webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · 歴史
レビュー数が足りません
70 Chs

Capitulo Cincuenta y nueve

Hindi natuloy ang balak na paliligo ni Kallyra sa batis dahil hindi sila nagkasundo ni Lucas sa hindi pagsuot ng kaniyang saya sa paliligo. Kaya ang nangyari ay hinintay niya itong punuin ang tapayan ng tubig na inigib nito mula sa batis. Mabilis siyang natapos maligo at ibinalot ang tuwalya sa basang buhok.

Nang makabalik siya sa loob ng kubo ay wala pa doon ang binata at papalubog na din ang araw sa kanluran. Mabilis niyang pinatuyo at sinuklay ang buhok pagkatapos ay nagtungo siya sa kusina at naghanap ng maaaring lutuin doon.

Lumapit siya sa sisidlan ng bigas na katabi ng parakang yari sa hinabing dahon ng buli. Mayroon ding malaking tapayan doon na puno ng tubig na ginagamit sa pagluto at paghugas ng pinggan.

May mga nakasalansang tuyong kahoy at bao ng niyog sa ilalim ng tungkong lutuan. Sa gilid naman ay maayos na nakasabit ang mga sandok na mula sa maliit na panalok hanggang sa malaki ang pagkakasalansan. Mayroon ding nakasabit na isang maliit at malaking palayok at kawali na lutuan ng kanin at ulam.

Malapit sa bintana ay may mga nakasabit na pinatuyong dahon ng gabi at mga pinatuyong isda. Sa lamesa ay nakapatong ang dalawang maliit na bilao na may lamang mga pang-samya katulad ng bawang, sibuyas, luya at iba pa.

Napangiti si Kallyra, sa dami ng pagkain sa paligid ay siguradong hindi siya magugutom. She could stay in this house forever. Naupo siya sa silyang naroon at nangalumbaba, iniisip kong anong masarap na lutuin. Kung sana lang ay nakapagdala siya ng pagkain kanina bago siya lumayas ng handaan. Uso naman ang ganoon sa panahong ito ayon sa napansin niya.

Kumalam ang sikmura niya ng maalala ang masasarap na pagkain kanina subalit sumimangot siya ng maalala din ang dalagang anak ng kabesa.

Napaupo siya ng tuwid ng may marinig na kahol ng aso sa labas ng bahay. Tumayo siya at sumilip sa bintanang naroon at nadungawan niya si Lucas na basa ang buhok at walang suot na pang-itaas na damit at may dalang dalawang piling ng hinog na saging saba.

Nagmamadaling lumabas siya ng kusina at sinalubong ito sa pintuan.

"Naligo ka sa batis?" tanong niyang nakasimangot pa din. Nahinto ito sa pintuan at matamang nakatitig lamang sa kaniya at bahagyang nakaawang ang mapulang labi. Nakaramdam siya ng pagkailang at mabilis na pinasadahan ng tingin ang suot niyang baro at saya. Wala namang kakaiba sa suot niya at pangkaraniwan lang iyon, maayos na nakalugay ang kulot niyang buhok na sinuklay niya ng isang- daang beses kanina.

"Saan mo nakuha yang saging?" tanong ulit niya subalit nanatili itong tahimik at nakatitig lang sa kaniya. Dumaan ang sandali at ganoon pa din ito kung hindi pa muling kumahol ang aso sa bakuran nila ay hindi ito kukurap.

Yumuko ito at umubo. "T-tayo na sa loob." anito.

Tumango siya at binigyan ito ng espasyo upang makadaan at tumuloy ito sa kusina.

Nanatili siya sa pintuan at tinawag ang asong patuloy pa din sa pagkahol. Umungot-ungot ito at kumakawag-kawag ang buntot na lumapit sa kaniya.

"Good girl." nakangiting hinaplos niya ang makinis na ulo at kinamot ang tenga hanggang sa tiyan nito. "Your pregnant?" bulalas niya sa natuklasan at mabilis na luminga-linga sa paligid ng bakuran. "Bastard." inis na bulong niya ng hindi makita ang hinahanap.

"Sinong kausap mo?" tanong ni Lucas na kalalabas lang ng kusina.

"No one." aniya at patuloy na nilalaro ang asong buntis. "Did you noticed that she is pregnant?" nakangiting nilingon niya ang lalaking kausap. "But the bastard father is nowhere in sight, sigurado akong tinatakbuhan niya ang responsibilidad para sa mga tuta. If it was my Lucas I'm sure he would take care of his puppies."

Nahinto siya sa pagkamot sa tiyan ng asong nakahilata na sa damuhan ng marealize ang sinabi. "I mean.." alangang muli niyang nilingon ang binata sa kaniyang likuran.

"Your Lucas?" nakangisi nitong tanong.

"Ah, well.. that was my dog's name too." She watched him lick his lower lip and raised his one brow. Bumaba ang tingin niya sa malapad nitong dibdib at ang six pack abs nito na tulad ng sa kaniya, her eyes went down to his navel but she immediately look away when she heard the dog barked again.

"Like what you see?" he asked hoarsely. Malalim at mabigat ang mata nitong nakatitig sa kaniya. Tumaas ang balihibo niya sa batok. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba kapag ganoon ang tono ng boses ng binata. She expertly avoided his dark eyes and answered his question.

"Meron din ako niyan." tukoy niya sa abs nito. "At bakit ka walang suot na pang-itaas, nakalimutan mo bang may kasama kang babae sa kubong ito, and people might see us at baka kung anong isipin nila." suway niya dito upang pagtakpan ang pagkailang.

"Tayo lang naman ang nandito ngayon. Anong balak mo sa asong yan?" kunot-noong tanong nito.

"Sa tingin mo ba ay may may-ari sa kaniya?" she asked worriedly. She wanted to keep the dog because she missed her golden retriever.

He shrugged his shoulder. "I don't think so."

"Then I'll adopt her and her puppies." muling bumalik ang masayang ngiti niya.

"Ikaw ang bahala." Umalis na ito sa likuran niya at nagtungo muli sa kusina. Isinama niya sa loob ng kubo ang aso at iniwan ito sa maliit na sala matapos sarhan ang pinto.

Sumunod siya sa kusina kung saan naroon ang kasama. "Anong lulutuin mo?" tanong niya ng makitang nagpapa-apoy ito sa tungko gamit ang bunot ng niyog. Naglikha iyon ng makapal na usok na deretsong lumalabas sa butas sa mataas na bubungan na sinadyang hindi tinakpan ng dinding ang bahaging lumampas sa orihinal na bubong ng kubo.

"Magsa-saing at mag-iinit na din ng tubig." sagot nito na patuloy sa pag-ihip sa mahabang tubong hawak upang magpadalit ng apoy. "Gusto mo bang magluto ng ulam?" tanong nito ng matagumpay na napaapoy ang bunot, pinatungan nito iyon ng ilang maninipis na kahoy at bao ng niyog upang mas lalo pang lumaki ang apoy.

"No." tanggi niya. 'you won't like it anyway.' mapait na sabi niya sa isip matapos maalala ang sinabi nito sa dalagang anak ng kabesa kanina sa handaan.

"Sige, ako na lang ang magluluto, anong gusto mong ulam?"

"Kare-kare." mabilis niyang sagot. Naging paborito na niya iyon mula ng matikman niya kanina. Hindi ito umimik at ang muka nito ay parang nagsasabing imposible ang gusto niya. Napalabi siya at nag-isip ng ibang ulam. "Adobo na lang, may nakita akong mga manok sa parang ipaghuhuli kita." suhesyon niya.

"Ako na lang ang manghuhuli." anito at nag-salang muna ng bigas sa palayok. "Bantayan mo ang sinaing, kapag kumulo na ay bawasan mo ng apoy, kung gusto mo ay magbalat ka na din ng sibuyas." anito. Nakangiti siyang tumango at naghanda na siya ng mga samyang hihiwain. Her heart feels light and happy habang ginagawa ang utos nito. Pakiramdam niya ay para silang mag-asawang taga-bukid.

Subalit natapos na siya sa paghihiwa ng mga gagamiting samya at luto na din ang sinaing, ang pinapakulong tubig na ang nakasalang ngayon sa tungko ay wala pa din si Lucas.

Bahagya ng madilim ang paligid ng lumabas siya ng kubo at nagtungo sa likod ng bahay. Naroon si Lucas at nakikipaghabulan sa mga manok.

Kumunot ang noo niya at pinanood ito. He looks very frustrated at pawisan na ang katawan nito. "Hindi ka ba makahuli?" tanong niya ng hindi makatiis na panoorin lamang ito.

Huminto ito at tumingin sa kaniya. "No. I was just playing with the chickens." he spat sarcastically.

She rolled her eyes and grab a small stone from the ground. Kung hindi siguro niya ito tutulungan ay kakain silang samya lamang ang ulam. She squint her eyes so she could clearly see her target and then she threw the stone. Saktong sumapol iyon sa ulo ng matabang manok at sumubsob iyon sa lupa.

Pinagpagan niya ang nadumihang kamay at lumapit sa nahuling manok. Lucas mouth was still hang open even after she passes by twice in front of him.

"Tayo na sa loob ng kubo Lucas, gabi na kailangan na itong maluto." itinaas niya at inilapit sa muka nito ang manok na bitbit sa paa.

"You killed it." ang tila nang-aakusang wika nito.

"Of course, hindi naman natin ito kakainin ng buhay di ba?" nagtatakang tanong niya.

Bumuka ang bibig nito subalit wala namang sinabi. Masama siya nitong tinapunan ng tingin. Bumalik na naman ang masungit at malamig nitong muka bago ito humakbang pabalik ng kubo.

********

Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa din siya iniimikan ni Lucas. Madalas sila sa bukid at doon na nagpapalipas ng maghapon.

Kapag naroon sila ay sina ginoong Fausto ang palagi nitong kausap at sa tuwing tanghalian naman ay si Luisa ang kausap at kabiruan nito katulad ngayon.

The woman was smiling brightly, even brighter than the sun. Napansin niyang nabawasan na ang pagiging mahiyain nito kapag kausap si Lucas marahil ay dahil palaging sila ang magkakwentuhan at palagay na ang loob nito sa binata. Palaging may dalang masasarap na ulam ang dalaga sa tuwing dumadalaw ito sa bukid na labis namang ikinatutuwa ng mga naroon.

"Gusto mo bang sumama mamayang gabi sa may batis ginoo?" narinig niyang tanong ng dalaga kay Lucas.

Her perked up and focus her ears to their conversation.

"Sige, walang problema." ang kaagad namang sagot ni Lucas.

"Talaga?" ang tila hindi makapaniwalang kumpirma ng dalaga.

"Oo." natatawang ulit ni Lucas.

Natulala si Kallyra at marahang ibinaba ang dahong kinalalagyan ng kaniyang pagkain. Sumisikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga.

'Anong gagawin nila sa batis?'

'Sila lamang bang dalawa?'

Mga tanong na bumabagabag sa isip niya dahil sa narinig. Mariing kinagat niya ang pang-ibabang labi at iniwas ang tingin sa dalawa.

She was probably overthinking. Alo niya sa sarili at pinilit na ibinalik ang atensyon sa kinakain subalit nahihirapan siyang lunukin ang bawat sinusubo niya sa bibig. Ibinaba na lamang niya ang kutsarang yari sa kahoy sa halip na pilitin ang sarili.

Lalong nanikip ang dibdib niya ng marealize na siya lamang ang gumagamit noon at ang lahat ng mga naroon ay nagkakamay sa pagkain.

Ipinilig niya ang ulo at nakangiting humarap sa katabi upang maibaling ang atensyon sa ibang bagay. "Ano hong pangalan niyo?" tanong niya sa matandang lalaki na sa tingin niya ay isa ding magsasaka. Kaagad na namula ito at nasilip niya ang tinatagong takot nito sa mata.

"S-solomon po binibining K-Kallyra." ang taranta nitong sagot.

"Ah.. magandang pangalan, ilang taon na ho kayo dito naninirahan sa Ilocos? Marami ho bang magandang pasyalan dito?" she kindly asked.

"Matagal na ho at w-wala akong alam na pasyalan binibini." nakaiwas ang tinging sagot nitong muli.

Kallyra look away as well, mas lalo lamang pinalalala ng matandang kausap ang narardamang lungkot.

"Maganda ang panahon ngayon hindi ho ba?" she whispered. Hindi sumagot ang matanda, siguro ay hindi narinig ang sinabi niya. Pinagmasdan na lamang niya ang mabagal na paggalaw ng ulap sa langit.

Sinubukan naman niya.

Ilang beses siyang nagtangkang makipagkwentuhan sa ilang mga kababaihan at mga kalalakihang naroon din maliban kay Luisa subalit ganito palagi ang kinalalabasan. Kahit ngumiti pa siya ng abot-tenga upang iparamdam sa kausap na harmless siya ay ganoon pa rin. Parang takot ang mga itong kausapin siya, hindi naman siya mukang kastila at bakit mabait sila kay Lucas?

Gusto sana niyang patunayan kay Lucas na kaya din niyang makipagkaibigan sa mga magsasakang indio. At mali ito sa mga paratang sa kaniya.