webnovel

A Two Day Love Affair [Tagalog Novel] [Soon-to-be-Published under PHR]

After a failed relationship and a few returned manuscripts, the least on Fabielle's mind at the moment was falling in love with a total stranger. Ngunit nang isang gwapo at mabait na estrangherong nagngangalang Josh ang itambak ng tadhana sa kanya nang mapadpad siya sa kabundukan ng Sagada ay tila ba naglaho ang paniniwala niyang iyon. At sa tulad niyang naloko ng ilang taon ding naging kasintahan niya, she should be a lot more cautious when meeting people. Ngunit nang latagan siya ni Josh ng walang kaabog-abog na "I'm interested in you" nito ay mabilis na sumuko ang puso niya at natagpuan ang sariling nahuhulog ang loob rito kahit dadalawang araw lamang niyang nakasama ito. But it was too late when she realized that falling for the handsome stranger was a big mistake. Dahil nang matapos ang dalawang araw na pantasya niya kasama ito ay saka naman tumambad sa kanya ang katotohanan. They were not feeling the same way. He was in love with someone else. And all they could ever have together was that two-day love affair.

Eira_Alexis_Sotto · 都市
レビュー数が足りません
34 Chs

16

 KAKATAPOS lamang maligo ni Josh at paglabas pa lamang niya ng banyo ay dumiretso na ang tingin niya sa nakabukas na pintuan ng isang silid na nakapuwesto sa dulo ng pasilyo na iyon.

Kunot ang noong naglakad siyang palapit sa nakabukas na pinto ng kuwarto ni Fabielle at sumilip sa loob niyon. Dumiretso ang tingin niya sa kama na tila hindi man lang nagalaw.

"Where is she?" lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo. Akala pa naman niya ay natutulog na si Fabielle dahil nasisiguro niyang napagod ito sa haba ng nilakad nilang papunta at pabalik mula sa talon.

Aalis na siya upang hanapin sana sa labas ng inn ang babae nang makarinig siya nang bahagyang kaluskos. Nang sundan niya ng tingin ang pinagmulan niyon ay natagpuan niya si Fabielle na prenteng nakaupo sa gilid ng pinto. Nakasandal ito sa dingding at nakasalampak sa sahig ng kuwarto nito. Nakapikit ito habang banayad ang paghinga. Hindi niya napigilang mapangiti. Mukhang mas komportable pa yata ito sa pagkakasalampak sa sahig kesa sa kama nito. Iyon kasi ang ikalawang beses na natagpuan niya ito sa ganoong posisyon.

Dumako ang tingin niya sa kasuotan nito at napapalatak. Suot pa rin ng babae ang damit na ginamit nito nang pumunta at maglunoy sila sa tubig ng talon. Hindi pa ito nakakapag-banlaw kung ganoon. At sa base sa estado ng damit nito ay masasabi niyang natuyo na ng tuluyan iyon habang suot nito. Hindi ba nito alam na maaari itong magkasakit dahil doon?

Marahan siyang pumasok ng tuluyan sa silid nito at nag-squat sa harap ng nahihimbing na dalaga. Ang unang naisip niya ay gisingin ito. Ngunit nang dumako ang tingin niya sa mukha nito ay saglit siyang natigilan. She was like a sleeping angel who was finally given the privilege to get that much needed rest. Napakamo ng mukha nito bagaman nababasa niya ang bahagyang pagod sa mukha nito.

Bigla parang lumipad sa kung saan ang plano niyang gisingin ito. Malamang na tinamaan na ito ng antok habang hinihintay ang mga kasama nilang babae na matapos sa paggamit sa banyo. Hindi kasi uso sa lugar na iyon ang malalaking hotel kung saan ang bawat kuwarto ay may sariling banyo kaya naman kailangan nilang magbigayan. At ni hindi pa niya ito nakiktang nakikipag-unahan sa paggamit niyon. Hindi ito nagrereklamong laging nahuhuling gumamit ng banyo kahit pa alam niyang gustong gusto na rin nitong makaligo nang makatulog na sa kama nito. Maybe, she was kind like that.

"Silly... " nailing na bulong niya. "but cute, nonetheless."Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Hinding hindi niya pagsasawaang pagmasdan ang maamong mukha nito. Iyon din ang naisip niya nang unang beses niyang makita ito.

"Right... That epic first time." Bulong niya sa sarili bago muling dumaloy ang alaalang iyon sa kanyang isipan...