Sa pagmamadali niyang makalayo kahit imposibleng matakasan niya ito sa ganitong ayos, hindi niya napansin ang napakataas na bangin sa unahan. Basta ang tanging gusto niya, matakasan ito at maisalba ang sariling buhay. Pero isang hakbang niya, naramdaman niyang nahulog siya.
Isang malakas na tili ang kumawala sa kaniyang lalamunan. Kung hindi pa nakahawak ang kaniyang isang kamay sa nakausling ugat ng puno, malamang durog at patay na bumagsak siya sa ibaba.
"Damn!" Isang kisap lang ng mata ay nasa harapan niya na ang lalaking kanina pa tinatakasan. Mabilis itong dumapa sa lupa at inabot ang kaniyang kamay. "Grab my hand woman!"
Umiling siya. Hindi niya pwedeng abutin ang kamay nito. Oras na abutin niya ang kamay ng lalaking nasa kaniyang harapan ngayon, wala ng saysay ang pagtakas niya. Muli, pumatak ang mga luhang nagpapatunay sa kaniyang kahinaan.
"Bullshit! Grab it now!" malakas na singhal nito.
Pumikit siya. Ayaw na ayaw niyang tanggapin ang tulong na binibigay nito pero ayaw naman niyang tuluyang mahulog sa bangin. Sa tantiya niya, lagpas 100 feet ang nasa ibaba plus mga creeping creatures pa. Sa pagdadalawang isip ni Ellah, hindi niya napansin ang dahan-dahang pagkaputol ng maliit na ugat na kung saan siya nakahawak.
"Ahhhh!!!"
"I got you!" Isang malakas na kamay ang humawak sa kaniyang pulsuhan. Saka biglang bumuhos ang malakas ulan matapos siyang maingat ni Cuhen ng walang kahirap-hirap.
"P-papatayin mo na ba ako?" nangangatal sa takot na tanong niya. Para siyang isang basang sisiw na iniwan ng inahing manok at nawawala.
Wala siyang nakuhang sagot mula sa lakaki. Walang kaemosyong pinangko siya ni Cuhen habang patuloy sa pagbagsak ang kaniyang mga luha. Hindi na rin siya tumutol ng pangkuin siya nito dahil wala na siyang lakas para umayaw. Nanginginig ang kaniyang buong katawan. Namamanhid at kumikirot din ang kaniyang mga sugat na natamo. Ang lalaking may balak siyang patayin ay heto at niligtas siya. Bakit pa siya tinulungan nitong iangat? Pwede naman siya nitong hayaan na mamatay na lang dahil ito naman talaga ang plano nito sa una pa lang.
She felt hopeless. Ang nag-iisang pag-asa niyang makatakas ay wala ng saysay. Mukhang kailangan niya ng tanggapin na ito ang buhay na naghihintay sa kaniya. Ang malakas na buhos ng ulan ay nagpadagdag ng bigat sa puso niya nang mga sandaling iyo.
Inaamin niya sa sariling si Cuhen Malcogn ay isang lalaking nagtataglay ng kakaibang karisma. Nag-uumapaw ang sex appeal at idagdag pa ang mga mata nitong tagos sa kaluluwa kung makatitig. Every woman desired to be his girl. Kahit may fiancèe na ito, maraming babae ang nabaliw pa rin sa lalaki. Kulang na lang maghubad ang mga ito sa harap ng binata pero nanatiling seryuso at tapat ito sa pakakasalang babae.
Ang lawak ng source niya sa binata. Kung ito ba naman ang laging laman ng mga babaeng employee ng kaniyang ama sa tuwing maririnig niyang magtsitsismisan ang mga ito. Dati, pinangarap niyang makita ito sa personal dahil hinahangaan niya ang taglay nitong talino at mahusay na pagpapatakbo sa negosyo na ngayo'y namamayagpag sa buong Asya. Pero ngayon, imbes paghanga ang nararamdaman niya... galit, takot at pagkasuklam ang kaniyang nararamdaman.
Dahil sa naramdamang pagod, hindi niya namalayang nakatulog siya sa bisig nito.
NAPASULYAP si Cuhen sa dalagang pangko-pangko niya. Napailing siya nang mapansing nakatulog ito. Pinasakit ng babaeng ito ang ulo niya sa kahahanap. Akala siguro nito ay matatakasan siya. Siya lang ang nakakaalam sa pasikot-sikot ng lugar, kaya halos mangalaiti siya sa galit nang maisahan siya nito.
Kung hindi pa siya bumalik ng bahay dahil nakalimutan niyang dalhin ang baril for in case of emergency, hindi niya pa nalaman na sa kanang bahagi tumakbo ang dalaga. Ilan sa mga tanim na bulaklak ng bakuran ay naapakan at may mga bakas pang paa sa malambot na lupa.Wala siyang sinayang na oras at agad na sinundan ito. Alam niyang sa mga sandaling iyon, hindi pa nakakalayo ang babae at kapag hindi niya ito maabutan, baka sa bangin ang deritsong bagsak nito.
Takip-silim nang dumating sila sa bahay at basang-basa. Mabuti na lang at memoryado niya ang pasikot-sikot sa kagubatang 'to. Marahan nilapag ni Cuhen si Vraiellah sa kawayang sofa. Mabilis siyang kumuha ng malinis na tuwalya para matuyo ang katawan nito at mapalitan niya agad ng malinis na damit. Kumuha na rin siya ng isang t-shirt at boxer niya. Hindi ito nagising nang simulan niyang hubarin ang damit na suot ng babae. Damn! Inis na pinukol niya ng masamang titig ang kesami at kinontrol ang sarili.
Kapagkuwa'y mabilis niyang isinuot sa dalaga ang damit na may pag-iingat at pagtitimpi sa sarili na hindi angkinin ito sa ganitong sitwasyon bilang kabayaran sa ginawa nito. Sinunod niyang gamutin ang mga galos nito at sugat sa paa. Kung gising pa ito, kanina na ito nakatikim ng galit niya
Agad siyang nagpalit ng damit at boxer short at kasunod no'n ay binuhat ulit ang walang malay na babae paakyat sa silid nito. Damn this woman for making him mad! Bukas na ang parusa nito at tiyak na hindi nito iyon magugustuhan ang gagawin niya.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan at minsan nga ay sinasabayan ito ng pagkulog at pagkidlat. Napailing siya at dahan-dahang nilapag ang katawan nito sa malambot na kama saka niya ini-on switch ang lampshade. Kumuha siya ng panibagong kumot sa cabinet at kinumutan ito. Tinungo rin niya ang bintana, kinuha do'n ang kumot na ginawang bitag ng dalaga sa kaniya at sinarado. Hindi niya talaga akalain gagawan siya nito ng kakaibang patibong at napaniwala naman siya. Ang akala niya ang tanging nagagawa nito ay umiyak lang sa tabi at makiusap.
Not gonna happen again, woman!
Mabilis niyang inihakbang ang paa patungo sa pintuan at walang emosyong lumabas. Basta nakakuyom lang ang kaniyang kamao at alak ang naging takbuhan niya ng sandaling iyon. He need to calm himself. Sa ngayon, wala pa siyang gagawin sa babae pero bukas, magsisimula ang parusang nararapat dito. Titiyakin niyang masasaktan ng sobra ang pinakamamahal nitong ama na nagtatago sa balat ng karnero. Nangangati na siyang patayin ang matanda pero huwag sa ngayon, ipapalasap muna niya ang sakit na dinulot nito sa buhay niya.
Lumipas ang ilang sandali, bumalik siya sa silid ng babae at sinilip ito kung buhay at humihinga pa. Nagtagumis ang kaniyang bagang nang makitang umiiyak ito at nangangatog. Pinagwalang bahala niya ang bagay na iyon at akmang isasara ulit ang pintuan, para lang mapahugot siya ng malalim na buntunghinga. Pinagmamasdan niya ang patuloy na pag-iyak nito, wala siyang nagawa kundi ang lapitan ang babae at damhin ang noo.
Napapasong inilayo niya ang kamay sa sobrang init ng dalaga. Nanginginig ito at hindi kakasya ang kumot na binigay niya. Para itong babasaging bagay na ilang sandali lang, mababasag na. Napamura siya at mabilis na tumayo.
Kuyom ang mga kamao nang magtungo siya sa kaniyang silid at kumuha ng gamot. Nag-init na rin siya ng tubig sa heater at binuhos niya ito sa maliit na plangganita at kumuha ng bimpo. Bullshit! Kahapon, isa siyang kidnapper at ngayon, naging tagapag-alaga na nang may sakit? Damn hell! Hindi ito ang plano niya!
Bitbit ang gamot, isang basong tubig at plangganita, pumasok na siya sa silid ng babae. Ginising niya ito para painumin ng gamot pero nanatiling nakapikit ito at umiiyak. Napailing siya at walang magawa kundi ang lagyan na lamang ng maligamgam na bimpo ang noo ng dalaga.
Tumayo rin siya at kumuha ulit ng panibagong kumot sa cabinet at dinagdagan ang kumot na nakapatong sa katawan ng babae. Medyo nakatulong ang kaniyang ginawa dahil tumigil ito sa panginginig at hindi na ito umiiyak.
"Hey woman!" Tinapik niya ang pinsgi. "Uminom ka ng gamot," pero nanatiling nakapikit ito.
He cursed under his breath. Parang gusto niyang sapilitan itong painumin para makapagpahinga na siya. Malapit ng maghahating gabi at gusto na niyang humiga sa kama. Ang ulan sa labas ay tumila na ngayon at napalitan na lamang ito ng mga tunog ng kulisap.
"D-dad..."
Napakuyom ang kaniyang kamao. That's it! Punong puno na siya sa kaingayan nito kaya sapilitan niya itong niyugyug. Napaismid siya nang dahan-dahang nagmulat ito ng mata. Mapupungay ang mga iyon at pulang-pula dahil siguro sa pag-iyak at sa taas ng lagnat.
"Drink." utos niya nang iabot ang gamot sa bibig nito at kasunod no'n ay ang basong tubig.
Muling pumatak ang luha sa mata nito at kahit lampshade lang ang nagbibigay ng liwanag sa naturang silid, alam niya ang takot na nakasalamin sa mata ng dalaga.
"Come on, drink!" mababa lang kaniyang pasensya kaya mabilis nag-re-react ang volcanic temper niya.
Walang ingay naman na sinunod siya ng dalaga. Nanginginig ang kamay nito nang abutin ang gamot at dahan dahang nilagok ang tubig. Agad siyang tumayo at tinalikuran ito. Magpapahinga na siya sa kabilang silid tutal napainum niya na ito ng gamot.