webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · 若者
レビュー数が足りません
62 Chs

37

Lolo's Back

Riri

Nakaupo ako ngayon nag-iisip ng mga bagay na makakapagpatatag saakin iniisip ko pa lang kung paano kami nito kung walang susuporta saamin?

Pero kung ang iba nga ay namulat ng walang magulang kami pa kaya?Pagsubok lang ito kakayanin to ng pamilya ko at hahanap ako ng paraan para makaalis sila mama,papa at ate liza ruon

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko yun at may isang text na nakapagpalakas ng loob ko

'I'm back apo.'

Laking tuwa ko dahil uuwi si lolo para tulungan kami sa problema ko at marami rin akong tanong sa kanya na alam ko nasa siya lang ang makakasagot ng mga katanungang hanggang ngayon gumuhulo saakin

Matapos ng naging usapan naming dalawa kahapon ay agad siyang nagsabi ng uuwi siya rito dahil nasa States raw ito

Nakaraan

"Please lolo help me!"

Walang sumagot ng una kong sinabi iyon parang walang sumasagot sa kabilang linya kaya tiningnan ko iyong phone pero on-going pa siya wala lang sumasagot

"Hello?"nang sinabi ko iyon ay may tumikhim sa kabilang linya kaya nagulat ako roon akala wala ng sasagot sa tawag ko

"Who's this?"isang pagka-bossy ang boses ng nasa kabila at may katandaan rin sa boses nito kinagat ko ang labi ko dahil kinakabahan ako siya na lang ang pag-asa ko ngayon

"Kyryll Barcelona."impit na sabi ko hindi ko na alam kong anong gagawin ko kung sakaling di kami matulungan ng lolo ko wala kaming pambayad sa magaling na abogado

"Oh!?Kyryll!"gulat ang narinig ko sa kabilang linya di ko alam pero parang kilalang-kilala niya ako base lang sa boses nito sa telepono

"Tulungan mo po kami."di na ako nag-atubiling sabihin iyon sa kanya ayaw kong patagalin pa kung di niya ako matutulungan ay hahanap ako ng ibang paraan

"Ano bang nangyare apo?Sinabi na pala saiyo ni Lourdes?"sa unang pagkakataon saya at galak ang nararamdaman ko ng tawagin niya ako na "apo"

"Si mama,papa,at ang ate ko po ay nadiin sa isang kasalanang di nila ginawa lolo!Tulungan mo po ako pakiusap."nagmamakawa kong sabi rito

"Okay sige tutulungan kita apo!Mamaya ay agad akong babalik jan sa Pilipinas mukhang may nangyayareng di maganda at sigurado akong may kinalaman ang pamilya na iyon!Magtetext na lamang ako saiyo apo kung nakabalik na ako."agad na pinatay ni lolo ang tawag unti-unti akong nakahinga ng maluwag ngayon

Ngayon naiisip ko na mawawala ang sinasabi sa kanila at sana lang talaga di umabot sa korte pero mumhang imposible iyon dahil mayaman ang sinasabing napatay

Duon pa lang nakakapangbaba na ng loob.Naisip ko ang isang taong makakatulong din saakin kaya agad akong tumayo at lumabas

"EMAN!!!"isang sigaw ang narinig ko mula sa labas kaya agad akong lumabas at nakita ko namang nasa pintuan si Kuya Eman para pagbuksan ng pinto ang sumisigaw

Pagkabukas ng pinto ay sumalubong si Kuya Arnesto na hinihingal ngayon at nakahawak pa ito sa pader

"Oh anong meron?Kung makasigaw ay parang may nangyayareng masama!"inis na sambit ng kuya tumingin sa kanya si Kuya Arnesto

"Nagbigay ng Abiso ang pulis na magkakaroon daw ng hearing tungkol sa kaso ng mga magulang mo at ang kapatid mo."nagulat kaming lahat sa binalita ni kuya arnesto

Ito na nga bang sinasabi ko ang gantong pangyayare ngayon nasa Korte na ang kaso namin abogado ang kailangan namin ngayon!

"Ngayon mabuti pa Eman humanap ka na ng Abogado mo!"ani ni kuya ernesto at umalis na kita ko ang pag-iyak ni chichay kaya dinaluhan ko ito at hinagod ang kanyang likod para tumahan

"Saan tayo hahanap kuya?"tanong ni kuya lucs dito at si kuya naman ay tulala lamang sa mga nangyayare ngayon sana dumating na kaagad si Lolo

Katapusan

Tangahali na at kumakain na kami ng tanghalian ng dumating ang dalawa kong kaibigan na

"Riri!"sigaw ng mga ito uminom muna ako ng tubig bago ako sumagot at kapwa ito umiiyak ngumiti ako sa kanila

"Tara kain."yaya ko dito umiling ito at mabilis na nagpunta saakin para yakapin ako

"Hoy ano ba!Kumakain kami nagda-drama pa kayo!"ani ko at mas lalo lamang ako nitong niyakap hayshh mga kaibigan ko talaga

"May sasabihin rin kami sainyo eh."pinunasan nila ang luha nila at tumingin saaming lahat kapwa kami lahat ay tigil hininga dahil baka masamang balita ito

"Nagbigay ng abiso ang korte sisimulan raw ang hearing kinabukasan alas-tres ng hapon.Kaya maghanda na daw sana kayo."ani ni Elaine

Napabuntong hininga ako ngayong wala pa kaming abogadong magtatanggol saamin laban sa mga taong nagdiin kila mama

"Mauna na kami Riri ah!Pumunta ka sa bahay kung kailangan mo kami."ngumiti ako sa kanila at umalis na sila

"Kuya eman."sambit ko at tumango naman ito

"Magtiwala kayo!Makakaalis din sila mama di natin hahayaan na sila ang magbayad ng kasalanan ng iba."tumango kami

Ngayon ang oras na makakapunta na si Lolo dito nakatingin ako sa bintanan para tingnan kung dadating na ba si Lolo.Humikab ako at tumingin sa labas at isang kotse na black ang nakaparada na may kasama pang ibang kotse sa likod

Nanlaki ang mata ko at agad na bumaba nakita ko ang mga kapatid ko na nasa labas nakatingin dito.Lumabas ako at bumaba ang isang medyo may katandaan pero mukhang nasa 60's palang ito

Nakita kong tiningnan niya kami isa-isa at tumingin ito saaking direksyon at ngumiti naman ako isang matamis na ngiti rin ang sinalubong nito saakin kaya agad akong tumakbo para yakapin ito

Siya na lang sa mga Legazpi ang nag-iisa kong kamag-anak

"Oww may grand daugther."natutuwang sabi nito at tumingala ako sa kanya at ngumiti ito saakin

"RIRI!Lolo?"tanong ni ate maria saakin nagwika ako na sa loob na lamang mag-usap inalalayan ko si Lolo na pumasok sa bahay

Pagkarating namin sa sala ay naupo ito sa isang sofa samatala ang mga kapatid ko naman ay nasa iisang sofa nagsisiksikan mabuti na lamang at tulog na ang matanda saamin

Pumunta ako ng kusina para kunan ng tubig ang lolo ko.Pagkarating ko roon ay naupo ako sa tabi ni Lolo habang iniinom naman ng matanda ang tubig na binigay ko

"Salamat apo."tumango ako at nakita ko ang mga kapatid ko na nagtataka at naguguluhan pa rin sa mga nangyayare

"Magpapaliwanag ako."lahat sila ay napunta saakin ang tingin pakiramdam ko tuloy nasa Boy Abunda Show ako

"Ani ba yang tingin niyo!"inis na sabi ko at tiningnan sila kung kanino kaya ay nakakunot ang noo ngayon nakataas na ang kilay hay nako nasa palabas ba ako?

Bakit ganto ang mga tao ngayon?

Tumikhim ako bago magsalita at humugot ng lakas na sana ay mapaliwanag ko ang lahat dahil natitiyak kong tanong dito tanong everywhere yan Yan ang Pamilya Barcelona!

"Nung dumalaw kami nila Ate Maria nagtapat saakin sila mama at papa.Yun nga na di nila ako tunay na anak na isa lamang akong ampon.Pinagkatiwala sa kanila para maprotektahan."tumingin ako kay Lolo at tumango naman ito

"Legazpi,Legazpi ang tunay kong apelyedo."saad ko at nakita ko ang lungkot sa mga mata ni chichay

"Pero pwede ko pa naman ikaw maging ate hindi ba?"tanong nito at tumango naman ako at narinig ko ang pagsabi nito ng "Yehey"

"Pero ano bang naging puno't dulo kung bakit ka napunta dito?"tanong ni Kuya Lucs saakin tumingin ako kay lolo at nakikinig lamang ito pinagpatuloy ko ang kwento

"Maraming inggit sa pamilya Legazpi.Namatay daw ang ama ng Pamilya Vazauez na si Mr.Reynold Vazauez at dinidiin nito ang pamilya Legazpi na walang kasalanan.Natalo rin sa pustahan aang pamilya nito kaya mas lalong nagalit ang pamilya nila sa pamilya namin."

"Kinulong at pinahirapan daw ang ama ko.Gustuhin mang lumaban ni Lolo pero wala buntis ang ina ko saakin kaya minabuti nilang di muna umatake.Hanggang sa isinilang ako at binigay kila Mama Lourdes para protektahan.Marami raw ang may gakit saakin pero di sinabi ni Mama kung bakit.Namatay ang mama ko dahil sa sakit iyon na lamang ang maikukwento ko."ani ko at napatango-tango naman sila

"So sasama ka sa lolo mo?"tanong ni ate maria saakin umiling lamang ako hangga't hindi na napapawalang sala sila mama di ako aalis

"Hindi nandito si Lolo para tulungan tayo."

"Walang galang na ho ah!Ngunit ano bang pangalan ninyo."tanong ni Kuya Eman dito aat nguniti naman si Lolo at tumingin sa kanila

"Ako si Don Miguel Legazpi."pormal na sabi nito at ngayon ko lang nalaman ang pangalan nito di ko na naitanong kung anong pangalan nito kila mama

"So ano pong plano?"tanong ni kuya lucs kinuha nito ang kanyang sigarilyo at sinindihan nagulat naman ako mukha nga talaga don naninigarilyo pa kahit matanda na tsk..!

"May nakuha na akong abogado.Magaling ito kumuha na rin ako ng detectives para mas magkaroon ng linaw ang lahat sa ngayon parating na rin ang abogado na magtatanggol sa inyo."napahinga naman ako ng maluwag at niyakap si Don Miguel

"Thank you po."niyakap rin niya ako pabalik

"Panahon na para magbayad sila sa mga kasalanang nagawa nila."

Ilang oras lang ang dumating na ang hinihintay namin dumating na kasi ang abogadong sinasabi ni Lolo

"Magandang gabi Don Miguel!"pagbati nito at umupo naman sa isang upuan at nilapag nito ang kanyang brief case

"Sa inyo rin,Pamilya Barcelona."tumango naman ang mga kapatid ko."Sa ngayon kukunin ko ang testemony niyo at ang mga magulang nimyo

Kinuha na nga nito ang mga salaysay namin.Ilang oras din ang naging pag-uusap namin para duon sa ngayon nagkakaroon kami ng tyansa na mapawalang sala sila Mama

"Kinabukasan na ang hearing dapat maaga pa.lang nandun na ako sa Prisinto para kunin ang testemony ng pamilya niyo duon."tumango naman kami at umalis na ito tumikhim naman si Lolo saamin

"Mga apo."tawag nito saaming lahat kaya napatingin naman kami sa kanya

"Ang kapatid ng apo ko ay apo ko na rin kaya ngayon magsi-alsa balutan na kayo lilipat tayo ng bahay delikado na kayo rito bilisan ninyo."agad namang tumungo ang lahat sa kanya-kanyang kwarto pero naiwan si Kuya eman

"Don Miguel pupwede ba naming isama ang lolo namin pati si Lola?"tumango naman agad si Lolo habang si kuya naman ay nagpasalamat

Umakyat na rin ako para kunin ang gamit ko.Nakita ko ang phone ko na nag-vibrate at may text nila Ivy tinawagan ko ito.Sinabi ko ang mga nangyare at nagulat naman ito

"Ano!?"saad nilang dalawa

"Oo maya na tayo mag-usap tatawagan ko kayo pag nandun na kami okay!?"umo-o naman ang dalawa at pinatay ko na ang tawag at bumaba na

Pagkababa ko ay saktong nakalabas na rin pala sila Lolo at Lola.Nagsimula na kaming umalis na bahay sinigurado naman ni Kuya Eman at Ate Maria na nakalock ang lahat ultimo ang kwarto namin

Sa huling sandali nakita ko ang pagpatay ng ilaw ng bahay namin.....