webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · ファンタジー
レビュー数が足りません
169 Chs

Chapter 47

Nagulat na lamang si Van Grego ng biglang tumalon na mataas ang Two-headed Giant Crocodile. Alam ng halimaw na patpatin ang batang gumambala sa kaniya at napakaordinaryo lamang nito katulad na lamang ng mga naging hapunan niya noon. Idagdag pang napakababa ng Cultivation Level nito kumpara sa kaniya kung kaya't hindi niya nakikitang banta ang batang ito para sa kaniya.

"Talagang minamaliit ako ng halimaw na ito. Kung gaano kalakas ito ay ganito naman ka-purol ang utak nito hmmp!"

Mabilis namang hinawakan ni Van Grego ang kaniyang fire whip mula sa hawakan hanggang sa dulo nito at naging matigas na bagay ito at naging sobrang talim ang dulo nito. Isa na itong fusion Fire Spear na siyang natutunan niya lamang nitong nakaraang buwan niyang pagsasanay.

Agad niyang sinalubong ang atake ng dambuhalang halimaw at pinagtataga niya ito sa tiyan.

Common Spear Skill: Cutting Spear!

Mabilis siyang dumistansiya sa halimaw pagkatapos ng kaniyang nasabing spear skill.

BANG!

isang malakas na pag-uga ng lupa ang biglang nangyari sa lugar. Kumalat ang mga mapupulang dugo sa paligid mula sa katawan ng Two-headed Giant Crocodile.

"Kahanga-hanga, hindi ko alam na malakas pala ang spear skill mo kahit napakabasura nito pero nagustuhan ko yang kabrutalan mo dahil sa bobong buwaya." sambit ni Master Vulcarian na pasarkastiko.

Nanahimik na lamang si Van Grego dahil sa pagiging sarkastiko ng kaniyang master. Wala siyang mapapala kung papatulan niya ang mapanghamak na ugali minsan ng kaniyang master, minsan nga ba? Napahalakhak siya ng mahina siyempre di niya pinahalata.

Agad namang kinolekta ni Van Grego ang bangkay ng halimaw at inilagay sa interstellar dimension na mayroong mayamang enerhiya na angkop para preserbahin ang katawan ng nasabing halimaw. Agad na rin siyang naglakbay muli papasok. Marami siyang nakitang malalakas na Martial Beasts ngunit wala siyang nakitang tugon mula kay Master Vulcarian.

Maya-maya pa ay may natanaw si Van Grego ng napakagandang tanawin, walang iba kundi ang napakalaki at napakataas na talon. Nilapitan niya ito ngunit habang papalapit siya ng papalapit ay biglang nagsalita si Master Vulcarian sa kaniyang isipan.

"Bata, nakikita mo ba ang usang iyan. Wala ka bang napapansin sa hayop na iyan?! Makahulugang sambit ni Master Vulcarian gamit ang mindlink.

"Isa lang naman yang ordinaryong usa, ano ba ang pakialam ko diyan!" sambit ni Van Grego. Nakikita niyang nagkainteres ang kaniyang master dito at gusto niyang tumawa ng malakas pero pinigialn niya.

"May sampong mid-quality blood essence lamang ang halimaw na iyan kaya pwede rin nating lampasan iyan." sambit ni Master Vulcarian ng pasarkastiko.

"Pwede rin master, sampong mid quality blood essence lang naman pala eh... Ano?!!!! Sampong mid-quality blood essence ng Blue Luan?! Sabihin mo master, nagbibiro ka lang diba?!" sambit ni Van Grego.

"Hmmp! Tama na ang satsat, bilisan mo dahil mukhang tatakas pa ang usang iyan!" sambit ni Master Vulcarian.

Hindi nga ito nagkakamali dahil mabilis na kumaripas ng takbo ang isang malaking usa na mahahanay lamang sa grupo ng mga Wild Beasts.

Nagtataka si Van Grego sa mga pangyayari, medyo may kalayuan pa siya sa talon at nilimitahan niya ang kaniyang awra at galaw ngunit napansin pa rin siya ng usa. Dito niya napag-alamang hindi nga ito ordinaryo lalo pa sa galaw ng pagtakas nito.

Nagkaroon ng mahabang minutong habulan hanggang sa hindi napansin ni Van Grego na papasok pala siya sa gubat ngunit ang nakakapagtaka ay patag ang lugar na ito na tanging damo lamang at mumunting puno ang makikita.

Sa hindi mawaring pangyayari ay biglang tumigil ang usa at hinarap ang direksiyong kinaroroonan ni Van Grego.

"Ang lakas ng loob mong sundan ako pangahas na munting paslit... Sa wakas ay may masarap akong magiging hapunan hehe...!" malademonyong Sambit ng usa.

Biglang nagliwanag ang katawan nito at naging kulay asul ang buong katawan nito.

"Kahanga-hanga, nakuha niya ang Blue Luan Transformation skill ngunit hindi ang totoong abilidad at lakas ng Blue Luan. Isa lamang Wild beasts ang usang iyan at mahina lamang ang atake nito ngunit mag-iingat ka bata!" paalala ni Master Vulcarian. Kahit siya ay namangha lalo pa't bibihira lamang ang nakakakuha ng skill ng mga malakas na nilalang ngunit isang porsyento lamang ang lakas nito kung kaya't wala rin itong kwenta idagdag pang napakabasura lamang ng nilalang na nakakuha nito kagaya ng usang nasa harapan nila.

"Kahanga-hanga, pinahanga mo ako sa iyong abilidad. Isang wild beast na kayang magsalita at nagkaroon ng abilidad ng Blue Luan Transformation skill ay talaga namang nakakahanga!" sambit ni Van Grego na animo'y sinusuri ang nakakamanghang transformation skill na nakuha ng masuwerteng usa.

"Hmmp! dahil nalaman mo ang aking sikreto na may kinalaman sa maalamat at makapangyarihang Blue Luan,  tingin mo ay papatakasin pa kita ng buhay? Dapat ka ng mamatay!!!!" Galit na galit na sambit ng malaking usa.

"hindi maaari... Kung hindi ako nagkakamali ay hindi ka napasailalim sa mutation, hindi mo in-absorb ang blood essence ng Blue Luan kundi ay in-extract mo ito. Ito ang totoong anyo mo, nag-evolve ka!" sambit ni Van Grego.

"Hmmm, tama ka batang paslit, isa akong evolution upang maging isang tunay na Martial Beast. Sa oras na makompleto ko ang aking pangalawang ebolusyon ay unti-unti akong magpapalakas at lalabas sa hamak na islang ito upang magpalakas ng lubusan hahahaha!" malademonyong sambit ng malaking usa.

Mabilis na nagsagawa ng skill ang malaking usa.

Blue Luan Energy Ball!

Mabilis na naalarma si Van Grego sa kaniyang nasaksihan. Ngayon lamang siya nakakita ng pambihirang atake ng isang Blue Luan. Bigla na lamang siyang pinaulanan ng usa ng mga kulay asul na bolang enerhiya na siya namang mabilis at maingat na iniwasan ni Van Grego. Ang apoy ay nakakapaso kapag mataas ang temperatura pero ang tubig ay nakakapaso rin kapag sobrang lamig nito kagaya na lamang ng atakeng ito ng Blue Luan kahit na hindi man ito sobrang lakas na orihinal.

Kinalma ni Van Gregi ang kaniyang sarili at mabilis niyang ginamit ang kaniyang movement technique. Agad niyang nilapitan ang malaking usa at gumawa ng fusion Fire whip. Pinaulanan niya ito ng atake na siya namang mabilis na pinaulanan ng mga atake na siya namang panghihina ng malaking usa.

"kahit anong sabihin mo ay hindi ka pa rin kasinglakas ng Blue Luan, isa ka pa ring ordinaryong usa." sambit ni Van Grego.

"Hindi maaari, kung h-hindi d-dahil s-sa 'yo ay ma-magiging mal-malakas pa sa----!" sambit ng malaking usa ngunit hindi na niya natapos ang kaniyang sinasabi ng malagutan na ito ng hininga.

"Magaling bata, isa lamang iyang wild beast na nangangarap na maging isang martial beasts ngunit ang kapalaran nito ay hindi magbabago. Tanging sampong mid-quality blood essence lamang ng Blue Luan ang nakain nito at tanging ang skill at senses laamng ang nakuha nitong abilidad na siya namang sobrang hina ng atake nito idagdag pang ordinaryong blue luan lamang ito na matagal ng namatay at natambak ang bangkay nito sa lupaing ito. Pupuntahan natin ang lokasyon ng mutated Brown Lotus dahil sapat na ito upang i-stabilize ang Vermillion Blood Essence na nasa iyo. Hindi pwedeng manatili tayo rito sa islang ito sapagkat maraming malalakas na martial beasts ang gumagala tuwing gabi." sambit ni Master Vulcarian na puno ng babala.

"Sige po master!" sambit ni Van Grego at mabilis niyang binaybay ang lokasyon ng mutated brown lotus.

Nang mapuntahan na ni Van Grego ang lugar na kinaroroonan ng mutated brown lotus ay walang kahit na anumang beasts ang gumagala siguro ay takot ang mga ito sa kanilang nasaksihang pangyayari sa ginawa ng brown lotus.

"Hukayin mo ang lupang iyan bata, sigurado akong nandiyan sa ilalim ng lupang iyan ang mutated brown lotus." sambit ni Master Vulcarian.

"Sigurado po ba kayo master? Pero baka atakehin ako ng mutated brown lotus." sambit ni Van Grego na animo'y natatakot.

"Sigurado akong busog pa iyon lalo pa't marami itong nakain. Ito lamang ang tamang tiyempo upang mapaslang mo ang halimaw na iyon." sambit ni Master Vulcarian.

Walang inaksayang oras si Van Grego at mabilis na inilabas ang isang malaking asarol mula sa kaniyang interstellar ring. Mabilis niyang hinukay ang lupang eksaktong kinaroroonan ng mutated brown lotus.

Maya-maya pa ay may bigla na lamang umuga ang lupang kinaroroonan ni Van Grego at mabilis siyang lumayo na siya namang paglitaw ng dambuhalang bulaklak sa harap ni Van Grego.

Unti-unting bumuka ang mga petals nito na nakatiklop at makikita ang napakaraming tinik sa bandang gitna ng bulaklak an siyang ikinaalarma ni Van Grego.

"Master, parang mali ang kalkulasyon niyo, mukha stang gutom na gutom pa ang halimaw na bulaklak na ito!" sambit ni Van Grego habang mabilis na ikinalma ang kaniyang sarili at naka- fighting stance na.

"Brown Lotus Skill: Raging Thorns"

Pinaulanan ng napakaraming matutulis na mga tinik ng mutated brown lotus si Van Grego na siyang namang mabilis na iniiwasan nito. Ang bawat pag ulan ng mga tinik ay nagkakaroon ng mga malalaking hiwa sa lupa at mga bagay sa paligid nito.

Bang! Bang! Bang!

Halos pumutok ang mga lupa at mapulbos ang mga damuhan at maliliit na mga puno sa sobrang agresibong atake ng mutated brown lotus.

"Bata, mag-ingat ka dahil maliit na panahon na lamang ay maaaring magreproduce at maminsala ang pesteng halimaw na halamang ito. Kapag hindi mo mapigilan ang mutated brown lotus ay siguradong magiging living parasite ito. Kailangan mong putulin ang bulaklak nito at bunutin ang mga ugat nito!" naaalarmang sambit ni Master Vulcarian habang makikitang sobrang pag-aalala niya.

Sige po Master, akong bahala!" sambit ni Van Grego habang mabilis niyang isinagawa ang kaniyang skill.

Fire Skill: Fire Fusion Whip!

Mabilis niyang ginamit ang kaniyang movement technique at pinaghahampas ang malaking baging ng pambihirang lotus na ito. Nakalabas ang main stem nito kung saan ay nangangahulugan lamang na malapit na itong manganak ng napakaraming supling.

"Arghhhh!!!!! Grrrrrrrrrrrrr!!!!!!!" galit na galit na atungal ng mutated brown lotus habang iniinda nito ang sobrang sakit na atakeng apoy at paralyzing effects ng Fire Fusion Whip na siyang natural nemisis nito.

"Tapos ka na ngayon sa akin, tikman mo ang aking atake!" Sambit ni Van Grego at mabilis na nagsagawa ng panibagong skill.

Fire Skill: Fire Fusion Spear!

Mabilis na tinutok ni Van Grego ang kaniyang sibat na gawa sa pinaghalong mga kakaibang apoy sa mismong bulaklak ng Mutated Brown Lotus.

"Ahhhhhh! Arrrghhhhh! Grrrrrrrrrrr!!!!!!" malakas na tunog na nilikha ng Mutated Brown Lotus.

Maya-maya pa ay gumapang ang apoy mula sa bulaklak nito hanggang sa mga baging nito. Nagkaroon ng maiitim na mga usok an siyang bumalot sa lugar at nagkaroon ng napakasangsang na amoy.

"Bata, bunutin mo ang katawan nito mula sa lupa na siyang totoong katawan nito kung hindi ay masasayang lamang ang ating pinaghirapan!" mahalagang paalala ni Master Vulcarian kay Van Grego.

"Opo Master!" sambit ni Van Grego at mabilis na binunot ang kabuuang katawan ng mutated brown lotus.

"Master ano po ang napakaitim na usok na iyan?! Sambit ni Van Grego habang sinusuri ang pagdami at paglawak ng nasabing napakaitim na usok.

"Isa iyang natural na penomena sa mga brown lotus, nabubuhay sila at nangongolekta ito ng mga lason sa biktima nito. Hindi ka naman siguro tinamaan ng mga tinik ng mutated brown lotus na iyon hindi ba? Lalo na at karaniwang natutunaw at humahalo ito sa dugo ng mga nilalang na natamaan nito." sambit ni Master Vulcarian na puno ng babala.

"Sa kabutihang palad master ay hindi ako natamaan ng mga mapaminsalang mga tinik nito." sambit ni Van Grego habang hawak hawak ang isang malaking halaman, walang iba kundi ang mutated brown lotuses na mayroong napakapangit na itsura.

Napangiti naman si Van Grego sapagkat marami na siyang naging karanasan dito sa Desolate Water Valley. Sa wakas ay mai-stabilize niya na ang konsepto ng apoy at tubig na nasa kaniyang katawan.