Xairah's POV
Di ko namamalayan na nakatulog na pala ako, alas dose ng hatinggabi na magising ako. Feeling ko gutom ako kaya dali dali akong pumunta sa kusina para kumain buti na lang meron pang natirang kaunting kanin at ulam na tira kanina.
Habang kumakain ay iniisip ko kung ano nga bang buhay meron meron sa Crimson. Umakyat ulit ako sa kwarto ko para kunin yung cellphone ko.
What was life in Crimson University?
Sorry, we cannot find anything related ....
Hayst ano ba yan? Ano bang meron sa internet at napakabulok naman mga information, minsan di naman related yung iba.
🔍 Crimson University
Crimson University is an exclusive school founded by Earl Villaverde. Founded way back 1955 with the help of its managers ang co- holders. Now, the descendants of Villaverde manage it.
Boring naman ng info, Wikipedia lang? Napaka exclusive nga naman. Nag search pa ako, kahit nasa Tagalog ay wala paring nalabas na info, as in wala kung meron man unrelated naman ang mga ito. Nag search na lang ako ng mga Crimsonites, yan yung tawag sa mga graduates ng Crimson, o di ba parang nasa periodic table of elements lang ang peg.
Marami rami rin ang graduates na nakita ko, halos lahat ay mga mayayaman o di kaya ay nasa ibang bansa. Mga nakasuot ng tuxedo suits, bigatin na sila.
Tinamad na ako kaya umakyat na lang ulit ako sa kwarto ko, nagbasa na lang ako ng mga articles about sa kukunin kong course sakali mang makapasa ako. Alas dos na, magbasa na nga lang ako ng Wattpad story di ko namamalayan na alas tres na pala kung kelan ako dinalaw ng antok kaya natulog na lang ako.
"Apo? Xairah!"
Ginigising na ako ni lola.
"Alas otso na, wala ka bang pasok sa trabaho mo ngayon?" tanong nito.
Nagtataka ako, dati ayaw nito na nagtatrabaho ako tapos ngayon tinatanong nya na ako.
"Lola? Kala ko ba ayaw mo ng nagtatrabaho ako, ano pong nakain nyo?"
"Ay, nasanay na kasi ako, ano ka ba apo? Hahahaha," sabi nito sabay tawa.
"Anyways, wala po akong pasok nag paalam na naman po ako sa manager at supervisor ko," wika ko.
"Ah ganun ba? So pwede mo na akong samahan mamili ng mga kailangan sa karinderya?" tanong nito sakin.
"Opo naman, tsaka wala naman po akong gagawin. Naghihintay na lang po ako ng results ng interview namin," tugon ko.
"Oh, sya sige. Nakahanda na ang agahan sa baba," saad ni Lola sabay halik sa noo ko.
"Sige po susunod ako, mag aayos lang po ako."
"Sige."
Bumaba na agad ako pagkatapos kong makapag ayos ng kwarto at ng katawan ko. Amoy na amoy ko agad ang pagkain, my favorite, sinangag with bacon, plus gatas.
"Uy, my fave!"
Nakangiti lang si Lola.
"Si Lola naman parang ayaw ako paalisin, pano pag nakapasa ako?" pahayag ko.
"Naku naman apo, e.... Gusto ko lang namang magpasalamat sayo kasi di ka nagpapasaway," sabi ni Lola.
"Naks naman, syempre naman la, ang laki laki ko na magpapasaway pa ba ako?" Biro ko.
"Ramihan mo ang kain, ha? Minsan ka na lang nyan makakakain," sabi pa nito.
"Grabi ka Lola, syempre mas the best pa rin ang luto mo, tsaka baka nga hanap hanapin ko, namin ni Dora yung mga luto mo. Basta promise bibisita kami dito kapag may time kami," ani ko.
Hay buhay.
"Si Lola naman, napapadrama tuloy ako, hahahah," biro ko.
Ramdam kong nalulungkot si Lola kaya I'm trying to cheer her up. Nag usap kami hanggang sa...
"Apo, matanong ko lang, bakit wala ka pang boyfriend? I mean ang ganda ganda mo, tapos maputi makinis, wala pang nanliligaw sayo," pagsisiyasat ni Lola.
"Naku Lola, marami po kaso X muna sila, alam mo naman po ang goals ko. Kaso may nangungulit sakin sa trabaho ko, gusto nya daw akong ligawan kaso nag back out kasi ang hirap ko nga daw pong makuha, hahah," salaysay ko.
"Hahaha, Ikaw naman kasi apo minsan kailangan mo ring magpahinga, pwede ka namang gumala, or makipagdate," sabi pa nito.
"Naku Lola, okay na sakin yung mga lalaki sa Wattpad kesa naman masaktan lang ako sa mga lalaki diyan, tsaka may asawa na po ako sa Wattpad kaya di ko na kailangan mga yan," dagdag ko pa.
"Anong asawa ka dyan? O di ba mas karengkeng ka kasi kahit fictional character in loved ka, naku apo di uso yan samin dati," turan ni Lola.
"Syempre naman Lola di pa naman uso ang mga live story books nung panahon nyo. Anyways basta Lola, kung darating man yung The One ko dapat mas mahihigitan nya pa yung mga character sa Wattpad," pambibiro ko.
"Ang taas naman ng standard nito," Saad ni Lola.
Naalala ko pa nung nasa junior high school pa ako, tinatanong ni Lola kung may boyfriend na ako kalimitan ko namang sagot ay wala, syempre wala naman talaga. Grabe ang focus ko sa studies ko kaya wala akong crush e, kaya ayaw nila sakin. Binu bully nga ako kasi 'Nerd' daw ako, pabida sa klase, papansin sa teacher, kaya wala akong time para lumandi landi kasi nilalayuan ako ng mga lalaki.
Parang nung elementary lang ako nagka crush e, kaklase ko sya since kinder hanggang grade 4, kaso nasa kalagitnaan na kami ng 2nd quarter ay nag transfer na sya sa ibang school. Di ko na sya nakita ever since kaya sa studies na pang ako nag focus.
Tsaka wala akong time sa mga ganun, di ko nga alam kung anong mga gagawin kapag halimbawang may ka date ako, alangan namang tahimik lang ako.
Basta ako kung di man ako makakahanap ng taong katulad ni Taehyung o kaya ni Cha Eun- woo ay wag na lang, hahhaha, joke.
"Apo, maliligo na ako, pwede mo na namang iwan yan diyan ako na bahala mamaya."
"Ay, ako na po ang bahala la, tsaka na lang po ako maliligo lapag naayos ko na tong mga hugasin," saad ko.
"O sige, ibalot mo na lang yung tirang pagkain, ibibigay natin yan dun sa mga asong gala at mga pusa sa daan," sabi pa nito bago tuluyang umalis.
"Okay," maikling tugon ko.