webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · 歴史
レビュー数が足りません
70 Chs

Capitulo Viente Uno

"Ginoo! Ginoong Lucas!" nabasag ng tinig na iyon ang katahimikan ng paligid. Tila nagmamadali at may pagkatakot ang tinig.

Kaagad bumangon si Lucas at tinulungan ang kasintahan na umahon din sa pagkakahiga. Naglaglagan ang mga buhanging nakakabit sa kanilang balat, tinulungan niyang pagpagin ang iba pang mga buhanging nakadikit sa braso ng dalaga pagkatapos ay dinampot ang telang nakatabi sa gilid at ibibalot iyon dito. Mabilis niyang hinalikan ang noo ng kasintahan at hinila ang kamay nito pasalubong sa papalapit na matanda.

"Tatang Pitong!" Hingal na hingal ito, sa edad nitong mahigit limampo ay hindi na ito kasing liksi tulad ng dati, maliit itong lalaki at makapal ang maitim nitong buhok, mas maitim din ang balat nito kumpara sa ibang mga indiyo.

Makapal ang labi nito at bilugan ang mga mata, Sa Negros ito lumaki naging matapat na alalay ng kaniyang namayapang lolo Juaqin, isinama ito dito ng kaniyang ama sa Maynila.

"Ginoong Lucas, humayo kayo at umuwi nagkakagulo sa tahanan ng mga Zamora ang Gobernadorcillio hinuhuli ng mga gwardiya sibil! " mabilis at humihingal na sumbong ng matanda. Nanlaki ang kaniyang mata sa narinig.

Hindi na siya muling nagtanong pa, walang pag-aalinlangang tinakbo niya ang daan patungo sa tahanan ng gobernadorcillio, sumusugat sa kaniya ang mga halamang nakaharang sa kaniyang binabagtas na daan subalit hindi niya ito iniinda, marahas ang kabog ng kaniyang dibdib.

Hindi na niya nagawang magpaalam kay Lyra mamaya na lamang siya hihingi ng paumanhin.

Mahigit sampung minuto ang lumipas bago niya narating ang tahanan ng mga Zamora at halos manlaki ang kaniyang ulo sa nasaksihan.

Sa harap ng malaking bahay ay nagkalat ang mga bangkay ng tauhan ng gobernadorcillio, nagkalat din ang dugo sa lupa at may mga tilamsik sa mga halaman at damuhan.

Nakapila at nakatutok ang mga baril ng sa tantiya niya ay dalawang dosenang bilang ng mga gwardiya sibil sa harap ng malaking bahay.

Agad hinanap ng kaniyang mata ang mag-asawa, bumukas ang pintuan ng malaking bahay at doon ay lumabas ang dalawang gwardiya sibil hila-hila si Don Thomas Zamora kasunod ang kaniyang may-bahay na itinutulak-tulak din ng isa pang gwardiya sibil. Nakagapos ang dalawang kamay ng gobernadorcilo sa likod gamit ang matibay na lubid.

Itinulak ng heneral si Don Thomas ng paluhod sa harap ng kaniyang tahanan, narinig niya ang malakas na hagulhol ni Donya Trinidad at ang pagmamakaawa sa Heneral na huwag saktan ang kanyang asawa at paulit-ulit na pakiusap at paliwanag na wala silang kinalaman sa ibinibintang ng mga ito.

Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at nagtagis ang kaniyang bagang. Kung sino man ang nasa likod ng kaguluhang ito ay hindi niya mapapatawad. Napahakbang siya ng makitang itnutok ng heneral ang baril sa ulo ng nanlalabang gobernadorcillio.

Subalit ang pagnanais niyang makalapit sa mga ito ay naudlot dahil sa mga kamay na pumigil sa kaniyang paghakbang. Marahas niyang nilingon ang nagmamayari ng kamay na iyon.

"Huwag Lucas... " mababa at malamyos ang tinig nito. Tingin niya ay ito ang unang beses na narinig niya ang dalaga na ganito kalumanay magsalita. Nakikiusap din ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa kaniya. Hinigit niya ang kaniyang braso subalit mas humigpit lamang ang hawak nito. "Hindi ka maaaring lumapit Lucas, madadamay ka lamang at wala ka nang magagawa upang tulungan sila." matigas nitong anas.

Hindi niya mapigilan ang payak na tawa. "Sa tingin mo ay hahayaan ko lamang sila na mapahamak Lyra?" ang hindi makapaniwalang tanong niya sa kasintahan. Itinuturing na niyang pangalawang pamilya ang mga Zamora at hindi niya matatanggap na wala siyang gagawin upang matulungan ang mga ito.

Hindi ito sumagot.

"Ginoo alam na ng inyong ama at ina ang nangyayari, patungo na ang iyong ama sa Intramuros upang makausap ang Gobernador Heneral." si tatang Pitong.

Kahit malamig ang ihip ng hangin at tila nagbabadya ng malakas na pag-ulan sa kabila ng mainit na panahon kani-kanila lamang ay kitang-kita ang pawis ng matanda dahil sa labis na pakabalisa.

Napatango siya sa sinabi ng matanda sa isip ay nagpapasalamat na kumilos na ang kaniyang ama upang matulungan ang matalik na kaibigan. Inutusan niya ang matandang kunin ang mga naiwang gamit nila sa dagat sa ibaba ng burol. Pagkatapos ay pumihit na siya matapos sulyapan ang kasintahang matiim na nakatitig sa kaniya tila inaarok ang laman ng kaniyang isipan.

"Lucas makinig ka----"

"----Alam ko ang gagawin ko. " mabilis niyang putol sa dalaga. Napansin niya ang pag-tiim bagang nito sa gilid ng kaniyang mga mata. "Vete a casa ta para que no te involucres en este lío." Umuwi ka na upang hindi ka madamay sa kaguluhang ito."

"Don't involved yourself Lucas!" galit nang asik nito na ikinainis niya.

"Hindi mo naiintidihan Lyra, mahalaga sa akin ang mga Zamora hindi ako manonood lang na mapahamak sila." Kalmado man ay inis na rin niyang paliwanag sa dalaga.

"Mahalaga sayo dahil sila ang pamilya ng pinakamamahal mong si Katrina." Mapait na akusa nito, matalim ang mga matang tumitig siya dito.

"Ano bang sinasabi mo Lyra!" di makapaniwalang sambit niya. "Huwag mong idamay ang taong wala na, wala siyang kinalaman dito."

"Bakit hindi, nang dahil sa kaniya nabubulagan ka sa kasamaan ng pamilya nila, hindi mo ba nakikita Lucas, hinuhuli sila dahil mayroon silang kasalanan!"

"Wala kang karapatang husgahan sila Kallyra, hindi pa man sila nalilitis ay hinatulan mo na sila!" nararamdaman niya ang pagbilis ng hinininga dahil sa pinipigilang galit.

"Hindi mo sila kayang husgahan dahil mahal mo ang anak nila, ngayon mo patunayang hindi mo na mahal si Katrina, kung makikialam ka sa kanila ay patutunayan mong tama ako." malamig na hamon nito. Matagal na rin mula ng huli niyang makita ang ganitong ekspresyon nito ng muka. Parang walang pakialam at nanunuya.

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo!" tiim bagang niyang wika.

"Alam ko ang sinasabi ko, ikaw ang walang alam dahil ginagago ka na ay hindi mo pa alam."

Pagak siyang tumawa at naiiling na umiwas ng tingin. "Hindi dahil sa matalino ka ay mas magaling ka na sa iba at maari ka nang humusga, kung masasama man sila ay hindi iyon sapat para gawin sa kanila ito. Alam mo ba ang mangyayari sa oras na hindi makalaya sa kulungan ang Gobernadorcillio? Pupugutan siya ng ulo at hindi ko masisikmurang mangyari iyon sa itinuturing kong pangalawang ama hindi mo naiintidihan iyon dahil hindi mo naramdaman ang pagmamahal ng isang ama." Kahit hindi sumusigaw ay ramdam niya ang kaniyang galit.

Gusto niyang pagsisihan ang nasabi subalit parang wala naman itong naging reaksyon. "Mangyayari lang yun kung mapapatunayang nagkasala sila, ano ang ikinababahala mo Lucas kung talagang naniniwala kang mabuti ang ama-amahan mo ay hayaan mo sila, kung parurusahan sila nararapat lamang iyon." sa halip ay sabi nito sa pantay na tinig, nanatiling walang bakas na emosyon sa muka.

Muli siyang natawa ng pagak, ibang klase talaga ang katigasan nito. "Hindi ko kayang makipagusap ngayon sayo Lyra, mamaya na lamang tayong mag-usap umuwi ka na upang hindi ka madamay." Malamig at sumusuko niyang anas, hindi niya magawang makipagtalo pa dito dahil sarado ang isip nito, ni hindi niya ito magawang tingnan dahil nasasaktan siya.

Hindi na ito muling nagsalita pa. Hinayaan niyang tuluyang bumitiw ang kamay nitong nakakapit pa rin sa kaniya at agad na tinalikuran ito.

Parang may kung anong mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ni Kallyra sa nakikitang pagkadismaya sa muka ni Lucas. It was the first time he looked at her like that and the first time she felt like this.

Pakiramdam niya ay napakasama niyang tao sa paraan ng pagtingin nito, like she was the most selfish person he ever met. She watched him as he walks away hating the distance that building between them.

Pinanood niya ang patakbong paglapit ng kababata nitong si Mariya at ang mahigpit nitong pagyakap sa binata. Pinanood niya ang marahang paghagod ni Lucas sa likod ng umiiyak na dalaga at ang marahang paghalik sa ulo nito.

A kind of tenderness only people who deeply cared about each other would do. Bumagal ang pagpintig ng kaniyang puso, at tila ba huminto rin ang pagkilos ng lahat sa kaniyang paligid at lumalabo din ang kaniyang paningin but she could still see the two clearly.

Muling umihip ang malakas na hangin. Nilipad at nagulo ang kaniyang buhok at nawala iyon sa pagkakapusod. Bumuhaghag iyon at sinayaw-sayaw ng hangin.

Itinaas niya ang isang kamay at isinabit sa tenga ang mga hibla ng buhok na humaharang sa kaniyang mukha. Habang pinagmamasdan niya ang dalawa ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng sakit. She felt a warm liquid on her face, she look at her fingers to check it, and she realized it was tears.

Muli niyang itinaas ang kamay upang pahirin ang ilang patak ng luha at marahang tumalikod at humakbang paalis.

Payak siyang ngumiti, even without looking at the mirror she knew there was sadness in her eyes. Marahan niyang hinaplos ang naninikip na dibdib. Kahit sa sarili niya ay nagagalit siya, she's really a heartless bitch, no wonder he was so disappointed, siguro nagsisisi itong naging sila dahil wala siya kumpara kay Katrina at sa kababata nitong si Mariya.