webnovel

Chapter Eleven

Alethea Torres' POV

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Oo GUMISING! Dahil baka bungangaan nanaman ako ni Mr. Park. Nakangiti akong naligo at nagbihis. Pagkatapis non ay lumabas na ako ng kwarto para mag almusal.

"Oh? Alethea, ang aga mo atang nagising?" Tanong sa akin ni Snow na naghahanda na ng pagkain.

"Maaga naman talaga dapat ako gumigising dahil may pasok na." Pagdadahilan ko sa kanya.

"Oh sge, tatawagin ko na si Winter. Kumain ka na." Paalam nya at pumasok sa kwarto nila.

Kumuha naman ako ng isang tinapay at isang hot chocolate. Lumabas naman na ang kambal mula sa kwarto nila at sabay sabay kaming natapos.

Nauna akong pumasok kaysa sa dalawa. 9:30 pa daw kasi ang pasok nila. Buti nalang at hindi ko pa nakikita si Mr. Park. Pagpasok ko sa classroom namin ay wala pa masyadong tao, masyado pa sigurong maaga.

Naupo ako sa pinakadulong upuan kung saan ako naupo kahapon. Napangiti ako nang maalala ang sulat sa akin ni DO.

Mas lalo akong napangiti sa kadahilanang naalala ako ni DO.

------------------------♡

Park Chan Yeol's POV

Tinanghali na ako ng gising dahil sa nangyari kagabi. Halos kabuuan ng dark forest ay nasira dahil sa magic spell. Ang magic spell ay nanggagaling lang sa mga taong hindi nasasakupan ng solaris.

Hindi ito nasasakupan ng solaris.  Ang aming mundo ay nahahati sa iba't ibang lugar. Ito ay ang solaris, everton, white bridge at black burn. 

Black burn ang kinamumuhian nilang lugar sa lahat. Sinasabi nilang hindi mapagkaka tiwalaan ang mga tao rito, at karamihan sa mga nakatira dito ay masasamang loob. Narito rin ang prisonia na tinatawag kung saan ikunukulong ang mga taong kagaya namin; maaring lumabag sila sa batas, pumatay ng kapwa, o ginamit ang kapangyarihan sa walang laban.

White Bridge naman ang pinaka mayamang lugar dito sa aming mundo. Madalas na naninirahan dito ay mga matataas na uri; maaring ang councila na namumuno dito sa aming mundo, mga kilalang tao sa kanilang kapangyarihan at iba pa.

Everton naman ay ang lugar ng mga manggagamot. Isa itong paraiso kung tawagin. Para itong gubat na alagang alaga. Halos berde ang lahat ng halaman at kumikinang at asul na asul ang mga tubig na nagmumula sa mga lawa, ilog, at talon. 

Kasalukuyan pa akong nakahiga dito sa kwarto ko. Wala akong pake alam kung anong oras na akong bumangon, ang mahalaga sa akin nagpapahinga ako.

Alas dose na ng tanghali ng bumangon ako. Paglabas ko ng kwarto ay rinig na rinig ko na agad ang ingay ni Baekhyun.

"Waaaaaaaaaah! Xiumin hyung! Tulungaaan mo koo! Aaaaaaaah!" Sigaw nya habang nakikipaghabulan kay Chen.

Napahinti naman sya ng makita ako at saka tumakbo dito sa gawi ko.

"Yeeol! Tulungan mo koo!" Sigaw nya ulit at nagtago sa likod ko.

Umalis naman ako sa harap nya at binatukan sya.

"Aray!" Daing nya saka hinimas himas ang batok nya.

"Ang aga aga ang ingay mo! Nakakarindi ka." Sabi ko sa kanya saka dumiretso sa kusina kung saan nagluluto si Kai.

"Oy Mr. Park Chan Yeol, pinapaalala ko lang sayo na alas dose na ng tanghali! Kung makareklamo ka akala mo hindi pa umaangat ang araw. Tsk!" Sinabi nya yon habang naka halukipkip. Padabog syang naupo sa sofa at inihilig ang ulo nito.

"Naghain na ako ah? Pumunta na nga kayo dito at kumain na. Ang ingay nyo." Reklamo naman ni Suho ang leader namin.

Pumunta na kaming lahat sa lamesa at nagsimula ng kumain. Iba pa rin talaga pag si DO ang nag luto.

"Oy si Sehun ang maghuhugas ng pinagkainan ngayon ah?" Biglang sabi ni Baekhyun habang kumakain.

"O-Oy! Anong ako nanaman? Naghugas na ako kahapon ah? Ang daya mo naman!" Depensa naman ni Sehun.

"Si Kai dapat ang mahuhugas ngayon ah?" Sabat naman ni Chen.

"Oh? Bigla nyo naman akong isinali dyan. Ipinagluto ko na nga kayo, ako pa paghuhugasin nyo ng pinagkainan nyo?"

At dahil sa paghuhugas ng plato na yan ay natigil ang pagkain nila. Pati ako. Nagbabangayan sila ngayon at hindi naman ito mabawal ni Suho hyung.

"Ako na!?" Sigaw ko ng matigil na sila.

Inabot sila ng ilang minuto sa pagtuturuan kung sinong maghuhugas ng pinagkainan. Tuloy ay ala una na ako natapos. Nagbihis na ako at lumabas ng dorm namin.

Nakapamulsa akong naglakad sa classroom building at hindi na ako nagulat ng pinagtitinginan nanaman ako ng mga babae sa bawat classrooms na madadaanan ko.

"Omg! Mr. Park is so damn gorgeous!"

"Guuuys! Mr. Park is here!"

"Napaka gwapo nya talaga!"

"Oo nga! At tingnan mo yung muscles nya oh? Shiiiiiiit!"

Palihim naman akong napangisi. Hindi ko naman na itatago pa pero gaya nga ng sabi nila, gwapo ako. Tsk.

Patuloy lang akong naglakad palingon lingon sa mga class rooms na madadaanan ko at ngitian ang ilang mga babae. Syempre, mukhang naiiihi na sa kilig yung mga yon. Tingin ko palang nga ay nagwawala na sila, ngiti ko pa kaya? Tsk tsk. *smirk*

"M-Mr. Park!" Napalingon ako sa isang lalaking nagmamadaling makalapit sa akin. Halos madapa na ito sa pagmamadali.

"M-Mr. Park si-si s-si.." hingal na hingal sya at hindi nya masabi ang kailangan sa akin dahil sa kawalan ng hininga.

"S-Si Ale--Ms. Torres po-- may nangyari po kasi sa loob ng class room!"

Shit! I almost forgot about that girl! Ano nanaman kayang kabaliwan ang ginawa nya? Ke bago bago palang problema na agad ang dala. Damn!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa class room nila. Hindi ko na inantay pang magsalita ulit ang lalaki at iniwan sya ron. Shit. Shit. Shit. How can i forget her? Malalagot ako pag nalaman ito ni DO e! Agh!

---