webnovel

Chapter 22 : Devil's Summon

A Killer's Steps

Chapter 22 : Devil's Summon

YERIN POV

Sa ikalawang pagkakataon ay nagising ulet ako

Nang narinig ko si big bro na sinabi niyang si Yuju ang pumapatay ay bigla akong nakalanghap ng nakakahilong amoy

Pero

Tama ba?

Si Yuju?

Siya ang pumapatay? Pero bakit? Ano naman ang dahilan niya?

Hindi! Imposible! Di niya kayang gawin sa amin yun

"Ahhhhh~!" Agad kong minulat ang mga mata ko nang makarinig ako ng sigaw mula sa pamilyar na boses

"Big bro!" sigaw ko nang makita ko si Big bro na duguan

"Gising kana pala" Agad akong napatingin sa harapan ko. nandun si Yuju pinapanood si Big bro na nahihirapan habang humihithit ng hawak niyang sigarilyo. Nakalong sleeve siyang pula at naka jeans ng pula saka nagsuot mg makapal na jacket na pula den

Di ko alam kung paano at baket siya nakabihis ng ganyan pero di yun ang dapat kong pagtuonan ng pansin

"Yuju! Gumising ka! Hindi ikaw yan! Ang Miyu Justin na kilala ko ay mabait, maaalalahanin at...Di kayang pumatay" halos pabulong nalang ang huling sinabi ko dahil naunahan ako mg hikbi at yuko

Hindi hindi siya ganito. Baket? Baket naman siya papatay? At para saan? At ano ang dahilan?

Napaangat ang ulo nang marinig ko siyang humalakhak

Parang demonyo! Parang nagbago ang boses niya at naging isang demonyo

Hindi! Hindi to si Yuju! Isa tong demonyo

"I'm not yuju" Ani niya. kumunot ang noo ko. ano ang ibig niyang sabihin? sino siya??

"Yuju is Dead"

"What?"

"Why don't you ask Cjay? after all Daddy niya lang naman ang nakapatay kay Yuju" tinignan ko si Cjay. hirap na hirap siyam punong puno siya ng dugo

"No.. you're lying! di yan Totoo!"

"Hmm? lets say na napatay talaga ng Daddy mo ang totoong Yuju. tapos Pumunta ako sa katawan niya. to use her. sakto naman kasi malapit siya sayo" Isang mala demonyong tawa ang pinaka walan niya

naalala ko yung panahon na may nadumbo si Daddy. no imposible to

"Pero imposible! Kasama namin ka Yuju nung mamatay ang mga kaibigan natin! Di pwede yun!" Napatingin sa akin si Yuju saka siya ngumiti ng pagkatamis tamis

"Want me to tell you?" nakangisi niyang tanong saka siya nagsindi ng sigarilyo at hinithit ulet yun

"Unang una, si Secret. Umpisa palang alam ko na napupunta siya sa rooftop. Actually saakin pa mga siya nagpaalam e hahahaha ang tanga tanga niya talaga! Magpapa alam na mga sa akin pa" sabay hithit sa sigarilyo at tingin sa akin "Tapos sakto den! Kasi lalabas kami nina Wish para bumili ng pagkain. Yun ang pagkakataon ko para patayin siya. I'ts easy. may kapangyarihan ako so madali ko siyang napatay without using my hands. galing no?" pagtutuloy niya saka niya tinapon ang sigarilyo niya. Isa isang tumulo lahat ng mga luha ko sa mga sinasabi niya Yuju.... kapangyarihan? paano magkakaroon ng kapangyarihan si Yuju?!

unless, she's really not the reaL Yuju

"Want me to continue it dear?" napayuko ako saka tumulo ang luha

"Kay jhope? Siya ang pinaka madali! E sa tanga naman. Ang aga agang pumasok sa school. 4:00am? hahahaha madali lang sa akin na puntahan siya at patayin. Then Si Kyle naman inintay ko lang na umalis si Star para bumili saka ko siya pinatay. Siyempre sinabi ko sa partner kong si Jimboy na mag c-cr lang ako hahaha. Madali lang matakas sa cr since may teleportation ako. at para perfect ang plano, naglagay pa ako ng Andrea sa Dingding ng di namamantsahan ng dugo yung damit at kamay ko" panandalian akong nagulat nang marinig kong may kapangyarihan siya. Paano nangyari yun. Pero di ako makapagsalita. Nanatili akong nakikinig sa kanya kahit kanina pa gustong tumulo ang mga luha ko

"Si Nisha? Madali lang den. Nung umalis si Jimboy saka ko pinasabog bahay niya. Tapos si Rhey.... hmm" nagisip pa siya pero binigyan niya ako ng nakakalikong ngiti saka inapakan si Cjay na nakadapa. dinig ko ang hiyaw ni Kuya sa Sakit "Actually, pinadali lang ng kuya mo ang lahat, hinayaan niya kami na magkasama ni Rhey then. habang naglilibot, i killed him. syempre para kompleto ang pagpapanggap, sinugatan ko ang sarili ko. Then~" di ko na pinatapos ang mga sasabihin niya nang Magsalit la na ako

"Yuju.... Bat mo to ginagawa?" umiiyak na sambit ko. Nakatali ako sa upuan ngayon. Pinayay niya si Cjay. pinaupo sa upuan at itinali. nanghihina si Kuya kaya di na siya nakapalag pa at si Theo na nakayuko lang at nakatali din sa upuan. Di ko alam kung gising ba siya o ano. Dahil di ko makita ng buo ang mukha niya

"Ba't di natin tanungin ang kuya mo? After all siya naman ang nakadiskubre ba ako ang pumapatay diba?" napangisi niyang tanong saka siya lumapit kay Big bro at iniangat ang baba nito at pwersahang tinignan sa mata

"Wag mo siyang sasaktan!" huli na ako nang kinuha niya ang sigarilyong hinihithit niya kanina at idinikit sa bandang dibdib ni big bro

Malakas na daing ang ibinigay ni Big bro. Napatingin ako kay Theo at nakita kong may munting tubig ang pumatak sa paanan niya

Luha

Umiiyak si Theo

"Spill it Cjay" Nakangiting sabi ni Yuju saka siya bumalik sa pagkakasandal sa dingding kung nasaan siya kanina. Nakangisi siyang tinititigan kaming lahat. Habang ako at nakatutok lang kay big bro

Sa sasabihin niya at sa mga sugat at pasa niya

"May nakuha akong libro" pagsisimula ni Big bro habang nakatingin sa baba

"Binasa ko yun at nakita ko na istorya yun ni Andrea. Kung sino siya at kung anong nangyari sa pamilya niya" kitang kita ko ang basa sa paanan niya. Umiiyak siya. Di ko maiwasang di umiyak habang nakatingin sa kanya. Pinipilit kong kumawala pero di ko magawa

"Matapos kong basahin yun, may isa pang maliit na parang notebook na nakita ko. Binasa ko yun" napatigil siya sa pagsasalita dahil himinga siya ng malalim at pinigil ang iyak niya

"After 100 years, mabubuhay si Andrea at Mateo sa katauhan niyo lil sis at Theo dahil sa sumpang ibinigay sa kanya at...." nagulat ako sa sinabi niya at lalo akong napaiyak

Tama siya

"At Mabubihay din Ang kapatid ni Andrea na siyang tatapos sa buhay nating lahat. Lahat ng magiging pamilya ni Thei at Yehan ay mamamatay. Sasanib sa Nakatakdang babae. ang babaeng kadugo ng mga Garcia. isang Garcia. at yun ay si Miyu Justin Garcia" teka sandali akong napatigil sa sinabi ni Big bro

"Ate ni Andrea? Felecita? Ikaw yan Felecita?" nanlalaking matang tanong ko sa katawan ni Yuju na ngayon ay lalong ngimisi

"Yes My little sister" nakangiti niyang sabi saka siya lumapit sakin saka panandaliang hinawakan ang baba ko

"Pero bakit? Kung kapatid kita bakit mo kami pinapatay" imbis na sagot ang binigay niya ay isang ngisi ang binigay niya sa akin dahilan kaya lalong naginig ang katawan ko sa takot

Maya maya pa ay may kinuka siya sa tabi niya

Isang

Chainsaw

"Maawa ka please? Yuju maawa ka!" paulit ulit na sigaw at iyak ko nang

Lumapit siya kay Big bro habang hawak ang chainsaw

"Sorry but it's a No" sambit ni Yuju saka niya pinaandar yung makina nung chainsaw. Punong puno kami ng kaba at takot pero isang malaking ngiti lang ang binigay ni Yuju sa amin

"Ahhhh!" sigaw ni Cjay nang putulin na ni Yuju ang una niyang braso. Iyak ako ng iyak "Cjay!" sigaw ni Theo pero wala kaming nagawa kundi panoorin lang siyang lumuwa ng dugo. Hinang hina na siya at parang ilang minuto nalang ay mawawalan na siya ng buhay

"Tapusin na natin ang hirap na pinagdadaanan mo" Sabi ni Yuju saka siya ngumiti. Para siyang nanalo sa lotto. Nababaliw na siya! Di ko na alam! Di ko na alam kung anong nangyari sa kanya! Ibang iba na siya sa yuju na nakilala ko

"Paalam na kuya Cjay" nakangiting sabi ni Yuju saka diretsang pinutol ang ulo ni Kuya. Halos di ako makapagsalita nang makita ko kung paano naputol ang ulo ni Big bro at gumulong pa sa paanan ko

"Big bro..." umiiyak na sambit ko. Gustong gusto kong puntahan ang katawan niya at yakapin. Gustong gusto kong hawakan ang ulo niya at hagkan pero di ko magawa

Bukod sa nakatali ako, pero pati narin natatakot ako dahil putol na yun

Di ko na alam ang gagawin ko

"HAHAHAHA!" Malakas na sigaw ni yuju na para bang siya ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Di ko na alam pero natatakot ako

Ibinagsak niya yung chainsaw saka siya may kinapa sa bulsa niya

Kutsilyo

Unti unti siyang lumapit kay Theo. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ilalapit niya ang kutsilyo kay Theo

"Wag! Nagmamakaawa ako sayo Yuju! Wag mong sasaktan si Theo" malakas na pagsusumamo ko

Nakatingin lang siya kay Theo at ganun din si Theo sa kanya. Nakapagtataka pero walang bakas na takot sa mata ni Theo parang kampante siya

Theo anong nangyayari sayo?

Mas lalo akong nagulat nang bigyan siya ng matamis na ngiti ni Yuju. Yung ngiting walang halong biro. Puro at inosenteng ngiti

Pero ang ngiting yun at napalitan din ng isang ngisi

Isang nakakatakot na ngisi

Lalo akong nagulat nang tuluyan na niyang saksakin sa tiyan si Theo "Theo!" malakas na sigaw ko saka ako umiyak

Nakita ko na dumaing si Theo nakita ko ring parang medyo kumurap si Yuju at medyo dumaing pero di ko yun ininda at si Theo ang nasasaktan

Susugod na sana siya at sasaksakin sa puso pero biglang tumigil si Yuju parang nahihirapan siya. Di ko maintindihan pero parang dumadaing din siya

Sunod niya yung sugatan sa magkabilang braso

"Theo! Theo! Nagmamakaawa ako sayo Yuju! Itigil mo na to!" umiiyak sabi ko kitang kita ako ang pagluwa ni Theo lahat ng dugo niya

Nawawalan na ako ng pagasa. Di ko kayang makitang nahihirapan si Theo sa ikalawang pagkakataon

Nangyare na to 100 taon na ang nakakalipas at wala akong nagawa kundi ang panoorin siya

Mamaya pa ay naramdaman kong lumuwag ang pagakakatali sa kamay ko.

Lihim akong napangiti nang matanggal na ng tuluyan ang pagkakatali nun. Lalo akong napangiti nang makita ko ang isang kutsilyo sa paanan ng upuan ko

Dahan dahan kong kinuha yun saka ko ibinato kay Yuju

"Ahhh!" daing niya at napaupo sandali kaya dali dali akong itinayo si Theo at inalalayan para tumakbo

"You can Do this Theo" umiiyajl na sabi ko. Hawak hawak niya ang tiyan niya kung saan siya sinaksak kanina

Nang makalayo kami at nakasiguro akong di na kami nasundan ay saglit ko siyang ibinaba kaya napahiga siya sa sahig

"Theo" umiiyak na sambit ko

Naiiyak nanaman ako at napansin yun ni Theo kaya pilit niyang inabot ang mukha ko na punong puno ng luha saka pinunasan yun

"No Yerin please wag kang iiyak" Nahihirapang sabi niya. Nagulat ako nang maglabas siya ng kutsilyo sa bulsa niya

"Kill me" nanigas naman ako sa kinauupuan ko saka ako tumingin sa kanya

"Theo nababaliw kana ba?!" umiiyak na galit na sabi ko pero ngumiti lang siya

Di ko siya maintindihan lalo akong naiiyak sa ginagawa niya

Baket Theo?

"Y-yun ang kahinaan niya. Pag mamatay tayong dalawa mamamatay din siya" lalo aking nalito sa sinabi niya

"Pero siya pa mismo ang nanakit sayo Theo" umiiyak na sabi ko. Hinawakan niya ang mukha ko

"Trust me Yerin Please. Ako na ang nagsasakripisyo. Gawin mo to. Para sa sumpa" nanghihinang sabi niya pero ilang beses akong umiling

"Hindi! Hindi ko gagawin yan. Di ko kaya. di kita kayang patayin" umiiyak na sabi ko pero pilit niyang pinahahawak sa akin ang kutsilyo

"Y-yerin please. Di narin ako magtatagal. Mas gusto kong mamatay nalang sa sarili mong kamay. Kesa sa iba" nakangiting sabi niya pero umiling ulet ako

"Hindi! Mabubuhay ka Theo!" lalo akong nataranta nang umubo siya ng dugo saka umiiyak na tumingin sa akin

"Yerin... Mahal na mahal kita" umiiyak na sabi niya. Lalo akong umiyak saka ko hinawakan ang kamay niya at hinaplos sa pisngi ko

"Mahal na mahal din kita Theodore"

"Andrea!" nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na yun

Boses ni yuju

"Bilis Yerin. Patayin mo na ako! Nandyan na siya!" paulit ulit akong umiling habang umiiyak

"Hindi Theo di ko kaya"

"Yerin nagmamakaawa ako sayo! Gawin mo na! Patayin mo na ako!"

"Theo di ko talaga kaya"

"Andrea! Bat mo hawak ang kutsilyong yan!" nagulat ako nang sabihin yun ni Yuju gamit ang isang malalim na boses. Boses ng demonyo.

"Nilamon na siya ng espiritu ng demonyo" dinig kong sambit ni Theo kaya napatingin ako sa kanya

"Yerin ngayon na! Patayin mo na ako!" muling hasik niya napatingin ako kay Yuju at nakita kong dumudugo ang bandang tiyan niya at magkabilang braso at sa binti

Sa binti ko tinapon ang kutsilyo

Pero paanong nagkasugat siya sa tiyan at braso?

Kagaya ng

Kay Theo

Napatingin ako kay Theo

"Yerin!" bigla niyang pinahawak sa akin ang kutsilyo dugo na ang buong damit ko na nakatingin sa kanya

Umiiyak ...nawawalan ng pagasa

"Please"

Pumikit ako saka ko itinaasa sa ere ang kutsilyo

"Waaaaag!" dinig kong sigaw ng demonyong boses na panigiradong si Yuju

"Ahhhhhhh~!" malakas na sigaw ko saka ko isinaksak kay Theo ang kutsilyo dahilan ng paglabas ng dugo sa bibig niya at nakangiting tumingin sa akin

"Ahhhhhh~!" sigaw din ni Yuju

"S- alamat Andrea" muling sambit niya saka niya ipinikit ang mga mata niya. Dinig na dinig ang hikbi ko saka ko niyakap mg tuluyan si Theo habang umiiyak

Napatingin ako kay Yuju at nakita kong nakahiga din siya sa sahig at nagkalat ang dugo niya kasabay ang paglabas ng itim na usok sa katawan niya

"A-anong nangyayari" naguguluhan, umiiyak at nanghihinang sambit ko habang parehong nakatingin kay Theo at Yuju ja prehong wala nang buhay

At parehong may tama sa katawan

"Niligtas mo kami Yerin" napalingon ako sa likuran ko

At nakita ko silang lahat

Lahat sa harapan ko. Sina Mama, Ate Jasmin, Rica, Rhey, EuJin, John Hope, Jimboy, Kyle, Wish, Star, Secret, Summer Jiyah At si Theo

"Theo?" naiiyak na sabi ko nang makita ko si Theo na nakangiti sa akin

Isa na siyang kaluluwa

"Niligtas mo kami...." Gulat kong tinitigan ang nasa harapan ko ngayon

"Y-yuju?" nagtatakang tanong ko nang makita ko siya

Nakangiti siya sa akin na parang tapos na ang lahat

Lumapit siya ng dahan-dahan sa akin saka ako niyakap

"Wag kang mag alala ipapaliwanag ko sayo" nakangiti niyang sabi saka niya idinikit sa noo ko ang hintuturo niya

Sa isang iglap ay puro puti ang nakita ko

Nakakasilaw!

______________

Last chappy then Epilouge

Napansin niyo na maikli lang talaga?

Hahhaha short story sana to e

Basta ipapaliwag ko nalang sa facts