webnovel

A Two Day Love Affair [Tagalog Novel] [Soon-to-be-Published under PHR]

After a failed relationship and a few returned manuscripts, the least on Fabielle's mind at the moment was falling in love with a total stranger. Ngunit nang isang gwapo at mabait na estrangherong nagngangalang Josh ang itambak ng tadhana sa kanya nang mapadpad siya sa kabundukan ng Sagada ay tila ba naglaho ang paniniwala niyang iyon. At sa tulad niyang naloko ng ilang taon ding naging kasintahan niya, she should be a lot more cautious when meeting people. Ngunit nang latagan siya ni Josh ng walang kaabog-abog na "I'm interested in you" nito ay mabilis na sumuko ang puso niya at natagpuan ang sariling nahuhulog ang loob rito kahit dadalawang araw lamang niyang nakasama ito. But it was too late when she realized that falling for the handsome stranger was a big mistake. Dahil nang matapos ang dalawang araw na pantasya niya kasama ito ay saka naman tumambad sa kanya ang katotohanan. They were not feeling the same way. He was in love with someone else. And all they could ever have together was that two-day love affair.

Eira_Alexis_Sotto · 都市
レビュー数が足りません
34 Chs

17

IT was a busy night at his bar and restaurant. Probably because it was a weekend. Mabuti na lang at wala ang mga pasaway niyang kaibigan kung hindi mas magulo at mas masakit sa ulo dahil aasikasuhin niya pa ang mga ito.

His friends were a bunch of troublemakers. At ngayong nagkaroon na rin ng mga kasintahan ang ilan sa mga ito ay lalong lumala ang grupo nila. May pagka-pasaway din kasi ang mga girlfriends ng mga ito.

Ngunit kahit magugulo ang mga ito ay hindi naman siya naiinis. Nakukulitan kung minsan but they were a fun bunch after all.

Sa mga ganito kaabalang gabi lamang niya ipinagpapasalamat na wala ang mga kolokoy niyang kaibigan at mga girlfriends ng mga ito. Makakatulong siya sa mga tao niya sa pagsisilbi sa mga customers ng restobar na iyon. Kapag kasi naroon ang mga kaibigan ay hindi pumapayag ang mga itong hindi siya nakikigulo sa mga ito.

"Here you go, beautiful." Inilapag niya sa harap ng isang magandang customer ang inihandang inumin para rito. Awtomatikong lumitaw ang matamis na ngiti mula sa mga labi ng babae bago nangalumbaba at bahagyang pinapungay ang mga mata. Here we go again.

"Up to what time is your shift today?" diretsang tanong ng babae sa mapang-akit na tinig.

Ipinatong niya ang siko sa bar counter at nangalumbaba. Bahagya din niyang pinapungay ang mga mata habang nakatingin sa babae.

"And why do you want to know, if I may be allowed to ask?" tanong niya sa mababang tinig.

"Well, " inilapit ng babae ang mukha sa mukha niya. He got a faint smell of cigarette. Pinigilan niya ang sariling mapakunot ang noo. "I was wondering if you would want to have fun with me after your shift?"

"Tempting..." nasabi niya kasabay ng pagngiting hindi naman umabot sa kanyang mga mata. "but I'll pass. It's a busy night. And I'm in charge of closing the place for the night. But I'll let you talk to one of my friends here." Simpleng sabi niya saka itinuro ang kasama niyang nagsisilbi rin sa loob ng bar counter na iyon. "Let me just talk to him for a second."

"But---" narinig niyang pigil ng babae sa kanya ngunit umakto siyang hindi ito naririnig saka lumapit sa empleyado niya.

"Let's exchange customers." Sabi niya nang makalapit rito.

"Bakit, boss?" nagtatakang tanong ng tauhan niya. "Eh ang ganda na ho noong customer na iyon ah!"

"Not my type." Kibit-balikat na sagot niya. "Take care of her." Sabi niya saka tinapik ang balikat nito.

"Kayo talaga." Kakamot-kamot sa batok na sabi ng tauhan niya.

"Customer mo?" tanong niya at itinango ang ulo sa babaeng nakayukyok ang ulo sa bar counter habang hawak pa rin sa isang kamay ang maliit na baso ng inumin nito. Kumunot ang noo niya. "Tequila?" hula niya sa inuming inorder ng mukhang wala nang malay na babae.

"Oho, Boss."

Napapalatak siya. Bakit ba may mga babaeng umiinom nang hindi naman pala kaya ng mga ito ang sarili kapag nakainom na? Pagkatapos ay ang lakas pa ng loob na umorder ng alak na hindi kayang i-tolerate ng sistema nito?

"Ako na ang bahala." Sabi niya sa tauhan saka lumapit na sa babaeng nakapuwesto sa kabilang panig ng counter. Hinawakan niya ang basong nasa kamay pa rin ng babae at akmang aalisin iyon mula sa kamay nito nang bigla itong dumiretso nang upo.

"Hey! That's my drink." The girl protested. Or at least that was how he understood her statement.

Ngunit kahit ano pa man ang sinabi nito ay nawala na sa isip niya nang masilayan niya ng maayos an mukha nito.

Is she....?

"Oh!" pinasingkit ng babae ang mga mata na para bang pinipilit aninagin ang mukha niya. "Kilala ba kita?"

No. It's not her.

"I don't think so." Kalmadong sabi niya. Gayunpaman ay hindi niya maialis ang mga mata sa mukha nito. What a familiar face. Yet not so familiar. "You look intoxicated already. Would you like me to get you a cab home?"

"Ha?" nalilitong tanong nito. "Pero bakit? Kakarating ko lang rito, hindi ba?"

"Pero mukhang nakainom ka na. Mas mabuting umuwi ka na at magpahinga." Sagot niya rito. She was pretty and alone at this crowded place. Napapansin na rin niyang ilan sa mga lalaking naroon ay dumadako na ang tingin rito. Hindi safe para sa gaya nito ang nag-iisa sa ganoong lugar. O kahit ang umuwi ng mag-isa. "I'll grab a cab for you. Just wait here for a moment." Sabi niya rito at akmang aalis na nang muli itong magsalita.

"Am I pathetic?" mababa ang boses na sabi nito. "My long-time boyfriend cheated on me. At isang taon na niya kong ginagago. Medyo tanga, hindi ba? But I'm done holding the torch for him. Ang nakakainis lang ni hindi na ako makapagsulat ng maayos. Mukhang naapektuhan n'ong siraulong iyon pati ang kumikitang kabuhayan ko. And my parents! Pinipilit nila akong makipagbalikan sa unggoy na iyon? Kung alam lang nila ang ginawa ng siraulong iyon, malamang na pinugutan pa iyon ng tatay ko!"

Ilang beses siyang napakurap habang nakatingin sa babae. Alam niyang lasing ito ngunit hindi niya inaasahang maglalabas ito ng sama ng loob sa kanya nang walang pag-aalinlangan. She must have been really drunk.

Ngunit sa halip na ma-wirdohan dito ay muli siyang humakbang palapit rito. At maging siya ay nagulat nang mangalumbaba siya sa harap ng babae at pakatitigan ang mukha nito.

"Bakit hindi mo sabihin sa kanila?" tanong niya sa babae. Bigla ay naging interesado siya sa iba pang sasabihin nito.

"Para ano? Para gawin pang kriminal ang mga magulang ko? Hindi na uy! Tama nang ako lang ang naloko niya at ang pagsusulat ko ang maapektuhan niya. Mas mahal magpiyansa sa tatay ko kapag tinuluyan niya ang siraulong 'yon."

Wala sa loob na napangiti siya. The girl was the funniest drunk he had ever seen. The funniest and the prettiest to be exact.

"Alam ko namang maibabalik ko din ang sigla ko sa pagsusulat. Just a matter of time. And a bit of an inspiration."determinadong sabi nito bagaman nakapikit na halos ang mga mata. Nagulat pa siya nang walang anu-ano'y ilapit nito ang mukha sa mukha niya saka muli siyang pinakatitigan. "Speaking of inspiration, would you want to be my next hero? Gagawin kitang gwapong mayaman na kapareha ng magandang matalinong babae naman. Parang ako."

"Hmmmm..." he was suddenly amused. Hindi siya makapaniwalang mapapatawa siya ng babaeng ni hindi niya kilala. Hindi siya iyong tipong nakikisaya sa mga customer niya kung hindi man niya ka-close ang mga iyon. But this girl was different. She was making him want to listen to her more.

Bahagya pa siyang nagulat nang lumapat ang palad nito sa pisngi niya. May kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan niya mula sa pisngi niyang dinantayan ng palad nito.

"Not that you're not handsome already. You are beyond that I must say. Such a hero material, you are." Sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito. At hindi niya napigilang mamangha doon. It was the prettiest smile he had ever seen. Yes, she has a striking resemblance to someone he know, but she was a very much different person. Ngayon ay napakalinaw na niyon sa mga mata niya. "You really make me want to do something I've never done before."

"At ano naman iyon?" curious na tanong niya. Idagdag pang ayaw niyang tumigil ito sa pagsasalita. He was enjoying this drunk conversation with this girl.

"Kissing a complete stranger." sabi nito at bago pa siya makapag-react ay lumapat na ang palad nito sa batok niya. Hinila siya nitong palapit rito. And the next thing he knew, they were already kissing.

At first he was hesitant. He didn't want to take advantage of her. But he was a man. And he was liking the kiss more and more. Ilang sandali pa ay tinutugon na niya ang mga halik nito. Nang humiwalay ito sa kanya ay isang hagikgik ang lumabas sa mga labi nito.

"That was nice..." nakangising komento pa nito.

"I agree..." sagot niya rito.