webnovel

Chapter 28

Saktong alas dose ng makarating kami ng Airport, nagmamasid at hinihintay ang kapatid ni Lucas na makarating ng Airport. Antok na antok na ako dahil wala akong tulog mula kahapon.

"Ang tagal naman nya, baka naman nag chopper pa?" Bulong ko sa sarili ko pero narinig naman nya ka agad.

"Sabi ko naman sa'yo matulog ka kanina, pero hindi ka nakinig." Suway nya sa akin at inirapan ako kaya tumaas ang kilay ko sa kanya.

"Hindi ako makakatulog ng may ingay dahil mabilis akong nagigising, kanina ko pa yon sinasabi sayo pero hindi mo naman yata naririnig kaka type mo sa laptop mo kanina.

Napabuntong-hininga sya bago tumabi sa akin at inilagay ang ulo ko sa balikat nya. "Umidlip kana muna, gigisingin kita kapag nakarating na sya."

Hindi naman na ako umangal at pinikit na agad ang mata ko para makatulog saglit. Biglaang humangin kaya ako nagising at saktong tinatapik na ni Hams ang pisngi ko.

Parang ilang segundo lang ako pumikit, ginigising na agad ako. Kung hindi lang ako kasali sa misyon na ito ay itutulog ko na lamang at hindi na sasama sa kanya. Tula ay kaya naman nyang I handle to.

"She's here." Bulong nya kaya sabay kaming tumayo at nakita ko na nga ang magandang babae na naglalakad palabas ng Airport. Dinig ko pa ang takong nya at napaka intidimating ng Aura.

"Tayo ang mag a-assist sa kanya kaya mamaya mo na sya titigan."

Umirap ako at sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung haggard na ba ako o ano. I tried to smile to Gail while walking to her direction. Ngumiti naman sya sa akin pabalik ng pagkatamis tamis.

"Thanks for waiting, I'm glad to see you two." She said while Hans was just nodded at kinuha ang maleta mula sa kanya.

"It's nice to meet you, Ms. Alseiti" Sambit ko at kinuha naman nya ang kamay ko bilang pagpapakilala.

"Nice to meet you too, Ms. Vinuera." Hindi ko pinahalata ang gulat ko sa sinabi nya at ngumiti na lang kasabay ng pagtigil ng mahabang sasakyan sa harap namin ay lumabas ang Driver mula sa loob.

Pinagbuksan sya nito ng pinto at agad naman syang pumasok doon. Tumungo na lang kami bilang pag galang bago kami pumasok ng sasakyan.

Nasa shot gun seat si Hans habang ako naman ay nasa likod kasama si Ms. Gail. It was so quiet inside the car and I think hans was so scared to talk but I saw his eyes in the mirror and looked at her from time to time.

Napakunot ang noo ko sa inaakto nya pero pinalagpas ko na lamang ng magsalita si Ms. Gail.

"It was so nice to came back here after a long years." Sambit nya habang nakatingin sa bintana ng kotse habang hawak ang kanyang pen at tinerace doon.

"Are you the older sister of Lucas?" Maang maangan na tanong ko para mabawasan ang tahimik habang nasa byahe kami.

Nakita ko ang gulat sa mata nya bago natawa sa tanong ko. Anong nakakatawa doon?

"Yes, of course. Sorry for laughing." Sambit nya bago huminga ng malalim at pinapakalma ang sarili. "I missed him so much, and everything when I'm in New York. I always pray and wished to keep my family safe."

Napatango na lang ako sa sinabi nya at napaisip ng malalim. Buti pa sya, nakakauwi kahit gaano ka busy sa kareer nya. Yung dalawang tao na mahalaga sakin ay halos hindi na umuwi nang ilang taon kaya hindi kami makumpleto lalo na kapag holiday.

Nakikita ko tuloy sa kanya ang Ate ko. Parang ako na yung unang nakakatanda sa amin kapag umuuwi ako ng bahay. Halos wala na rin balita si Ate Aaliyah lalo na si Daddy, pare-pareho kaming nangangapa at sa ibang kamag-anak na lang namin na nababalitaan kung kamusta na sila doon.

Mabilis kaming nakarating sa Mansion nila, halos ala una na nang madaling araw bago kami nakarating. Agad kaming bumaba ni Hans at pinagbuksan naman sya noong Driver kasabay nang pagbaba ng Maleta.

Nagulat pa ako nang naka abang ang mga katulong sa labas ng Mansion kasama ang mga katulong at... siya.

Nagtama ang paningin namin pero agad siyang umisas bago lumapit sa Ate nya at sya na ang nagbitbit ng gamit bago tumalikod. I bit my lower lip before I turned my head down bilang pag bigay ng galang sa kanila.

"Thanks for helping my baby, It's nice to meet you." Sambit ng babae nang makalapit sa aming dalawa ni Hans.

"Always welcome, Ma'am."

"You can call me Ms. Arlijah, katulong kamang ako dito sa Mansion nila." Ngiti nya sa amin.

"It's already late, bakit hindi kayo dito mag stay at bukas na umuwi sa tirahan ninyo?" Sabi ni Ms. Arlijah nang tignan ang orasan sa pulsuhan nya.

"Ah may sasakyan naman po kami, naiwan lang po sa Airport." Alanganin na ngumiti si Hans pero hindi pa nagsasalita si Ms. Arlijah ng lumabas si Lucas.

"Yaya, they can stay here for one night." Sabat nya kaya napatingin ako sa kanya. "We have five guest rooms in second floor. Choose wisely, if you want to stay or to sleep outside."

Narinig ko pa na sinaway sya ng Yaya nya dahil sa sinabi nito. Humigpit pa ang hawak ni Hans sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya nang nakakunot ang noo.

"Galit kana naman ba?" Bulong ko kahit nararamdaman ko na nakatingin si Lucas sa direksyon namin.

"I just don't feel comfortable, kapag nandito sya." Sambit nya habang nakatingin kay Lucas. Tinignan ko din tuloy at nakita kong nagtititigan silang dalawa habang si Lucas ay walang emosyon ang mukha.

"Wag ka nang makipagtalo, inaantok na ako.et your pride down, hindi ito ang tamang oras para maghamon ka ng away." Tinanggal ko na ang pagkakahawak nya sa balikat ko at nauna nang maglakad sa kanya.

Sumunod naman sya sa akin at sabay naming nilagpasan si Lucas na nakatayo lang doon. "Ayokong matulog sa kaaway, pero sige. Para sayo ay lulunukin ko na ang pride ko para lang makasiguro akong ligtas ka."

Hindi ko na sya pinansin at sinunod si Ms. Arlijah papasok sa malaking Mansion nila. Tinuro naman nya kung saan kami pwede makitulog. Doon ko lang nararamdaman ang hiya nang maka akyat kami ng second floor. Iba ang plano namin, pero hindi namin aakalain na dito kami makikitulog ng isang araw.

"Wag mo iparating to sa Boss natin kung hindi ay tayong malalagot, dalawa."

"It's not even my fault, masyado kang marupok." Muntikan ko na syang mabatukan sa pinagsasabi nya.

"Inaantok na talaga ako, wala pa yung kotse mo dahil iniwan mo doon. Lahat ng nakatira sa subdivision na ito ay mayayaman, wala kang makikitang taxi na dadaan dito." Inis na sabi ko at ngumit kay Ms. Arlijah ng lumingon sa amin hanang naglalakad sa hallway.

"Fine." Sambit nya nang tumigil kami sa tapat nang dalawang pinto.

"Pwede na kayong pumasok at bukas iyan. Matulog na kayo at kumpleto ang mga gamit sa loob. Hindi nyo na din kailangan bumaba para mag cr dahil meron na din nyan sa loob ng guest room."

Tumango na lamang kaming dalawa ni Hans bago magpasalamat. "Inaantok na ako." Humikab pa ako nang sabihin ko iyon sa kanya.

Natawa sya saglit bago ako lapitan at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "Good night, Chloe.'

"Nyt." Sambit ko sa kanya at pumasok na sa loob para matulog.