webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · 歴史
レビュー数が足りません
70 Chs

Capítulo Siete

"Dumugo ang kaniyang ilong binibini, sigurado ka bang ayos lang siya." Naulinigan ni Lucas ang boses ng lalaki para itong umaawit, pumipiyok-piyok pataas at pababa sa kaniyang pandinig, may pag-aalala sa tinig nito. Naramdaman niyang umaandar sila at umaalog ang kaniyang kinasasandalan.

"Hindi nakakamatay ang suntok na iyon Diego at tumigil na ang pagdurugo, ayos lang siya." Kilala niya ang tinig na iyon, agad ang pagpasok ng alaala sa kaniyang isipan ang nangyari, napabalikwas siya ng upo, nakasakay na pala siyang muli sa kalesa. "Ayos ka lang ba?" napabaling ang kaniyang tingin sa dalagang katabi, wala siyang emosyong mabasa sa mukha nito.

"Anong nangyari?" nilingon niya ang kanilang likuran, kasunod pa rin nila ang mga kalesang naglalaman ng mga tela. Anong nangyari, nanaginip lamang ba siya?

"Malapit na tayo Ginoo, mahimbing ang iyong pagkakatulog." May langkap na biro sa tono ng dalaga. Nagsalubong ang kaniyang kilay.

"Anong nangyari sa mga tulisan?" naguguluhang tanong niya. Ramdam pa rin niya ang sakit ng kaniyang pisngi at parang namamaga pa nga iyon, sigurado siyang totoo ang nangyaring pagtambang sa kanila ng mga tulisan.

"Walang tulisan. " Anong ibig nitong sabihin, lalong nagbuhol ang kaniyang mga kilay sa sinabi nito. "Hindi mga tulisan ang nakalaban natin kagabi Ginoo, mga binayaran upang patayin tayo at agawin ang mga tela, inutusan sila ng matabang intsik. Inasahan ko ng mangyayari ito." Nailing na wika nito.

"Ang tsinong binilhan natin ng mga tela?" nabiglang tanong niya, kumirot ang kaniyang pisngi at napangiwi siya. Tumango ito at bahagyang tumaas ang sulok ng labi nababasa niya ang kaaliwan sa mata nito. "Papaanong.... Papaanong nakaligtas tayo sa kanila?"

"Napakahusay ng binibini, Ginoong Lucas!" singit ng binatang kutsero. "Para akong nakakita ng isang daang kawal sa katauhan ng isang babae at napakagandang kabalyero!" puno ng pagkamanghang kwento ni Diego. "Matatalo na sana ni binibining Kallyra ang lahat ng mga mamamatay taong yun kung hindi dumating ang mga gwardiya sibil."

Sa mga sinabi ng binatang kutsero ay ang pangalan lamang ng babae ang rumehestro sa kaniyang isip, Kallyra pala ang pangalan nito, maganda at kakaiba din tulad ng may-ari. Sumama ang kaniyang pakiramdam sabay na kumirot ang kaniyang pisngi at ang kaniyang puso.

Mabuti pa ang kutsero ay pinagsabihan agad ni Kallyra ng kaniyang pangalan, samantalang hindi nito nais ibigay sa kaniya.

Nilunok niya ang bara sa kanyang lalamunan. "¿C-cόmo sabía la Guardia Civil?" P-paanong nalaman ng mga gwardiya sibil?

"Inaasahan ko ng mangyayari ito kaya sinabi ko sa iyong ina na magpadala ng mga sundalo sa oras na mabili ko ang mga telang kailangan niya. From what I heard that freaking fat bastard was a clever man, subalit nagkamali siya ng inakalang mauutakan niya ako, dahil mas tuso ako sa kaniya. Sigurado akong nahuli na ng mga gwardiya sibil ang matabang intsik na iyon."

Marahan siyang tumango. Hanggang ngayon ay namamangha pa din siya sa katalinuhan ng babae, naalala niya ang dating kasintahan, matalino din ito na isa sa maraming dahilan kung bakit niya ito minahal.

Subalit ang pinapamalas na katalinuhan ni Kallyra ay kamanghamangha, parang alam nito ang napakaraming bagay at hindi niya iyon gusto. Hindi niya gustong kaya nitong tumayo sa sariling mga paa, hindi niya gustong kayang-kaya nitong mabuhay mag-isa. Hindi niya talaga ito gusto.

"Narito na tayo." Anunsiyo ng binatang kutsero. Hinila nito ng marahan ang taling nakakabit sa katawan ng kabayo upang huminto ito, huminto naman ang malaking hayop. Ang nakangiti niyang ama at ina ang sumalubong sa kanila, naraoon din si Mariya.

Pinagmasdan ni Kallyra ang malaking bahay sa kaniyang harapan, wala itong tarangkahan, mayroong fountain sa harap at may mga anghel na rebulto sa paligid nito, maraming nga laglag na tuyong dahon sa pond na nasa loob.

She bet there are fishes inside too. Ang bahay ng mga ito ay tipikal na bahay kastila. Ang bubong ng bahay ay yari sa tisa, at ang dalawang malalaking bintana na nakaharap sa kalsada ay yari din sa mga balayan ng kabibeng maayos at artikulosong iniayos, maraming mga halaman sa paligid lalo na ang mga bulaklak, halos lumapat na ang ibat ibang kulay ng bougainvillea sa pagkakayukod nito maging ang mga gumamela ay mayroon din at iba-iba din ang kulay ng mga ito. Nakadaragdag iyon ng karakter ng bahay.

Natigil siya sa pagmamasid ng tawagin siya ng ina ni Lucas. Inihanda niya ang tipid na ngiti para dito. "Buenas tardes binibining Kallyra. ¿Qué tal estás?" Magandang tanghali binibining Kallyra, kamusta ka? "Kamusta ang biyahe niyo ng aking anak?" magiliw ang ngiti nito at magaan syang niyakap.

Pinatuloy siya ng mag-asawang De la Torre kasama ang anak nitong kanina pa niya napapansing tahimik. Hindi niya pinansin ang gulat sa mukha ng ama ni Lucas at ng dalagang kasama ng mga ito. Hula niya ay ipinagkamali din siyang kamukha ng babaeng kilala ng mga ito katulad ni Lucas at ni Donya Juliana.

Nahinto siya sa paghakbang pasunod sa mag-anak ng may humarang sa kaniya. "Si crees que puedes engañar a esta familia, estás equivocado. No porque Donya Juliana sea amable contigo, puedes hacer lo que quieras. No te dejaré."Kung iniisip mong maloloko mo ang pamilyang ito ay nagkakamali ka, hindi dahil sa mabait sayo si Donya Juliana ay magagawa mo ang gusto mo, hindi ko hahayaang malinlang mo sila, "Lalong-lalo na si Ginoong Lucas!"

Malamig at nagbabanta ang tinig ng babaeng humarang sa kaniya. Maganda ito at may maamong mukha, kayumanggi ang kulay ng makinis nitong balat.

Medyo may kaliitan at bahagya ng umabot sa kaniyang tenga. Matinis subalit marahan itong magsalita, nababasa niya sa mga mata nito ang disgusto sa kaniya, and again, this is not new to her, mas magugulat siya kung magiging napakabait sa kaniya ang mga dalagang nakikilala niya. Para siyang living allergy sa mga babaeng kaedad.

Mukha lang naman siyang bata, but she is 97 years old already. Na freeze lang ang kaniyang pagtanda dahil sa gamot. But anyway they don't know that.

"Goodluck to that Mariya." She gave her a small smile that did not reach her eyes, umiwas siya dito at nagpatuloy sa pagsunod kay na Lucas. Sa loob ay iginiya siya ng Ginang sa komedor. Merong mahabang mesa na may nakasaping tela na may mga burdang bulaklak na pare-pareho and disenyo. Sa ibabaw ay may nakapatong ng mga kubyertos.

May dalawang payat na kandila sa kahabaan ng mesa nakalagay ito sa makintab na tansong lalagyan. May mga matataas na porcelain vases sa magkabilang kahoy na dingding na sa tingin niya ay magkakahalaga ng milyon sa hinaharap kung mapipreserve ng tama. May mga nakatanim na halamang may malalaking dahon doon.

"Entre per favor... Siéntese." Tumuloy ka at maupo. Muling paanyaya ng ginang ng mapansing huminto siya sa pinto. Magalang siyang naupo habang patuloy na nagmamasid sa paligid, namamangha, She felt like she entered in a brandnew aristocratic mansion but had an antique design. "İBuen provecho!." Kumain kang mabuti. She heard the kind woman said, she just nodded her head and smiled a little.

Sa pinakasulok ng komedor ay mayroong maliit na mesa, it looks like a coffee table, mayroon din itong lace covered cloth at mayroong magarang gaserang bubog na nakapatong sa ibabaw.

Sa gilid ay may malaking bintanang katulad ng nasa harapan ng kanilang bahay, pumapasok doon ang liwanag ng araw at saktong tumatama sa maliit na mesa. Mayroon ding nakapatong na libro na sa tingin niya ay bibliya.

Nakaupo na silang lahat at nagsimulang kumain, hindi niya kilala ang mga putahe subalit masasarap lahat. Panay ang papuri ng Ginang sa kaniyang ginawa. "Mabuti at sinunod ko ang iyong kahilingang magpadala ng mga gwardiya sibil sa oras na makarating kayo sa pagitan ng Maynila at Batanggas.

Noong una ay nagdalawang isip ako sapagkat hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo ng mga gwardiya sibil sa pagbili ng kalakal. At ipinagpasalamat kong nagtiwala ako sa huli hiniling ko din kay Serio na ipadala ang kaniyang mga tauhan, kung hindi ay hindi ko na alam ang nangyari sa inyo.

Mabuti na lamang at naroon ang aking anak at nailigtas ka bago pa man dumating ang mga gwardiya sibil." Napangiti siya sa huling sinabi ng ginang.

"Malakas talaga ang anak ko kaya tiwala akong nagawa ka niyang ipagtanggol sa mga kalalakihang iyon, aba'y wala naman silang panama sa aking anak. Balita ko sa mga gwardiya sibil na pinadala ng aking asawa na halos nakatumba ng lahat ang mga mamamatay-taong iyon at labis nilang pinapurihan ang anak ng alkalde mayor, hindi ba?" bumaling pa ito sa padre de pamilya at humihingi ng pag-sangayon. Tumango naman ito at malaki ang ngiti sa labi at halata sa mata ang pagmamalaki sa anak.

Parang nakikita niya ang hitsura ni Lucas pag-tumanda ito. Kahawig na kahawig ng ama, sa tindig nito ay halatang isa itong kagalang-galang. Mestiso at maputi ng namumulang balat, itim na itim ang buhok at makakapal ang kilay.

Ang pagkakaiba lamang ay medyo maitim ang labi nito marahil ay dahil sa pagkahilig nito sa tabako. Naalala niya ang matandang nagpatuloy sa kaniya, madalas itong naninigarilyo ng tabako kaya umitim ang labi.

Sinulyapan niya ang tahimik na binata, kinagat niya ng mariin ang kaniyang pang-ibabang labi upang pigilan ang ngiti. Sa tingin niya ay galit ito.

Nalapatan na ng gamot ang malaking pasa nito sa pisngi. Hindi niya na napigilang ngumisi, pulang-pula ito, napakalaking lalaki ay lampa, isang suntok lamang ay tulog na at nahimbing pa.

She wanted to tease him but he looks like he was not in a good mood. Sa huling sulyap niya ay nahuli siya nito at agad ding umiwas ng tingin. Napatagal ang titig niya dito dahil sa inakto nito, ng may maramdamang may nakatitig din sa kaniya ay hinanap niya iyon ng kaniyang mata, tumama ang paningin niya sa matatalim na mata ni Mariya.

Tinaasan niya ito ng kilay, widthraw your claws lady, I'm not your enemy at hindi mo ako gugustohing kaaway. Parang nabasa nito ang kaniyang iniisip at naiilang na umiwas ng tingin at parang hindi alam kung saan ibabaling ang mga mata.

Sa tingin niya ay hindi pa din kumukupas ang talent niya, she can still make anyone squirmed under her scrutinizing eyes.

Nang matapos silang mananghalian ay nagkwentuhan sila ukol sa nangyari sa matabang itsik, bukas ay kakausapin niya ito, mayroon siyang plano para dito at kailangan din nilang magkita ni Diego.

Kailangan niyang masigurong magtatagumpay ang kaniyang plano sa loob lamang ng isang buwan. Mabilis na natapos ng mga tagasilbi ang laliligpit ng kanilang mga kinainan. At naghain ng umuusok na kape, matapos ang ilang sandali ay nagpaalam ang dalawang matanda upang magsiyesta.

Naiwan silang tatlo, si Lucas siya at si Mariya.

Patamad siyang nakasandal sa kaniyang kahoy na upuang sa hula niya ay yari sa nara, mataas ang sandalan nito at lagpas sa kaniyang ulo. Humigop siya ng kape at nakiramdam sa dalawa.

"Ang sabi ni Ina ay mayroon ka raw na kailangan sa akin kaya ka narito at naghintay sa aking pagbalik Mariya." Si Lucas ang bumasag ng katahimikan, napako ang tingin niya sa dalagang tinukoy.

Mayroon itong munting ngiti sa labi at tila nahihiyang sabihin ang pakay.

"Hindi naman masyadong mahalaga, maghahandog ako ng awitin para sa kaarawan ng Gobernador Heneral at magpapatulong ako Ginoo kung iyong mamarapatin." Masayang imporma nito, namula naman ang binata. "Nais ko ring hilinging tayong dalawa ang aawit, tiyak matutuwa si ama at ang iyong ama, higit sa lahat ay ang Gobernador Heneral."

"Puedo cantar, pero no tan bien." Marunong lamang akong umawit, hindi ako magaling. Kumakamot sa batok na wika nito.

"Huwag ka nang mahiya Ginoo, dapat ipagyabang mo ang iyong husay sa pag-awit, dapat malaman ng buong Pilipinas kung gaano ka kahusay, panahon na para iparinig mo sa iba ang maganda mong boses hindi lang sa amin ni Katrina." Binunggo pa nito ng pabiro ang siko na binata gamit ang sariling siko, magkatabi ito ng upuan at siya naman ay nasa harap ng dalawa.

"Mariya.." marahan nitong saway pero halatang nagpipigil ng ngiti sa kakulitan ng kaibigan.

"Dapat mo akong ipagluto ng paborito kung bilo-bilo dahil pinupuri at pinagyayabang kita."

Noong isang araw lamang ay dinalhan kita ng bilo-bilong niluto ni ina, ang takaw mo talaga Mariya para kang hindi binibini." Ang natatawang biro ni Lucas sa dalaga, humaba naman ang nguso ng huli at mahinang hinampas ang binata sa braso.