webnovel

Ang mga tula

Nandito ako ngayon upang ibahagi sainyo ang aking buhay sa pamamagitan ng tula. Kung hindi niyo magugustuhan ang aking pagkakagawa ng tula ay itigil mo na ang pagbabasa. Binase ko ang iilang parte ng tula sa totoong buhay. Salamat.

LonelyMonster · 現実
レビュー数が足りません
20 Chs

“Ginhawa sa bisig ni ina”

Sa bisig ni Ina asahan mong ikaw ay ligtas.

Hindi niya hahayaang sa piling niya'y ika'y mapipigtas.

Sa kahit anumang tahakin na landas.

Hinding hindi ka iiwan ni Ina sa anumang wakas.

Sa bisig ng mapagmahal na ilaw ng tahanan.

Puso'y lubos na makararamdam ng kaginhawaan.

Bisig ni Ina na laging mauuwian,

sa kahit anuman mangyari siya ay ating munting ilaw at tahanan.

Sa panahong makulimlim ang ating kalangitan.

Darating ang ngiti ni Ina na kasing silaw ng araw.

Ngiting nagpapahiwatig na hindi niya tayo iiwanan.

Kahit na siya man ay papanaw, hinding hindi mawawala ang dala niyang araw.

Sinisigurado ko Ina na sa pagdating ng araw.

Iyong napakatamis na ngiti ang aking matatanaw.

Habang hawak ko ang matagal ko ng gustong ibigay sayo.

Ang bunga ng mga sakripisyo't paghihirap na naranasan mo.

Sorry simula nung magka covid 19 naging busy ako sa bahay kaya hindi ako makapag update but I'm telling you baby monsters na marami naman akong nagawang tula nitong nakaraang buwan kaya ashan niyo ang mga updates ko.

Late na yung bati ko pero HAPPPY 12k reads sa book na ito kahit maraming errors! ROAD TO 13k na kaya sobrang thankful ako sa mga nagbabasa.

MAHAL KO KAYONG LAHAT!

LonelyMonstercreators' thoughts