webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · 歴史
レビュー数が足りません
70 Chs

Capitulo Cincuenta y seis

Tanghali na ng magising si Kallyra subalit tinatamad pa rin siyang bumangon. Wala naman siyang gagawin ngayong araw maliban sa pagpapadala ng telegrama sa Espanya.

Dalawang araw na ang nakalipas mula ng makita at makausap niya si Lucas. Ang sabi niya ay pag-iisipan niya ang pagtira sa nabili nitong bahay na ayon dito ay dating tirahan ng kamag-anak nilang Doktor ng Pilosopiya na ngayon ay naninirahan na sa Madrid kasama ng mestisang napangasawa.

Napabalikwas siya ng bangon ng may maalala. Nagmamadaling nagbalot na siya ng mga dadalhing gamit at patakbong nagtungo sa paliguan sa labas ng inuupahang bahay. Malapit iyon sa balon at kailangan pa niyang umigib.

Mataas na ang sikat ng araw kaya wala ng nag-iigib. Ang mga tao sa panahong ito ay mas maaga pang nagigising bago tumilaok ang manok sa madaling-araw, buhay na ang paligid at gumagawa na ng mga gawaing bahay katulad ng pag-iigib.

Paulit-ulit niyang minumura ang sarili sa isip. Paano na lang kung iniwan na siya ni Lucas at naisipan nitong huwag na lang siyang isama dahil napaka-unprofessional niya.

Nang matapos maligo ay hindi na niya pinag-isipan ang isusuot sapagkat pare-pareho lang namang baduy iyon sa kaniyang paningin.

Kaagad siyang umupa ng kalesang maghahatid sa tahanan ng mga De la Torre at matapos magbayad ay tumalon na siya pababa ng kalesa at patakbong tumawid sa malawak na kalsada patungo sa bakuran ng malaking bahay ng mga De la Torre.

Nakasalubong niya si Tatang Pitong na nanggaling sa hardin sa kaliwang bahagi ng malaking bahay. Katulad pa din ng dati ang matanda, maitim ang balat kumpara sa karaniwang kayumangging kulay ng mga pilipino at kulot ang manipis na buhok. Malaki ang bilugang mata at pango ang ilong, makapal ang labi at hindi rin ito katangkaran.

"Binibining Kallyra, ako sana'y magtutungo sa labas at ang balak ko'y hanapin ang iyong tirahan, kanina pa naghihintay ang ginoo sa iyong pagdating, mabuti at narito ka na, hala at magtungo ka sa hardin naroon si Ginoong Lucas at naghihintay." tuwang wika nito ng makalapit siya.

Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Mabuti na lang at hindi pa umaalis si Lucas. "Salamat po Tatang Pitong, mauna na ko." paalam niya at kaagad nagtungo sa tinuro nitong direksyon.

Napahinto siya sa paglakad ng marating ang hardin. Naroon si Lucas at naglalakad ng pabalik-balik at tila hindi mapakali. Nakapamewang, galit at kabado ang hiwas ng muka.

Nagkunwari siyang umubo upang kunin ang atensyon nito. Marahas na pumaling ang ulo nito paharap sa direksyon niya. Halos magdikit ang makakapal at itim nitong kilay at matalim ang matang itinuon sa kaniya.

"Pasensiya na, ahm.. ano tinanghali ako ng gising." alangang paliwanag niya. She felt akward ng hindi ito nagsalita at nanatili ang matiim na titig sa kaniya. Ibinulsa nito ang dalawang kamay, wala na ang galit subalit madilim pa din ang muka.

"Tayo na." malamig nitong sabi at naglakad palabas ng hardin. Sumunod siya ng makalampas na ito sa kaniya. "Ang kalesa, Tatang?" sa parehong tinig ay tanong nito sa matanda.

"Nakahanda na Ginoo." mabilis naman na sagot nito, kabado ito at halatang hindi sanay na makitang ganoon ang binatang amo. Binigyan siya ng sulyap ng matanda na parang naninisi.

She bit her lower lip and pretend she did not notice it. Hindi na niya hinintay na utusan siya at kaagad na sumakay sa naghihintay na kalesa. Hanggang sa makalabas na sila ng Intamuros ay hindi pa din siya kinakausap o pinapansin man lang ng katabi at malapit ng mapanis ang laway niya. Pumikit na lang siya at isinandal ang ulo sa upuan at sinubukang umidlip. Lumipas ang ilang oras ay nanatili pa rin siyang gising dahil napahaba ang kaniyang tulog kagabi.

"Kailan ka dumating?" naisipan niyang tanong.

"Lunes." tipid nitong sagot

Tumango-tango si Kallyra. Ibig sabihin tatlong araw pa lang ang nakalipas mula ng dumating ito galing ibang-bansa.

"Saang bansa ka nagpunta?" tanong niya ulit. Bukod sa nais niyang basagin ang nakakailang na katahimikan sa pagitan nila ay gusto rin niyang marinig ang kwento nito tungkol sa mga nangyari sa buhay nito mula ng umalis siya.

"Espanya." kung ganoon ay hindi ito nagtungo sa Estados Unidos katulad ng sinabi ni Jose. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkadismaya sa nalaman.

Tumango ulit siya. Naghintay siya ng mga sasabihin nito katulad ng palagi nitong ginagawa. Namimiss na niya ang kadaldalan nito subalit hindi na ito muling nagsalita matapos sagutin ang tanong niya.

"Anong ginawa mo sa Espanya?" subok niya ulit.

"Namasyal."

Kumunot ang noo ni Kallyra. "Namasyal? meron ka bang mga kaibigan sa Espanya?" ang alam niya ay doon ito nag-aral ng kolehiyo subalit dito naman ito lumaki sa Pilipinas.

"Wala." ipinikit nito ang mata na para bang ipinahihiwatig na ayaw na siyang makausap.

Kallyra bit her lower lip again and decided to keep her mouth shut. Nagkasya na lamang siya sa pagtitig sa gwapo nitong muka, sinasamamtalang hindi nito nakikita.

"Stop staring at me." malamig nitong suway.

Mabilis niyang iniwas ang tingin. "I'm not." kaagad niyang tanggi. Binukas nitong muli ang mata at tiningnan siya na parang sinasabing nagsisinungaling na naman siya. Hindi na lamang niya ito pinansin at nagmasid na lang sa mga punong nadaraanan sa gilid ng kalsada.

Lumipas ang ilang minuto ay nakaramdam na siya ng gutom. Nakalimutan niyang kumain dahil sa pagmamadali. Binalewala na lamang niya ang naramdamang gutom at pinilit na umidlip hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.

Nagising kaagad siya ng huminto ang kalesa dahil mababaw lang naman ang tulog niya. Magtatanong sana siya kung bakit sila huminto subalit itinikom na lamang niya ang bibig. Baka mainis lamang siya kung sasagot na naman ito ng katulad kanina na isang tanong - isang sagot lamang.

Sumunod na lang siya ng bumaba ito dahil gusto din niyang iunat ang nangangalay na binti. Ang kutsero naman ay inalis sa pagkakakabit ang kabayo sa kalesa at pinainom ito ng tubig pagkatapos ay hinayaang kumain ng damo sa paligid.

Naupo siya sa mataas at malapad na bato sa gilid ng kalsada at pinagmasdan ang magandang tanawin sa kaniyang harapan.

Nasa mataas na lugar sila kaya naman tanaw na tanaw niya ang malawak na bukirin. Mataas pa din ang sikat ng araw at nakararamdam na siya ng bahagyang pamamawis.

"Anong ginagawa mo?" napalingon siya sa binatang nagtanong. May inis sa muka nito.

"Akala ko ay magtatagal ka ng ilang minuto sa dadaanan mo. Kaya bumaba na din muna ako sandali nangangalay na ang binti ko." paliwanag niya. Nakita niya itong nagtungo sa kubong ilang dipa ang layo sa kalsada.

"Bakit hindi ka sumunod?" inis na namang tanong nito.

"Walang kang sinabing sumunod ako." katwiran niya.

"Hindi ba nagugutom ka? Mayroong panaderya doon." tukoy nito sa kubong pinuntahan. "Pumili ka ng gusto mong kainin." masungit nitong sabi.

"Hindi ko naman sinabing nagugu----"

"Naririnig kong tumutunog ang tiyan mo at hindi ako makatulog." putol nito sa sasabihin niya. "Tayo na, baka gabihin tayo sa daan kapag hindi tayo umabot sa sunod na kalye."

Hindi na siya nagsalita at sumunod na lamang dito. Totoo namang gutom na talaga siya kaya hindi na siya nakipagtalo, bahagya siyang nakaramdam ng hiya dahil sa muling pagkalam ng sikmura.

Sinungitan na naman siya nito ng akmang mag-aabot siya ng bayad sa panadero matapos pumili ng tinapay. Pumili na siya ng marami dahil nag-aalala siyang baka wala silang madaanang karinderya kaya naman pang-limang tao ang binili niya.

"Ilang araw ka bang hindi kumain?" puna nito.

"Hindi ko 'to kakainin lahat ngayon at bibigyan ko din si mamang kutsero." kaagad niyang depensa sa sarili. Tinaasan lang siya nito ng kilay at naglakad na pabalik sa kalesa.

Ilang araw din silang nagbiyahe patungo sa Ilocos Norte sapagkat nagpapalipas sila ng gabi sa mga bahay panuluyan na kanilang nadaraanan. Tanghali ng makarating sila sa Calle Luna, isa sa mga baranggay sa La Union.

Masaya namang bumati sa kanila ang mga tauhan ng pamilya nina Lucas kasama si Ginoong Fausto ng sila ay dumating.

Naagaw ang kaniyang pansin ng isang magandang babaeng kasamang bumati sa kanila. Mahaba ang makapal at maalong buhok. Maitim na tulad ng sa uling ang kulay noon at halatang alagang sinusuklayan araw-araw. Maputi ang pantay-pantay na ngipin at may biloy sa magkabilang pisngi. Maganda ang pagkaguhit ng manipis na kilay at mapula ang bahagyang makapal na labi. Tama lamang ang tangos ng ilong at kulay kayumanggi ang balat. Magkasing-taas lamang ito at si Mariya at sa tingin niya ay nasa edad dalawampu hanggang dalawamput lima.

Malaki ang ngiti nitong binati si Lucas matapos siyang bigyan ng mabilis na ngiti. Kitang-kita ang malalim na biloy nito sa pisngi na lalong nagpapatingkad sa ganda nito. Makikita ring mabait at isang mayuming dalaga na laging may nakahandang palakaibigang ngiti, kabaliktaran niya.

Gumanti naman ng ngiti ang binatang kasama at magiliw na nakipagkwentuhan sa mga sumalubong sa kanila.

Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng takot at kaba matapos mapagmasdan ang dalaga. Iniisip niya kung nagagandahan din ba dito si Lucas. Pinilit niyang iwinaksi ang walang katuturang tanong na iyon sa isip at tinuon ang pansin sa mga naroong nag-uusap.

"Mayroon kaming hinanda sa tahanan ni kabesang Manuel. Doon na tayo tumuloy ginoong Lucas. Sigurado akong magugustuhan ninyo ang mga nilutong handa ni binibining Luisa." ang masiglang anyaya ni ginoong Fausto. Ang tinukoy nitong anak ng kabesa ay ang dalagang may biloy sa pisngi.

"Talaga?" nakangiting tanong ni Lucas na sumulyap sa dalagang binanggit na kaagad namula.

"Aba ay oo naman. Tiyak iyon ginoo. Marami ngang humahanga kay binibining Luisa dito sa baranggay at sa mga karatig baranggay dahil hindi lamang siya magaling magluto, napakahusay din niyang sumayaw." pagmamalaki pa ni ginoong Fausto na para bang anak nito ang dalaga.

"Huwag kang maniwala kay ginoong Fausto, ginoong Lucas, hindi totoo ang kaniyang mga sinabi." lalong namula ang dalaga at halatang nahihiya.

"Anong hindi? Aba isa ako sa mga humahanga sa husay mo magluto binibining Luisa, kung hindi ninyo naitatanong ay kaya kong umubos ng ilang bandehadong kanin kapag si binibining Luisa ang nagluto." ang pagmamayabang naman ng binatilyong kasama ng mga ito. Nagtawanan ang mga naroon kasama si Lucas.

Humaba ang usapan at kaniya-kaniyang nagyabangan kung sino ang mas humahanga sa husay magluto at sumayaw ng magandang dalaga.

"Huminto na nga kayo sa inyong mga pagtatalo, tingnan ninyo at halos hindi na makita ang biloy ni binibining Luisa dahil sa labis na pamumula." tukso ng isa pang kasama nila.

"Oo nga naman. Hamo at malalaman natin kung anong masasabi ni ginoong Lucas kapag dumating na tayo kay na kabesa, tayo na roon." anyaya ni ginoong Fausto.

She followed the crowd stiffly. Pilit niyang iniignora ang nararamdamang hapdi sa dibdib. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang naiinis siya sa dalagang anak ng kabesa kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya

Palagi nga itong nakangiti sa tuwing mapapatingin sa kaniya.

Naiinis din siya sa tuwing gumaganti ng ngiti si Lucas sa dalaga at naiinis siya dahil hindi siya makasali sa masayang kwentuhan ng mga ito. She coudn't relate at mukang hindi naman nila gustong makipagkwentuhan sa kaniya.

Hindi naman siya sobrang introvert and she knows how to socialize pero napapansin niyang madalas ay nakakalimutan ng mga ito na naroon siya.

Kaya naman kagaya ng parati niyang ginagawa ay pinilit na lamang niyang mag-isip ng ibang bagay upang malayo ang kaniyang atensyon sa mga taong nag-uusap sa kaniyang paligid hanggang sa lumabo na sa kaniyang pandinig ang mga tawanan at kwentuhan ng mga ito.