webnovel

Against All Odds (Short Story)

DarkLeague · 都市
レビュー数が足りません
8 Chs

Part 5

Please listen to the song Almost Lover by A Fine Frenzy. Para hugot na hugot talaga. 

- - - - - -

"Nang hihinayang man ako at aalis ka na pero, nirerespeto ko ang desisyon mo, Ms. Zamora." Malungkot na sabi ng boss ko.

"Ako man po, Sir, pero kailangan kop o talagang gawin 'to," sabi ko naman. "Salamat po ng marami sa ilang taong pagtanggap niyo sa akin." Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at naglahad ng kamay kay Boss.

"You're always welcome, Ms. Zamora. Kung ano man ang dahilan mo sa pag alis mo, ay alam kong mahalaga ito. Magtagumpay ka sana at mag iingat lagi," nakangiting wika niya. Napangiti nalang din ako.

Tagumpay. Sana nga ay maging matagumpay ang desisyon kong 'to. Ang pag alis.

Inihatid niya ako palabas ng kanyang opisina. Naging malaking bahagirin ng buhay ko ang building na ito. Maraming alaala din ang maiiwan ko dito. At isa na doon si Sue.

"Girl, bakit ka ba kasi aalis? Ayaw mo namang sabihin kasi, e! parang di naman tayo friends!" mangiyak ngiyak niyang sabi saka ako niyakap.

Napangiti naman ako at niyakap ko rin siya pabalik. "Pupunta akong ibang bansa, Sue. W-Wag kang mag alala, saglit lang 'yon—"

"KUNG GANON, BAKIT KAILANGAN MO PANG MAG-RESIGN? Bakit hindi ka nalang mag-leave kung gusto mo lang palang maglibot sa ibang bansa! Nakakainis ka naman e!" iyak niya na parang batang ayaw mawalay sa nanay.

Nangingilid na rin ang mga luha ko pero pinilit ko itong pigilan. "H-Hindi lang naman ako mamamasyal doon, Sue. M-May... May kailangan lang akong ayusin doon." Pilit kong pinatatatag ang boses ko kahit na nararamdaman kong parang may bukol sa lalamunan ko at nahihirapan na akong magsalita.

Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako sa mata. "Matatagalan ka ba doon? Kaya ba kinailangan mong mag-resign?" tanong niya habang humihikbi, tumango nalang ako bilang sagot. "B-Basta 'pag balik mo 'wag mong kalilimutan ang pasalubong ko, ah! Di kita papansinin 'pag wala 'yon!" pabirong sabi niya pero panay parin ang pagtulo ng mga luha niya.

Sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya ng mahigpit. Baka kasi ito na ang huling beses na magagawa ko 'to sa kanya.

"Mami-miss kita, Sue. Para na kitang kapatid," sabi ko bago ko, saka pinakawalan.

"Mami-miss din kita! Para na kitang ate!" aniya habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata. Magkasing edad lang kami pero para siyang batang kumilos, kaya para siyang bunsong kapatid sa akin.

"Ingat ka, Rica. Mami-miss ka namin," anang mga katrabaho ko. Ngumiti't tinanguan ko sila saka iginala ang aking paningin sa buong building. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang mga nakasama ko sa loob ng ilang panahon na itinuring ko na ring pamilya. Yumukod ako sa kanila bago binigkas ang aking pamamaalam.

"Salamat sa inyo. Mami-miss ko kayo." Nakangiti sila ngunit bakas ang kalungkutan sa kanilang mga mata. lumakad na ako patungong elevator at pinindot ang ground floor button. Bago sumara ang pinto ay kumaway ako sa kanila, kasabay ang pagtulong muli ng luha ko sa pagsara nito.

Ito ang araw na kinatatakutan ko. Ang araw ng pag alis ko at iiwan ang mga taong naging parte na ng buhay ko. Maaaring iiwan ko sila panadalian... at maaari ring permanente.

Mamayang gabi, tutungo akong Amerika para sa aking operasyon.

Oo, magpapaopera ako. Anima na buwan na ang nakakalipas, bago pa dumating sa bahay ko si Andrew, nadiagnose akong may Glioblastoma. Isa itong uri ng brain tumor na sa kasamaang palad ay dalikado at malignant. Ang mga nararamdaman kong pagkahilo, panlalabo ng paningin at pagsusuka, ay ilan lamang sa mga sintomas nito. Ayos sa doctor ay makakaranas din daw ako ng problema sa paglalakad ng tuwid dahil nawawalan ako ng balance, pagbabago sa pagsasalita, paningin at pandinig, problema sa pagmemorya at pamamanhid. Ang ilan dito ay naranasan ko na at siya ring dahilan ng pag iyak ko sa gabi.

Liban sa trabaho kong ito ay humanap ako ng part-time job para makaipon. Sabi ng doctor, kung hindi daw ako makakapagpa opera agad ay maaaring kumalat pa sa iba pang parte ng utak ko ang tumor ay maaaring magsanhi ng pamemeligro ng aking buhay. Ayon din sa kanya ay maselan ang operasyong isasagawa sa akin, maaari daw kasing may tamang parte ng utak ko habang tinatanggal ang tumor.

Pagbukas ng pinto ng elevator ay sumalubong sa akin ang iba ko pang mga kakilala. Lahat sila puro may lungkot sa mga mata habang nagpapaalam sa akin. May isang tao tuloy ang sumagi sa isipan ko.

Lumabas ako at naramdaman ang pag ihip ng hangin sa mukha ko. Manila air. Sana ay maramdaman kong muli ang mausok na hangin ng Maynila. Ang maingay at abalang kalsada na laging napupuno ng mga taong dumaraan. Nasilaw ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mata. Kinublihan ko ang aking mata ng aking kamay nguniy nang alisin ko ito ay malabo na ang aking nakikita. Magkagayon man ay lumakad pa rin ako kahit na malabo na ang lahat sa akin.

Ang araw ko. Ang pinaghuhugutan ko ng lakas. Si Andrew.

Isang luha ang kumawala sa aking mata nang maalala ko ang nakangiti niyang mukha. Makikita ko pa kaya ang mga ngitng 'yon? Mararamdaman ko pa kaya ang maiinit niyang palad? Maririnig ko pa kaya ang mga corny pero sweet niyang banat?

Gusto ko... gustong gusto kong maranasan ang mga 'yon. Pati na rin ang bumuo ng pamilya kasama siya.

Pero sana... sa pag alis kong 'to, matanggap niya pa arin ako kahit na hindi ko sinabi sa kanya ang plano ko... at ang sakit ko.

Kahapon ay nagpaalam siya sa akin na aalis siya at may aasikasuhin daw siya sa kanyang negosyo. Aniya'y hanggang bukas daw siyang mawawala. Bahagya akong nakahinga ng maluwag nang malaman ko 'yon. Di ko na kailangang umalis ng walang paalam sa kanya ng harapan. Kung uuwi man siya ay dadatnan niyang tahimik at walang tao sa bahay.

Dala ang mga gamit na kailangan ko ay lilisanin ko ang Pilipinas. Umaasang kung makaligtas ako sa operasyon ay mayroon pa akong babalikan. May Andrew pang sasalo sa akin sa oras na kumatok naman ako sa pinto ng bahay niya.

* Nang mawalang bahagya ang panlalabo ng aking paningin at ang kirot ng aking ulo ay muli kong pinagmasdan ang paligid. Pinakiramdaman ko ang aking paligid na tila tumigil at natahimik. Parang tumigil ang lahat at tanging ako lang ang gumagalaw.

Humakbang ako at naglakad patungo sa taxing naghihintay sa akin kanina pa.

"Manong, sa airport po," sabi ko dito na agad namang pinaandar ang sasakyan paalis sa kanina kong kinatatayuan.

"RICAAA!!!"

Paalam, Andrew. Hanggang sa muli nating pagkikita... sana.