webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · ファンタジー
レビュー数が足りません
169 Chs

Chapter 58

Bago pa nilisan ni Van Grego ang Soaring Light Sect ay naging laman rin siya ng usap-usapan ng mga disipulo sa iba't ibang mga fields ng nasabing Sect. Kakaiba kasi ang kaniyang anyo kaysa sa iba at nalaman kasi ng mga ito na galing ito sa pinakamataas na lugar ng nasabing sect na kung saan lugar ito mismo ni Sect Master Soaring Light.

Nawala na rin sa isipan ng mga ito ang lalaking gusgusin na sinasabi nila at ang lalaking may tiantaglay na noble aura ay iisang tao lamang.

Kasalukuyang naglalakbay ngayon si Van Grego sa paanan ng malawak na lugar ng Black Twin Mountains. Kaunting mga Martial Beasts lamang ang gumagala rito at puro karaniwan lamang o pawang mahihina lamang ang mga ito. Hindi naman agresibo ang mga ito kaya nilalampasan na lamang ito ni Van Grego. Ang nakakatakot kasi na senaryo dito ay kung walang gumagala na Martial Beasts dito ay maaaring mayroong naligaw na malakas na Martial Beasts dito pero kaunting porsyento lamang ito o madalang lamang nangyayari ang senaryong ito.

Isa pa ay hindi naman gugustuhin ng mga malalakas na Martial Beasts na gumala rito sa paanan ng bundok na ito dahil wala namang makukuha ritong kahit na anumang bagay o kayamanan idagdag pang napakanipis ng Heaven and Earth Qi dito.

Kung bakit pumunta si Van Grego rito ay hindi upang sumuong sa kaloob-looban ng Black Twin Mountains kundi upang balikan ang maliit na plateau kung saan naroroon ang Miniature House Artifact na matatagpuan sa paanan ng gubat papasok sa Black Phantom Forest. Hindi niya maaaring hayaan lamang na manatiling nakatayo ang maliit na artifact na iyon dahil magbubunga ito ng suspensyon o kuryusidad sa mga taong naroroon. Kahit na sabihing hindi iyon nakikita ng sinuman pero ang energy flow ng maliit na bahay na iyon ay mapapansin iyon ng malalakas na eksperto. Ayaw niyang mapasakamay ito ng sinuman tsaka bigay ito ni Binibining Mystica sa kanya. Dahil na rin sa pagiging abala niya sa pag-eensayo at pagcucultivate ay ngayon niya lamang naalala ito na normal naman para sa mga martial artists.

Maingat na umalis si Van Grego at mabilis niyang pinagana ang kaniyang Fiery Hawk Movement Technique dahil nalampasan niya na ang Black Twin Mountains. Mabilis siyang naglakbay habang maingat niyang binabaybay ang direksiyon papunta sa direksyong kinaroroonan ng Black Phantom Forest. Medyo madami siyang nadaanang mga Martial Beasts at ang iba'y mga wild beasts lamang ngunit pinabayaan lamang niya ang mga ito.

Naalala niya nga ngayon ang paanhong kasama niya sina Fatty Bim at ang nakababatang kapatid nitong si Ambreiya. Masyadong mataas ang mga estado ng mga ito kaysa sa kanya at ipinanganak ang mga ito na may gintong kutsara sa bibig kumpara sa kaniyang angkan na isa lamang ordinaryong angkan. Kaya nga hindi alam ni Van Grego kung paano niya pakikitunguhan ang mga ito.

"Kalimutan mo na Van na magkaibigan pa kayo, alamin mo ang lugar mo na alam mong hindi nababagay na makisalamuha ang mga ito sayo na isa lamang ordinaryong tao." sambit ng utak ni Van Grego sa kaniyang isipan.

Medyo nalungkot rin sa bagay na ito. Alam niya kasi kung makikihalubilo pa siya sa mga ito ay pagtatawanan lamang sila ng tao at masisira ang reputasyon ng magkapatid na itinadhanang ibangon at itaguyod muli ang kanilang pamilya sa hinaharap kumpara sa kaniya na isa lamang wandering cultivator na mahilig maglakbay na walang pasan na malaking resppnsibilidad. Tsaka kasalanan niya rin kung bakit maraming namatay na mga cultivator sa limang sect. Kung sana ay tumulong siya sa mga ito at nanatili sa Sect sa mga oras na iyon ay naging matiwasay ang lahat dahil mayroon siyang naisip na paraan?! Ito ang nasa isipan ni Van Grego. Sigurado siyang galit na galit sa kaniya sina Princess Ambreiya at Prince Bim dahil namatay ang kaisa-isang tita nila sa malagim na gabing iyon upang protektahan sila.

Hindi niya namalayang lumuluha na pala siya. Agad niya itong pinahid at namalayan niya na lamang ang kaniyang sarili na nasa paanan na ng maliit na Plateau. Siguro ay sa labis na kaniyang pag-iisip ay lutang siyang nakapunta rito. Agad niyang pinawala ang kaniyang iniisip at pumasok sa loob ng Miniature House Artifact.

Lumitaw muli sa harapan ni Van Grego ang pintuan at mabilis siyang pumasok rito at parang naging invisible muli ang nasabing bahay. Sa loob ng Miniature House Artifact ay nakita niyang lumaki at animo'y lumakas ang Four-Armed White Ape na nasa Martial Emperor Realm kagaya niya ngunit kaya niyang makipagsabayan rito ngunit dahil kasama nito ang mga anak nito ay hindi niya maisip na labanan ito isa pa ay wala siyang gana. Kailangan niya pang alamin kung paano palakasin ang kaniyang Martial Soul. Hindi siya naniniwalang ganon-ganon lamang ang mangyayari sa kaniyang Martial Soul at sa kinabukasan niya.

Pumunta siya sa kaniyang kwarto at doon nag-isip isip ng mga bagay.

Naramdaman niya kasi noong nasa loob siya ng Myriad Painting ay ramdam niyang biglang nagkaroon ng kakaibang reaksyon ang kaniyang Martial Soul sa essence energy. Lalo na noong nagcucultivate siya ay sinubukan niyang i-channel ang inerhiya niya papunta sa kaniyang Martial Soul.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Van Grego at inilabas niya ang kaniyang naipong mga Blood Ore Essence sa kaniyang interstellar Dimension na gabundok ang dami dahil hindi niya ito nabenta noon kaya nakaimbak lamang ito doon. Binigay kasi ni Fatty Bim noon ang Black Mining beetle sa kaniya bago sila nagkapaalaman. Simula noon ay sa Interstellar Dimension na din nakalagay ang Black Mining Bettle. Nitong mahigit tatlong taon ay naghanap rin siya ng Blood Ore mine  at doon ay pinaghihigop niya ang buong lupain papunta sa loob ng isa sa kaniyang Interstellar dimension upang hindi gutumin ang Black Mining Beetle.

Lumatag sa harapan ni Van Grego ang napakarami at gabundok na blood ore essence. Dalawang paraan ang maaari niyang paraan upang mapakinabangan niya ito at ito ay ang unti-unting iabsorb gamit ang kaniyang pores o kainin ito ng diretso. Kaya pinili niya ang kainin ito dahil wala na siyang maraming oras pang natitira kung iabsorb niya ito ng paunti-unti.

Agad niyang pinalitaw ang kaniyang Martial Soul. Gaya ng dati ay napakaliit na puting ibon ito an lumilipad-lipad sa kaniyang likod na walang kapaguran. Ni hindi nga niya ito makausap man lang.

Dire-diretsong kinain ito ni Van Grego agad nitong naramdaman ang napakapuro at napakayaamng enerhiya na mula sa Blood Ore Essence. Payapa man ang pagdaloy ng enerhiya nito ay kakila-kilabot naman ang gahiblang nerhiyang pumapasok sa katawan ni Van Grego. Kaya inilihis niya ang enerhiyang ito papunta mismo sa kaniyang Martial Soul. Wala pa ring reaksiyon ang kaniyang Martial Soul ngunit noong mga nakatatlong pinggan yata siya na dami ng kinakain ay bigla na lamang naramdaman ni Van Grego ang pagkaroon ng reaksyon ang kaniyang Martial Soul. Bigla na lamang itong nag-iba ang awra nito at nagkaroon ng isa pang sinag.

Isa ng 2nd Level Huang Rank ang kaniyang Martial Soul!

"Tama pala ang aking hypothesis?! Na kayang maglevel up ng aking Martial Soul?! Isa itong kamangha-manghang bagay!" sambit ni Van Grego na napatigil siya sa pagsubo ng mga Blood Ore Source. Maya-maya pa ay sinimulan niyang muli ang kaniyang pagkain ng mga ito.

Nagtataka nga siya ngayon dahil halos anim na pinggan na ang kaniyang naubos na Blood Ore Essence pero wala pa ring naging reaksyon muli ang kaniyang Martial Soul kaya agad naman siyang kumain ng kumain at nang matapos niyang kumain ng ika-sampong pinggan ay saka na lamang nagkaroon ng reaksyon ang kaniyang Martial Soul.

Isa na itong 3rd Level Huang Rank!

Kumain pa ng kumain si Van Grego at bumilang muli siya mula sa isa hanggang sa makasampong pinggan siyang muli ay walang naging reaksiyon man lang ang kaniyang Martial Soul. Ipinagpatuloy niya lamang ang kaniyang pagkain ng Blood Ore Essence at nang makatapos siya ng ikadalawampong pinggan ay saka muling nagreact at nagkaroon ng isa pang sinag ang kaniyang Martial Soul.

Isa na ito ngayong 4th Level Huang Rank!

Nang maisip ni Van Grego na mahigit tatlumpong pinggan na ng Blood Ore Essence ang naubos niya ay nakaramdam siya ng panghihinayang sa napakapambihira at napakamahal na Blood Ore Essence. Pero nang maisip nito ang napakalaking benepisyo ng kayang gawin ng Blood Ore Essence sa pagpapalevel-up ng kaniyang

Martial Soul ay nawala ang kaniyang paghihinayang. At mayroon pa siyang natuklasang nakakamangha.

"Mayroon palang variation sa aking paglelevel up. Habang pataas ng pataas ang lebel ng aking Martial Soul ay siya namang kinakailangan ko ng mas maraming mga purong enerhiya na kinakailangan kong punan para magbreakthrough ang aking Martial Soul. So, nagbe-breakthrough pala ang aking Martial Soul kaya maaari palang magkaroon ng transformation o Evolution ang aking Martial Soul." Manghang sambit ni Van Grego sa kaniyang sarili. Ngayon lamang siya nakarinig ng Martial Soul na nagbebreakthrough. Sabi kasi ng mga eksperto ay walang kakayahan ang Martial Soul sa pagbreakthrough o pagpapataas ng lebel ngunit sa kalagayan ni Van Grego ay naiiba ito sa ilan. Kung malalaman ito ng mga malalakas na eksperto ay siguradong manganganib ang buhay niya at hindi imposibleng eksperimentuhan siya ng mga ito.

"Hindi ako makakapayag na pag-aralan ako ng mga ganid sa kapangyarihan na mga ekspertong iyon. Baka kapag nalaman nila ang pinakatago-tago kong sikretong ito ay hu-huntingin nila ako kahit saan man ako tumago. Kapag nangyari iyon ay imposible na kong lumakas pa." Sambit ni Van Grego habang mababakasan ng pangamba at takot sa kaniyang mukha. Kaya kailangan niyang lumakas pang lalo at siyempre ay kailangan niyang maprotektahan ang kaniyang sarili at ang kaniyang mga kaibigan.

Kumain pa siya ng kumain ng mga Blood Ore Essence at pinapadaloy niya ang napakayamang enerhiya papunta sa kaniyang Martial Soul.

Ilang libong pinggan na puno ng Blood Ore Essence ang pilit niyang kinain ngunit naramdaman niyang parang napakalalim na balon ang kailangan niyang punan papunta sa loob ng katawan ng kaniyang Martial Soul. Nalaman niya rin na madaling naaabsorb ng Martial Soul ang mga enerhiya ngunit hindi sapat ang kaniyang Blood Ore Essence upang magbreakthrough sa 5th Level Huang Rank ang kaniyang Martial Soul. Napansin ni Van Grego na lumaki ng husto ang size ng noo'y munting puting ibon lamang ngayon ay kasing laki na ito ng isang wild beast na isang tupa o sheep. Tumigil na nga ito sa kakalipad. Sa ngayon ay nakatiklop lamang ang pakpak nito at animo'y nagmamasid ng kaniyang paligid. Kapansin pansin rin ang sampong pulang sinag sa dibdib ng kaniyang Martial Soul.

Napatawa na lamang si Van Grego sa kaniyang isipan na siguro ay napagod sa kakalipad ang ibong ito kaya naisipang mamahinga. Parang baliw namang napatawa si Van Grego sa kaniyang sariling iniisip.