webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · ファンタジー
レビュー数が足りません
169 Chs

Chapter 63

"Primal Golden Ape Destructive Jump!"

Isang malakas na pwersa ang biglang yumanig sa lugar ng White Crow Clan ng biglang tumalon ng mataas ang dambuhalang Primal Golden Ape at malakas na bumagsak sa Battle Formation ng isang daang Human Demon. Tumalsik ang ilan sa mga ito dahil sa lahat ng impact na dulot na atake ng Primal Golden Ape. Ang iba'y direktang nahagip ng dambuhalang halimaw  na ito at ang iba'y nadaplisan lamang dulot ng impact. Sumatotal, nagkaroon ang mga ito ng ibayong pinsala na siyang ikinangising muli ni Starum. Oras na para siya naman ang gumanti.

Mahigpit na hinawakan ng dalawang kamay ni Starum ang kaniyang mahabang katana at mabilisang isinagawa ang kaniyang skill na kanina niya pa sana ginawa ngunit palagi siyang nauudlot.

"Tikman niyo ang aking pambihirang atake!" malakas na sigaw ni Starum.

"Katana Skill: Holy Light Strikes!"

Biglang nagliwanag ang kulay pilak na Katana at mayroong namuong kakaibang puting enerhiya sa buong sandata partikular na rito ang talim ng katana. Sa iba'y mapapansin na mapayapa ang enerhiyang namumuo pero para sa mga lahing Human Demon na mayroong attribute ng kadiliman ay kalaban nila ang mga attribute ng liwanag na siyang mortal na kahinaan ng kadiliman o kasamaan.

Napakabilis ng pangyayaring ito sapagkat bigla na lamang gumuhit ang napakalaking puting liwanag sa hangin at mabilis na bumulusok papunta sa direksyon ng isang daang Human Demon na ang iba'y nasa Battle Formation pero ang iba'y nakahandusay pa rin ngunit dahil sa mapamuksang atakeng ito ay mayroon ng pinal na kinalabasan ito.

Mabilis na nasunog ang pisikal na katawan ng isang daang Human Demon at naging kulay itim na abo na lamang ito. Dahil sa presisyon at tamang pagkontrol sa napakadelikadong sitwasyong ito ay nabaliktad ang nasabing labanan. Ang mga hybrid na nanonood ay pawang makikita sa kanilang mukha ang saya ngunit ng maalala nilang pumunta ang misteryosong nilalang na nakasuot ng itim na balabal na nagngangalang Starum na layuning wakasan ang buhay ng masasama ay nakaramdam sila ng ibayong takot. Paano nalang kung magbago ang isip nito at patayin silang lahat edi mas nakakatakot iyon ngunit kung mamamatay man sila edi manuod na lamang sila ng umaatikabong laban bago sila bawian ng buhay nang sa gayon hindi naman maging kalunos-lunos at walang kwenta ang naging sanhi ng kanilang kamatayan. Napatawa na lamang ang karamihan sa kanilang naiisip.

Sa kabilang banda ay nagngingitngit sa galit si Commander Ros dahil masyado siyang naging kompiyansa sa kaniyang sarili dulot nang napakarami nilang bilang kumpara sa isang misteryosong nilalang na nagngangalang Starum isama pa ang dambuhalang halimaw na iyon. Akala noya ay nasa kaniya na ang huming halakhak ngunit bigla na lamang umepal ang dambuhalang halimaw. Sa tingin niya ay nasa Martial Emepror lamang ito ngunit maraming Martial Emperor sa isang daan niyang alagad pero wala silang binatbat sa halimaw na ito. Kung gayon ay isa lamang ang ibig sabihin nito, malakas at makapangyarihan ang Martial Beasts na ito na kulay ginto ang kulay ngunit alam niyang nagmula ito sa lahi ng mga gorilya o ng mga unggoy. Napangisi na lamang siya nang makaisip siya ng magandang bagay lalo na patungkol sa kakaibang dambuhalang Martial Beast na nakikita niya.

"Paano kung daanin na lamang natin ito sa usapan. Aalis ka ng mapayapa rito at ibigay mo sakin ang Mount mo na Martial Beast!" nakangising sambit ni Commander Ros habang makikita sa mata nito ang ganid na mapasakamay nito ang dambuhalang Primal Golden Ape.

Nang marinig naman ng mga Hybrid Race ng White Crow Clan ito ay halos magulantang sila at hindi makapaniwala sa sinabi ng nagngangalang Commander Ros.

"Ang kapal ng pagmumukha niya, hindi niya ba alam na ubos na ang tau-tauhan niya. Nagawa niya pang magbitiw ng mga salitang puro kakapalan!" sambit ng isang ginang na may katabaan habang hindi mapigilang manggalaiti sa kakapalan ng mukha ni Commander Ros.

"Kapal lang ba o mas magandang sabihin na kawalanghiyaan. Hindi alam kong saan niya nakuha ang lakas ng loob niyang makipagnegosasyon kay Ginoong Starum!" sambit ng isang lalaking medyo may kapayataan.

"Ang sabihin mo, gusto niyang mapasakamay ang mount nito na isang malakas na Martial Beasts. Kung ako siguro ang magkaroon ng ganyang klaseng mount ay hindi ko ibibigay iyan!" matapang na sbit ng isang maskuladong lalaki na paniguradong isa ito sundalo.

"Oo nga, bibihira ka lang makahanap ng ganito kalaki at kalakas na halimaw na pwedeng i-mount. Kung sasakay ang Commander Ros diyan ay siguradong dodoble ang kahambugan nito at ang kasamaan nito. Kapag nangyari iyon ay siguradong lahat tayo ay madadamay at papaslangin nito." nahintatakutang sambit ng medyo may edad na lalaking white crow.

Nang marinig naman ito ni Commander Ros ay tiningnan niya ang kinaroroonan ng mga White Crow Clansmen lalo pa't mistulang nakatumpok ang mga ito sa isang tabi. Pinukulan niya ang mga ito ng kaniyang masasamang mga tingin dahil hindi niya nagustuhan ang narinig niya. Kung wala lamang ang misteryosong nilalang na si Starum ay kanina niya pa pinaslang ang mga miyembro ng White Crow Clan dahil naiinis na siya sa mga ito. Pero alam niyang maya-maya lamang ay matuturuan niya rin ng leksyon ang nagsalita laban sa kaniya. Lintik lang ang waalng ganti para sa kaniya.

Ngunit naagaw ang atensiyon niya sa kaniyang harapan ng biglang himalakhak ng malakas si Starum.

"Hahahahaha... Ang isang arogante ngunit ignoranteng nilalang na katulad mo ay inuutusan akong isuko ang aking mount, kahit sinabi kong ibibigay ko sayo pero hindi mo naman alam ang pangalan nito at mas lalong wala kang kakayahan upang paamuhin ito hahaha..." malakas na sambit ni Starum habang hindi mapigilang tumawa. Kung alam lang nang nagngangalang Commander Ros na isa ito sa uri ng Warrior Beast ito ay siguradong manginginig ito sa takot dahil bilang lamang sa daliri ang alam ng mga ito patungkol sa warrior beasts at konti lamang ang may kakayahang tukuyin kung warrior beasts ba ito o hindi. Sa Arnigon Continent ay konti lamang ang may alam sa mga ito at masasabing ang mga human sect masters lamang at Hybrid Sect Masters lamang ang may alam sa pagtukoy ng mga Warrior Beasts liban sa mga ito ay mga pili lamang ang nakakaalam ng mga ito. Kahit si Van Grego ay hindi niya alam na mga Warrior Beast ang mga ito noon pa man pero may pagdududa na siya dahil sa reaksyong pinapakita ni Master Vulcarian noon.

Napatawa rin ang mga miyembro ng White Crow Clan sa sinabi ni Starum dahil hindi nila lubos aakalain na maging itong nagpapakilalang Commander Ros ay hindi nito alam ang pangalan ng nasabing Martial Beast ngunit parang inaangkin niya na ito ngayon pa lamang. Ang kumpiyansa nito sa sariling kakayahan ay nagmistualng kahambugan at katatawanan para sa kanila. Kung sila man itong nasa posisyon ng hambog na Commander ay makikipag-usap sana sila ng tama o magtatanong man lang hindi yung umaangkin agad. Iba talaga nagagawa ng kayabangan at pagiging arogante, lumalaki ang ulo ng mga ito.

"Hmmp! Talagang minamaliit mo ang aking sariling kakayahan. Magaling... Napakagaling... Kung gayon ay sinusubukan mong ubusin ang pasensya ko pangahas na nilalang ka! Kung hindi ko makukuha ang bagay na iyan sa mabuting usapan ay dadaanin ko na lamang sa pwersahang pagpapahirap sayo!" puno ng kumpiyansang sambit ni Commander Ros.

Habang ang karamihan na nanonood na mga hybrid ay mahina lamang na nagbubulong-bulungan sa kanilang kinaroroonan na medyo may kalayuan mula sa dalawang nasa mainit na diskusyon at labanan.

Napangiwi na lamang sila sa kahambugan ni Commander Ros. Hindi nila lubos akalain na may ganitong klaseng nilalang na punong-puno ng kahambugan, kumpiyansa sa sarili at napakaarogante na halos sumuka sila sa pandidiri dahil to the highest level na ang kagaspangan ng ugali nito. Kahit normal na asong inaalagaan nila ay hindi nito kakainin ang maririnig nitong sinasabi ni Commander Ros.

"Oh talaga lang ha, pwede mong subukan ng magkaalaman tayo kung sino ang malakas sa atin tsaka bibigyan kita ng tsansang paamuhin ang Martial Beast na siyang mount ko kung matatalo mo ko!" sambit ni Starum habang makikitaan sa boses nito na seryoso ito.

"At ano naman ang sinasabi mo ngayon ha, na hindi ko kayang paamuhin Ng pesteng halimaw na yan? Nagpapatawa ka ba? Mapapasaakin ang Martial Beast na iya upang maging kauna-unahan kong mount!" matigas na sambit ni Commander Ros na animo'y nababaliw na. Hindi nito lubos aakalain na minamaliit siya nito.

Maya-maya pa ay lumitaw sa dalawang kamay niya ang napakahabang kadena na kulay pula na mistulang dugong gawa sa kadena. Mayroon itong kakaibang aurang inilalabas.

Napangisi naman si Starum habang hindi naman oto nakikita ni Commander Ros.

"Talagang nakakahanga ang iyong kakayahan. Hindi ko aakalaing isa ka sa nagmamay-ari ng Soul chain. Ang iyong posisyon sa pagiging commander mo sa Human Demon ay talaga namang kahanga-hanga." sambit ni Starum ng walang kaemo-emosyon na siyang ikinangitngit sa galit naman ni Commander Ros.

Ngunit napangisi na lamang siya dahil hindi niya aakalaing mayroong nakakaalam ng kaniyang sariling sandata. Hindi kasi ito normal na sandata lamang dahil hindi man nito masusugatan ng pisikal ang katawan ng nilalang na tamaan nito ay kayang-kaya naman nitong pinsalain ang kaluluwa ng sinumang mahahagupit ng ekstraordinaryong kadena.

Maya-maya pa ay sinugod niya si Starum dahil alam niyang natatakot na ito sa kayang gawin ng kaniyang soul chain. Kahit marami itong kaalaman ay wala pa rin itong binatbat sa kaniya sa pakikipaglaban. Wala pa ring kwenta sa kanya kung marami itong alam dahil lakas ang kailangan sa pakikipaglaban at hindi puro salita lamang.

"Soul Chain Skill: Demonic Strike!"

Limang magkakasunod na atake ng kadena ni Commander Ros ang biglang lumagapak at mabilis na bumubulusok sa kinaroroonan ni Starum. Parang may buhay ang kadena dahil animo'y gumagalaw ito ng kusa kaya nahirapan si Starum na iwasan ang apat na magkakasunod na atake ng Soul Chain ngunit nadaplisan siya sa ikalimang atake.

Boogsh!!!!

Mabilis na tumilapon si Starum sa malayo dahil sa impact ng soul chain sa kaniyang katawan.

Nang makita ito ni Commander Ros ay napatawa lamang siya at makikita ang isang malademonyong ngisi sa kaniyang mukha. Hindi siya tanga upang hintayin na makarecover pa ang misteryosong nilalang na si Starum. Alam niyang magiging banta pa ito kung sakaling mananatili itong buhay.

"Soul Chain Skill: Devouring Soul Chains!"

Nanginig bigla ang Soul Chain na hawak-hawak ni Commander Ros at unti-unti itong humaba at dumami. Nagmistulang mga ahas ang mga ito na gumagalaw. Kakaiba kasi ang klase ng Soul Chain nito ngayon ng suriin itong mabuti ni Starum. Parang may biglang imahe ng mga nilalang na may hawak ng sandata na isa na rito ay ang Soul Chain ang biglang nakita niya. Nakita niya rin kung paano namatay ang kasamahan niya dahil sa mga mapamuksang atake ng mga ito.

"Hindi maaari, kung gayon ay ikaw ang isa sa may hawak ng mga forbidden weapons mula sa Hyno Continent!" sambit ni Starum sa garalgal na boses. Hindi siya maaaring magkamali dahil ramdam niyang iisa lang ang mga ito. Kung gayon ay nagkalat na ang mga Human Demon sa iba't ibang parte ng mga Rehiyon pero bakit wala man lang kaalam-alam ang mga namumuno sa Central Region. Kung gayon ay mayroon silang malaking binabalak dahil sino nga naman ang mananahimik lamang habang may lakas naman ang mga Human Demon upang puksain ang sinuman na nadirito maging sa iabng mga lugar ng iba't ibang rehiyon. Siguradong kawawa at kalunos-lunos ang sasapitin ng mga iba't ibang lahi.

Mistulang nagulat si Commander Ros sa sinabi ni Starum dahil hindi nito aakalain na sobrang lawak pala ang kaalaman nito.

"Paano mong nalaman ang lugar na tinatawag na Hyno Continent? Isa ka bang adventurer na nagmula sa Southern Region? At talagang kilala mo pa ang lolo ko dahil isang family heirloom namin ang Soul Chain na ito kaya wala na kong dahilan upang buhayin pa kita!" sambit ni Commander Ros na galit na galit. Masyado ng matagal ang pakikipaglabang ito dahil ilang minuto na lamang ay siguradong mawawalan na ng bisa ang Cage Trapping Talisman. Tsaka hindi niya aakalain na sobrang impormasyon ang alam nito.