NANG makapasok si Fabielle sa silid na inookupa ay para bang tinatawag na siya ng kamang naroon. Pakiramdam niya ay nangayayat sa apat na oras na ginugol nila sa pagki-caving. Bahagya ring namimintig ang mga binti niya dahil sa dami ng nilakad, inakyat at binaba niya.
Hindi naman niya pinagsisisihang ginawa niya ang activity na iyon. It was a whole new experience for her but it was also an experience that she would never be doing again. It was an achievement. Period.
Natutukso na siyang sumampa na sa kama kung hindi nga lamang ramdam niya ang putik na kumapit sa katawan at damit niya. At kahit anong pagod pa ang nararamdaman niya ay duda siyang makakatulog siya nang ganoon ang itsura niya.
Gustuhin man din niyang maligo na ay hindi naman niya magawa nang agad agad. Paano kasi ay dadalawa lamang ang banyo sa inn na iyon. Isang panlalaki at isang pambabae. At masyado nang mababa ang enerhiya niya sa katawan para makipag-unahan pa sa mga kasama niya roon kaya hinayaan na lamang niyang mauna ang mga ito.
Ilang sandali pa ay napagpasyahan na lamang niyang sumalampak sa sahig ng silid niya at isinandal ang nahahapong likod sa dingding kahit pa mukha na siyang kawawa roon. It was her room anyway. Walang pag-aalinlangang ipinikit niya ang mga mata. Matatagalan pa naman sigurong matapos ang mga kasama niya sa paggamit ng banyo kaya ipapahinga muna niya ang sarili.
"Hay Fabielle, ano ba itong napasok mo?" sabi niya kasunod ng pagbuntong-hininga.
"Having regrets?" Awtomatikong bumukas ang mga mata niya. Nang ibaling niya ang tingin sa pinanggalingan ng pamilyar na tinig ay napanganga pa siya sa bumungad sa paningin niya. "Hi."
"H-hi." Ang tanging nasabi niya. Namamalikmata ba siya dahil sa pagod o talagang nasa kuwarto niya si Josh at nakangiti na naman sa kanya?
"Mind if I join you? Matatagalan pa kasi yata ang paghihintay kong mabakante ang banyo." Nakangiting sabi nito.
"Y-yeah, sure." Ang tanging nasabi niya. Agad naman itong umupo sa tabi niya at gaya niya ang isinandal ang likod sa dingding bago muli siyang hinarap.
"Thanks." Ang tanging sinabi nito ngunit parang biglang lumundag ang puso niya. Bahagya tuloy siyang nailang at ibinaling na lamang ang tingin sa harapan niya. Saglit na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Unti-unti na rin siyang nagiging komportable nang muli itong magsalita.
"Bakit ka pumunta rito, Fabielle." Walang anu-ano'y tanong nito.
Kunot ang noo namang binalingan niya ito para siguraduhing tama ang dinig niya rito. Nakatingin din ito sa kanya na para bang hinihintay ang sagot niya.
"T-the last time I checked, kwarto ko naman ito..." ang nalilitong sagot na lamang niya.
"I didn't mean here." naiiling ngunit nakangiti pa ring sabi nito. "I mean here at Sagada. At nang nag-iisa."
"D-dito?" alanganing tanong niya na sinagot lamang nito ng isang tango. Saglit niya itong pinakatitigan habang binabalikan sa isipan ang dahilan ng pagbabakasyon niya sa lugar na iyon.
What was it again?
Right! The reasons were Jason and her writing problems these past few days. Hindi naman siya nahirapang balikan iyon sa isipan. But it was weird. Dahil wala pang isang linggo nang iwan niya ang mga alalahaning iyon. Pero pakiramdam niya ay napakababaw niyon para ibahagi pa niya sa ibang tao. Lalo na sa gwapong lalaking ito.
"Sorry for asking. Hindi mo naman kailangang sagutin kung---"
"Hindi, okay lang." mabilis na putol niya sa sinasabi nito. Iyon ang unang pagkakakataon na makakapag-usap sila nito ng matagal. Oo nga at kinakausap siya nito ngunit iilang beses lamang iyon at sa maiiikling pagkakataon lamang. And if it would mean he would talk to her a lot longer and with topics that has more sense then why the hell not. Kesehodang tungkol iyon sa tinamaan ng magaling na ex-boyfriend niya. "Ang ex-boyfriend ko lang naman ang dahilan. At pati pala ang problema ko sa pagsusulat ng nobela nitong nakaraan." dugtong pa niya. Ayaw naman niyang isipin nito na ang walanghiyang ex lamang niya sa maynila ang dahilan ng paglalagalag niya. It sounded pathetic even to her ears. Dinaig pa niya iyong mga bida sa mga romantic movies na napapanood niya.
"That guy cheated on you." that was a statement, not a question. Ngunit hindi na siya nagtaka pa. It was pretty obvious. Or maybe she was just a bit transparent.
"Ahuh." tatangu-tango na lamang na sagot niya. "Caught in the act actually. Sa opisina niya habang gumagawa ng milagro katulong ng magaling na secretary niya."
Maging siya ay nagulat sa sarili dahil nagawa niyang sabihin iyon ng diretso nang hindi naiiyak o nakakaramdam ng matinding galit. Hindi niya alam na ganoon pala ang magiging epekto ng Sagada sa kanya hindi pa man sila nagtatagal sa lugar na iyon. It felt like she really left her worries and anger tlat Manila and now she was kind of a free person in Sagada. Oo nga at naaalala niya pa rin ang mga nangyayari, ngunit hindi na kapareho ng nararamdaman niya noon ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon habang inaalala ang kalokohan ng ex niya. Na parang bang nakaraan na lang iyon lahat. Period.
Taray! Mai-promote nga minsan ang Sagada sa mga sinusulat ko. Para makatulong sa mga broken-hearted na readers ko.
"What a douche bag. You should probably assassinate the brute. I could help you, you know." kibit-balikat na sabi nito. Napakurap lamang siya sa lalaki. "O kung gusto mong ikaw na ang gumawa, then go ahead. Ako na ang bahala sa pampiyansa mo at sa abogado. Mayaman ako eh."
"Eh?" di makapaniwalang tanong niya. Nagulat pa siya nang bigla na lamang itong tumawa.
"I was joking." wika nito sa pagitan ng pagtawa.
"I.." tumikhim siya saka bahagyang umirap upang itago ang kahihiyan sa ginawang pagpatol sa sinabi nito. "O-of course, I know that."
Sa halip na sumagot ay muli itong tumawa. Hindi naman siya nagrereklamo dahil nakakagaan sa loob niyang marinig ang pagtawa nito. Except maybe for the fact that he was laughing at her.
"Stop it!" nahihiya nang sabi niya. "Malay ko ba kung may lahi ka palang kriminal." palusot na lamang niya kahit hindi siya nagdududa sa pagkatao nito. Mas mukha pa nga itong mabait sa kanya.
"Good point." Tatangu-tangong sabi nito kahit nakangiti pa rin. Kahit mukhang nahimasmasan na ito sa pagtawa ay hindi pa rin nakaligtas sa mga mata niya ang pagsasayaw ng mga mata nito tanda ng lihim pa rin nitong pagtawa sa kanya.
Nakakahiya! Tili ng isip niya.
"But I would really like to beat him up" mabilis na muli niyang nilingon ito. He was not laughing anymore, the amusement in his eyes gone. "For hurting a beautiful girl like you..."
Muling lumakas ang tibok ng puso niya sa sinabi nito. Did he just complimented her? Gusto na niyang kiligin ngunit pinigil niya ang sarili. Tumikhim siya.
"T-tigilan mo nga ako! Kita mong mukha na akong gusgusin rito, pinag-ti-trip-an mo pa 'ko." Pairap na sabi niya maya-maya.
"Hindi kita pinagti-trip-an. You are beautiful. At hindi ako naniniwalang wala pang nakapagsabi n'on sa'yo." Sagot nito.
Hindi siya agad na nakasagot. Sa halip ay ibinalik niya ang tingin dito para lamang salubungin din ng mga tingin nito. Hindi na ito nakangiti bagaman hindi rin naman mukhang galit. He just looked, well.. sincere.
"S-stop it! Baka maniwala ako. Sige ka---" tinangka niyang idaan sa biro ang kakaibang tensiyon na ngayon sa paligid ngunit hindi siya nagtagumpay dahil hindi pa man niya natatapos ang sasabihin ay walang paalam nang umangat ang kamay nito. Unang lumapat iyon sa kanyang noo at marahang pinalis ang animo ay dumi roon. "A-anong ginagawa mo?" nagawa niyang itanong kahit pa nabibingi na yata siya sa malakas na tibok ng puso niya.
"Dirt doesn't make you ugly, I assure you." Sa halip ay sagot nito bagaman hindi pa rin tinanggal ang kamay sa mukha niya. Sumunod nitong hinimas gilid ng mga mata niya, pababa sa mga pisngi niya. Tila ba nililinis nito ang mukha niya gamit ang sarili lamang nitong kamay.
Napakurap-kurap siya. Dapat ay pinipigilan niya ito sa ginagawa. They were not yet that close. Ngunit bakit hindi niya magawang palisin ang mga daliri nitong banayad na dumadampi sa pisngi niya.
"A-ako na, Josh---" tinangka niyang pigilan ito ngunit bago pa niya mahawakan ang kamay nito ay dumampi na iyon sa gilid ng mga labi niya dahilan upang matigilan siya. Nang dumako ang tingin niya sa mga mata nito ay napalunok siya nang makumpirmang sa mga labi na niya ito nakatingin. "J-josh..."
"You have a beautiful pair of lips, don't you know that?" mababa ang tinig na sabi nito.
Hindi sinasadyang napakibot ang mga labi niya. What the hell? It was just his plain words. Ngunit bakit apektado na agad ang ikinikilos maging ng sariling mga labi niya. Sa takot na muling mag-react ang mga labi niya ay kinagat na lamang niya ang pang-ibabang labi.
Nagulat siya nang bigla itong bumuntong-hininga at saglit na napapikit.
"W-what?" hindi napigilang tanong niya. Pakiramdam kasi niya ay may nagawa siyang mali. Did she just spoiled the moment?
Wait, what moment? Don't tell me, nagpapantasya ka din Fabielle?!
Nang muling itong magmulat ng mga mata ay nakita niya ang intensidad sa mga iyon. Maya maya pa ay sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Pero kung noon ang mga ngiti nito ay naglalarawan ng kabaitan nito, ngayon ay hindi niya maipaliwanag ngunit may iba sa ngiti nito ngayon.
"What are you doing to me, really?" Maya maya ay tanong nito habang nakangiti pa rin.
"H-ha?" naguguluhang tanong niya.
Hindi na ito sumagot pa sa halip ay napansin niya ang unti unting pagbaba ng mukha nito. Hindi naman siya ganoon kainosente upang hindi ma-realize ang balak nitong gawin.
Alam niyang estranghero ang lalaki. Ngunit bakit hindi niya magawang pigilan ito? Ang tanging kaya niyang gawin nang mga oras na iyon ay ang mapalunok na lang at pakinggan ang nakabibinging tibok ng puso niya.
Habang lumalapit ang mga labi nito sa mga labi niya ay tila bang naliliyong unti-unti ring bumibigat ang talukap ng mga mata niya. Tuluyan na siyang mapapapikit at hihintayin na lamang ang paglapat ng mga labi ng lalaki sa sariling mga labi nang mula sa kung saan ay pumailanlang ang isang tunog. Her eyes shot wide open. Awtomatiko ding nailapat niya ang mga palad sa balikat nito at bahagya itong naitulak.
"Y-you're phone is ringing." Sa wakas ay nasabi niya.
"Ignore it." Balewalang sabi nito at parang gusto na rin niyang sundin ang sinabi nito nang saglit lang ay natigil din ang pagriring ng phone nito.
"Fabielle, wala nang tao sa banyo. Pwede ka nang---" sa gulat nang marinig ang boses na iyon mula sa pinto ay tuluyan niyang naitulak si Josh palayo at dumiretso ang tingin niya kay Maricris na nakatayo sa nakabukas na pinto ng kuwarto niya. Isa ito sa mga nakilala niya sa tour na iyon. "Oops. Don't mind me. Please continue." Putol nito sa sariling sinasabi at walang lingon-likod na umalis.
"Maricris, wait..." napabuntong-hininga siya. "Oh no! She must have seen us and---"
Sa gulat niya ay bigla na lamang tumawa si Josh na nasa tabi pa rin niya. Nakasandal ang likod nito sa dingding habang kanang braso nito ay nakapatong sa natuping kanang paa nito. Hindi niya alam kung bakit ito tumatawa ngunit hindi naman siya nagrereklamo. Masyadong maganda ang tanawing iyon para pigilan niya.
"Ahh seriously, what's happening to me?" nakangiti pa ring sabi nito nang mahimasmasan sa pagtawa nito.
"Eh?" iyon naman ang tanging naisatinig niya dahil mukhang hindi pa rin tumatakbo ng maayos ang utak niya. At kasalanan iyon ng perpektong pagtawa nito. Seriously, lahat na lang ng gawin nito ay parang perpekto sa paningin niya.
Napapitlag pa siya nang muli siyang lingunin nito. Wala na ang intensidad na nakita niya sa mga mata nito nang kaninang muntik na silang....
"Nakakatawa 'no? Mukha tayong mga batang mapapagalitan kapag nalaman ng parents natin na may relasyon tayo." Nakangiting sabi nito.
...may relasyon tayo. Tila umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isipan niya. Bakit parang gusto niya ang idea na iyon?
"ahm.. ahh.. yeah.." ang tanging naisagot niya. Nauubos talaga ang laman ng bokabularyo niya sa tuwing ito ang kausap niya. At sa tuwing ganito ito kalapit sa kanya. Upang mahimasmasan ng tuluyan ay tumayo na siya at iniwasang magtama pa ang tingin nila nito. "F-finally! Makakapag-shower na rin!" pinasigla ang tinig na sabi niya kasabay ng bahagyang pag-iinat. "Ikaw ba hindi ka pa—ay kalabaw!" muntik na siyang mawalan ng balanse nang sa pagpihit niya ay sumalubong na sa kanya ang malapad na dibdib nito samantalang kanina lamang ay nakaupo pa ito. Awtomatiko namang pumulupot ang braso nito sa beywang niya.
"S-sorry. Hindi ko alam na nakatayo ka na pala." Alanganing hingi niya ng paumanhin at tinangkang layuan ito ngunit hinigpitan pa nito ang pagkakahapit sa beywang niya. Hindi pa ito nakuntento at muling lumapat ang palad nito sa kanang pisngi niya. At bago pa siya makapagprotesta ay nahila na nito ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata niya nang lumapat ang mga labi nito sa noo niya. It was warm and tender. And it made her heart flutter.
Napapikit-pikit siya nang lumayo ito at pakatitigan ang mukha niya. Hindi nito agad binitawan ang pisngi at beywang niya sa halip ay isang ngiti ang ipinagkaloob nito sa kanya bago muling nagsalita.
"Let's have dinner later. My treat."