webnovel

CHAPTER 2 THE BEGINNING

"Rikka! Rikka!"

Huh? Sino yon? At bakit sobrang liwanag? Nakakasilaw.

Nakatayo ako ngayon sa di maipaliwanag na lugar. Puros liwanag, yan lamang ang tanging masasabi ko dito. At dahil doon, bahagya kong iniharang ang aking kanang kamay upang magsilbing lilim sa aking mga mata at nang aking maaninaw ang aking paligid.

"Sino po sila?" magalang na tanong ko habang inililibot ang tingin sa lugar na iyon.

"Rikka! Rikka!"

Mabilis kong ipinaling patalikod ang aking katawan upang magbakasakaling makita roon ang kanina pang tumatawag sa'kin. Isa itong tinig ng babae na parang musika na kaysarap sa tainga.

"Nandito po ako. Nasaan po kayo? Sino po kayo?"

Walang sumagot.

Lalalalaaa~~~ Lalalalaaa~~

Sa unti-unting pagkawala ng nakakasilaw na liwanag ay namangha ang aking mata habang nililibot ng aking paningin ang kaburulang kinatatayuan ko na punung- puno ng mga magkakaibang bulaklak. Marami sa mga ito ang hindi pamilyar sa'kin.

Ang mabangong simoy ng hangin, ang maasul at bahagyang maulap na kalangitan, at mabubulaklak na kaburulan. Teka, hindi kaya langit na ito? Am I dead already?

Natawa ako sa aking sarili dahil sa aking naisip pero pwera biro, ano yung awit kanina? All my life kasi ay ngayon ko lang ito napakinggan.

Lalalalaaa~~~ Lalalalaaa~~

Yun! Yung awit. Saan ba ito nagmumula? Naglakad ako pababa mula sa burol. Pilit sinusundan ang magandang awit.

Lalalalaaa~~~ Lalalalaaa~~~

Ipinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang malamig na hangin sa burol.

"The sun rays,

the blue sky,

the cold breeze,

touches me."

Napangiti ako. Tila nainspire ako ng lugar na ito at nakalikha agad ako ng tula.

Iminulat ko ang aking mga mata at pinagpasyahang humiga sa burol na iyon.

"Wow, this is so comfy~~", I said as I closed my eyes again.

"Rikka! Rikka!" muling tawag.

"Nais mo ba dito? Maganda dito Rikka, malayo sa usok ng mga sasakyan at sa kaguluhan. Nais mo ba dito Rikka?"

W-wait. Siya ulit, yung may napakagandang boses.

"Rikka, Rikka, nais mo na bang manirahan dito, Rikka?"

Manirahan? Dito? I mean, pwede?

Iminulat ko ang aking mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga.

Sa pagkakataong ito ay hindi na lamang tinig kundi isang napakagandang babae na ang nakatayo sa aking harapan. Nakasuot ito ng isang makinang at napakagandang bistida. Mahaba at mapula-pula ang buhok nito at napansin ko rin ang korona nitong may hugis ulo ng pusa sa pinaka gitnang bahagi nito.

Maputi, matangos ang ilong at may mahahabang pilik-mata. Mamula-mula ang pisngi nito katulad ng kanyang labi. Masasabi kong ngayon lang ako nakakita ng ganoong kagandang babae.

Pero nang mapagmasdan ko ang kaniyang mata, ito ay kakaiba.

"Parang mata ng pusa," Wala sa sariling nasabi ko. Agad akong yumuko at humingi ng sorry when I realized my rudeness. Sa pagtunghay ng aking mukha ay nakita kong nakangiti ito.

"Nais mo ba dito Rikka? Maganda dito," at inilahad nito ang kaniyang kanang kamay. Pinagmasdan ko ito.

Tila ba may kakaiba pwersa ang nag-uudyok sa akin na ito'y abutin.

Should I hold her hand? Mukha naman siyang mabait and a trustworthy.. person? Wait, fairy yata ang mas tamang itawag sa kanya.

I bit my lower lip and was about to reach her hand ngunit isang malakas na tinig ang gumambala sa aming dalawa.

"RIKKA! RIKKA!"

Aray ko po. Ang sakit naman sa tainga.

"Ate Chy naman eh, bakit ba?"

Grabe nerve-wracking ang boses ng Ate.

"Ate Chy naman eh, bakit ba?? FYI, 6:30 am na. May pasok ka ngayon di ba? At 7:30 am ang start ng first class mo. Ano, aabsent ka? Sige at nang mapagalitan ka nina Mama."

Arggh! She sounded like a machine gun. Walang-wala sa boses nung magandang babae. Pero teka, speaking of?

"Oh bakit ganyan ang mukha mo? Para kang natuklaw ng ahas sa itsura mo," tanong ng Ate na may halong pang-aasar.

"Hindi kasi Ate nanaginip ako eh, ano may hill tapos ang daming different kinds of flowers, parang botanical garden lang then may mysterious yet beautiful woman din. She looked like a fairy. May sinasabi siya sa'kin eh pero nakalimutan ko na."

"Kanonood mo yan ng Howl's Moving Castle little sis. Anyways bumangon ka na diyan at bilisan mong maligo. Male-late ka na oh!" she exclaimed then marched out of my room.

Pati ba naman si Howl ay idadamay niya? Grabe ha.

So I got up and tidied up my bed. I quickly took a shower, and blow dried my long black hair. And as I faced my mirror to fix my hair, I talked to myself.

"Pero sa totoo lang, ano bang klaseng panaginip yon? Parang totoo na ewan eh. Ang weird din nung babae, I mean, I like her hair and physique pero yung mata, para talagang sa pusa. Parang kay Baron."

Ang weird talaga para sa akin ng panaginip na yon pero naisip ko din na parang I am weirder for thinking the possibility that my dream was true and for talking to myself. Yikes!