webnovel

Ang mga tula

Nandito ako ngayon upang ibahagi sainyo ang aking buhay sa pamamagitan ng tula. Kung hindi niyo magugustuhan ang aking pagkakagawa ng tula ay itigil mo na ang pagbabasa. Binase ko ang iilang parte ng tula sa totoong buhay. Salamat.

LonelyMonster · 現実
レビュー数が足りません
20 Chs

Hindi itinadhana

sa bawat patak ng ulan

mayroong kakaiba sa aking nararamdaman

tila ba'y ako'y nasasaktan

ano ba ang dahilan?

Mga ala-alang ako'y dinidisturbo

mga ala-alang nasa panaginip ko.

Mga pangyayaring di pamilyar saakin

kailan kaya nito ako papatulugin?

Tayo'y nagkakilala

para bang pamilyar itong nadarama.

Bakit parang nakilala na kita?

nagkita na ba tayo dati sinta?

Ako'y nalilito sayo

ano ba ang mga pinaparamdam mo

dito sa puso ko.

Lagi nalang bumibilis kapag ikaw ay nakikita ko.

Ang storya nating dalawa

tayo'y muling nagkita

tayo rin ba'y itatadhana?

para sa isa't isa.

Mga ala-alang naka buntot saakin

ito'y hindi nawawala saaking paningin.

Ano ba ang koneksyon nito sa kasulukuyan?

Tila ba'y hindi ako nito tinatantanan.

Sa bawat pagpikit ng aking mata

Bakit parang ikaw pa din ang aking nakikita?

Kahit na anong limot ang gawin

hindi ko pa ring maiwasan na ikaw ay aking isispin.

Simbahan na ating sinilungan

noong gabi'y umuulan.

May matandang ale na dumaan

at sinabing dapat itigil na natin itong kahibangan.

Itigil raw itong kahibangan

dahil mauulit nanaman ang nakaraan.

Ating nakaraan na puro kadamutan.

Kaya pati ang mahal natin sa buhay ay nadamay sa ating pagiibigan.

Ngayo'y may kasagutan na sa aking mga alala.

Siguro mga'y tama sila ,

itigil na natin itong dalawa.

Ayoko na ulit silang masaktan pa.

Masakit para saakin

na ikaw ay aking limutin.

Iba't ibang panahon

ngunit iisa lang ang pagkatao.

Sa paulit ulit na panahon

Sa iba't ibang taon.

Tayo'y nagkikita

ngunit hindi naman itinadhana.

GOOD EVENINGGG BABY MONSTERSS!!SUPRISE UPDATEE ULITT.Ang tula na iyo ay para sa storya ni Bb. Mia na OALS , maari niyo itong mabasa sa wattpad.Karamihan sa mga linya dito sa tula ay parang hint sa story kaya basahin niyo naa thank you and have a great day

LonelyMonstercreators' thoughts