PARA akong maiihi. Hindi ako mapakali dahil kanina pa tingin ng tingin sa akin si Terrence. At ang mga tingin niya, nang aasar! Bwisit na lalaking 'yan, bakit kasi ginawa niya iyon. Hindi ko alam kung paano ako kikilos pagkatapos ng nangyari.
Imagine, he... sucked my boobs. Kahit pa nakadamit ako, he still sucked it. At nakakahiya! Hindi naman kami para gawin niya iyon. Kahit si Robi ay hindi nagagawa ang bagay na ganoon tapos si Terrence, parang normal lang sa kaniya.
Napapaisip tuloy ako kung ano ba ang meron sa amin ni Terrence? Nahalikan na niya ako, tapos iyong boobs ko. Hindi normal sa magkakilala lamang ang gawin ang mga bagay na iyon.
"Keeshia."
Nagiging magugulatin na ako ngayon. Ano bang nangyayari sa akin?
"O, bakit?" Umakto akong parang walang nangyari. Ayokong ipakita sa kaniya na apektado ako sa ginawa niya kaninang umaga.
"Maglalayas ako."
Kumunot ang noo ko. "Ano? Anong ibig mong sabihin?"
"Doon na ako titira sa unit mo."
Mas kumunot ang noo ko. "Bakit naman sa unit ko?"
"We're dating, right?"
"Anong dating? Hindi 'no!"
He smirked. "Wanna suck your boobs again."
Sinamaan ko siya ng tingin. Napakabastos talaga ng lalaking 'to. Hindi ko nga alam kung paano ko pa nagagawang makipag-usap ng normal sa kaniya pagkatapos ng ginawa niya.
"Umayos ka nga, Terrence!" Suway ko.
"What?"
"Ano ba kasing sinasabi mong maglalayas ka? Ano ka, bata?"
Tumawa siya. "I'm serious. I want to live in your apartment."
"At bakit naman?"
"I want to protect you. Ayokong pupuntahan ka pa ng boyfriend mong gago."
Jusko, seryoso ba siya?
"Tumigil ka nga sa kalokohan mo."
Kaunti na lamang ang tao rito sa cafe dahil gabi na. Gustung gusto ko na ngang makauwi para makaiwas na ako kay Terrence. Nag-iiba na din kasi ang nararamdaman ko. May kakaiba sa dibdib ko na nararandaman ko dahil sa kaniya.
"Pero hindi ako nagbibiro. I'm fucking serious, Keeshia."
"Tumigil ka sabi!"
"Keeshia."
Tiningnan ko siya sa mga mata. "Ano ba?!"
"Seryoso nga ako. I want to live in your apartment. Please?"
Ano ba naman iyang please niya! Nakakainis! Mukha siyang tuta na nagpapaawa.
"Hindi pwede." Sabi ko. "Saka lalaki ka at babae ako. Hindi magandang tingnan."
"Why? I can be your boyfriend. Well, I'm already your boyfriend, right? Pinakilala na nga kita kay Mom."
Speaking. Nakakahiya pa rin kina Mrs. Palermo hanggang ngayon dahil baka isipin nila na nilalandi ko si Terrence.
"Alam mong hindi 'yan totoo. Saka, umayos ka nga. Ganda ganda ng bahay niyo."
"Yeah, but you're not there."
Muli ko siyang tiningnan. Mukha naman siyang seryoso pero jusko, patitirahin ko siya sa apartment ko. For what? Hindi ako makakakilos ng maayos at malaya kung makakasama ko siya. Hindi. No way.
"Tigilan mo 'yan, Terrence."
"Damn it. Should I buy an apartment next to yours?"
"Ano ba naman, Terrence! Huwag mo nga akong bigyan ng problema. Nakakainis ka na. Hindi na nga ako natutuwa sa mga pinaggagagawa mo." Naiinis na sabi ko.
Natahimik siya. May nasabi na naman ba akong hindi maganda?
"I'm sorry."
Wait, nakakapanibago. Bigla siyang nag sorry pagkatapos ay tinalikuran ako. Siya pa ang galit? Iyong totoo?! Para kaming magjowa na may LQ!
Na-guilty tuloy ako. Nakakainis! Bakit kailangan kong makaramdam ng ganito para kay Terrence? Saka hello? Hindi ko obligasyon na patirahin siya sa apartment ko. Ano nalang ang sasabihin nina Mrs. Palermo?
Isa pa, bakit ba siya maglalayas? Para siyang sira.
Tinanaw ko si Terrence na abala na sa paglilinis ng mga bakanteng mesa. Galit ba siya? Naiinis? E bakit kasi parang kasalanan ko pa?
Napatingin ako sa may pinto nang tumunog ang chime. May customer pa rin. Tumingin ako sa relo ko, thirty minutes na lamang ay magsasara na kami.
Babatiin ko na sana ang dumating pero natigilan ako nang mapagtanto kong iyon ay girlfriend ni Terrence.
Ang ganda niya...
Kumpara sa akin, para siyang model. Napaka-sexy niya at napakaganda. Wala pa yata ako sa kalingkingan niya.
"Hi! This is the Palermo's cafe, right? Narito ba si Terrence?" Tanong niya sa akin.
Natulala pa ako sa kaniya bago ako nakasagot. "Ayun siya." Itinuro ko si Terrence.
Hindi na siya nagsalita sa halip ay mabilis siyang pumunta kay Terrence saka yumakap.
Para akong napaso kaya bigla akong napatalikod. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Muli ko silang tiningnan.
Nakayakap pa rin ang babae. Hindi man lang siya itinulak ni Terrence. Ay, bakit ko ba naiisip ang ganoon?
"I missed you so bad!" Sabi nung babae.
Napatingin tuloy sa kanila ang ilang babaeng natira dito sa cafe. Crush pa naman ng bayan si Terrence.
Muling kumabog ng malakas ang dibdib ko nang halikan si Terrence ng babae. Hinayaan niya lang...
Sabagay normal naman kay Terrence iyon.
Bakit ba parang apektado ako? Ano naman kung maghalikan sila? Girlfriend naman siya ni Terrence e.
"Honey, not here. Let's go." Narinig kong sabi ni Terrence sa girlfriend niya.
Hinila ni Terrence ang babaeng iyon dito sa may counter.
"Wait for me here." Sabi ni Terrence saka pumasok sa office namin sa likod.
Saglit lamang iyon at lumabas din agad siya. Hindi na siya naka-apron. Lumapit siya sa akin.
"Mauuna na ako, Keeshia. I need to go somewhere." Paalam sa akin ni Terrence.
"Sige lang. Malapit na rin naman akong mag-close." Sagot ko.
Napalunok ako dahil iba na talaga ang nararamdaman ko.
"Honey." Tawag ni Terrence sa babae saka hinila iyon palabas ng cafe.
Nakahinga ako ng maluwag. Pinaypayan ko pa ang sarili ko gamit ang kamay ko.
Sabi niya titira na siya sa apartment ko pero sinundo lang siya ng babae na iyon, sumama agad siya at nakalimutan agad niya ang sinabi niya sa akin?
Bakit kasi ako naiinis?
Honey, honey, honey! Ang pangit ng endearment nila. Hindi bagay kay Terrence.
Wait, ano bang nangyayari sa akin? Dapat nga matuwa ako dahil hindi na mangungulit si Terrence pero bakit ganoon, bigla niya akong hinayaang mag-isa dito sa cafe? Hindi niya nga hinahayaang maiwan akong mag-isa dito kasi gabi na. Pero dahil... sabagay girlfriend niya iyon. Alangan namang mas piliin pa niya ako.
May girlfriend naman pala tapos may pasabi sabi pa na titira siya sa apartment ko.
Nang makaalis na ang huling customer ay nag-ayos na rin ako dito sa counter. Pagkatapos ay inimis ko ang mesa ng huling customer.
Narinig kong tumunog ang chime.
"Sorry, close na ka---"
Natigilan ako dahil si Robi ang dumating. Mukha siyang lasing. Namumula ang maputi niyang mukha.
"Keeshia, baby..."
Mabilis ko siyang nilapitan. "Bakit ka narito?!"
Niyakap niya ako. "Bitawan mo ako, Robi!" Sigaw ko. Lasing siya.
"Bati na tayo, baby. Sorry na. Huwag tayong maghiwalay. Hindi ko kaya..."
Nasasaktan pa rin naman ako dahil sa nangyari sa relasyon naming ilang taon kong iningatan. Pero wala na akong makapang panghihinayang sa puso ko. Para bang okay na sa akin ang maghiwalay kami.
"Umuwi ka na, Robi. Magsasara na ako ng cafe." Sabi ko saka ibinaliktad ang sign sa pinto na nagsasabing closed.
Bumalik ako sa counter pero sinundan ako ni Robi.
"Please, umalis ka na."
"Hindi. Hindi ako aalis hangga't hindi tayo nagkakabati."
Nang maiayos ko ang counter ay pumasok ako sa loob ng office para magtanggal ng apron saka kunin ang bag ko.
Pero sumunod sa akin si Robi.
"Hindi ka pwede dito. Sa labas tayo. Ihahatid kita sa condo mo." Sabi ko saka kinuha ang bag ko pero bigla niya akong hinila at isinandal sa pader.
Kumabog ang dibdib ko. "Robi, anong ginagawa mo?!"
"Bakit ba ang dali sa 'yo na hiwalayan ako? Dahil ba sa gago na 'yon?!" Sigaw niya. "Ano bang meron sa kaniya, Keeshia? Putangina mahal mo ako! Hindi mo kayang mabuhay ng wala ako! Ako ang gusto mong mapangasawa pero mula nang sumulpot ang lalaking iyon, ang dali dali mo akong bitawan!"
"Wala siyang kinalaman dito. Bitawan mo ako!"
Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Idinidiin niya ako sa pader. Nasasaktan na ako.
"Ano bang ginawa ng lalaki na 'yon sa 'yo? Ha?! Ah, baka ito..."
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong siilin ng halik. Mariin akong napapikit. Pilit akong kumakawala pero wala akong magawa. Marahas ang paghalik niya. Bumaba iyon sa leeg ko.
Naalarma ako.
"Robi! Huwag, please!" Sigaw ko pero hindi siya nakikinig.
Marahas ang bawat paghawak niya sa akin. Hinawakan niya ang dibdib ko. Ni minsan ay hindi niya nagawa 'to sa akin kahit pa lasing siya.
"Ito ba?! Ha?! Ito ba ang ginagawa sa iyo ng lalaking iyon kaya pinagpalit mo ako nang ganoon kadali?!
"Robi, huwag! Nagmamakaawa ako..."
Patuloy siya sa paghalik sa leeg ko. Pinunit niya ang damit ko. Napasinghap ako.
Kusang tumulo ang luha ko. Pilit ko siyang tinutulak pero mas malakas siya sa akin. Muling nag-flash sa utak ko ang nangyari noon...
"H-Huwag... please... huwag..."
Nagsimulang manginig ang buong katawan ko habang tumutulo ang luha ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses. Iyong pagmamakaawa ko noon... muntik na nila akong...
"H-Huwag..."
Niyakap ko ang sarili ko. Napaupo ako sa sahig habang nakatingin kay Robi na bigla na lang bumulagta sa sahig. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko. Umubob ako habang tinatakpan ang tainga ko.
Pilit kong inaalis sa isip ko nang nangyari noon. Ang pangyayaring gusto kong mabura sa isip ko pero ngayon, napakalinaw sa isip ko dahil sa ginawa ni Robi.
Parang tumigil ang mundo na para bang wala akong marinig kundi ang pagsigaw ko ng tulong noong bata ako.
Hanggang maramdaman kong may yumakap sa akin. Itinulak ko siya saka muling niyakap ang sarili ko.
"H-Huwag..."
"Keeshia."
"Huwag! Please..."
Mahigpit niya akong niyakap. Gusto ko siyang itulak ulit pero naramdaman kong safe na ako. Naramdaman kong sa mga bisig niya, walang makakapanakit sa akin.
"I'm here. Si Terrence 'to."
Sa sinabi niyang iyon ay unti unting nawala ang panginginig ng katawan ko. Sa sinabi niyang pangalan niya... yumakap ako sa kaniya ng mahigpit saka inilabas ang sakit na nararamdaman ko.
"I'm here..."
Sa mga katagang iyon, tila ba nawala ang takot sa dibdib ko at unti unting nawawala sa isip ko ang imaheng pilit kong ibinaon sa limot.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. Si Terrence nga. Narito siya. Iniligtas niya ako mula kay Robi.
"Sorry." Aniya. "Hindi dapat kita iniwang mag-isa."
Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lamang ako sa mukha niya.
"Don't worry, wala na ang gagong iyon. I promise, I'll kill him tomorrow. Pasalamat siya dahil mas kailangan kitang unahin ngayon."
Hindi pa rin ako nagsalita. Patuloy sa pagpatak ang luha ko.
"T-Terrence..."
"You're safe. Hangga't narito ako, hindi ko hahayaang may mangyari sa 'yo. Let's go home."
Inalalayan niya akong tumayo.
"Kaya mo ba? Do you want to take a rest first?" Tanong niya.
"G-Gusto ko nang umuwi."
Pakiramdam ko ay mas safe ako kapag nasa apartment ako. Pakiramdam ko ay safe ako dahil kasama ko siya.
Pero paano kung hindi dumating si Terremce? Paano kung...
Naramdaman ko ang labi ni Terrence sa labi ko. Hawak hawak niya ag mga pisngi ko.
"Stop thinking about him. Hindi ko hahayaang mangyari ulit iyon." Sabi pa niya.
Muli niya akong hinalikan. Hindi ko alam kung bakit kahit halikan niya ako, hindi ako umaalma. Hinahayaan ko siya.
"I want to erase his fucking image to you." Aniya saka muli akong halikan. "Look at me."
Tumingin naman ako sa mga mata niya. Inilapit niya ang labi niya sa labi ko.
"This will be the only thing you'll remember that happened tonight. Me, kissing you. Okay?" He said then kissed me again.
Pumikit ako. Sa halip na maalala ko ang ginawa ni Robi o ang pangyayaring gusto kong kalimutan ay imahe ni Terrence ang nakikita ko.
Hinayaan ko siyang halikan ako dahil pakiramdam ko, unti unti nang umaayos ang nararamdaman ko. Nawala ang takot at pangamba sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay wala nang mangyayaring masama sa akin basta nariyan si Terrence.
"Let's go home." Sabi niya matapos akong halikan.
Napailing ako habang binubura sa isip ko ang paghalik niya sa akin. Tama siya, ang tanging nasa isip ko ngayon ay ang masarap niyang halik.
Kumuha siya ng damit sa locker saka isinuot sa akin. Hindi ko akalaing masisira ni Robi ng ganon ganoon lamang ang tshirt ko kanina. Kahit kailan ay hindi ko siya nakitang ganoon.
Hinawakan niya ang kamay ko. Kinuha niya ang sling bag ko na nasa may mesa saka binitbit iyon.
Lumabas kami ng office. Saglit niyang kinuha sa may counter ang susi ng cafe.
Nang makalabas kami sa cafe ay hinalikan niya ako sa noo saka ini-lock ang cafe. Pagkatapos ay hinawakan niyang muli ang kamay ko saka ako hinila papunta sa kotse niya.
Isinakay niya ako sa harap. Pagkatapos ay siya naman ang sumakay sa driver's seat.
Tumingin muna siya sa akin. May pinahid siyang luha sa bandang mata ko.
"I don't want to see those tears again." Aniya.
Nagsimula na siyang magmaneho. Tahimik lamang ako. Tahimik lang din siya.
"T-Thank you..." sa wakas ay nasabi ko rin. Kung hindi dahil sa kaniya, baka napagsamantalahan na ako ni Robi. Baka hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako dahil sa takot.
"You don't need to thank me. I'm still mad at myself because I left you alone. Because of that, he fucking came here and do that crap. He fucking touch you. He fucking kiss you. I'll make sure I'm gonna rip his neck for doing that."
Hindi ko maintindihan kung paano nangyari iyon. Sa simpleng yakap at halik ni Terrence, sa simpleng salita niya, naglalahong parang bula ang takot na nararamdaman ko. Basta nariyan siya, para bang sinasabing wala akong dapat na ikatakot.
"Keeshia, I'm more serious now."
"Anong..."
"Let's live together."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Seryoso nga siya at bakit wala akong makapa sa dibdib ko na kahit kaunting pagtanggi?! Hindi pwede. Hindi maaari! Hindi ko siya boyfriend at lalong walang dahilan para gawin namin iyon.
"Sa ayaw at sa gusto mo, magli-live in tayo."
Nanlaki ang mga mata ko. "Live in!?"
"Yes. Because I want to see you 24 hours. I don't even want to miss a minute without seeing you. No, I won't let that. You need to be with me 24/7."
Mas nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
SERYOSO BA TALAGA SIYA SA SINASABI NIYA?!