webnovel

Chapter 3- Run Away

Nagmulat ng mata si Ellah. Ang haba ng tinulog niya dahil nung dumako ang paningin niya sa labas, bandang hapon na at ilang oras lang ay magtatakip-silim. Agad niyang tiningnan ang kasuotan, napahinga siya ng maluwag nang makitang may damit pa siyang nakasuot sa katawan. Bigla siyang napahawak sa tiyan ng kumalam iyon. Gutom na gutom na siya at parang pinagtaksilan naman siya ng panahon dahil mula sa silid na kinaroroonan niya, amoy na amoy niya ang masarap na lutong pagkain. Mas lalong naghuhuremintado ang tiyan niya sa gutom.

Mayamaya, biglang bumukas ang pintuan at niluwa ro'n ang lalaking ilang ulit niyang sinumpa sa isip hanggang sa makatulog siya kanina. May dala na naman itong panibagong tray na may laman na pagkain at nakakatakam ang amoy.

"Eat," mungkahi nito.

Ang boses nito...parang ang sarap sa pakiramdam pakinggan pero agad niyang pinaalis ang isiping iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa nga siya tumitingin sa mukha nito simula kaninang umaga.

"I w-wont! What if, nilagyan mo 'yan ng lason na ikakamatay ko agad?" Nagsimula na naman siyang sumiksik sa kama pero ang totoo, gustong-gusto niya ng lantakan ang pagkain kanina pa.

"'Wag kang mag-alala sweetheart, hindi naman kita agad papatayin. Ipapadama ko muna sa gago mong ama kung paano mawalan ng isang importanteng bahagi ng buhay."

Nahigit niya ang hininga sa sinabi nito. Hindi ito kailanman mananalo sa kaniya. Gagawin niya lahat para makatakas sa impyernong lugar na ito! Bahala na ang Diyos sa gagawin niya kung saka-sakali. God! Litung-lito na siya kung ano ang gagawin. Tila nababagot naman ang lalaki sa ginawa niyang pagtitig. Napapantastikuhan itong umupo sa gilid ng kaniyang kama at nilagay do'n ang tray.

Ilang beses niya na itong napanood sa TV, sa internet at sa social media sa pagiging mayaman nito. Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay walang iba kundi ang bilyonaryong Cuhen Malcogn. Minsan nang nakipag-business deal ang kaniyang ama rito dahil muntikan bumagsak ang kanilang kompanya dahil sa ilang sunod-sunod na problema pero tumanggi ito at bagkus ay nag-offer ito na bilhin ang kompaniya. Matagal itong ipinundar ng kaniyang ama at ina at kahit hindi iyon kasingyaman ng binata, hindi ito ibinenta ng Don at sa tulong ni Kleve Vegan, muling bumangon ng dahan-dahan ang kanilang negosyo.

Cuhen is far well known for being a business tycon at pagigiging agila nito pagdating sa negosyo. He smashed those opposed him, tramped those betrayed him at lahat ng gusto ay nakakaya nitong kunin, he has no mercy when dealing in business world kung kaya ganito ito kayaman ngayon. As far as she know, binalita ang pagkamatay ng ina nito at ang fiancèe nitong Doctor nung mga nakaraang linggo.

Ngayon, luminaw sa isip niya ang nangyayari sa kaniyang paligid. Pinagsusupitsuhan nitong pinatay ng kaniyang ama ang mapapangasawa nito at ina kaya siya kinidnap at binaboy! Umalpas ang galit sa puso niya at ang kaninang takot na naramdam ay biglang nawala. Bigla siyang lumundag sa kama at malakas na sampal ang pinakawalan sa pisngi nito. Napakawalang hiya nito!

"Isa kang malaking gago, Mr. Malcogn! You think my father killed them!? Malinaw na malinaw na walang kasalanan ang ama ko rito! Isa kang baliw! Mamatay ka na!"

Hindi naman natinag ang lalaki sa sampal na binigay niya pero ngayon lang napansin ni Ellah na dumilim ang anyo nito at ngayon siya nakaramdam ulit ng takot. Bigla siyang napaurong at bumalik sa pwesto niya kanina. Nakalimutan niyang ipaalala sa sarili na ang lalaking kaharap ay isang short tempered guy at kinakatakutan ng lahat. Pwedeng-pwede siyang patayin nito ngayon din at mas lalong nagdagdag iyon ng takot sa kaniyang buong pagkatao.

"Good thing at kilala mo na ako. Now, eat!"

Napasigaw siya sa lakas ng boses nito. Halos tumalon siya sa subrang takot. Umiling siya ng dalawang beses. "Ayuko!"

At ang sumunod na ginawa nito ay ikinagulat niya. Basag at durog na tumilapon sa kung saan ang tray dahil hinagis iyon ng lalaki. Madilim ang anyo nito at nangangalaiti sa galit. Nagsimula na naman bumukal ang mga luha niya kahit ayaw niyang gawin iyon ay kusang pumapatak ang mga ito.

"Damn you, woman!" Naglaho ito sa kaniyang harapan.

Kung hindi siguro matibay ang pagkakagawa nung pintuan, matagal na siguro itong bumigay dahil sa tuwing lumalabas ito ay malakas nitong sinasara ang pinto. Pero kahit anong pilit niya sa kaniyang utak, wala talaga siyang maisip na unang hakbang kung paano niya ito matatakasan. Kasabay pa ang kumukulo niyang tiyan na kanina pa naghahanap ng pagkain. Nanghihinayang siya sa natapong pagkain pero naging maingat lang siya. Ayaw niya pa mamamatay na bumubula ang bibig at itapon na lang sa kagubatan sa labas.

Bumaling ang tingin niya sa labas ng bintana. Matagal siyang napatitig do'n nang biglang may pumasok na idea sa kaniyang utak. Nabaling ang tingin niya sa kumot at sa dalawang kurtina na nakasabit. Tama! Ito ang gagamitin niya para makawala sa demonyong iyon habang may oras pa siya at may natitira pa siyang lakas sa katawan. Mas gugustuhin niyang maligaw sa kagubatan kesa hayaang patayin ng lalaking iyon ang buhay niya. Panigurado naman na may daan papalabas sa gubat na ito at iyon ang nagbigay sa kaniya ng pag-asa.

Dali-dali niyang kinuha ang kurtina at kumot saka binuhol ang bawat dulo no'n. Matapos masigurong matibay ang pagkakabuhol, dali-dali niyang tinungo ang bintana at binuhol ulit ang dulo nito sa haliging kahoy na siyang naghahati sa bintanang kaniyang kinaroroonan. Hindi na tiningnan ni Ellah kung umabot ba ito sa ibaba dahil may ibang planong pumasok sa kaniyang utak. Wala na siyang oras at isa lang ang tumatakbo sa kaniyang isip ngayon, ang makatakas.

Mabilis siyang nagtungo sa likuran ng pintuan na walang ingay nang maramdaman niya ang yabag ng lalaki papunta sa silid na kaniyang kinaroroonan ngayon. Abut-abot ang kaniyang kaba at pawis. Halos kagatin niya ang kaniyang labi 'wag lang siyang mapasinghap at baka marinig siya nito. Gusto niya pa mabuhay! Kahit ang kaniyang hininga ay pinigilan niya nang bumukas ang pintuan. Napangisi siya nang marinig niyang napamura ang binata at mabilis na tinakbo nito ang bintana.

"Fuck!" Narinig niyang tinungo nito ang pintuan at mabilis na tumakbo papalabas.

Gusto naman niyang palakpakan ang sarili sa napakagandang planong nagawa pero bago siya magdiwang, mabilis niyang tinungo ang bintana at sumilip do'n. Mula sa kaniyang pwesto, nakita niya ang lalaki na papasok sa kagubatan sa kaliwang bahagi kung saan hindi dinaluyan ng tubig.

Ito na 'yong pagkakataon niyang makatakas. Wala siyang sinayang na segundo at agad na lumabas ng silid. Laking tuwa ni Ellah dahil hindi naka-lock ang pintuan sa may sala at nakabukas lang iyon. Hindi na siya nag-iisip at biglang tinakbo ang kanang bahagi ng kagubatan. Bahala na! Takbo at lakad ang ginawa niya nang mga sandaling iyon.

Kahit nakapaa lamang siya ay tila sumabay naman sa pagiging manhid ang kaniyang paa at katawan kaya hindi niya ramdam ang sakit ng mga tuyong sanga na naaapakan. Nagkasabit-sabit siya sa mga nakausling ugat at nagkadapa-dapa. Kaya hindi niya mabilang ang mga galos at sugat sa tuhod, binti at ng kaniyang braso pero hindi niya ininda ang mga iyon. Ang importante, ang makawala siya.

God!

Gusto niyang maiyak sa naramdamang pagod. Hindi siya sanay sa mahabang takbuhan pero kailangan na kailangan niyang makaalis sa lugar na ito, kung saan lupalop ng mundo man siya dinala ng baliw na Cuhen Malcogn.

No!

Kung minamalas nga naman, malapit ng magdidilim ang kalangitan. Takot pa naman siya sa dilim kapag nag-iisa. Inilibot niya ang paningin, pakiramdam niya nawawala na siya at hindi niya alam kung saan siya tutungo. Puro matataas at matatayog na punongkahoy lang ang kaniyang nakikita. Isabay pa ang mga nagtataasang talahib sa bawat nadaanan niya kaniya at nakakangilong huni ng mga ibon at kulisap sa paligid. She hates it! Pero mas mabuti ng ganito kesa patayin ng lalaki.

"Aray!" napadaing siya ng matusok ng matulis na bato ang paa niya. Namumula ang mata niya sa pagpipigil na hindi maiyak lalo na't kitang-kita niya ang pagdaloy ng dugo.

Kung minalas nga naman siya ng sobra-sobra! Napapikit siya sandali at tiniis ang sakit. Kung magpapadala siya sa sakit, walang mangyayaring maganda sa kaniya kaya kailangan niyang tatagan ang sarili sa mga sandaling ito. Pero ilang sandali lang, napakislot siya nang mula sa malayo ay natanaw niya ang malaking itim na baboy-ramo. Mukhang gutom na gutom ito dahil nang makita siya, bigla itong napahinto sa ginagawang pagtutulak sa lupa at deritsong tumingin sa kaniya.

Ayaw niyang maging hapunan sa isang baboy-ramo kaya mabilis niyang hinakbang ang paa kahit masakit iyon. Pero sa ginawa niya, parang binigyan niya ang hayop ng isang rason para sundan siya. Sandali siyang huminto at binato ito para umalis.

"Umalis ka!"

Takot ang rumehistro sa kaniyang mukha nang makitang susugurin siya ng baboy-ramo imbes na tumakbo ito papalayo. Kahit masakit ang kaniyang paa ay nagawa niyang tumakbo. Napatili siya nang marinig ang alingawngaw ng baril sa kapiligiran. Awtomatikong paglingon niya, patay na bumagsak ang hayop sa kaniyang harapan.

"Vraiellah!"

Mabilis siyang napalingon sa tumawag ng kaniyang pangalan. Halos hindi siya makagalaw nang makita si Cuhen Malcogn, nakatayo sa may kalayuan at may hawak na baril sa isang kamay habang madilim ang anyo.

Mabilis na gumapang ang takot sa katawan niya at nanginginig ang kaniyang mga tuhod sa kaba. Hindi! Paano siya naabutan nito?! Papatayin na ba siya? Gusto niyang umiyak. Natakasan niya na ito pero bakit pati kagubatan ay tinatraydor siya? But no, Hindi niya hahayaan hawakan siya nito o kaya ikulong ulit sa silid na iyon para patayin lang. Kung papatayin man siya, mas mabuting mamatay siyang tumatakbo papalayo at 'yon ang kaniyang ginawa.

"Stop running, you damn woman!" tila kulog ang boses nito at mas lalo itong nagbigay takot sa buo niyang pagkatao.