"Binibining Kallyra." malapad ang ngiting bati sa kaniya ni Luisa ng tuluyan na siyang makalapit. "Narito ka pala."
"Maligayang kaarawan binibining Luisa. Napakaganda mo ngayon." labas sa ilong na bati niya.
Nahihiya itong ngumiti. "Mas maganda ka binibining Kallyra. Ah... pasensiya na hindi ko magawang makipagkwentuhan ng matagal sa iyo ngayon. Magsasayaw kami ni ginoong Lucas para sa una kong sayaw ngayong gabi." namumula ang pisnging wika nito.
"Talaga?" pinaling niya kay Lucas ang tingin. "Pumayag siya?" ang tanong na iyon ay para pa rin sa dalaga subalit hindi niya inalis ang tingin sa binata.
Lucas opened his mouth to speak subalit naunahan ito ng tagapagsimuno ng kasiyagan.
"Isang napakakisig at napakagwapong binata ang napili ni binibining Luisa! ano ang masasabi niyo mga kaibigan, hindi ba ay mahusay niyang pumili. Aha! siya ang nag-iisang anak ng Alkalde Mayor ng Maynila at nag-iisang apo ng dating Gobernador Heneral Carlos De la Torre! si Ginoong Lucas De la Torre."
Umingay ang paligid sa lakas ng mga bulungan. Ang iba ay hindi makapaniwala na naroon ang nag-iisang apo ng dating Gobernador Heneral. Ang mga naroong mga ginang na nagaakalang asawa si Kallyra ni Lucas ay labis ang panghihinayang at matalim ang ibinibigay na tingin sa kaniya.
Subalit wala roon ang kaniyang pansin. Nanatili ang malamig na titig niya kay Lucas. Her eyes was daring him to dance with Luisa.
Lalong umingay ang paligid ng hindi pa rin kumikilos ang binata upang kunin ang kamay ng dalagang maykaarawaan at dalhin sa gitna ng bulwagan upang tupdin ang unang sayaw.
Nakayuko ang tila maiiyak na dalaga at nilalaro ang mga daliri sa kamay. Mga naaawang tingin ang ipinupukol ng mga naroon sa dalagang maykaarawan at ang iba naman ay nagbubunyi lalo na ang ilang mga kadalagahang humahanga sa makisig at gwapong binata.
Pumapasok at lumalabas lamang sa tenga ni Kallyra ang mga bulungan at mahihinang tawanan. Nakakaramdam siya ng galit para sa babaeng nasa kaniyang tabi.
She should be the one in her place. Siya dapat ang kinukutya ng mga naroon na hindi nababagay kay Lucas. She would feel happy even if they fling shits on her face because they can't accept the fact that she was with the most handsome man in the crowd. Dahil mas matatanggap niyang siya ang kinaiinisan at kinaiingitan ng lahat.
Hindi kagaya ngayon, nobody noticed her, nobody cared about her, nobody even want to acknowledge the fact that the reason why Lucas don't pay attention to Luisa is because she was there, he was staring at her. It should be her that they supposed to associate with Lucas and not Luisa.
Pumatak na ang luha ni Luisa at tanging sila lamang ni Lucas ang nakakarinig ng mahina nitong hikbi. Tumiim ang bagang ni Lucas at dumilim ang maitim na mata.
Parang malakas na dagok kay Kallyra ang ekspresyong iyon ng binata. Isa lamang ang ibig sabihin noon. Kaya hindi na siya umasa pa.
Iniwas niya ang mata at tinalikuran na ito. She heard the loud cheers of the crowd and the surprised gasped of the birthday celebrant. Pero hindi na niya pinansin ang mga ito.
Mariin niyang ikinuyom ang kamao at tuwid ang likod na naglakad patungo sa lamesang kinaupuan kanina. Her face is perfectly calm and her eyes were devoid of emotion.
Muli niyang narinig ang mga kwentuhan sa kanyang likuran.
"Me sentí aliviado, es bueno que ella no fuera realmente su esposa." 'Nakahinga ako ng maluwag, mabuti na lang at hindi pala siya ang asawa.'
"No podría creer que fuera el hijo del alcalde en Manila. solo la mujer más bella, rica y talentosa puede asociarse con él, la hija de un capitán de barranggay no es lo suficientemente buena para él" 'Hindi ko akalaing siya pala si Ginoong Lucas De la Torre. Napakamakapangyarihan ng kaniyang pamilya at tanging magaganda, mayaman at matalinong dalaga lamang ang nababagay sa kaniya. Kaya hindi nababagay ang isang hamak na anak lamang ng kabesa.'
"No lo creo. Míralos mientras bailan. Lucas se parece a un príncipe y Luisa se parece a una princesa." 'Ang opinyon ko ay iba, tingnan mo sila habang sumasayaw. Hindi ba ay parang isang prinsipe si ginoong Lucas at isang prinsesa naman si binibining Luisa?'
"De Verdad. Luisa es amable y hermosa. ¿Y no sabes que ella fue la que cocina todos los alimentos aquí?" 'Siyanga, mabait at magalang si binibining Luisa. At alam niyo bang ang lahat ng pagkaing nakahain ngayon ay siya ang nagluto?'
"De verdad? Wow ella es increíble! Me entusiasmaría! que se convirtiera en mi nuera." 'Aba! ay napakahusay pala ng anak ng kabesa. Kung siya ang aking magiging manugang ay labis kong ikatutuwa.'
Kallyra pretended that she didn't hear them talking. Sarkastikong tumawa siya sa isip ng maalala ang pinag-usapan nila kanina ni Lucas bago sila umalis ng kubo. He was f*cking right about her again.
No.
She promised he will prove him wrong. And she will do it tonight. Tinapik niya ang balikat sa isip.
'There, there... it's alright! you're strong you can do it!'
She took a deep breath and stand up. Pinasadahan niya ng tingin ang paligid at sinuri isa-isa ang mga binatang naroon sa pagtitipon.
She saw a tall man with a big beard and a mustache, he was wearing an old spanish formal dress like everyone else in the crowd. He looks okay but then he smile... may dalawang puwang ang hanay ng mga ngipin nito sa harap.
Nope. Not him.
Muli siyang naghanap at tumigil iyon sa binatang may bigote rin subalit walang balbas. Matangkad din ito at maayos at malinis ang hitsura. Matikas din ang tindig nito. Subalit ng dumako ang mata niya sa kamay nito ay napailing siya. Pumipilantik iyon sa tuwing sumusubo ng pagkain.
Nope. Don't even think about it.
Muli siyang naghanap subalit halos nasuri na niya ang lahat ng mga binatang naroon ay wala pa din siyang mapili. Hanggang sa dumako ang kaniyang mata sa lalaking tahimik na nakasandal sa may puno ng mangga sa may sulok ng bulwagan. Katulad niya ay mag-isa lamang ito. Nakapamulsa ang isang kamay habang tahimik na umiinom ng alak.
He has long dark hair na umabot lamang sa balikat. He has trimmed beard like Lucas, makapal ang mga kilay at hula niya ay mahahaba din ang pilik mata katulad ng kay Lucas. He has lean and muscular body na bakat sa suot nitong damit katulad ng kay Lucas. He also have the same red and thin lips pero mas nakakaakit ang kay Lucas.
Parang lawin na sinuri niya ang kilos nito. Tumango-tango siya ng malamang hindi ito bakla. Nilagok niya ang natitirang alak sa kaniyang hawak na baso at ibibaba iyon sa bilog na lamesa.
Tunayo na siya at humakbang patungo sa kaniyang target at hindi pinansin ang mga tinging nakasunod sa kaniya.
He immidiately noticed her but he continue drinking his wine. Inilahad niya ang kaniyang palad at yumuko ng bahagya ng makarating siya sa harapan nito upang alukin ito ng isang sayaw. Halata ang pagkagulat nito sa hindi inaasahang paglapit niya.
"Nais kong makasayaw ka ginoo." Nginitian niya ito ng matamis upang hindi ito makatanggi. Subalit nangalay na ang panga niya ay hindi pa rin ito kumikilos.
"B-bakit ako?" tila hindi makapaniwalang tanong nito.
"Hindi ka bungi, hindi pandak, hindi binabae, ang ibig kong sabihin ay ikaw lang ang maayos ang hitsura sa mga binatang nasuri ko dito sa bulwagan, pero malayo ka pa din sa lalaking mahal ko. Ikaw lang ang pwede kong isayaw."
Bumukas ang bibig nito at muntik ng mahulog ang hawak na baso.
Kumunot ang noo ni Kallyra. "Ayaw mo?"
"Ah.. hindi, halika." alanganing tinaggap nito ang kaniyang kamay at maingat siyang inalalayan patungo sa gitna ng bulwagan.
"Hindi ako marunong sumayaw." kaagad na sabi niya ng makarating sila sa gitna.
Napatawa ang binata. "Kung ganoon ay bakit mo ako niyayang sumayaw?"
"Dahil may nais akong patunayan." matiim na wika niya. Muli itong natawa.
"Sa aking palagay ay naninibugho ka. Nakita kita kaninang kasama ng anak ng Alkalde mayor. Siya ba ang tinutukoy mong lalaking mahal mo?"
Hindi siya umimik at nagpasalamat siya ng hindi na ito muling nagtanong.
"Sundan mo lang ang mga galaw ko binibini.... ano nga ba ang ngalan mo?"
"Lyra." tipid niyang sagot.
"Kasing ganda mo ang iyong pangalan binibining Lyra. Ako si Thomas." nakangiting pakilala nito.
"Ikinagagalak kong makilala ka at makasayaw ka Thomas." parang robot na wika niya. Malawak itong ngumiti at iginiya siya sa isang masiglang sayaw na naaayon sa masiglang saliw ng musika.
Sa kaniyang pag-ikot ay nagtama ang kanilang mata ni Lucas. Tapos na ang unang musika kaya natapos na din ang kanilang sayaw ni Luisa kaya naroon na ito sa kanilang upuan kanina. Kahit nasa malayo ay kita niya ang nakatiim nitong bagang.
His eyes are burning with anger, hot and dangerous and it was even darker than usual. The flickering candle lights looks like a dancing fire in the reflection on his eyes. He was standing there like a lion waiting at its prey. He looks ready to pounce at any moment.
Naputol ang kanilang titigan ng bumalik siya sa mga bisig ng kasayaw.
"Ikaw ba ang kasintahan ni ginoong Lucas?" ang tanong nito. Natigilan siya sa tanong ng lalaki.
Ano nga ba sila ni Lucas?
Friends with benefits maybe?
They don't have a label they forgot about it. Parang sinampal siya ng katanungang iyon. They were f*cking each other but they don't even say I love you's. She never heard him say that. Not even once.
"Lyra?" napakurap siya at muntik ng matalisod ang kaniyang paa mabuti na lamang ay nahagip siya nito sa kaniyang bewang at mahigpit din siyang nakakapit sa braso nito.
"S-salamat." nailang na sambit niya ng mapansing halos magdikit ang kanilang muka. Mabilis niyang inilayo ang muka at ganoon din ito subalit aksidenteng nauntog nito ang babaemg sumasayaw sa kanilang likuran.
"P-pasen--" hihingi sana ng paumanhin ang binata subalit sinungitan ito ng dalaga. Lulugo-lugong muli siya nitong hinarap.
Hindi mapigilan ni Kallyra ang pag-ngiti. "Ayos ka lamang ba? Wala bang bukol?" biro niya.
Natawa naman ito at umiling. Nagpalit sila ng pwesto at ngayon ay nakaharap na siya sa kinatatayuan nina Lucas.
Parang nag-uunahang kabayo ang tibok ng kaniyang puso ng makitang naglalakad ito papalapit sa kanila ng kaniyang kasaway. Malalaki ang hakbang at nag-aalab sa galit ang mga matang ngayon ay mabalasik na nakatitig sa kaniya. Humigpit ang kapit niya sa braso ng lalaking kasayaw at inihanda ang sarili sa paglapit nito.
Subalit huminto ito ilang dipa ang layo mula sa kaniya ng may pumigil sa braso nito. Napabaling ang kaniyang tingin sa may-ari ng kamay na iyon.
Si ginoong Fausto.
Nakita niyang may ibinulong ito kay Lucas at pagkatapos ay kaagad na umalis ang binata sa bulwagan matapos siyang tapunan ng nagbabantang sulyap.
Nang matapos ang ikalawang tugtog ay bumalik na sila sa kanilang inuupuan. Si Thomas ay nakiupo na rin sa katabing upuan niya dahil meron ng umagaw sa kinauupuan nito kanina.
They heard a commotion from the crowd, ayun sa nasagap ng kaniyang pandinig ay may mga dumating na ilang mga negosyanteng mangangalakal na ngayon ay nasa tanggapan ng kabesa de baranggay. Iyon siguro ang ibinulong ni ginoong Fausto kay Lucas kanina.
Nakipagkwentuhan na lamang siya kay Thomas upang hindi mainip. Subalit lumipas na ang dalawang oras ay hindi pa din niya nakikita si Lucas.
Napansin niya ang ilang mga bagong muka sa bulwagan na nasisiguro niyang kasama ng mga dumating na mayayamang negosyte.
"Wala ka pa bang balak umuwi binibining Lyra?" tanong ni Thomas makalipas ang dalawa pang oras. Kakaunti na lamang ang mga naroon sa bulwagan at kapansin-pansing kanina pa wala roon ang dalagang may kaarawan at ang asawa ng kabesa ang siyang nageestima sa mga pauwi ng bisita.
"Mayroon pa akong hinihintay." tipid na sagot niya.
"Kung ganoon ay mauuna na ako, nawa'y magkita tayong muli binibining Kallyra." magalang itong yumukod at ngumiti. She smiled back at the kind man at tinanaw ang pag-alis nito.
Now she was left alone. Mabibilang na sa kaniyang mga daliri sa kamay ang mga natitirang bisita at halos mga katulong na lamang na nagliligpit ng mga kinainan ang nagkalat sa paligid.
Hindi siya nakatiis kaya't tumayo na siya upang hanapin si Lucas. Nagtanong-tanong siya sa mga kasambahay na mga indio at magalang naman nitong itinuro siya patungo sa pangunahing pinto ng bahay. Subalit walang tao sa silid tanggapan ng kabesa kung saan siya itinuro ng mga katulong.
Iginala niya ang mata sa paligid at pinakiramdaman ang bawat silid kung mayroong mga nag-uusap.
But something was urging her to go near one of the closed room located in the far left corner on the first floor. Mayroong malabong ilaw na sumisilip sa siwang ng pintuan mula sa loob na ibig sabihin ay may tao doon.
Her curiosity won and she walks through the narrow lobby of the house. Her footsteps were light and no sounds can be heard not even the fast beating of her heart. But she immediately stops when she's near enough to hear two people talking inside of the room. They don't seems like really talking, they are whispering loudly.
Marahan siyang lumapit doon at inilapat ang kaniyang tenga upang mas marinig ng malinaw ang nag-uusap.
But what she heard made her world crumbles, it shook then it collapsed. Tila ilang libong palaso ang tumusok sa kaniyang katawan at pinigilan siyang makagalaw. She felt like someone just grab her heart and forcefully removed it. Her brain stop working it became muddled, lost and empty. She felt like she died at this moment.