webnovel

CHAPTER 3

——(KEYRIEA'S POV)——

Habang naglalakad kami ay may napapansin nanaman akong kakaiba, this time ay para itong Isang babae base sa haba ng buhok nito, nasa likod ito ng malaking punong parang balete sa laki, nakasilip lamang ang katawan nito.

Ano nanaman ito!!.

Ng biglang.....

Ng biglang ngumiti ito saakin ng napakalawak titig na titig ito, halos mapunit ang bibig nito sa paraan ng pagngiti nito. Parang pamilyar ito hah!. Parang kamukha nito ang babae dun sa bayan, yung biglang nawala, kumaway ito sa akin habang ang bibig nito ay nagdurugo na, kaya napa-atras ako sa takot, nilingon ko ang mga kasama ko'ng tahimik na naglalakad at binalik ang tingin sa babae.

Ngunit napagitlag ako ng makitang wala na ito roon, sino iyon? Nagmamalikmata nanaman ba ako!!.

"Azul bilisan mo nga ang paglalakad, dahil may pag-uusapan tayo." Seryosong anas sakin ni Ashlire. Kaya napalingon ako sa kanya at nakitang may kaunting agwat nanaman ang layo ko sa kanila, napakalutang kona talaga!.

"S-sige." Utal kong tugon at naglakad na ng mabilis, marami natalagang nangyayaring kababalaghan, hindi kona kaya pang harapin ito.

(FAST FORWARD)

Nasa ilalim kami ngayun ng malaking puno, nakaupo ako ngayun sa malaking ugat ng puno, pati narin ang tatlo. Kanina ko pa napapansin ang bahagyang pagiging tahimik ng mga ito, dagdag pa ang napakaseryosong ekspresyon nila. Anong nangyayari?.

Walang imik akong naka-upo habang pinapakiramdaman sila.

"Ehem." Pag-aagaw pansing tikhim ni Warren kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya.

"Ano ang pag-uusapan natin Ashlire?." Pauna kong tanong, habang nakayuko.

"About what happened to Selara." Sagot nito kaya napa-angat ang ulo ko at tiningnan ito, napapansin ko nanaman ang sakit sa mga mata nito kaya napabaling sa ibang dereksyon ang mga mata ko, ayaw ko siyang tingnan, naduduwag ako.

"Who did pulled Selara beneath the water?." Seryosong tanong nito.

Napakurap naman ako sa tanong nito. Sino ngaba? Hindi rin naman ako sigurado kong yung silhouette ba na iyon ang humila kay Selara o baka may iba pang nilalang na nakatira na talaga sa tubig na iyon ang humila rito.

"It was a dark entity who pulled Selara. I saw it with my naked eye when I swim deeper, I tried to pull its hand but to no avail it seems like a shadow, it's a big mystery for me the moment that shadow let go it's grip from Selara's feet, when I can't even touch it." Mahabang paliwanag ni Kennyth, I can't disagree with him, dahil siya ang nagligtas kay Selara.

But wait, so ang silhouette na iyon ang humila kay Selara, but why? Ano ba talagang klaseng halimaw iyon! Sino iyon?.

"Do you know something about it Azul!." Makahulugang tanong ni Ashlire, kaya napakunot naman ang noo ko rito. May alam nga ba talaga ako? Bukod sa nakita ko iyong tumalon sa tubig?. Sapat na bagay naba iyon?.

"Wala akong alam patungkol riyan, kahit ako ay nabigla ng biglang sumigaw si Selara." I said, diko maintindihan kong ano ba ang lumabas sa bibig ko, basta hindi ko sinabi sa kanila ang nakita ko. I'm being cautious here.

"Eh bakit napansin kitang biglang natigilan habang nakatingin sa likoran namin? Nong hindi pa nangyari iyon kay Selara? Nagtaka nga ako bakit naging ganon nalamang ang reaksyon mo, parang may napansin ka kasing kung anong bagay sa likoran namin!." Mahabang sambit nito at matalas akong tiningnan, kaya bigla nalamang nanlamig ang sistema ko. Wala akong masabi parang nalunok ko ata ang sarili kong dila.

"Bakit natahimik ka?." Anas nito sa inis. Wala nakong kawala!. Napabuntong hininga na muna ako bago napagdesisyonan sabihin sa kanila ang patungkol sa silhouette na iyon.

"Hindi ako sigurado rito, ngunit tama ka bigla akong natigilan ng may napansin akong maitim na silhouette sa likoran ninyo sa malaking bato nakatayo ito, ngunit ilang segundong nakalipas ay bigla itong tumalon sa tubig, kaya napatayo nako sa gulat, pero ang mas ikinakagulat ko roon ay ang biglang pagsigaw ni Selara na parang may humihila rito, yun lamang ang napansin ko!." Mahaba kong paliwanag rito.

"You saw it first yet you didn't warn us?." Hindi makapaniwalang singhal ni Warren sa akin, kaya napayuko na lamang ako. Tama siya, kung sinabi kona sana agad sa kanila ang nakita ko, edi sana buhay pa si Selara, napakatanga ko!.

"Hindi ko alam! Hindi ko alam na mangyayari iyon akala ko ay tatakas ito dahil sa nakita ko ito, pero hindi pala, balak niya palang pumatay!." Tugon ko naman rito.

"Unbelievable." Ashlire.

"Alam ko apaka tanga ko, napakaduwag, kung sana sinabi ko agad iyon sa Inyo, sana, sana buhay pa si Selara pero napakaduwag ko!." Matinding pagsisisi kong sambit at napahikbi nalamang.

"Is that all?." Malamig na tanong ni Kennyth, mahina naman akong tumango bilang tugon rito.

"Blaming each other wouldn't help us, we should find a way para maka-alis sa bundok na ito." Dagdag ni Kennyth.

"But how? Can't you see the mountain is getting wider, it seems like forever kapag maglalakad tayo sa iisang dereksyon." Anas ni Warren.

"That's why we should find a way to get out of here, we should explore this forest and find a clue on how to get out of this hell!." Malamig na sambit ni Kennyth.

"What can you say Azul?." Tanong nito.

"I don't know if makakalabas paba tayo ng buhay rito, once you enter this mountain it seems like there's no turning back! We're now on the belly of this devil." Mahina kong saad, ramdam na ramdam ko na hindi na kami makakalabas pa rito. Wala nang pag-asa!.

"Have faith Azul, Hindi dapat natin pag-uusapan ang hindi pa tapos, look at us we're still alive it only means, may pag-asa pa tayong maka-alis sa empyernong ito." Saad ni Ashlire at tumayo na.

"I think it's the right time for you all to know everything about this mountain." Mahina ngunit seryoso kong sambit, kaya napakunot naman ang kanilang noo sa pagtataka.

"About this mountain?." Takang anas ni Warren.

"Yes."

"Ilang dekada na ang lumipas ay isa pa itong malaparaisong bundok maraming hayop at mga taong naninirahan rito, ngunit isang gabi ng biglang dumating ang isang babaeng buntis sa bundok na ito ay doon nagsimula ang nakakalisang na pangyayari. Ang babae ay nanganak ng isang lalaking sanggol ngunit ang akala nilang sanggol ay isa palang maitim na halimaw, ng maisilang ang halimaw na ito ay yun rin ang pagkamatay ng babae, nagsimula ang sigawan at patayan sa oras mismo ng pagkamatay ng babae, ang batang halimaw na ito ay pinatay ang lahat ng tao sa bayan." Pagkukuwento ko.

"Hindi lang riyan nagtatapos ang lahat, bawat hayop o taong napapadaan sa bundok na ito ay hindi na nakaka-alis ng buhay, tinawag ng ibang tao ang bundok na ito ng "Devil's mountain" o "teras vouno" lahat ng pumapasok rito ay wala nang pag-asang makakalabas pa rito, yun ang kwento ng Lolo ko sa akin noon, ngunit ang nakakapagtaka ay isa si Lolo sa mga taong sumubok na pumasok sa bundok na ito, at ang tanging nag-iisa ring taong nakalabas ng buhay." Dagdag ko pa. Habang napapansin ko ang taimtim na pakikinig nila sakin.

"tama ba ang pagkakadinig ko?, Nakalabas ang Lolo mo rito ng buhay?." Paninigurado ni Warren, tumango naman ako rito.

"Edi ibig sabihin nito ay may posibilidad paring makakalabas tayo ng buhay rito, kagaya ng Lolo mo." Nakangiting sambit ni Warren at nababakas rito ang muling pagsibol ng pag-asa.

Yun ang akala ninyo, ang paglabas sa bundok na ito ay may naka-ugat na kapalit.

"Kung ganon ay dapat tayong humanap ng paraan para makalabas rito." Ashlire.

Napansin ko naman ang matalim na titig ni Kennyth sa akin kaya napalingon ako rito.

"Bakit ganyan ka makatingin Kennyth?." Taka kong tanong.

"May kulang pa ata sa sinabi mong kwento!" Malamig nitong sambit.

"Wala, Wala na, sinabi kona ang lahat ng alam ko Kennyth!." Anas ko rito.

"Is that so? How did your grandfather escape?" Tanong nito na nagbigay ng matinding panlalamig sa katawan ko, ngunit hindi ko ito pinahalata at tinitigan ito ng mahinahon.

"Hindi ko alam kong paano nakatakas si Lolo, Wala siyang sinabing paraan o kung ano na pwede nating gawin upang makatakas, ang kinuwento niya sa akin ay patungkol lamang sa history at ang pagiging nag-iisang nakatakas sa lagim na iyon, yun lang ang alam ko!." Mahaba kong sagot at paliwanag rito.

Sinungaling!

Demonyo ang kalaban kaya hindi ka basta-basta makakalabas sa lugar na ito. May kalakip na kapalit ang gustong makalabas sa empyernong ito!.

"I see!." Anas nito ngunit nahihimigan kong hindi ito naniniwala sakin.

"Guyz pls stop it, Diba Azul sinabi mong may nakatira rito noon? So ibig sabihin non may mga bahay rito? Tama ba?." Biglang sabat ni Ashlire. Tumango naman ako bilang tugon rito. Tama siya may posibilidad na may mga bahay rito, bahay ng mga taong nakatira rito noon.

"Kung ganon ay kailangan nating mahanap ang kabahayan baka sakali ay makahanap tayo ng paraan o baka may mapakinabangan tayo roon." Sambit naman ni Warren.

"Yeah, I think we should go left wing, I have the INSTINCT that there is something there!." Kennyth. Napantig naman ako sa sinabi nitong INSTINCT, alam kong isa sa ugali nito ay ang pagiging mapagmatyag, never nagkakamali ang instinct nito, at baka ito ang ginamit niya kaya ako nadiin nito kanina. Dapat talaga akong mag-iingat sakanya.

——(THIRD PERSON'S POV)——

Habang naglalakad ang apat ay, palinga-linga naman sa paligid si Azul na para bang may nararamdamang hindi tama sa daang kanilang tinatahak ngayun, habang ang binatang si Kennyth ay napapansin rin ang hindi mapakaling dalaga habang patuloy parin ang palinga-linga nito sa paligid kaya bahagyang napakakunot ang noo nito sa pagtataka.

"Weird!." Anas ng binata. At itinoon na ang atensyon sa paglalakad.

Papalapit na sila ng papalapit sa kabahayan rito sa bundok, mas lalong nababahala ang pakiramdam ng dalaga.

"Parang may naaaninag na akong Kubo sa malayo oh!." Masayang sambit ng dalagang si Ashlire habang nakaturo sa iisang dereksyon nasa gilid ito.

"Tama kanga talaga Kennyth, nandito ang kabahayan." Nakangiting anas naman ni Warren at tinapik ang balikat nito. Napa-iling na lamang ang binata sa inasta ng kaibigan.

"Bilisan na natin guyz." Saad ni Ashlire at binilisan ang paglalakad nito, ganon rin ang ginawa ng tatlo.

Nang makarating sila sa mumunting kabahayang abandonado ay nalula sila sa nakita, sira-sira at napakaraming mga damo at baging sa paligid nito, halatang napaglumaan na ng panahon.

"Ganito pala ang itsura ng lugar pag masyado nang luma!." Pailing-iling na sambit ni Ashlire habang nililibot ang paningin sa paligid.

"Mas mabuti pang suyurin natin ang paligid baka may mahanap tayong maaari nating magamit, at matuluyan narin pansamantala." Sambit ni Warren at nauna itong naglakad papasuk sa intrada ng lugar.

Habang tahimik na naglalakad at palinga-linga sa paligid ay, nararamdaman nanaman ni Azul ang mas matindi nang tensyon sa paligid, may napapansin na itong napakaraming mga matang sumusubaybay sa bawat galaw nila. Kaya't bahagyang tumutulo ang pawis nito hindi dahil sa init ng panahon kundi dahil sa takot na unti-unting bumabalot sa sistema nito.

"Ano nanaman ba ito!." Mahinang bulong sa sarili nito.

Habang naglalakad ay natoon ang atensyon nito sa isang bahay sa dikalayuan nag-iisa lamang ito at walang katabing ibang bahay, pero ang mas nakakatakot rito ay nakita nanaman nito ang babaeng kanina lang ay kumakaway rito. Ngayun madilim na ang mga matang nakatingin sa kanya.

Hindi maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman ni Azul sa mga oras na ito, tila'y galit na galit sakanya ang babae kaya mas lalong namawis ito sa takot.

"What are you staring at? You look scared?." Mahinang bulong sa kanya ni Kennyth, dahil sa takot ay hindi nito naramdaman ang bahagyang paglapit ng lalaki sa kanya.

"N-nothing." Utal na tugon nito.

"Don't lie!, I know you saw something what is it!?." Madilim na ang ekspresyon nitong tanong sa babae. Napabuntong hininga naman ito sa tinuran ng lalaki.

"Kennyth atin-atin lang to hah! Kanina kopa kasi napapansin ang babaeng iyon!." Mahinang bulong ng babae sabay turo sa dereksyon kong saan nito nakita ang babae. Lumingon naman roon ang lalaki at napakunot ng noo sa pagtataka, dahil wala namang tao sa tinuro ng babae.

"There's no one there." Mahinang sambit nito. Nang lingonin uli ni Azul ang bahay ay wala na ang babae roon kaya napagitlag ito sa gulat.

"But I saw her there!, kanina lang madilim ang ekspresyon nito tila'y galit na galit ito." Pagpapaliwanag pa nito.

"I see, I think that woman you saw is one of our possible enemy!." Mahinang bulong ni Kennyth, tumango naman si Azul bilang tugon rito.

"Ano ang pinag-uusapan niyong dalawa? At bulong ng bulong kayo riyan!." Biglang sambat ni Ashlire, umiling lamang ang dalawa rito.

"Nothing, don't mind us!, we're just talking about where can we take shelter here!." Pagdadahilan ng binata.

"If that so, sa lahat ng bahay na nakita ko ay yung nasa malayu ang maayus pa tingnan." Saad ni Warren sabay turo sa isang bahay sa dikalayuan. Nawindang naman si Azul sa bahay na tinuro ng kaibigan, sapagkat doon nakita nito ang babae.

"I think we should find other place." Sabat ni Kennyth nang mapansing biglang namutla ang mukha ni Azul.

"Why? Can't you see, wasak-wasak na ang mga bahay, delikado pa dahil napakaraming baging baka sakmalin tayo ng ahas kapag nagkataon, kaya doon na lamang tayo." Paliwanag naman ni Ashlire. Tututol sana ang dalawa ngunit wala na silang mairason pa sapagkat tama naman siya, sira-sira na halos lahat ng bahay at parang hindi na dapat pang tirhan.

"O-ok sige." Mahinang pagsang-ayon no Azul sa dalawa.

"Are you sure?." Tanong ni Kennyth sa dalaga, mahina namang tumango ito. Kaya napabuga na lamang ito ng hangin at hinayaan na.

(FAST FORWARD)

Nasa loob na ng maliit na bahay ang apat, kanya-kanya nilang inayos ang mga gamit at nilinis ng kaunti ang bahay.

Nang sumapit na ang gabi ay isang nakakabinging katahimikan ang sumakop sa paligid. Tahimik na kumakain ang apat sa harap ng maliit na ilaw ng lampara, nakita nila ito habang naglilinis kanina. Nang matapos silang kumain ay nagkanya-kanya na rin silang punta sa pwesto kong saan sila matutulog.

Nasa lapag na si Azul at pilit na natutulog, ngunit hindi ito makatulog buhat ng hindi malamang dahilan kaya napagpasyahan nitong lumabas na muna at magmunimuni upang madapuan ito ng antok.

Habang papalabas ay may naaaninag itong Isang pamilyar na babae sa labas, dahil sa mumunting liwanag ng buwan ay nakita nito kong sino ang babaeng nakatayo at nakaharap sa kanya.

"S-..."

次の章へ