPY 1.1K READSS! THANK YOU SA SUPORTA BABY MONSTERSS! SORRY KUNG NGAYON KO LANG NAIPOST DAPAT KAHAPON PA KASO NAKATULOG AKO HAHAHA.Sorry kung may mga maling grammar and typos.Enjoy reading!❤

LonelyMonstercreators' thoughts