webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · ファンタジー
レビュー数が足りません
169 Chs

Chapter 48

Hindi namamalayan ni Van Grego ay maraming araw at buwan na ang nakakalipas habang patuloy pa rin sa kaniyang mga pagsasanay at pagpataas ng kaniyang cultivation Level. Halos 2 taon na rin ang nagdaan at ngayon ay malapit na siyang magbreakthrough. Kasalukuyan na siyang nasa peak 9 core 9th Diamond Life Destruction Realm.

Sa dalawang taon niyang ito ay halos sinanay niya ang kaniyang mga abilidad at propesyon patungkol sa alchemy, array formation at iba pa. Ngunit wala pa rin siyang karanasan sa pagfo- forging. Halos itinuon niya ang kaniyang sarili sa pag-aral ng napakahirap na konsepto ng Space and Time ngunit hanggang ngayon ay hindi siya makaapak sa pangalawang stage ng kahit sa alinmang konseptong ito. Masyadong mahirap at detalyo ang dapat niyang pag aralan idagdag pang napakarami niyang dapat gawin pero sa pangkalahatan ay patuloy pa rin siyang nagpapalakas at umuunlad pa siya lalo.

Kasalukuyang nagcucultivate ang batang si Van Grego sa isang damuhan. Kasalukuyang umaga pa lamang ito ngunit puspusan ang kaniyang pagcucultivate lalo pa't gahibla na lamang ang kaniyang bubunuin para malampasan niya na ang Diamond Life Destruction. Nahahati ito sa tatlong parte kung saan ang unang tatlong stages ay para sa pagwasak ng kaniyang katawan upang ma-remold upang lumakas at tumibay. Ang sunod namang tatlong stages ay ang pagwasak ng kaniyang energy na matatagpuan sa kaniyang bandang tiyan. Ang huling tatlong stages ang pinakamahirap sa lahat, ang pagwasak sa kaniyang soul kung saan ay dito nahirapang mabuti si Van Grego dahil na rin sa napakamaselan at pinakadelikado ito lalo pa't kapag nagkamali siya rito ay baak tuluyan siyang mamatay kung kaya't naging maingat siya nitong nakaraang dalawang taon.

"Master, nagkaroon na ng reaksyon at paggalaw ng siyam na mga core sa aking consciousness. Oras na para magbreakthrough ako!" sambit ni Van Grego habang mabilis na pinasok ang kaniyang sea of conscousness na siyang namuo lamang at lumawak noong mag-undergo siya sa 6th Diamond Life Destruction Realm.

Mabilis niyang ikinalma ang kaniyang sarili. Ang maliliit na mga core ay mistulang lumaki habang kaharap niya ang mga ito. Kumikinang ang mga ito na animo'y mga bituin sa langit habang pabilis ng pabilis ang pag-ikot nito hanggang sa pumalipot ito sa kaniyang katawan. 

Ilang minuto pa ang nakakalipas at naging maayos ang lahat ngunit maya-maya pa ay mayroong kakaibang enerhiya ang biglang tumama sa dalawang core na siyang biglang pagkakaroon ng abnormal na paggalaw ng pitong core.

"Pwuaaaahhhhh!!!!" Daing ni Van Grego habang namimilipit sa sakit. Halos mamuti ang balat nito dahil namumutla siya na animo'y papel.

"Anong ibig sabihin nito Master?!" sambit ni Van Grego habang nakatingin sa kawalan. Alam niyang ang Master niya ang may kagagawan dahil na rin sa enerhiyang namumuo sa kaniyang sea of consciousness. Naging sensitibo siya sa enerhiya dahil sa kaniyang pag-undergo sa energy life destruction realm. Siguradong-sigurado siya sa kaniyang nararamdamang enerhiya.

"Bwahahahaha!!!! Magaling bata, kahit nanghihina ka ay nakaya mong malaman na ako mismo ang umatake sa iyo hehehe..." malademonyong sambit ni Master Vulcarian na ibang-iba sa kaniyang natural na tono ng boses. Masyadong malalim at nakakatakot ang boses nito na animo'y galing sa kailaliman ng lupa.

"Master, bakit mo to ginawa sa akin? Akala ko ay kakampi kita!" sambit ng namumutlang si Van Grego habang tumutulo na ang mapupulang dugo sa bibig nito.

"Ano'ng pinagsasabi mo bata? Kakampi, may sinabi ba kong ganyan sa'yo? Kung meron man ay isa kang uto-uto hahahaha!!!!" sambit ni Master Vulcarian sa napakalalim na boses nito.

"Kung hindi mo naintindihan bata ay simple lamang ang gusto kong mangyari, ang maangkin ang buong Myriad Painting na siya namang talagang para sa akin, nararapat lamang na sa akin ito mapunta!" sambit ni Master Vulcarian na mababakasan ng sobrang ganid at galit na galit na boses.

"Wala namang gustong umangkin niyan Master eh, sayong-sayo yan at hindi ako makikihati." sambit ni Van Grego habang mababakasan ng lungkot sa boses nito. Hindi niya aakalaing may kasamaan pala ang itinuring niyang master at hinintay ang ganitong pagkakataon kung saan ay napakahina niya.

"Talaga lang ha, wag mo kong gawing tanga bata. Minsan mo ng pinatakan ang myriad painting ng sarili mong dugo na siyang nagsisilbing blood contract kaya ng dahil sayo ay nabigo ako sa aking mga plano kung saan napilitan ang aking sariling matulog ng ilang mga taon at sobrang nanghina ang aking taglay na kapangyarihan!" Puno ng galit na sambit ni Master Vulcarian na siyang nagpagulantang sa musmos na batang si Van Grego.

"Master, anong nangyayari sa inyo. Hindi ko kayo maintindihan. Akala ko ay walang nagmamay-ari ng Myriad Painting, kung alam ko lang na ikaw ang nagmamay ari ay hindi ko na sana ginawa ang blood contract na iyon." malungkot at puno ng pagsisising sambit ni Van Grego dahil sa kaniyang naging kilos.

"kahit anong sabihin mo ay nagawa mo na ang kalapastangang ginawa mo. Wala ka kasing kwentang nilalang. Hindi ka kailanman lalakas at magiging makapangyarihan. Ngayon pa lamang ay dapat ka ng sumuko sa kahibangan mo!" sambit ni Master Vulcarian na punong-puno pa rin ng hinanakit.

"Ano'ng pinapalabas niyo master? Na basura ako? Hindi ba kayo ang nagsabing magpalakas ako? Bakit para atang kinakain niyo ang sarili niyong salitang pinangaral niyo sa akin?!" Puno ng hinanakit na sambit ni Van Grego. Hindi niya aakalaing mag-iiba at masama ang ugali ng kaniyang master.

"Hahahaha, isa ka kasing uto-uto. Isa ka lamang hamak na maliit na insekto sa mata ng karamihan maging sa mata ko. Isang kahihiyan at perwisyo lamang ang ihahatid mo sa kahit na sinuman. Tanggapin mo nalang bata na wala kang mapapala kahit lumuha ka pa ng dugo dahil ang basura ay mananatiling basura!" Pasinghal na sambit ni Master Vulcarian.

Mabilis na lumitaw ang isang napakaitim na usok na animo'y may buhay. Mayroon lamang itong animo'y bibig at matang mapupula. Sobrang nakakatakot ang anyo nito na animo'y maihahalintulad sa isang nakakatakot na halimaw na walang sariling wangis.

"Hindi ikaw ang Master ko, isa lamang itong masamang panaginip!" sambit ni Van Grego na animo'y nasisiraan ng bait. Napuno ng takot at pangamba ang kaniyang puso.

"Hahaha... Ganyan nga, matakot ka sa akin at punuin mo ang sarili mo ng mga negatibong emosyon ng sa gayon ay masarap kong makain ang iyong kaluluwa. Sa oras na iyon ay mapapasakamay ko ang iyong katawan, magiging makapangyarihan ako sa lahat at sasakupin ko ang buong mundong ito maging ang iba pang mga mundo bwahahaha!!!!" sambit ni Master Vulcarian an punong-puno ng kasakiman at ambisyon.

"Kumalma ka, kumalma ka Van, marami ka pang gustong maranasan at mapatunayan. Hindi maaari ang gusto niya..." sambit ni Van Grego na animo'y bumalik sa pagiging musmos na bata noong siya'y inaapi at naging katatawanan sa kaniyang angkang kinabibilangan.

"Hahahaha, sige ganyan nga bata... Matakot ka sa reyalidad at hayaan mong punuin ka ng sobrang pagkahiya at pagkamuhi ng iyong sarili. Yakapin mo ng buong puso ang pagkamuhi at punuin mo ito ng heart of demons hanggang sa tuluyan ka ng mawala sa sanlibutang ito."Sambit ni Master Vulcarian habang nagkakaroon ng mga misteryosong enerhiya at pwersa ang bawat salitang inilalabas ng kaniyang bibig papunta sa buong pagkatao ng kaawa-awang batang si Van Grego.

Animo'y nagkaroon ng kakaibang kakayahan si Master Vulcarian upang pasunurin ang batang si Van Grego. Mas lalong mababakas ang nakakagimbal na pagbabago sa batang si Van Grego.

Namumula na ang mata nito at nangingitim ang ilalim ng mata niyo na siya ring oaglabas ng mga ugat nito. Ang buong buhok ni Van Grego ay animo'y nalagas at mistulang nakatulala lamang ito sa hangin na animo'y may tinitingnan. Tuliro lamang ito habang ang mga tenga nito ay may tumutulong napakaitim na likido.

...

Van Grego PoV

Nakita ko na lamang ang aking sarili sa aking kontinenteng pinagmulan. Malinaw kong nakikita ang nangawasak na nga gusali at mga nasusunog na bahay. Nakita ko kung paano tumalsik sa malayo ang iba't ibang parte ng katawan ng mga kaangkan ko. Habang ako ay nasa isa lamang sulok ng nakalbong damuhan kung saan bakas ang pagsabog ng isang bagay upang paalsahin ang lupang aking kinaroonan.

"Arrggghhhhh! Tumakas na kayo rito, Lisanin niyo na ang lugar na ito ngayon di-----!" sambit ng isang maskuladong lalaking sa pagkakaalam ko ay kabilang ito sa karatig-kaangkan ng aming Grego Clan.

Hindi niya pa napatapos ang kaniyang sinabi ng bigla na lamang siyang humandusay kasama ang napakatulis na palaso na nakatarak sa kaniyang tiyan.

"Uhhhhuuhhhhuuuuuu!" sambit ng isang magandang babae haabng kalong-kalong ang isang sanggol na siya rin namang biglang pagkagising nito.

"Uwwwwaaaaahhhhhhh!" Palahaw ng musmos na sanggol habang maingat na dinuduyan sa kaniyang bisig ng babaeng palagay ko'y ina nito.

Marami ring mga taong wari ko'y mga kanayon kong naging biktima ng karahasang ito.

"Bakit ito nangyari? Paanong naging ganito ang bayang aking kinalakihan? Sila ni ina at ama? Ang aking mga kaangkan? Asan na sila? Sambit ko sa aking sarili. Naalala ko ang mga ginawa nilang kasalanan sa akin ngunit hindi ko maitatangging may puwang pa rin sa aking puso ngunit meron pa ring namumuong galit sa aking dibdib na hindi ko mawari kung saan ito nanggagaling.

Umuulan pa rin ng iba't ibang mga bala ng sandatang pandigma ang lugar na aking kinaroroonan ngunit gustong-gusto kong makita sila ni ina at ama. Lakad-takbo ang aking ginawa kahit na hinang-hina na aking Katawan. Mabilis kong sinuyod ang pamilyar na daan na ngayo'y mistulang isang pahabang hukay na lamang dahil sa kalunos-lunos na sinapit nito sa pagpapaulan ng mga kakaiba at malalakas na mga bagay kagaya na lamang ng mga dinamita, bala ng kanyon,  di mabilang na mga palasong saan-saan lamang nakabaon.

Ngunit maya-maya pa ay naramdaman kong bigla na lamang may matulis na bagay na bumaon sa aking likuran direkta sa aking puso na siyang tumagos sa aking dibdib. Unti-unting lumabo ang aking paningin hanggang sa panawan ako ng aking sariling ulirat.

Maya-maya pa ay nagising na lamang ako sa kaparehong senaryong kani-kanina lamang na aking nasaksihan ngunit kaibahan lamang ay nakasuot ako ngayon ng isang napakatibay na baluti habang hawak-hawak ang isang napakahaba at napakatalim na espada na mistulang kayang hatiin ang karagatan at biyakin ang kalupaan sa dalawa, mayroong napakapulang likidong umaagos dito na siyang aking ipinagtataka. Tiningnan ko ang magulong kapaligiran hanggang sa nilingon ko ang aking likuran. Pinagsisihan kong nilingon ko pa ito, ang akala ko'y namatay ako kani-kanina lamang dahil sa pinsalang aking natamo ngunit ngayo'y aking nakita ang magulang ko, ang aking naging mga kaibigan sila Breiya, Fatty Bim, Bb. Mystica at maging ang iba pa na gabundok ang dami ay nakatambak na dilat ang mga mata ng mga ito.

Halos panawan ako ng sariling ulirat dahil sa aking nasaksihan.

"Hindi, hindi ako ang pumatay sa kanila. Hindi ko ito magagawa... Hindiiiiiii!!!!!!!!" Humahagulgol kong saad habang nakahawak sa aking uluhan.

Mistulang may sariling buhay ang aking mga kamay agad kong itinutok sa sarili ko ang aking sariling sandatang may bahid ng dugo ng hindi mabilang na kataong aking pinatay kasabay nito ay direktang pag-ulos ng espada sa aking tiyan papuntang likuran ko hanggang sa mandilim ang aking sariling paningin kung saan ay hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng walang katapusang kadiliman.