webnovel

Ancestal God's Artifacts

Van Grego, a very talented Cultivator at his young age. He was known for his natural talent but when he developed an anomaly in his dantian he was considered trash and very useless by his own clan. The eyes of the people around him that were once amazed now have contemptuous and disdainful looks. At the age of nine to twenty-one his mind had matured. There are many people who mock him in every movement and when people his age or young and old see him, his youth is gradually robbed of him. Sometimes he gets discouraged because of this. It was no fault of his that the anomalies occurred in his dantian that even he didn't have the chance to continue his Cultivation. We will see our field ready to tax everyone even himself that will make us sad, happy, amazed and cry in OUT OF THIS WORLD events that will make you understand that this whole world has no boundaries. Here you will witness that nothing is impossible for the person who strives to find freedom and make everyone understand that there is still good in this world, the world that will destroy or strengthen you. Is there still hope to change his fate or will his life remain in exile or will he be imprisoned forever in the darkness? Will Van Grego reach the pinnacle of Martial Arts or will he die in the middle of his journey? Let's join Van Grego in discovering his true personality and his fight against a very dangerous situation to fight for what he knows is right.

jilib480 · ファンタジー
レビュー数が足りません
169 Chs

Chapter 42

"Hindi ko alam ang buong pangyayari pero may alam ako kung ano ang nangyari dahil may nakapagsabi sa akin. Gusto niyang lumakas ka, o kayo na mga bagong henerasyon ng United City Alliance. Alam mo rin na hindi pa tapos ang malaking digmaang sumiklab noong mga nakaraang siglo. Gusto lang niyang balaan kayo!" Sambit ni Van Grego sa kakaibang boses. Nalaman niya lamang ito kay Master Vulcarian pero wala pa siyang alam rito.

"Kailan? Sino ang kalaban namin?! Buhay pa sila? Parang sinasabi mo atang hindi kami nanalo mula sa digmaang iyon!" Malakas na sambit ni Biyu. Halos maluha-luha rin siya dahil may konti siyang alam sa nangyari noong nakaraang siglo.

"Oo, masasabi niyong nanalo kayo pero mayroong mga buhay pa at dumarami na sila at lumalakas. Ang labang ito ay hindi ko sakop, sinabi ko lang iyon upang balaan kayo!" Sambit ni Van Grego habang makikita ang lungkot at awa sa mata nito.

"Hindi maaari, hindi pa kami malakas. Alam mo ba kung kailan sila darating o lilitaw?!" Sambit ni Biyu habang makikita ang pinaghalong lungkot at galit.

"Hindi ko alam, wala akong pakialam sa magiging labanan niyo. Ang laban na ito ay sa inyo lamang. Ang Winter Ice Family, Ang Fire Lotus Family at ang pamilya niyo na walang iba kundi ang Air Sword Family." Sambit ni Van Grego.

"Alam namin ang mangyayari pero ang Winter Ice Family ay wala na kaming balita lalo pa't balita nami'y walang survivor sa kanila. Ang magkapatid na biniyayaan ng Mortal Ice Body at Mortal Water Body ay hindi namin nakikita noon pa man. Mayroon silang espesyal na abilidad na kagaya namin pero nangangamba akong patay o pinaslang na sila ayon sa impormasyong nakalap ng aming Air Sword Family." Malungkot na saad ni Biyu Narxuz. Sa palagay niya ay magkasing-edad sila ng mga ito at naging kaibigan niya ang mga ito kung buhay pa ang magkapatid.

"Uulitin ko, wala akong pakialam sa sinasabi mo. Buhay o patay man ay hindi ibig sabihin nito ay hindi kayo iisa-isahin ng inyong mga kalaban. Huwag kang mag-alala dahil hindi pa ngayon iyon." Sambit ni Van Grego na walang kaemo-emosyon. Ayaw niyang madamay sa pangyayaring ito at wala siyang dahilan upang makisali sa labanang ito.

Agad na pinawala ni Van Grego ang space barrier na nakaugnay sa kanilang dalawa. Binitawan ni Van Grego ang kaniyang numero at mabilis na bumaba ng stage.

Nilisan niya ang lugar na ito sa pasikretong paraan.

"No. 33 Wins!" Malakas na sambit ng announcer.

Hindi naman nakahalata ang lahat dahil pinabagal ng komti ni Van Grego ang oras sa loob ng Space Barrier. Mayroon siyang konting attainments sa Concept of time kaya di problema iyon.

Gulong-gulo naman ang isip ni Biyu Narxus hindi lamang sa bakit siya hinayaang manalo ng batang hindi niya kakilala lalong-lalo na sa sinabi nitong malawakang digmaan at tutugisin sila ng kanilang kalaban. Nakaramdam siya ng takot dito kaya mabilis din siyang umalis sa ibabaw ng entablado at nagpadala ng mensahe patungkol sa sinabi ni Van Grego. Naniniwala siyang hindi lamang ito biro dahil nalaman nito ang nangyari. Hindi rin siya naniniwala na isa itong sugo mula sa kalaban dahil likas na mahilig sa surpresa at dirty tricks ang mga ito kung kaya't nagpapasalamat siyang may nagbababala sa kanila. Gagawin ng kanilang Air Sword Family ang lahat upang lumakas pa sila lalo.

Dumaan ang umaga at kasalukuyang tanghaling tapat na. Dahil sa maraming masiklab na labanan ay nakalimutan ang presensya ni Van Grego na ngayon ay wala na rito.

Natapos na rin sa wakas ang Elimination Round. Marami ang nangangamba sa kanilang resulta at  naging performance sa labanan.

"Lahat ng mga mayroong dalawa o tatlong panalo ay binabati kong magiging outer disciple kayo ng Soaring Light Sect. Ang ibang hindi kwalipikado ay maaari ng umalis." Sambit ng announcer sa malakas na boses upang marinig ng lahat.

Marami ang mayroong malungkot ang ekspresyon dahil hindi sila natanggap sa Soaring Light Sect. Mayroon din sobrang tuwa dahil nakapasok sila at ang iab ay halos maglupasay pa sa galak.

Mahigit kumulang limangdaan lamang ang pumasa. Tama lamang ito dahil ang ibang martial artists na naglalaban-laban ay tie o patas ang resulta ng labanan kaya 0.5 lamang ang nakuha nila at natalo sila ng isang beses kaya ang resulta nila ay 1.5 lamang kaya hindi sila maaaring makapasok. Bawat Martial Sect ay mayroong standards na sinusunod lalo na sa pagrerecruit kaya masasabing disiplinado at istrikto sila sa magiging bagong disipulo nila.

Ang susunod na kompetisyon ay para maging personal disciple ng ating pinakamamahal na Sect Master na si Sect Master Soaring Light. Ang hindi sasali ay pwede ng ibigay sa akin o sa amin ang numero nila. Ang sasali naman ay magpalistang muli sa registration form gamit ang badge niyo para ma-confirm kung kwalipikado ba kayo at upang ihanay ang inyong magiging laban." Malakas na sambit ng announcer. Puno ng paalala ito kaya naman pinaringgan ito ng lahat.

Halos kalahati ang sumuko sa labanan lalo na ang may Cultivation Level na Diamond Rank pababa. Ang labanang ito ay para sa malalakas lamang hindi parehas kanina na medyo patas pa, ngayon ay wala na. Ang pinakamalakas sa kanila ang mapipiling personal diaciple. 293 na lamang ang maglalaban-laban para sa titulong Personal Disciple.

...

"Tama nga ang hinala ko na may kakaiba sa batang iyon ngunit ang hindi ko maintindihan ay bakit siya sumuko. Hindi lamang iyon dahil binitawan at nilaglag niya ang kaniyang numero. Isa itong indikasyon na hindi na siya magpapatuloy sa laban." Malungkot na saad ni Sect Master Soaring Light. Medyo disappointed siya sa naging resulta ng laban at pagsuko ni No. 877.

"Para sa batang mayroong mataas na attainments sa konsepto ng apoy at Konsepto ng Space ay masasabi kong magiging malakas na Martial Expert ito sa hinaharap. Pero mas pinili nitong sumuko? Nakakatawang isipin." Sambit ng lalaking nakakulay abong roba. Ngayon lamang ito nagsalita sa buong araw at oras na naririto sila. Siya si Sect Master Fallen Wind ng Fallen Space Sect. Medyo nasa late 40's na rin ito.

"Pinapamukha mo ba na hindi karapat-dapat ang Soaring Light Sect sa batang iyon at mas mabuting sa iyong Fallen Space Sect siya mapunta? Ganon ba?!" Malakas na saad ni Sect Master Calm Water.

"Wala akong sinabing ganyan. Ikaw ang nagsabi niyan Calm Water, ang akin lang is nagtataka ako kung bakit hindi siya nagpatuloy sa laban?!" Sambit ni Sect Master Fallen Space.

"Hmmm... Nagtataka rin ako sa pangyayaring ito lalo pa't napakatalentadong batang iyon. Kung hindi siya mapapalaki ng aking Soaring Light Sect ay isa iyong katatawanan para sa akin. Kung kailangan kong kunin ang loob ng batang iyon ay gagawin ko lalo pa't nakakapanghinayang kung hindi ko ito mapapaunlad sa sarili kong pamamaraan." Sambit ni Sect Master Soaring Light sa komplikadong ekspresyon sa mukha.

Nabigla rin ang lahat sa oangyayaring ito lalo pa't kilala si Sect Master Soaring Light sa pagiging kalmado at sa matalas nitong pag-iisip ngunit sa nakikita nila ngayon ay parang napakaimposibleng tingnan dahil ngayo'y parang problemadong-problemado ito.

"Tok! Tok! Tok!"

Isang tunog ng pinto ang biglang narinig nila na siyang nagpatigil sa kanilang mga iniisip at pinag-uusapan.

Iniluwa nito ang isang babae. Mayroon itong badge na Soaring Light Sect ang nakapangalan.

"Magandang tanghali po Sect MasterSoaring Light, ang pinapahanap niyo pong batang lalak sa amin na may numerong 877 ay wala na po sa lugar na ito. Nakuha rin nito ang kaniyang badge ng nakapangalan sa ating Soaring Light Sect. May dalawa po siyang panalo kaya isa na po siyang Outer Sect Disciple. Na-------!" Sambit ng babae na siyang isang Inner disciple. Naputol ang kaniyang sinabi nang biglang.

"PAHHH!"

Biglang nasira at naging abo ang upuang inuupuan ni Sect Master Soaring Light dulot ng hindi inaasahang bakita na kaniyang narinig. Makikitang gulong-gulo ang isip nito dahilan para mag-alala ang sampong katao rito na mga Sect Master rin.

Agad namang sinenyasan ni Sect Master Spirit Ice ang babaeng nag-ulat na umalis na agad naman nitong naintindihan at biglang sumaradong muli ang pintuan tandang umalis na rin ang taga-ulat.

"Kumalma ka Sect Master Soaring Light." Nag-aalalang sambit ni Sect Master Spirit Ice. Ngayon niya lang nakitang nagkaganito si Sect Master Soaring Light.

"Oo nga po Sect Master, Huwag po kayong padalos-dalos." Sambit ni Sect Master Sword Cutting. Mababakasan rin ng pag-aalala ang kaniyang mukha

Halos lahat ng naririto ay makikita ang pag-aalala.

"Sect Master, pag-isipan niyo po ito. Siguro ay layunin lamang ng batang iyon na sumali sa Soaring Light Sect mngunit hindi siya nagnanais na maging Personal disciple o Inner Disciple. Siguro ay isa itong batang wandering cultivator o rogue cultivator." Sambit ni Sect Master Weapon Strike habang iniisip nito ang mga bagay-bagay.

"Siguro tama kayo, mayroon kayong punto sa sinabi niyo lalo na at hindi ko pa kilala ang batang iyon. Rerespetuhin ko ang desisyon niya." Sambit ni Sect Master Soaring Light habang pinapakalma ang kaniyang sarili.

"Sige na, mayroon pang mahigit limang araw para sa aktibidad na ito. Masyado nating iniisip ang mga pangyayaring ito. Halina't manood ulit tayo!" Dagdag ni Sect Master Soaring Light habang medyo gumanda ang kaniyang temperament.

Agad namang gumaan ang atmospera sa apat na sulok ng malawak na silid na ito.

Agad namang napukos ang atensyon nila sa bagong kompetisyon na mangyayari lalo pa't mas maalab ito kumpara sa una. Labanan ito upang maging personal disciple ni Sect Master Soaring Light.

...

Sa isang lugar kung saan animo'y umuulan ng niyebe na kaygandang pagmasdan lalo na't nagsisilbi itong dekorasyon sa buong paligid. Sobrang lamig ng lugar na ito ngunit ang mga martial artists na naririto ay sanay na sa ganitong klima. Makikitang maraming mga martial artists ang nag-eensayo sa alinmang sulok ng lugar na ito. Mayroong mag-isang nag-eensayo ng kaniyang abilidad sa pagkontrol ng niyebe, mayroon ding gumagamit ng iba't-ibang sandata at gumagawa ng sariling style sa pakikipaglaban, may iba ring dalawahan ang naglalaban. Ang pangyayaring ito ay normal lamang lalo na't isa itong malaking Sect, ang Spirit Ice Sect.

Sa isang malawak at magarang silid ay mayroong nag-uusap. Tapos na silang magcultivate. Makikita ang isang babaeng sobrang puti ang balat, ang kaniyang buhok ay purong puti maging ang mata nito na animo'y pilak dahil sa kumikislap ito, ngunit ang totoo'y kulay puti ito. Kaharap nito ang isang lalaking slim ang pangangatawan at mayroong kulay berdeng buhok at berdemg mata. Mayroon din itong maputing balat.

"Kuya Bim, nag-aalala ako sa ating ginawang ito. Kahit na naghiwalay tayo ng landas ay hindi natin sinabi sa kanya ang totoong nangyari baka magalit si Kuya Van sa atin!" Sambit ni Breiya/Princess Ambreiya habang hindi nito mapigilang magtaas ng boses. Nag-aalala siya sa pangyayaring ito.

"So ano ang gagawin natin Ambreiya?! Gusto mo bang madamay dito ang kaibigan nating si Van Grego? Alam mong malaking gulo ang kinakaharap natin ngayon!" Sambit ni Prince Bim Alexandrion /Fatty Bim habang ang mata nitong kulay berde ay halos umilaw dahil maging siya ay problemado rin. Wala na ang matabang katawan nito.

"Pero sana kuya ay mayroon man lang tayong ginawa bago magkawalay. Alam mong hindi rin natin alam kung kailan tayo magkikita o mabubuhay pa ba tayo?!" Matigas na pagkakasabi ni Breiya.

"Kaya nga eh kaso lang ay wala na tayong panahon Breiya. Bilang kaibigan, minsan ay kailangan nating magsinungaling para sa ikabubuti natin, niya. Hindi yung isusumbat mo sakin ang lahat!" Sambit ni Bim Alexadrion habang hinawakan ang kanyang kulay berdeng buhok.

"Hindi kita sinusumbatan kuya, alam mo yan! Tama bang magsinungaling ka? Para ano? Alam mong walang kasiguraduhan ang ating buhay baka isang araw ay mamamatay na lamang tayo ngunit walang kamuwang-muwang ang ating kaibigan." Sambit ni Breiya habang wala sa sariling napaluha na lamang. Parang kuya niya na si Van Grego at masakit isipin na naglihim sila rito. Wala na nga silang masyadong naitulong rito at malalaman niya palang hindi pala sila naging totoo at tapat rito. Sino bang niloko nila? Sila at sila pa rin ang makokonsensya, isa ito sa matindi nilang kalaban.

"Breiya makinig ka akin. Walang magagawa kung magpupumilit ka? Tsaka hindi ko hahayaang mamatay ako o ikaw. Kung sakali mang malagay tayo sa panganib ay handa akong isakripisyo ang buhay ko. Alam mo yan. Masyadong mapanganib pero sa bawat panganib ay may daan kaya pilitin mong mabuhay kahit wala na ako sa tabi." Sambit ni Bim habang makikita ang ibayong lungkot ngunit pinilit niya ring ngumiti.

"Kuya Bim, huwag ka namang magsabi ng ganyan. Kakayanin natin 'to. Alam kong hindi man tayo naging mabuting kaibigan kay kuya Van dahil sa simula pa lamang ay nakaw lamang ang oras natin sa paglalakbay na ginawa natin. Siguro ay tama ka na huwag ko ng pilitin ang sarili ko. Ayokong mamamatay ka ng hindi mo ko kasama. Lalaban tayo hanggang kamatayan at pilitin nating huwag idamay si kuya Van dito!" Sambit ni Ambreiya habang umaagos ang luha nito at pinilit na ngumiti. Alam nilang nagkamali sila sa mga desisyon nila pero hindi nila pinagsisisihan na naging kaibigan at parang kapatid na ang turing nila kay Van Grego. Ayaw rin nila ito maaaring idamay anuman ang mangyari. Ito ang pinangako nila sa kanilang sarili.

"Tama ka Ambreiya, ang laban natin ay laban natin. Mamamatay tayo ng lumalaban. Siguro nga ay nagdala lamang tayo ng kamalasan sa ating kaibigang si Van." Tanging nasambit lamang ni Bim Alexandrion.

Marahil kung makikita ni Van Grego sina Breiya at si Fatty Bim ngayon na nasa kanilang totoong anyo ay hindi niys ito makikilala. Sobrang lakas ng enerhiyang inilalabas ng kanilang katawan na naglalaman ng kakaibang ancient auras. Wala na ang dating Fatty Bim na masayahin o yung sobrang takaw at ang batang babae na si Breiya na gusgusin. Ngunit ang hindi mawawala ay sila pa rin ito, ang dalawang kaibigan ni Van Grego na pilit inilalayo siya sa panganib o sa kanila dulot ng kanikang mga nakakalat at hindi pa tukoy na mga kalaban.

"Kuya Bim, naalala mo ba ang bigay ni Kuya Van sa atin? Ang dalawang kahon?! Ang isa ay sa akin at ang isa ay sa'yo.Sabi niya ay kailangan mong buksan iyon bago ka pa tumapak sa Martial Warrior Realm. Mas maaga mas mabuti." Sambit ni Breiya kay Kuya Bim niya habang sinabi pa nito ang linyang binitawan ni Van Grego.

"Ay Oo nga noh, muntik ko ng makalimutan ang bagay na iyon. Pero ikaw ba? Saan na ang saiyo?!" Sambit ni Bim habang mabilis nitong kinuha sa kaniyang Human Step Interspatial Ring.

"Siyempre nandito sakin. Tsaka hello, sabi ni Kuya Van eh pwede ko lamang buksan iyon kapag nasa Martial Knight Realm na ako. Yung totoo, nakikinig ka ba talaga kay Kuya Van noon o talagang kain ka lang ng kain?! Sambit ni Breiya habang sa huli ay may halong pang-aalaska ang ginawa niya.

"Ah...eh... Sarap kasi eh. Alam mo namang huling kain na natin yun sa kaniya, kung alam ko lang sana eh nagrequest pa sko ng maraming karne hehe... " Sambit ni Bjm habang nagkakamot ng kaniyang batok.

Nahuli siya dun ah, akala niya ay makakalusot siya.

"Ikaw talaga kuya, kapag tumaba ka talaga ewan ko nalang! Hmmm, para atang tinatakasan mo ata at iniiba ang topikong pinag-uusapan mo. Kala mo ha, buksan mo na ang maliit na kahon na iyan nang makita ko bilis!" Masayang sambit ni Breiya habang niyugyog niya pa ang kuya niya. Halatang excited na siyang malaman kung ano ang laman nito.

"Tsk, parang iyo 'to ha?! Bakit parang excited ka ata kaysa sakin?!" Pa-seryosong sambit ni Bim habang inilalayo ang sarili niya sa kapatid niyang si Breiya.

"Kuya naman eh! Buksan na 'yan! Buksan na yan! Buksan na yan! ...! Paulit-ulit na sambit ni Breiya habang napatakip naman so Bim ng kaniyang tainga.

"Arrrghhh! Nakakarindi na ang boses mo Ambreiya. Sige na nga para magtigil ka na sa mala-bombang bibig mo!" Sambit ni Fatty Bim na animo'y sumusuko sa kakulitan ng kaniyang kapatid. Ugali na ng kapatid niya ito kaya sanay na siya lalo pa't alam niyang talo pa rin siya sa huli.

"Yooohhhooo!" Sambit ni Ambreiya ng masaya ngunit agad siyang napatigil ng bigla siyang tingnan ng kanyang Kuya Bim ng masama.

Agad namang umaktong nag-zip sign si Breiya upang patahimikin ang sarili ngunit ang kuryusidad niyang isip ay mahahalata pa rin.

Maingat na tinanggal at sinira ni Bim/Fatty Bim ang mga maliliit na selyo gamit ang kanyang kaalaman sa unbind sealing water technique. Medyo natagalan siya ngunit ng matapos siya ay dahan-dahan nitong binuksan ang kahon. Pagbukas niya ay biglang nakita niya ang isang pambihirang bagay na animo'y buhay. Mayroong lumulutang na jadeslip at kinuha niya ito at dinurog. Maya-maya pa ay bumuhos ang lahat ng alaala na siyang unti-unti niyang pinapanood at binabasa. Ito ay alaalang nairecord ng Jade Slip na si Van Grego mismo ang taga-akto.